The Virgin and the Playgirl (...

Von TheCommanderWobin

2.3M 41.1K 3.1K

Ano ang gagawin mo kung isang gabi ay di mo sinadyang kunin ang virginity ng babaeng hindi mo maisip na patul... Mehr

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
A/N (**MUST READ**)
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
FINAL CHAPTER
** BONUS CHAPTER **

Chapter 35

24.2K 464 45
Von TheCommanderWobin

Nagdadrive ako ngayon papunta kay Winona. It will be a long drive. Buti nalang at kasama ko si Gabrielle, atleast may nakakausap ako.

"Gi, ano nga pala plano mo ngayon? Aalis ka pa din ba?" Tanong niya.

"Honestly, hindi ko talaga alam." Nakasandal ang left arm ko sa window side habang hinihimas ang noo ko. Parang sasakit na kasi ulo ko sa kakaisip.

After almost 4 hours driving ay nakarating na kami. Pumasok ako ng bahay ni Winona.

Sumalubong sakin si Aries. "Ate Giselle?" Niyakap niya ako agad at umiyak.

"Tahan na Aries. Siguro kailangan na magpahinga ni Manang Fe." Hinihimas ko ang likod niya para ma at ease siya.

"Ang sakit Ate. Ang aga pa para mawala si Mama. Paano na kami."

Nakakaawa talaga mga kapatid ni Winona.

"Wag ka magalala Aries, andiyan naman si Ate Winona mo, pati si Kuya Winston mo. Hinding hindi ka nila pababayaan." Tumahan na siya. "Asan ang Ate mo? Naka uwi naba siya?"

Tiningnan ko ang paligid at may nag aayos na para sa burol, may mga iilan din na tao sa sala. I was guessing kamag anak nila 'to.

"Nasa funeraria pa po Ate kasama si Kuya Winston. Baka mamaya po ay andito na sila."

Naisip ko sanang puntahan dun si Winona pero ayoko naman iwan si Aries. Naka upo lang kami sa may kitchen ngayon at niyayakap ko lang siya, ayaw kasi tumigil umiyak. Si Gabrielle naman busy sa pakikipag usap sa bisita o kamag anak nila.

Pagdating ni Winona ay tumakbo naman si Aries at sinalubong ang mga kapatid nito. Napatayo lang ako sa kinaroroonan ko habang nakikita ko silang umiiyak. Pinwesto na kasi ang labi ni Manang Fe.

Niyakap ni Gabrielle si Winona habang umiiyak ito. Nilapitan ko naman si Aries na halos ayaw ng umalis sa pwesto ng kanyang ina.

Gustong gusto ko ng lapitan si Winona pero natatakot ako baka ipag takwil naman ako nito.

"Gi, bili muna tayo ng makakain para sa mga bisita nila, tsaka para makakain nadin sila Winona." Tumango na ako at umalis muna kami ni Gabrielle. Madami kaming binili para pang snacks at pagkain nila Winona.

Pagdating ay nilapitan ko si Aries. "Aries kain na muna kayo, may binili kami ni Ate Gabrielle mo, pwede mo bang ayain Ate Winona mo? Para makakain na kayo. Mukhang kanina pa kayo walang kain eh."

Buti nalang at kumain na sila magkakapatid. Gabi na ng nagsimulang magsidatingan ang mga tao. Nagsimula nadin ang novena.

12AM na ng hindi ko pa nakakausap si Winona, abala pa ito sa mga tao. Andito din pala si Roger, pero nung nakita ako ay tumambay muna sa labas.

"Winston, matulog na muna kayo ng kapatid mo. Kami na muna bahala dito magbantay ha?"

Habang umiinom ako ng kape ay di ko maiwasang tumitig kay Winona. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan. Namamaga ang kanyang mata at nagkakaroon na siya ng eyebags.

Si Gabrielle naman abala padin sa pakikipag usap. Kailan ba nawawalan ng kausap 'to? Kanina pa busyng busy. Pero pasalamat nalang ako dahil siya ginagawa kong mediator kung may sasabihin man ako kay Winona dahil siya lang kinausap nito at hindi ako.

Hay, sumulyap ka naman kahit saglit lab. Sobrang miss na kita at gusto kitang makausap.

5AM na at sobrang inaantok na ako. Buti nalang nagising na si Winston at Aries.

"Ate, kami naman magbabantay. Tulog na po muna kayo."

Tumango lang ako, tinapik ko si Gabrielle na parang nakatulog na din. Pumasok kami sa kwarto ni Aries at umidlip.

Umaga na ng umalis kami ulit ni Gabrielle para mamili ng kakainin ng mga bisita at mga kakailanganin. Palihim kasing tinanong ni Gab si Winona.

Kahit naman sa ganung paraan makatulong ako sa kanya. Pagkatapos mamili ay naabutan namin na panay bantay at asikaso padin ang magkapatid sa bisita.

Gabi na at novena na naman. Pangalawang araw na namin ni Gabrielle dito. Nasa labas ako ng may dumating na pamilyar na sasakyan. Lumabas si Ate at Kuya Raffy.

"Ate andito ka." Niyakap ko siya.

"Giselle asan si Winona?" Tinuro ko kung saan si Winona at agad naman niya itong pinuntahan.

Mga halos dalawang oras din ako sa labas, tapos nadin ang dasalan. Pumasok ako dahil gusto ko mag CR pero bumungad naman sakin ang nakapikit na si Winona at nakasandal pa kay Roger. Ang mokong naman gustong gusto ang ginawa ni Winona.

Dumiretso ako ng CR at sobrang inis halos suntukin ko na ang pader. Sobrang selos ang nararamdaman ko ngayon!

Pagbukas ko ng pinto ay gulat na gulat akong si Winona ang kaharap ko. Nagka titigan lang kami sandali.

"Mag CR sana ako." Sabi niya habang naka yuko. Lumabas ako at hinintay siya. Ng makalabas --

"Winona, pwede ba kitang makausap sandali lang?" Tumango ito at dinala ko siya sa kwarto niya. Nilock ko ang pinto.

Agad ko siyang niyakap. Sobrang pagkamiss ang naramdaman ko at binuhos ko ito sa isang yakap. Pero ni hindi manlang siya gumanti.

"Winona, sorry talaga." Yun lang lumabas sa bibig ko.

"Giselle, kung yan lang sasabihin mo lalabas nalang ako." Pinigilan ko agad siya.

"Alam kong mali ang timing ko pero kailangan ko na 'tong sabihin sayo dahil bukas na ang flight ko."

Huminga ako ng malalim.

"Mag aaral na ako sa--" Hindi ako natapos at nagsalita siya.

"Alam ko na yun. Na kwento sa akin ni Ate Steph dati pa."

Nagulat ako na alam niya.

"Pero Winona sabihin mo lang sakin magstay at hinding hindi ako aalis sa piling mo." Hinawakan ko ang kamay niya.

Pero kumiwalas din ito. "Giselle, umalis ka nalang. Mas gagaan ang pakiramdam ko kung wala ka dito."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko.

"A-ano ba pinagsasabi mo lab?"

"Ayoko na muna pag patuloy ang relasyon natin." Shit! Eto na nga ba sinasabi ko eh! Napahawak ako sa mukha ko.

"Sinasabi mo lang yan dahil sa mga nangyayari Winona."

"Humingi ako ng oras sayo para makapag isip isip. At -- at eto yung decision ko." Tumulo na yung luha ko. Hindi ko ito pinunasan, sa halip ay tiningnan ko si Winona.

"Sobrang minahal kita Winona. Nagbago ako para sayo, nag adjust ako para sayo. Lahat ng ano at meron ako dati iniwan ko para sayo." Humikbi na ako. Ang sakit talaga. Bakit kelangan ganito?

"Pero bakit kelangan mo akong iwan?"

Hindi na siya sumagot pa. Lord! Kunin niyo nalang din ako, ano pang silbi ko dito kung halos lahat lahat nalang kinukuha mo.

"Pasensya na Giselle pero hindi magbabago ang decision ko." Tumayo na ito at lumabas.

Ako? Naiwan dito sa kwarto mag isa. Yung luha ko halos hindi ma ubos ubos. Ng makuha kong macompose ang sarili ko ay lumabas na ako.

"Gi, gusto mo ng tubig?" Si Gabrielle. Nahahalata siguro niyang wala nako sa sarili. Kanina pa ako tingin ng tingin kay Winona.

"Gi, eto tubig oh." Inabot niya ang tubig at uminom ako ng konti. "Gi, sabi ni Ate Steph biyahe na daw tayo pauwi, may flight ka kasi ngayon." Tingnan mo pati oras di ko na namamalayan. Nagpaalam na ako sa mga kapatid ni Winona.

Walang wala na ako sa sarili ko kaya tumango lang ako kay Gabrielle at lumabas, hindi ko na din tiningnan si Winona. Bubuksan ko na sana ang kotse ko.

"Gabrielle! Mag ingat kayo at salamat."

Napatingin ako sa direction ni Winona. Wala na akong expression sa mukha. Ano pang gagawin ko? Magpa cute? Eh iniwan na nga ako eh. Tumingin si Winona sakin pero bago pa man niya ako mahuli tumingin ay binaling ko agad ito sa pintuan ng kotse.

"Tara Gi." Sabi ni Gabrielle.

Lumingon ulit ako kay Winona, nakatalikod na ito at inakbayan pa ng punyetang si Roger.

Siguro nga tama siya. Baka hindi ako magpapasaya sa kanya.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.2M 35.5K 52
Si Yuan Shane Dee ay ang bunsong anak ng isa maimpluwensyang negosyanteng tsinoy sa pilipinas. Isang matalino at daddy's girl si Yuan, sa edad na 18...
1M 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
437K 15.4K 92
"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng maga...
700K 15.3K 52
Bawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pin...