Let Me Be The One

By xcxlvxxllxx

5.5K 159 59

Friendship over love. Bestfriend before boyfriend. Sisters before misters. But what if both you and your best... More

Let Me Be The One
Chapter 1: Stick Together Forever
Chapter 2: Sorry progressive tayo ngayon
Chapter 3: Movie Night
Chapter 4: Lollipop and Mayree Cyniel Orteza
Chapter 5:This Is Your Fault
Chapter 6: Kate's Style (part1)
Chapter 7: Kate's Style (part 2)
Chapter 8: Kate's Style (Part 3)
Chapter 9: Kate's Style
Chapter 10: Wow chivalry isn't dead guys!
Chapter 11: Saan ba nakalagay yung gamot mo ah?
Chapter 12: Papa God mamamatay na ba ako?
Chapter 13: The Answer is still NO
Chapter 14: Baby I'm so lonely lonely lonely lonely (part 1)
Chapter 15: Baby I'm so loneely lonely lonely (Part II)
Christmas Special
Chapter 16: Sir Jacob?
Chapter 17: Why are you here?
Chapter 18: 10% chance of rain
Chapter 19: Miss de Guzman
Chapter 20: Don't touch me
Chapter 21: Nag iisa lang talaga ako
Chapter 22: Please pakisagot naman ako
Chapter 23: Make fun of me
Chapter 24: Baka mawrong turn kayo
Chapter 25: Kinikilig ka ba?
Chapter 26: Eh kasi naman ang cute ni Maffy eh
Chapter 27: Don't tell me
Chapter 28: Feeling ko pinagtaksilan ko sila
Chapter 29: Nag ingat ako
Chapter 30: Hindi video scandal, okay?
Chapter 31: True or False
Chapter 32: 6 roses
Chapter 33: Perfect Relationship
Chapter 34: Dahil kay Maf
Chapter 35: Crush mo ako eh!
Chapter 37: Baka nga
Chapter 38: Nakunsensya ba ako?
Chapter 39: Wala kang kawala sa akin
NOTICE

Chapter 36: Student ko noon

45 3 0
By xcxlvxxllxx

Chapter 36: Student ko noon

Christmas passed by normal.

Hindi ko na din talaga nakita si Jake. Hindi pa din siya umuwi kahit saglit lang. Kahit magpakita noong pasko, never.

Nagkita din kami nina May before and after Christmas. Pasyal lang sa mall and bonding bonding lang. Sinuot namin lahat yung regalo ni Charlotte nung first lakad namin. Pinagtitinginan lang kami, kasi pareparehas kami ng get up. And tbh, ang gaganda din ng aking friends.

I'm having fun kahit wala siya, which is a first, kasi never din talaga kaming nagkahiwalay ng ganito katagal dati. Kasi medyo shock din ako na for the past few days, nag eenjoy ako.

I'm not saying na over na ako kay Jake. Na nakamove on na ako, na hindi ko na siya mahal. Matagal pa yan mangyayari, unfortunately. Sabi nga nila, first love never dies. Kaya it would take me time to get over him.

"Nasaan na kayo?" sabi ko through my phone. Kausap ko sina May, magkakasama na silang apat at late ako sa usapan.

"Nandito kami sa second floor, sa loob ng Oxygen," sagot niya naman.

We decided to go to mall before we go back to class next monday. Kakatapos lang ng bagong taon, 2 days before. Nasabi ko na din pala sa kanila ang nangyari sa amin ni Jake. Nagulat sila, akala lang nila may misunderstanding lang kami ni Jake. Alam nilang may mali pero di nila inexpect na hiwalay na talaga kami.

And nandito kami sa mall ngayon para sabay sabay magpagupit. Yes, new look for new year daw. Idea po ni Amber yan, which umagree naman silang lahat kaya I have no choice kundi maki-oo na lang din.

"Sige, I'll be there in 5 minutes. Kakapasok ko lang ng mall eh," I informed them. Nalate ako kasi honestly, nakalimutan ko yung lakad namin. Haha kung di lang ako tinext ni May, di ako makakapunta.

"Dalian mo bes, may papable dito! Mas papable pa din si Maffy, pero you know," kilig nyang chismis. Napatawa na lang ako. Ang bakla lang minsan ng words niya. Napapaisip tuloy ako minsan kung babae ba talaga siya.

"Okayyy, nandito na ako sa escalator."

"Ay, bes. May jowa na pala. Kaso hipon," panglalait niya. Narinig ko naman yung tawanan nina Amber at ang pagshh ni Pres sa kanila.

"Grabe ka bes, inggit ka lang kasi pogi boyfriend nya eh."

"Mas pogi pa din si Maffy ko, so no thanks."

"May 'ko' talaga? Dito na pala ako," sabi ko then binaba na ang call at pumasok sa shop. Nakita ko sina May kaya lumapit ako agad.

"Ayun bes oh," sabay nguso sa magboyfriend sa kabilang part ng store. Tinignan ko na lang kahit di ako interested.

Well, gwapo nga yung lalaki, pero hindi naman hipon yung girl. Exagge lang magdescribe tong si May. Maganda naman siya actually, kaso makakapit lang kay guy eh. Akala mo aagawin sa kanya. Binakuran nya na nga eh.

Naglibot muna kami saglit bago kumain ng lunch. Mamaya after na lang daw manood ng sine kami magpapaparlor. Sila na nagplano nyan, sumusunod na lang ako.

Nagfood court na lang kami dahil iba iba gusto namin. Cheat day daw kasi nila kaya susulitin nila. Though, share share na lang din daw kami sa foods para variety. May inihaw na baboy at bangus, sisig, pizza, bibimbap, at  carbonara. Tapos for drinks, lemonade kaming lahat.

Naubos naming lahat, kasi nga cheat day, at nagdecide na gawin namin to monthly. Sabay sabay na lang daw cheat day namin. Friendship goals daw. Haha

Then, katulad ng nasa plan, nanood kami sa sinehan. Hindi ko alam bakit lagi after ko magcine, super gulo ng buhok ko. Kaya tama lang na after cine kami magpaparlor.

Hindi kami pareparehas ng gupit. Ako, naglakas loob akong paiklian ng sobra. *ehem* Nagmumove on kasi. (Nasa mm yung haircut ni Berry)

Ofcourse, di nawala ang groufie namin at post agad sa fb.

Hindi na kami nagtalo sa kakainan ng dinner, kung ano na lang malapit sa salon kami pumunta. And restaurant ito kaya di na namin need pumila sa cashier at kung ano man.

Habang hinihintay namin dumating yung inorder namin, nagdaldalan sila. Ako naman, nakatingin lang ako sa labas ng restaurant, tinitignan ang mga taong dumadaan.

"Uy, look si hipon oh!" Pagturo ni May doon sa babaeng nakita namin sa may Oxygen.

Medyo malayo pa siya. Yung hallway kasi na nilalakaran nila ay perpendicular dito sa restaurant namin. Naglalakad sila papunta sa amin, at siguro liliko paparallel dito sa restau.

"Natandaan mo pa ah?" comment ni Rachel.

"Papable kasi yung kasama niya eh, kaya tinandaan ko talaga yung face nung babae. Para alam ko sinong makakaaway ko kapag akin na si papable," lokang sabi ni May.

"Pero wait, parang hindi si papable kasama niya," pagpuna ni Charlotte.

Napatingin ako dun sa lalaking kaholding hands niya. Ang sweet sweet nila. At oo nga, iba na yata ang kasama niya. Nakacap tong lalaki at iba ang suot. Ofcourse, hindi naman dahil iba na ang suot, hindi na siya yun. Iba din kasi talaga yung posture tsaka yung katawan. Yung lalaki ngayon, mas matangkad sa kasama ni girl kanina.

Nang nakalapit na sila dito, hindi ako nakahinga. Hindi ko din maalis ang tingin ko sa kanila. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Mayree yung kamay ko.

"Bes..." "Berry..." sasabay sabay nilang sabi.

Nung natauhan ako, agad akong lumabas ng restaurant para habulin sila. Narinig kong sinisigaw ni May yung pangalan ko, pero di ako lumingon. Kailangan ko silang maabutan. Kailangan ko siya.

"Jake," sabi ko nung nasa likod na nila ako. Napatigil naman sila at lumingon lang ang babae na nakacling na ngayon sa braso ni Jake.

"Kilala mo siya hon?" tanong ng babae.

"Oo, student ko noon."

Ouch. Student noon? Hindi man lang childhood friend? Student lang talaga?

"Oh hi! Magaling ba magturo tong honey ko?" tanong niya gamit ang matinis niyang boses. Nakakarindi.

"Pwede ko bang makausap si.... Sir?" alam kong narinig nila ang pakikiusap sa boses ko. Kahit na magmukha akong kawawa, wala akong pakialam, basta makausap ko lang si Jake.

"Bes!" sabi ni May sabay hatak sa akin. "Balik na tayo doon." Pilit niya pa akong hatakin pero nagmatigas ako at hindi nagpahila.

"May, kailangan ko to. Please," pagmamakaawa ko ng mahina dito. Binitawan niya naman ako at binigyan ng tingin na 'last na dapat yan' kasi nga, nagpromise kami sa isa't isa na iiwan na ang masasamang alala sa nakaraang taon. Dapat newly improve self na ngayon.

"Ahm.. Titingin lang ako sa mga stores, honey. Call me if done na kayo," sabi ng hipon at umalis pagkatapos kumiss kay Jake. Bumalik na din sa restau si May noong sinabi kong 10 mins lang to.

Pumunta kami sa parking lot ng floor kung nasaan ko kami nagkita. Para na din tahimik at kakaunti ang tao.

"Kailan pa kayo?" tanong ko agad.

"First week of December," walang alinlangan niyang sagot.

"Ah, habang tayo pa pala..."

Hindi ko na alam sasabihin ko. Hindi rin siya nagsalita.

Masakit na kaya niyang gawin sa akin iyon. Masakit na ngang nakipaghiwalay siya ng walang dahilan tapos umalis eh. Ngayon naman, kaya pala siya nakipaghiwalay dahil may iba na.

Habang kami pa...

"Why?"

"I don't deserve to be kept hidden."

"That's it?" May ineexpect akong mas malalim pang reason, because I know that we have that deep connection na hindi masisira lamang ng pagiging tago ng relationship namin.

Wala siyang sinagot. Nag init ulo ko, all this time na mabaliw ako kakaisip ng dahilan bakit siya na fell out of love, yun lang?

"Ang selfish mo naman Jake. You don't deserve? So ako? Deserve kong lokohin at iwan ng ganun ganun na lang? From the start, alam mo namang may limits ang relationship natin. Konting time na lang naman eh, pwede mo ng ipagsigawan na girlfriend mo ako. Para sayo din naman yun eh. Bakit ha? I know hindi lang yun ang dahilan? Ano pa jake?"

Hindi pa din siya nagsalita. Yung mukha niya, walang emotion. Ako naman, hindi umiiyak. Nakakagulat nga eh, naubos na din pala.

"Ano pa bang pagkukulang ko?"

"Wala."

"But why?" Nabalik nanaman ako sa tanong ko na yan.

"She makes me feel alive." Naramdaman ko ang sobrang sakit ng puso ko pero hindi pa din ako makaiyak.

"So, you're saying that I don't?"

Another silence.

Napasigh ako.

"Masakit, Jake, mahal na mahal kita eh. Akala ko okay lang na mahal natin ang isa't isa. Na wala na tayong hihilingin pa, kasi we got each other. Hindi ko alam na, hindi na pala enough ang love. Na hindi na pala enough ang love ko para sayo. Sana maranasan mo maloko gaya ng ginawa mo sa akin. Masama na kung masama, pero deserve mo yun," sabi ko ng puno ng inis.

"And I just want to say, I don't deserve someone as selfish as you!" Then, umalis na ako.

Without shedding a tear.

And sana, kapag nalaman niyang niloloko lang siya ng 'honey' niya, wag siyang magtangkang bumalik sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
377K 10.6K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...