Chapter 21: Nag iisa lang talaga ako

79 4 1
                                    

Chapter 21: Nag iisa lang talaga ako


Berry's POV


Naglalakad na ako sa subdivision namin. Super bagal ng lakad ko, para akong nagshushoot
ng music video sa bagal.


I don't mind kung anong isipin ng mga tao sa paligid ko. Iintindihin ko na lang muna ang sarili ko, medyo nahihilo nga ako eh.


Pero kailangan kong tiisin to. Di ako matatahimik kapag di pa kami nakapag ayos ni Jake ngayon. Kaya nagmadali na akong maglakad. Kailangan kong makapunta kay Jake ngayon din.


Tanaw ko na yung bahay namin ng makaramdam ako ng matinding hilo. Sumakit din bigla yung ulo ko. Pero hindi ako nagpatigil dahil dun. Nagpatuloy pa din ako sa paglalakad.


Nakita kong may nakatayo sa harap ng bahay namin. Hindi ko lang makilala kung sino dala na din sa pagkahilo ko.


Si Jake ba siya? Bumubuka yung bibig niya kaso hindi ko marinig o maintindihan yung sinasabi niya.


Konting konti na lang maaabutan ko na siya ng bigla akong nagblack out.


"Berry!" pagsigaw niya pero hindi ko pa din makilala kung sino.


Naririnig ko sila pero hindi ko madilat ang mata ko. Parang may kung anong pumipigil sa mata ko para dumilat. Parang ang bigat bigat katulad din ng katawan ko.


Nabugbog ba ako? Nasagasaan? Parang ganyan kasi ang pakiramdam ko.


"Ano pong nangyari sa kanya?" may nagtanong. Oo nga, ano bang nangyari sa akin?


"Kinakausap ko lang siya kanina kaso parang hindi niya ako naririnig tapos bigla na lang siyang nahimatay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya dinala ko na lang siya agad dito," sabi nung lalaki. Wait, kaboses niya si Maf. Akala ko si Jake yung lalaki kanina. Bakit hindi siya?


"Base sa itsura niya ngayon, mukhang kulang siya sa tulog at mukhang hindi rin siya kumakain. Namumutla siya at ang payat niya tignan, kaano ano mo itong pasyente?"


"Classmate ko po. Pumunta lang ako sa kanila dahil may itatanong ako," sabi niya.


"Buti na lang at sakto ang dating mo. Hindi naman ganun kalala ang nangyari sa kanya pero pwedeng humantong sa iba kung hindi naagapan. Tawagan mo ang mga magulang niya para malaman nila ang nangyari sa anak niya, mauna na muna ako," sabi ng lalaking kausap niya.


Nung narinig kong sumara ang pintuan, naramdaman kong may humaplos ng buhok ko.


"Ano bang nangyayari sayo Lollipop?" sabi niya at ginamit niya pa ang ginawa niyang nickname para sa akin. Yung tono boses niya parang may iba. Hindi ko maexplain pero hindi ko pa naririnig sa kanya yun noon.


Kahit anong pilit ko talaga dumilat hindi ko kaya. Gusto kong icomfort si Maf sa dahilang hindi ko alam. Basta yung boses niya kasi.


Maya maya narinig kong may kausap siya kaso wala naman sumasagot. Baka may kausap sa phone.


Trinay kong igalaw ang kamay ko at successful naman ako dito. Inunti unti kong imulat ang mata ko hanggang sa nagbukas na ito. Nasilaw ako sa liwanag. Kaya inudjust ko muna ang mata ko sa liwanag. Puro puti ang nakikita ko, nasa hospital pala ako.


"Ma-f," mahinang sabi ko. Feeling ko 45 years akong hindi nakapagsalita. Ang sakit sa lalamunan, na parang tuyong tuyo ito.


Napalingon naman siya at nakahinga ng maluwag. Lumapit agad siya sa akin. "Ayos ka na ba Berry?" bakas ang pag alala sa mukha niya.


Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now