Chapter 39: Wala kang kawala sa akin

54 1 0
                                    

Chapter 39: Wala kang kawala sa akin

Ever since nung start ng classes this year, madalas na kaming kumain kapag tapos ng class ni Maf. Naging routine na namin yun eh. Pero di naman laging libre ni Maf. Kawawa naman siya if ganung set up kami.

"Pupunta ka ng prom?" tanong ni Maf.

Bale, February na kasi ngayon. Ang bilis lang ng panahon, lalo na kapag single ka hehe nakamove on na ako kay Jake kahit papaano. Naging abala din kasi ako eh kaya ayun, nadivert yung isip ko. Di ko na din siya masyadong naiisip, nakadagdag din na di ko na siya nakikita.

Yung prom pala namin, laging before ng valentine's day. Ang corny nga eh, pero tradition na daw ng school namin, tapos may event kinabukasan ng prom.

"Of course, pupunta ako."

"Tinatanong kasi ako if gusto ko daw bang magcotillion eh," sagot niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong connect nung kung pupunta ako?" Napakaweird talaga nitong Maf na to

"Ewan ko sayo. Nagshare lang naman ako," asar na sabi niya.

"Napakarandom mo, iorder mo na lang ako ng dalawang serving ng siomai hehe," request ko. Nandito kami sa chinese restaurant. Ito ang cravings namin for today eh.

"Napakatakaw mo, alam mo yun?" reklamo niya. Siya kasi magbabayad eh

"Crush mo pa din naman." Ganyan na kami mag asaran hehe siya naman nagstart nyan eh

Napa-heh na lang siya sa akin bago tawagin yung waiter at sinabi ang extra order namin.

"Di ka na kakasya sa gown mo nyan eh."

"Wala pa akong gown kaya okay lang na kumain ako ng madami," sagot ko. True naman, nag aalangan din kasi ako kung pupunta ako or nah

"Baliw nito, next week na kaya yung prom hello," pagpapaalala niya.

"Okay lang yun, di pa nga sila nagpapractice ng pangcotillion eh."

"Bukas magpapractice na kaya. Kailangan pa ba kitang samahan bumili ng gown mo? Napakapabaya mo talaga."

OA naman nito ni Maf. Akala mo naman siya hindi ganun. Umaatake nanaman pagiging nanay niya hahaha

Di ko siya pinansin at kumain na lang.

"Ipapalista kita sa cotillion ha," sabi niya kaya napatingin agad ako sa kanya.

"NO!!" oa kong pagtanggi. Natawa naman kaming dalawa sa reaction ko.

Nagkakasundo kami nito ni Maf dahil sa kabaliwan namin eh.

"Mas lalo ko tuloy gustong ipalista ka hehe," pang aasar niya. Pero i know naman na di niya gagawin yun eh. Takot niya lang sa akin

"Kfly," sabi ko and tinapos na pagkain ko. Tinawag niya naman yung waiter para sa bill at nagbayad na after.

"Daan tayong mall para tumingin ng gown boutiques," paginform niya sa akin. Tumango na lang ako dahil kakaladkarin niya ako paghumindi ako.

------------------

"One-two, three-four," sabi ng instructor namin para sa cotillion.

Yes, namin, dahil ang walang hiyang kapartner ko ngayon, na nakangiti ng malaki, ang nagsali sa akin. Tapos ako, nakapokerface lang.

Medyo tumatawa pa nga tong epal na partner ko. Tuwang tuwa talaga siya. Tignan natin sa prom, di talaga ako pupunta.

"Berry, makinig ka nga kay ma'am, lagot ka baka ipaulit sayo yung tinuturo niya nako," pang aasar ni Maf. Bakit ba siya pa naging partner ko?

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now