Chapter 14: Baby I'm so lonely lonely lonely lonely (part 1)

92 5 0
                                    

Chapter 14: Baby, I'm so lonely, lonely, lonely, lonely (part 1)


After two weeks xD



Berry's POV


Next week na. Yiiiiiiiie. Excited na ako ^___________^


Alam nyo kung ano mayroon next week?


Periodical. lol joke lang. Sino bang matutuwang next week na ang perio? Hahahaha pero eto seryoso na. First monthsary na namin ni Jake.


Ano kayang magandang gift?


Colonge?


Bracelet?


Singsing?


Bag?


Shirt?


Shoes?


Cellphone?


Laptop?



Kotse?


Bahay at lupa?


Omg hahaha sorry na excited lang talaga ako. Kay May ko na lang itatanong, baka may maisip siya.


"May---" sabi ko ng ininterrupt ni Maf.


"Baliw ka talaga eh ano? She's absent remember? Puro daydream kasi kaya di napansin!" pang iinis nya.


"Hoy hindi ah. Nawala lang sa isip ko saglit. Tsaka di ako nagdedaydream no! Nakikinig kaya ako sa klase!" pagyayabang ko.


"Oh sige nga, anong pinag aralan natin ngayon sa class na to?"


Hmmm alam ko chem kami ngayon eh. "Syempre stoichiometry!" proud kong sabi.


Tumawa siya bigla. "Loko loko ka talaga. Lunch na po natin at saka 3hrs na pong tapos ang chem natin. Tsk," sabi niya. Nashock naman ako! Tumingin ako sa paligid at oo nga, konti na lang ang tao sa room. Yung mga nagbabaon kong classmates na lang ang natira.


"Well stoichiometry naman talaga tayo kanina sa chem," pampalubag loob nyang sabi.


"Atleast for two hours nakikinig talaga ako."


Tawa naman ulit siya. Tuwang tuwa to sa akin ah! Pero ang cute niya tignan. Ayyyy joke hindi pala "Pangit mo tumawa," sinabi ko na lang.


"Atleast pagtumatawa lang pangit, eh ikaw?" pang aasar niya.


"Aba't loko to ah-- *gruuu*" tunog ng nagrarally kong tyan yan. Hahahaha kahiya gutom na ako.


"Wala kang food? Tara samahan kita sa canteen, gutom na rin ako." pagyaya niya sa akin. Wow si Maf ba ituuu? Why so bait?


"Sige na nga. Wala akong choice, wala akong kasabay eh." kunwaring pilit akong pumayag.


Pumunta kaming canteen. Mej madami ng tao kasi nga lunch time na pero mayroon pa ding vacant tables para sa amin.


"Sige upo ka na dyan, I'll buy na lang for you," with a smile. Gosh feel ko may gagawing kabalastugan to eh! Magreready na ako.


"Sige." tipid na sabi ko.


Umalis na siya at pumila pero pinapauna siya ng mga babaeng nakapila. Wow dami talagang fans niyang lalaking yan. Gwapo DAW kasi eh. Lahat talaga gagawin nila para mapansin sila ni Maf eh!


Pero kahit na pinauna na siya, ang tagal niya pa din


Naalala ko tuloy yung kanta ng 2ne1. Baby, I'm so lonely, lonely, lonely, lonely. Yan ang background music ko ngayon. Awwwwww i feel so lonely talaga. Busy si Jake, absent si May, gutom na gutom na ako at nastuck ako kay Maf na mapang asar.


Bibihira lang kaya umabsent yung si Mayree. Sayang daw kasi yung baon niya tsaka gusto niya laging makita si Maf. You know her, obssesed kay Maf. Kaya nagtataka ako why siya absent.


Dumating na si Maf with foodS. With s yan kasi super dami ng binili niya. Kaya niya bang ubusin yan? Pero infairness lahat ng gusto ko nabili niya. Stalker ko talaga to eh!


"Pigging out?" tanong ko.


"For you lahat yan, baka kasi magreklamo nanaman tyan mo eh."


Namula naman ako sa hiya. Ipaalala nanaman ba yun. "Di kasi ako nakapagbreakfast eh!" reason out ko.


"Sus dont explain yourself. Alam naman natin ang totoo," pangbibwisit niya.


Namumula naman ako ngayon sa galit. "Hindi ako matakaw no!"


"k."


Arggg. Kainis talaga to. Bahala siya, gutom na ako. Di na ako makikipagtalo dahil di siya nagpapatalo. This guy really know how to annoy me.


"Oh look at you. Di pala matakaw ha?"


"I'm just hungry. Wag mo na ako istorbohin, kumain ka na din." utos ko. Bakit ba? Boss ako eh. Hahahaha jk


"I'm not in the mood to eat."


Eh?


"Bakit nagcanteen ka pa? Tsaka pumila ka dun just for me lang?" takang tanong ko. Sure akong no ang sagot dun pero anong reason niya.


Waitttt! Chineck ko yung forehead niya kung mainit and tama ang hinala ko guys. He's sick! Hahahaha mabait si Maf pagmaysakit!!!!!


"Why di mo sinabi na you're not feeling well?" alalang tanong ko. Kahit naman lagi niya akong inaaway concern pa din ako sa kanya.


"Nako, wala lang yan. Continue eating na." with pokerface


"No. Tara na dalhin kita sa clinic. Baka lumala pa yan. Kunsensya ko pa," sabay hila sa kamay niya.


"Sayang yung food. I can manage pa naman eh. Tsaka wala lang to. Go on lang. You're hungry di ba?" tigas talaga ng ulo nito oh kahit na may sakit na.


"I'll pay you na lang. Tsaka nakakain nanaman na ako. Tara na, stop being maarte!" tapos kinaladkad ko na siya haha joke lang. Pumayag na rin siya tsaka ko dinala sa clinic. Pero syempre pinabalot ko na muna yung food. Sayang eh bigay ko na lang sa street children mamaya.


Pagkadating namin sa clinic ininterogate ka agad kami nung nurse doon about kay Maf tapos pinahiga na siya sa isang bed dun. Kinuha yung temp niya and nasa 39° siya. Omg!!! Pinainom siya ng gamot and pinapagpahinga na.


"Uy Maf papasok na ako sa class ah. Kaya mo na ba dyan?"


May sinabi siya pero di ko masyadong narinig. "Ha?"


"Wala," pabalang niyang sabi.


"Hoy ano nga sabi mo! Di ko narinig eh!" asar kong sabi.


"Ms. De Guzman wag mong sigawan ang pasyente. Let him take a rest. Susko mga kabataan ngayon." sabay labas sa kwarto nung nurse. Btw may rooms sa loob ng clinic para naman may privacy. lol


"Kasi naman to eh! Ano ba kasi yun? Dali na di kita titigilan." pangkukulit ko.


"Oo na eto na, wag kang shdirjdndn." di ko naintindihan yung last word.


"Ano?"


"Sabi ko wag kang umalis!" mejo pasigaw niyang sabi. "Samahan mo ako dito." mahina at parang nahihiya na niyang sinabi pa.


OMG!!!


/////////////////////

Super late update. Jujuju sana magustuhan niyo! :) Bakit ang cute ni Maffyyy? Medyo pabitin lang eh. Hahahaha magiistay ba si Berry o hindi? Abangan

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now