Chapter 8: Kate's Style (Part 3)

117 3 0
                                    

Chapter 8: Kate's Style(Part 3)


Berry's POV


Lalo na dito..


WEEK 2 NI KATE


Dahil Saturday ngayon, naisipan naming pumunta ng Enchanted Kingdom. Di pa kami makakapunta doon eh. Si May nakaisip na doon na kami pumunta kaya unfortunately kasama siya.


YEHEEEEY! Excited na ako. Balita ko masaya daw dun eh. Kasama din si Kuya sapilitan pa yun. Super busy siya eh. Malay ko kung saan, ang layo pa nga ng exams namin eh. Baka may girlfriend? HINDI PWEDE YUN! Ako lang dapat. ^______^


Maaga kaming umalis, malayo daw biyahe eh. Nakatulog na din ako sa kotse. Nagising na lang ako ng nakarating na kami sa EK. Pagtayo ko, ARAY! Ang sakit ng pwetan ko. Tagal naming nakaupo. AHUHUHU.


Kahit na masakit, pagkalabas namin picture picture agad kami.


"Walang KJ KJ ngayon, sasakay tayo sa lahat ng rides okay?" sabi ni Mayree. Tumango na lang kami. Inuna na namin yung carousel. Ba't ba isip bata kami eh!


Maya maya,patindi na ng patindi yung sinasakyan namin mga rides.Mawawalan kami ng boses nito eh. Sigaw kami ng sigaw eh! Pasalamat na lang ako at hindi ako nagsusuka at may fear of heights. Sunod sunod pa yung rides namin. Buti nga't walang masyadong tao ngayon dito. Maiikli lang mga pila.


Para kaming mga bata dito, walang kapaguran. Di maalis yung ngiti sa mukha namin. Ang saya pala talaga dito. Makabalik nga!


Ang cute cute ni Kuya ngayon. Bumata yung itsura niya dahil sa ngiti niya. It's priceless. Handa akong ibigay ang lahat para lang makita ulit yun. Good thing talaga yung pagvacation ni Kate dito. Ngayon ko lang nakita tong ngiti ni kuya eh. Young and careless. Kapag tinitignan mo siya ngayon di mo din maiiwasang mapangiti.


Halos matry na namin lahat ng rides dito. Huminto lang kami for lunch and dinner break pati na din pala picture break. Hahaha. XD Pati mga booths dito di namin pinalampas. Trinay din namin.



Around quarter to 9, nagkayayaan kaming magferris wheel. Medyo mahaba yung pila kasi maganda daw sumakay dito paggabi na. Mataas yung ferris wheel nila dito, kita mo yung buong EK. After ilang mins turn na namin sumakay.



Una akong sumakay, syempre excited eh! Tapos nashock na lang ako ng pinagtulakan nila si Kuya Jake papasok. Nung nakapasok na si Kuya, ngumiti ng nakakaloko sina Kate at Mayree at nagbabye.



"Enjoy!" sabi nila tas umalis na.



"Hey! Saan kayo pupunta? Bumalik kayo dito!" sigaw ni Kuya pero di siya pinansin ng dalawa. Umandar na yung ferris wheel.



"Pinagtitripan nila tayo kuya!" pagsusumbong ko sa kanya. "Si Mayree may pakana nito. I'm sure of it!" dagdag kong padabog.



Nakita niya naman akong nakasimangot. "Wag ka na ngang sumimangot dyan. Parang ayaw mo naman na akong makasama eh. Smile ka na. Look outside oh, see that?" sabi niya sabay hatak sa akin papunta sa tabi niya. Tinuro niya yung city lights gamit yung isang kamay niya tas yung isa nakaakbay sa akin. Uyyy, chansing si Kuya! Lol.


Tinignan ko na yung labas. WOW! ^O^ Ang gandaaaa~ Kita from here yung lahat! Yung city lights ang cool. Ang taas taas namin, parang langgam na yung mga tao sa baba. Cutee~



Nung marating na namin yung pinakatuktok biglang nagfireworks.


"Wow! Ang ganda Kuya!" amazed na amazed kong sabi. *O*


Biglang naisip ko, beautiful view, fireworks, kami lang ang nandito. Romantic moment! Napatingin ako kay Kuya, nakatingin na siya sa akin. Naglean down siya sa akin tas pumikit. Ako naman nanigas lang sa kinakaupuan ko. O///////////O Ohmy, kinikiss niya ako! Pumikit na din ako. Feeling the moment eh. Choos!


After ilang seconds, I felt his lips move. I was shock at first pero nung nakabawi na ako nagrespond na ako.Mas malakas pa sa fireworks yung tibok ng puso ko. Everything felt right. Di na namin pansin ang paligid. Siguro ganun kami for 35 or 40 seconds? Pagkahiwalay namin parehas kaming out of breathe. WOOOH!


"Right on time. Ang ganda talaga," sabi ni Kuya na parang walang nangyari pero nakangiti pa din siya. Ako dito pulang pula naman pero nakangiti na din. YIIIIIIIIIE! Kinikilig ako. Pinanood ko na lang din yung fireworks.


Paalala niyo na ililibre ko sina May ha? Minsan may magandang naiisip din pala yung babaeng yun. Pagkatapos ngmin sa ferris wheel parehas kami ni Kuya na di matanggal ang ngiti sa mukha. Kyaaaa~ kilig much!


"EHEM! May masaya dito oh. Ano kayang nangyari kanina Kate?" pagpaparinig ni May. Namula naman ako dun tas tumawa yung dalawa. Magkakampi na sila!


Tinignan ko si Kuya, aba't nakangiti pa din. Mukhang tanga ha, pero gwapo pa din. ^______^


"I'll treat you guys ice cream, come." sabi ni Kuya. Nagningning naman ang mata nung dalawa. Parehas pala nilang favorite ang ice cream. Kaya magkasundo na agad tong dalawang ito eh.


"Is that your thank you treat?" tanong ni Kate. Nginitian lang siya ni Kuya.


After naming mag ice cream, yep binilhan din ako hahaha, bumili din kami ng souvenirs then headed home. So pagod. lol so conyo.


Unang hinatid of course si Mayree tas umuwi na kami. Pagkapark ng kotse madaling bumaba si Kate. agad agad siyang pumasok sa bahay nila. Pagod na pagod na siguro, ang likot likot niyan kanina eh.


Hinatid na ako ni Kuya sa bahay. Wow no, magkapitbahay lang kami hinahatid pa.


"Goodnight Kuya," sabi ko tas papasok na sana ako ng bahay kung di lang ako pinigilan ni kuya.


"Hephep! Wala ba akong good night kiss?" sabi niya. Nanlaki naman yung mata ko. Loko talaga tong si Kuya! Tumawa siya at sinabing, "Joke lang. Sige, goodnight and sweetdreams."


Bago siya makabalik, mabilis ko siyang kiniss sa pisngi niya tas sabay tumakbo na akong papasok sa bahay. ^//////////^ nakakahiya. HUUUU! Ang saya ngayon! Kakilig pa. Next time ko na ililibre si Kate and May. ^_____^v

Let Me Be The OneNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ