Chapter 37: Baka nga

30 3 0
                                    

Chapter 37: Baka nga

This is it!

Ngayon decided na talaga akong makamove on. Gagawin ko talaga ang lahat. Now that alam ko na ang dahilan niya. And by what I saw, masaya siya doon sa babae.

It's just that, hindi lang si Jake enough para doon sa isa. Katulad ng hindi ako enough sa kanya.

Di ko na sinabi directly na yun ang situation kay Jake. Bahala na siyang malaman yun by himself. Tsaka baka isipin niya na I'm saying that para balikan niya ako.

Pero di pa din talaga ako makapaniwala na magagawa niya sa akin yun. Syempre, kilala ko siya since bata pa lang kami. I know, hindi siya yung type na magchicheat sa relationship. Or do I just not know him too well?

Hay, wag ko na nga siya isipin.

So yeah, bale first day of school this year na. Maaga akong pumasok ngayon which is usual.

And as expected, wala pang gaanong students sa campus. Wala pa din sina May, well, ako pa lang din nandito sa room namin.

So di bale, nilibang ko na lang sarili ko. After mga 5 mins may dumating na classmate ko. Di ko naman pinansin na kasi nagbibusy busyhan ako, di rin naman ako kinausap.

Ang tahimik lang sa room namin, wala ka ibang maririnig kundi yung ugong from the aircon lang. Kaya I decided na maghum na lang. Para kahit paaano may ibang tunog naman, nakakabaliw din kasi yung katahimikan eh.

"Berry," tawag ni classmate.

Actually si Maf yun, di pa siya umupo sa harapan ko na seat nya. Di lang ako sure kung okay kami kasi nga di maayos yung pakikitungo nya sa akin nung Christmas party namin. So di ko na lang din siya kinibo nung pumasok siya.

"Hi," mahinang bati ko.

Then, di na ulit kami nagusap.

Maya maya, narinig kong tumayo siya dahil naurong yung upuan . Napatingin ako sa kanya dahil dun. Naglakad siya papunta sa akin, siguro uupo na siya sa upuan nya.

"Kamusta?"

Di agad ako nakasagot kasi di ko rin alam.

"Uhm.. okay lang, I guess."


"Ahh," sagot nya lang tapos tahimik nanaman. Bakit ang awkward namin? Walang bangayan at asaran?


"Bagay sayo new haircut mo," pagcompliment niya. Napangiti naman ako, siya ang first na pumuri sa hair ko aside from my friends eh.


"I know," mayabang na pag agree ko. Natawa naman kami kaya feel kong okay na kami.


"Naniwala ka naman sa akin?" Tapos tawa siya ng malakas. Bully talaga to.


"Sus, ayaw mo pang aminin na nagandahan ka sa akin." Di ako masyadong pikon today kaya nakikiride ako sa kanya.


"H-huh? Asa ka naman. Ang pangit mo nga eh, kaya ka iniwan ng bf mo eh." Biglang natahimik naman ako dun. Tapos tawa siya ulit before marealize nya sinabi niya. Below the belt eh. Masakit.


"Baka nga." Napatawa naman ako ng mapakla.


Nagbago naman expression niya, kita mo sa mukha niyang nagiguilty siya sa sinabi niya. "Di ko naman.....meant yun."


"Okay lang," sabi ko tapos ngiti ng pilit. Di ako naiiyak, nasaktan lang. Kahit pabiro nya lang sinabi yun, nainsecure ako ng sobra. Na baka kaya niya ako nagawang ipagpalit dahil ang pangit ko. Na di ako bagay sa kanya.


Di ko naman naramdaman yung insecurity na iyon kasi alam ko namang di nagbebase si Jake sa physical features ng tao. Ngayong pinoint out lang ni Maf kaya kung anu ano tuloy naiisip ko about dun.


"Berry..." apologetic na pagtawag niya. "Sorry talaga, super insensitive ako. Sampalin mo na lang ako or suntukin or kung ano man para makaganti ka sa akin, please. Ayaw kitang nakikitang ganyan."


Nawala naman agad sa isip ko yung negative thoughts. "Please?" Pinagdikit niya pa yung kamay niya na parang nagpepray tapos nakasmile ng kaunti. Nagbeautiful eyes pa siya kaya napangiti ako. Pero naisip kong di ako dapat madaan sa paganyan ganyan lang kaya nakaisip ako ng kalokohan.


"Hmm parang ayaw kitang patawarin, medyo hurt pa ako sa sinabi mo," sabi ko ng kunwari galit, titignan ko lang reaction nya.


Nagulat naman siya sa sinabi ko.


"Hala, sorry na talaga Berry. Sampalin mo na ako ng kahit dalawa o tatlong beses di ako gaganti, please bati na tayo?" pagmamakaawa niya. Seriously natatawa na ako sa kanya pero kunwari galit pa din.


"Tapos inisnob mo pa pala ako nung Christmas Party, di ko ba alam bakit pa kita kinakausap."



Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harap ko. Buti na lang kaming dalawa pa lang din dito, kundi issue na to.


"Sorry na talaga!! Ano ba magagawa ko para maging okay tayo?" sabi niya ng nakaluhod pa din.


"Hoy tumayo ka na dyan, baka may dumating na classmate natin mag isip pa ng kung ano," sabi ko.


"Hindi ako tatayo dito hangga't di tayo okay," firm na sabi niya.


"Sino bang may kasalanan sa ating dalawa?" tanong ko. "Ako?" patanong na sagot niya kasi nalito siya sa tanong ko. "So sino ba dapat masusunod?" Mataray kong tanong.


No choice naman siya at umalis na sa pagkakaluhod. "Di pa din tayo okay," sabi ko nung nakaupo na siya. Di na siya nagsalita pa after nun at lungkot na lungkot siya.


Naguilty naman ako. Feel ko over na yung ginagawa ko.


"Parang gusto ko ng strawberry banana smoothie tapos bff fries, bacon cheeseburger at carbonara after classes kaso wala akong pera" pagpaparinig ko sa isa. Joke lang naman na wala akong pera.


"Bibilhan kita basta okay na tayo," agad agad na sabi ni Maf.


"Pag iisipan ko kapag nabilhan mo na ako," pataray kunwari kong sabi. Natakam na tuloy ako sa mga binanggit ko.


"Sige sige basta ha, okay na tayo. Kahit magpabili ka pa ng iba."


Parang bet ko yun ah.



Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now