Chapter 16: Sir Jacob?

111 3 10
                                    

Chapter 16: Sir Jacob?


"Baby, who are you with?" Sabi ni Daddy


Napatili ako sa saya! Yey! Nakauwi na sila. 2 weeks din kaming di nagkita bcoz nagpunta sila both ng Korea kasi may aberya sa isang branch don. Miss ko na sila. So lumapit ako at niyakap si Daddy ng super higpit.


"Dad, I missed you so much!!!" *muah* *muah* *muah* pinagkikiss ko lang pisngi niya.


Natawa naman siya sa akin. "Hindi naman halata baby. Pero bago ko makalimutan, boyfriend mo ba yan? At nakaakbay pa siya sayo kanina?"


Opps, oo nga pala! Nakalimutan ko na kasama ko si Maf. Huhu iniwan ko siya dong nakatayo kaya binalikan ko at inalalayan. Bad nurse ako! :(


"No, Daddy. Classmate ko lang siya. May sakit po kasi siya kaya dinala ko muna dito sa bahay."


"And why do you have to bring him here? Bakit di na lang siya umuwi sa kanila?"


"Kasi po Dad, he said his parents are not at home. Kawawa naman siya kung walang mag aalaga sa kanya," pagpapaawa ko para di paalisin si Maf. Worried lang ako no! Siyempre kahit super pang asar yan si Maf, naging friends(?) din naman kami kahit papaano.


"Bait mo talagang bata ka. Come here nga ulit at pahug si Daddy," sabi niya with open arms. Yung nagyayayang maghug. Basta gets niyo na yon.


Syempre lumapit ako at naghug ulit.


"Ay oo nga pala, Dad, this is Maf," pagpapakilala ko sa kanya.


"Good afternoon po," mahinang bati ni Maf. Siguro sumama ulit pakiramdam niya kaya biglang ganyan.


"Pasok ka na. Sorry I kept you outside for long. It's not like everyday nagdadala ng ibang lalaki ang only daughter ko," pagyaya ni Dad.


"Dad, okay bang ipapagamit ko sa kanya yong guest room sa tabi ng kwarto ko?" i asked


"Syempre naman. Papaayos ko na lang." Then umalis na si Dad para iinform yong maid.


"Upo ka muna dyan. Wait ka lang at makakahiga ka na ulit. Gusto mong kumain?" pag aasikaso ko sa aming guest. Naks, hospitable ito eh!


"Super close kayo ng Daddy mo no?" sabi niya and I think may nakita akong sadness sa kanya nong sinabi niya yon. Pero di ako sure kasi saglit lang yon.


Napangiti ako sa sinabi niya. Daddy's girl ako. Pati na Mommy's girl hahaha only daughter eh. Tsaka super love ko silang parehas!!!!


"Syempre, super love ko kasi sila ni Mommy. Kahit busy sila sa work lagi at di ko sila madalas kasama, pagnandito naman sila bumabawi sila kaya okay lang sa akin. One of the best moments of my life yong pag umuuwi sila. Madalas namamasyal kami at kung ano ano binibili nila sa akin. One time nga nawala sila for 1 month pagbalik nila nagout of the country kami para magbonding. Super nafifill nila yong days na wala sila kaya I don't feel lonely. Ay shems, ang daldal ko na. Kung anu ano na pinagsasabi ko sorry."


"Nah, it's okay. It's nice to see na hindi lahat ng anak ng workaholic parents ay iisa, may mga katulad mo din pala." sabi niya with a small smile.


"Wala namang rason para lumayo loob ko sa parents ko eh. Syempre minsan lang sila nandyan kaya sinusulit ko na kaysa naman magmatigas ako at magtampo tampo." sabi ko.


"Oo na. Ikaw na ang mabait na anak. Nagugutom ako, pakain." Ramdam kong wala na siyang sakit dahil ginaganyan niya na ako. Pero syempre I still can't let him go home. Baka mabinat!


Pumunta ako ng kitchen para maghanap ng makakain. Iniwan ko si Maf sa dining room. Sakto at nandon si Mommy. Nagluluto siya btw. Kapag nasa bahay si Mommy, siya ang nagluluto kasi nakakawala daw ng stress. Masarap magluto yan! *o*


Pagkakita ko sa kanya syempre hug agad! Nagback hug na lang ako para di siya masyadong maistorbo.


"Mommy! Mommy! Mommy!" super natuwa ako nung nakita ko siya. Di naman obvious.


"Wait lang baby ha. Malapit na to matapos. Are you hungry na ba? Kunin mo muna yong juice na tinimpla ko, nasa ref siya. Don ka na magwait sa dining." then kiniss niya ako sa cheeks.


"Okay po Mom. Ay nga pala po, may bisita po ako. Sabi ni Daddy pwede daw po siya magstay dito for the night." ininform ko si Mommy baka magulat na nandon si Maf eh hahahaha after that pumunta na ako sa ref for the juice and pumunta ng dining room.


Nadatnan ko si Maf na nagtitingin tingin ng pictures don. Btw, may mga pictures na nakadisplay sa dining room namin. And madami siya simula bata pa ako mayron don.


"Ay ang ganda mo!" Napasigaw siya. Ginulat ko siya kasi nga nakatalikod siya sa akin. Hahaha ang epic ng reaction niya!!


"Oh why thank you. Sabi na nagagandahan ka sa akin eh!" pang aasar ko sa kanya.


"Feel mo naman ikaw. Ito yung sinasabi kong maganda oh," tumuro siya ng di niya tinitignan.


"Kaya nga nagthank you ako eh!"


Tinignan niya yung tinuro niya at ang solo picture ko lang naman yon. Recent picture ko yon. Hahahaha nagagandahan naman pala siya sa akin eh. Well di ko siya masisisi kasi totoo naman


Tinawanan ko siya. Ang weird kasi ng naging expression niya eh. Parang di niya alam gagawin niya at medyo pinagpapawisan siya.


"P-pina--p-paasa lang kita! Tama. Naniwala ka naman na ikaw talaga?" sabi niya na medyo nauutal pa. Mas lalo akong natawa! Palusot pa, eh sa totoo lang yong side na tinitignan niya puro solo pictures ko lang. Kaya alam kong palusot lang.


Cute niya nama--- ayy kasi namumula siya kaya ganon! Hindi naman sa cute talaga siya! Cute lang reaction niya!! Inuulit ko hindi siya!


"Okay sabi mo eh," sabi ko with mapanglokong ngiti. Atleast ngayon alam ko ng nagagandahan siya sa akin.


Di ko pa rin siya tinigilang asarin about don. Di ako nakakalimot kaya di rin dapat siya makalimot. Hahaha meanie na ako


"Food's ready!" sabi ni Mommy habang tulak tulak ang trolley with the foods. Pangdinner na tong kakainin namin so di na siya snacks. Maaga pala kami magdinner btw


"Baby, your boyfriend's here by the way," sabi ni Dad na kasunod si Jake. Patay na!


"Bab--" siyempre dyan niya lang napansin si Maf.


"Sir Jacob? Teka, boyfriend ka ni Berry?" nalilitong tanong ni Maf with matching turo turo pa.


Eto na ba ang end ng love story namin ni Babe este Jake? Huhuhuhu sana hindi naman!


--------------------------
Hi guys. Sorry AGAIN for the nth time for the super late update. I was about to upload this last two weeks ago or so. Nawalan kami ng net!!! And nung isang araw lang nagkaron kaya eto na! Sorry if lame! :) sana di magbreak si Berry at Jake hahaha fangirl nila ako! (: so nashock ako na mas madaming reads ang special chap kaysa sa chapt15 hahahahahahaha thanks for reading :*

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now