Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 9

21.4K 630 79
By jaysanj




"Shit!" bigla ko na lang na sabi nung makuha ni Japan ang bola sakin. Agad ko syang binantayan. Hinarangan ko sya nang magbalak syang lusutan ako. Nakita ko na pinasa nya ang bola sa likod nya papunta sa kaliwang kamay nya kaya alam kong sa kanang bahagi ko sya dadaan kaya mabilis kong hinarangan pero nagkamali ako dahil sa kaliwa ko sya lumusot.

Hinabol ko sya nung magla-lay up sya at hinarangan sya pero pababa na ako sa pagkatalon ko ay sya mas lalo pang tumaas kaya naishoot nya ang bola sa ring.

Nakakalipad ba sya at ang tagal nya sa ere?

"Isa pa!" hingal kong sabi pero ayokong magpatalo sa kanya, hindi pa ako tapos.

"I'm done with you." walang kaganang gana na sabi nya. Bigla naman ako nainsulto doon. Isang oras na kaming naglalaro pero parang hindi man lang sya nacha-challenge na labanan ako.

"Hindi pa ako tapos!" hinawakan ko ang braso nya para pigilan syang umalis. Tinignan ko sya ng seryoso. "Hangga't hindi ko sinasabi na tapos na tayong maglaro ay hindi tayo matatapos."

Bumuntong hininga sya tapos tumingin sakin. "Wala kang laban sakin." sabi nya at winasik ang pagkahawak ko sa kanya. "Better luck next time." napakunot ang noo ko na mag-smirk sya. Tumalikod na sya at naglakad palayo.

Kinuha ko ang bola at binato sa kanya pero laking gulat ko na naiwasan nya 'yon habang nakatalikod sakin.

"Pikon." sabi nya at tuluyan na sya umalis.

"Hindi ako pikon!" kabadtrip 'yon, inasar pa akong pikon. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa ring. Tsk..ganon ba kagaling 'yon at hindi ko sya natalo? hindi lang sya mabilis, parang lagi syang nakakakita ng butas para ishoot ang bola kada nablo-block ko ito.

Napaisip ako. Bench member lang ba talaga 'yon? baka pinagloloko lang kami non dahil impossible na wala sya sa first five nung dati nyang team.

"Ang panget ng laro mo." napatingin ako sa nagsalita.

"Louise." tawag ko sa pangalan nya.

"Yo!" napakunot ang noo ko.

"Ano sabi mo, panget laro ko? eh mas panget ka." asar ko sa kanya.

"Aba't loko 'to ah!" napatawa ako. Sya ang pikon at hindi ako. Nawala ang pagkainis ko kay Japan dahil sa isang ito.

"Ano bang ginagawa mo rito?" sa totoo lang ay hindi ko sya napansin na nanonood pala sya samin. Masyado akong focus kay Japan. Pambihira naman kasi 'yon, inakit ko na lahat-lahat hindi tumalab. Hindi ata 'yon Ice Princess kundi Rock Princess, ang manhid eh.

"Pinanood kayo maglaro kaso ang boring panoorin."

"Anong sabi mo?" letche 'to boring daw laro namin eh pagod na pagod nga ako.

"Totoo naman eh, hindi ka nakaka-score kay Japan. Lagi nya nakukuha ang bola sayo." natameme ako. Totoo 'yon, parang sa isang iglap ay nakukuha nya ang bola sakin.

"Kita mo naman ang bilis nyang kumilos." naglakad ako papunta sa bola. Tinignan ko iyon. "Nakakainis." akala ko kaya ko si Japan pero hindi pala, malayong malayo ang kakayahan naming dalawa. Kung titignan ay parang isa na sya sa mga seniors.

"Kita ko nga at kita ko rin kung paano mo sya landiin na hindi naman tumalab sa kanya." natatawang sabi nya. Namula ako at tinakpan ang mukha ko ng bola. Bwisit, nandito nga pala sya kanina, syempre alam nya kung ano pinaggagawa ko kay Japan. "Do you like her? Bi ka naman kaya possible rin 'yon." napatingin ako kay Louise. Napaisip naman ako roon. Gusto ko nga ba si Japan? "Don't tell me hindi mo alam ang sagot."

"Hindi nga." may iba kasi akong gusto.

"What the heck?!" napakamot ako ng ulo.

"Bakit ba?" nacha-challenge lang naman ako kay Japan.

"Inaakit akit mo tapos hindi mo alam kung gusto mo sya o hindi? ano 'yon? trip lang para matalo sya?"

"Hindi naman sa ganon pero pwede na rin." sabi ko at kinindatan sya.

"Loko 'to, hindi tayo talo!" natawa ako. Hindi ako naniniwala, nararamdaman ng gaydar ko na may kakaiba sa kanya. Katulad ng sinabi ni Ate Kristal, kahit gaano ka pa ka-straight, babaluktot at babaluktot ka pa rin.

"Pero sa totoo lang ay nacha-challenge ako kung paano sya makakausap ng maayos."

"Anong maayos ang pinagsasabi mo dyan?" takang tanong nya.

"I mean, you know she's cold. Sa team natin sila Torey at Jayden lang ang kinakausap nya pero ang cold nya pa rin sa dalawa. Parang kasing na-challenge ako na tunawin ang pagiging cold nya."

"Like Ate Kill and Ate Avey?" halos lahat ng basketball fans ay alam ang kwento ng lovelife ng dalawa. Ikaw ba naman isurpresa ng taong mahal mo sa loob ng court na sobrang daming manonood tapos live pa? sinong hindi macu-curious at alamin ang nangyari sa kanila.

"Exactly! pero mas malala pa ata si Japan kay Ate Kill kaya yung pang-aakit ko sa kanya ay hindi tumatalab."

"Hindi talaga tatalab 'yon, ang panget mo kaya." ngitian ko sya.

"Truth hurts pero hindi ako nasaktan so hindi totoo." napanganga sya sa sinabi ko. Natawa naman ako sa itsura nya. Ang panget eh.

"Napakaimpossible mo!" kinindatan ko sya.

"I know right?" natatawang sabi ko.



Kill's POV

"Utang na loob kayong dalawa ay tumigil tigil kayo sa landian ninyo!" sigaw ni Ashley samin ni Avey pero hindi ko sya pinansin. Niyakap ko ng mahigpit si Avey habang nakasubsob sa leeg nya. Pagod ako.

"Inggit ka lang eh." sabi ni Dom.

"Hindi ako inggit, naiirita lang ako!" sigaw na naman ni Ashley.

"Ash red day mo ba ngayon?" tanong ni Avey na pinaglalaruan ang buhok ko. Napangiti ako at hinalikan ang leeg nya. Hinampas nya naman ako kaya natawa ako ng mahina.

"Hindi!" natawa ang ilan kay Ashley.

"Eh bakit may tagos ka?" napatingin ako sa pwetan ni Ashley kung natagusan nga ba sya katulad ng sinabi ni Maki.

"Gago wala nga ako ngayon!" padabog na umupo sa upuan si Ashley. Bumitaw ako sa pagkayakap kay Avey pero sumandal ako sa balikat nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan. Napangiti ako.

"Wag kang magpadala sa babaeng 'yon." sabi ko sa kanya. Kaya lang naman sya nagkakaganyan dahil sa nakalaban namin kanina na taga-Japan. Hindi nakaka-score si Ashley dahil sa hapon na nagbabantay sa kanya. Nashut down nya si Ashley at inis na inis si Ashley sa hapon na 'yon.

"Nakakainis eh!" maktol nya. Nailing na lang ako.

"Nga pala, kailan pala kasal ninyong dalawa?" napatingin kaming dalawa ni Avey kay Erin. Out of nowhere yung tanong nya.

"Oo nga, 'di ba nag-propose ka rin na magpakasal kay Avey nung nag-propose ka rin na maging girlfriend sya?" dagdag ni Sam. Akala ko hindi nila iyon napansin.

"Hindi pa namin iyan pinag-uusapan." sabi ni Avey. Napakunot ang noo nilang lahat.

"Kailan ninyo balak pag-usapan?" tanong ni Dom.

"Siguro pagkatapos nito. Focus muna tayo sa laro bago namin iyan pag-usapan." sagot ni Avey.

"Oh baka may binabalak na naman si Kill kaya hindi ninyo rin pinag-uusapan." sabi ni Ashley.

"Napag-usapan namin ni Avey na dalawa kaming magde-desisyon sa kasal namin." kahit na ang gusto ko ay isurprise sya pero dahil gusto iyon ni Avey ay hahayaan ko sya. Balak ko pa naman ituloy yung video clip ko noon.

"Huhulaan ko, sa Dragon Camp na naman gaganapin 'no?" sabi ni Maki. Natawa naman si Avey habang ako napapoker face. Anong masama kung doon ganapin yung kasal namin? doon kami nagkita ni Avey at memorable ang camp na 'yon.

"Sa totoo lang hindi." napakunot ang noo ko at nagtatakang napatingin kay Avey.

"Oh? himala." sabi nila.

"Why?" bakit hindi sa camp? may iba ba syang gusto iganap yung kasal namin? ayaw nya ba sa camp?

"Baby hindi sa ayoko sa camp pero alam mong hindi legal ang same sex marriage dito sa pilipinas. Tsaka gusto ko sa burol sa America tayo magpakasal kung saan tayo nag-stay ng one week. Memorable rin 'yon right?" sabi nya at hinalikan ako sa labi.

"Ang taas non baby, kakayanin ba ng ilang bisita na akyatin ang burol na 'yon? si Eli pa lang hindi na kakayanin, paano pa kaya yung iba." nag-pout naman si Eli sa sinabi ko.

"Helicopter." nakangiting sagot nya. Edi sya na nakahanda.

"Fine, kung saan ka masaya." hinalikan ko sya sa pisngi nya. Napangiti sya at niyakap ako ng mahigpit.

"You're the best." napangiti na lamang ako. Anything for you Avey.

Tumayo na ako at kinuha ang gamit namin ni Avey.

"Mag-ayos na kayo, babalik na tayo sa hotel. Magpahinga pagkarating, may laban pa tayo bukas." sabi ko sa kanila. Tumango silang lahat at nagsiayusan.

Nung ready na sila ay sabay-sabay kaming lumabas sa locker room. Kami ang nasa unahan ni Avey at nasa likod naman sila. Halatang pagod na sila dahil hindi sila nag-iingay na lagi nilang ginagawa. Habang palabas kami ng gymnasium, nakasalubong namin ang taga Japan. Narinig kong may binubulong bulong si Ashley dahil na naman iyon sa nagbantay sa kanya.

"Hi." napatigil kami sa paglalakad nung humarang ang captain nila.

"Hello. Nice game by the way." nakangiting sagot naman sa kanya ni Avey. Nakangiting napatingin naman sa kanya ang captain. Halatang nagpapacute. Tsk..

"The game was great. I hope someday we can play again." tumango ako sa kanya at nakipagkamay sa kanya dahil nakalahad ang kamay nya. Ayokong maging bastos sa kanya kahit na kanina pa ako naiirita sa kanya.

"Sorry but we need to go now. Excuse us." hinawakan ko ang kamay ni Avey at nilagpasan namin sya.

"Oh mukhang hindi lang pala ako ang may inis sa taga Japan ah." parinig ni Ashley nung nalayo na kami sa taga Japan.

Naramdam ko naman na hinigpitan ni Avey ang pagkahawak sa kamay ko kaya na patingin ako sa kanya.

"Ikaw na nagsabi kay Ashley na wag magpadala sa kanila." pasermon nya. Napabuntong hininga ako.

"Kaya nga mas pinili ko na lang na lumayo kaysa sapakin sya." natawa sila Ashley habang hinampas naman ako ni Avey sa braso. "Nakakairita kasi, panay ang papuri nya sayo at balak ka pang pormahan." inis na sabi ko.

"Oh may nagseselos." sabi ni Sam sa likod. Inirapan ko lang sila kahit hindi nila makita dahil nakatalikod ako sa kanila pero si Avey nakita 'yon kaya nakatanggap na naman ako ng hampas.

"Kanina ka pa hampas ng hampas dyan." sabi ko sa kanya pero hindi ako naiinis. Tinaasan nya lang ako ng kilay. Nginitian ko sya at inakbayan tsaka sya hinalikan sa labi nya.

"Putek ang PDA talaga ng dalawang 'to." sabi ni Dom. Nginisian ko lang sya. Hindi na sila nasanay.

Pagkarating namin sa hotel, nagsikanya kanya sila ng pasok ng room nila. Siguradong diretso tulog na rin sila nyan dahil sa pagod. Kami ni Avey, pumasok na rin kami sa kwarto namin. Nahiga agad ako sa kama habang si Avey ay inaayos ang gamit naming dalawa.

"Ayos ka lang?" napatingin ako kay Avey. Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. Niyakap ko ang bewang nya at inihiga sa kama, pumaibabaw ako sa kanya.

"Yes." hinalikan ko sya sa labi pero smack lang. Mukhang nabitin sya sa ginawa ko. Napa-smirk ako, at least hindi ako yung bitin ngayon. "But I'm tired. Let's sleep." sumubsob ako sa leeg nya. Bigla nya akong hinampas sa braso pero hindi ko pinansin, alam kong naasar sya dahil hindi ko tinuloy. Anong magagawa ko, pagod ako ngayon.

"I hate you!" inis na sabi nya at tinulak ako kaya nahulog ako sa kama. Napahawak ako sa masakit na parte ng katawan ko dahil sa pagtulak nya sakin.

"Baby?" inirapan nya lang ako at tumalikod sakin. Nagiging bipolar na naman sya. Tumayo ako at humiga sa tabi nya pero lumayo sakin. Napangiti ako. Isa lang ang paraan para tumigil sa pagtatampo sakin ang baby ko.

"Kyaah! baby!" napangiti ako habang kinikiliti sya. Tili sya ng tili pero ayos lang dahil sila Dom naman ang mga katabi naming room. "Baby! ohmy-waah! tama na!" natawa ako pero hindi ako tumigil kakakiliti sa kanya kahit na medyo nasasaktan na ako pero ayos lang.

"HOY WAG NYO MASYADO LAKASAN NAGPAPAHINGA KAMI!" napatigil ako sa pagkiliti kay Avey nung may sumigaw sa labas ng pinto ng kwarto namin. Si Ashley 'yon pero hindi ko sya pinansin at tumingin kay Avey na masamang nakatingin sakin habang naghahabol hininga.

"I hate you." sabi nya. Napangiti ako at niyakap nya. Hindi naman sya pumalag.

"I love you." sagot ko.

"I hate you baby." may inis pang sabi nya. Pero dahil may baby ay hindi ko maiwasan mapangiti.

"I love you."

"I hate you so much!"

"I love you more."

"Just shut up!" naiinis pa rin sya. Natawa ako.

"I love you." tumingin ako sa kanya. Naka-pout sya pero nakayakap na sakin.

"Nakakainis ka."

"I love you."

"Matulog na tayo." sabi nya at hinalikan ako sa noo. Pumikit na sya.

"I love you." dumilat sya at tinignan ako. Nginitian ko sya at hinalikan sa labi.

"I love you too." ngumiti na rin sya sa wakas kaya natulog na kaming dalawa.


Kinabukasan, nasa locker room kaming lahat at naghihintay na lang na matapos ang laban bago kami lumabas. Maingay na ngayon sila, hindi katulad kahapon na sobrang tahimik. Nakabawi na siguro ng lakas. Hinanap ng mga mata ko si Avey dahil wala sya sa tabi ko. Kumunot ang noo ko nung hindi ko sya makita rito.

"Nasaan si Avey?" tanong ko kay Sasha.

"Lumabas saglit." sagot nya. Tumango ako at lumabas ng locker room. Nakita ko agad si Avey dahil nasa gilid lang sya pero hindi nya ako napansin dahil busy sya pag-uusap nya sa cellphone at nakatalikod sya sakin.

"Now na?" rinig kong sabi ni Avey. Ayoko sanang makinig pero parang nababahala ang boses ni Avey. "Pero laban nila Kill ngayon...Pa, naman hindi ko sila pwedeng iwan, baka hindi nila kayanin ang laro." napakunot ang noo ko. Aalis ba sya? "Paano si Kill? hindi sya makakapag-concentrate sa laro kung wala ako." mas lalong napakunot ang noo ko. "Okay po...bye." napabuntong hininga sya pagkatapos nyang makipag-usap sa cellphone nya. Lumingon sya sakin at laking gulat nya na makita ako.

"Aalis ka?" 'yon agad ang tanong ko sa kanya. Lumungkot ang mukha nya at nilapitan ako.

"Nagkaproblema na naman sa kompanya ni Papa, kailangan ako roon dahil ako ang nakaayos ng problema roon noon. Sorry pero kailangan ko ng umalis ngayon. Nasa labas na ang sasakyan na gagamitin ko para ihatid ako sa airport." malungkot na sabi nya. Napabuntong hininga ako.

"Okay." 'yon lang na sabi ko. Mas lalong nalungkot si Avey sa sagot ko.

"Baby, saglit lang naman ako roon eh." hinawakan nya ang mukha ko. "Promise babalik agad ako sa oras na matapos ko ang problema sa kompanya. Wag ka ng malungkot oh baka maapektuhan 'yan ng laro mo."

"Paanong hindi, wala ka sa tabi ko mamaya." pinilit kong wag mapaluha. Nagiging emotional lang naman ako pagdating kay Avey kaya ayaw na ayaw kong lumalayo sya sakin. Tama na yung isang taong nawala sya sakin, ayoko na mangyari pa ulit 'yon.

"Baby tapusin ko lang yung problema sa kompanya, babalik din ako." hinalikan nya ako sa labi. "Ayokong umalis na hindi ka okay sa pag-alis ko pero I need to go now." muli nya akong hinalikan sa labi pero medyo tumagal ng kaonti. "I love you, promise I'll come back." hinalikan nya ang noo ko at pinisil ang kamay ko.

Napabuntong hininga ako. "Okay, hihintayin kita." napangiti sya at niyakap ako. Niyakap ko na rin sya. "I love you."

"I love you too."

Pagkatapos kong ihatid si Avey sa sasakyan nyang kotse papunta sa airport, bumalik na ako sa locker room. Hindi pa nila alam na umalis si Avey dahil nagmamadali si Avey kaya hindi na sya nakapagpaalam. Bubuksan ko pa lang ang pinto ng locker room nung bumukas na ito.

"Ang tagal ninyo naman. Magsisimula na maya-maya ang laban oh." sabi ni Dom. Luminga sya at tila hinahanap si Avey. "Nasaan si Avey?"

"Pumunta sa America." sabi ko at pumasok sa loob. Nawalan na ako ng ganang maglaro dahil wala naman si Avey.

"Wag ka nga. Nasaan sya?" pangungulit ni Dom.

"Pumunta nga sa America. May aasikasuhin na problema sa kompanya." malamig na sabi ko. Natahimik naman silang lahat. Alam nilang wala ako sa mood makipag-usap ngayon kaya nanatiling tahimik sila.

"Kami na bahala sa laro." sabi ni Sam. Tumango ako sa kanila.

Napatingin ako sa cellphone ko nung mag-vibrate ito.

From: Baby
I love you

Napangiti ako sa simpleng text nya. Sya lang ang taong kayang paibahin ang mood ko. Pero wala na talaga ako sa mood maglaro. Epekto 'to na walang Avey sa paligid.




---------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

390K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
94.9K 4.7K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...
1.6M 77.1K 55
Shopee: InsaneSoldier Books and Merch Link: https://shopee.ph/insanesoldier_books_and_merch Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 20...
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...