Behind His Glasses | previous...

By krisylala

5.2M 41.4K 3.3K

[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Epilogue

Chapter 28

69.3K 1K 89
By krisylala

"An eye for an eye will only make the whole world blind."

― Mahatma Gandhi


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAIRA'S P.O.V>


"Prince!!"

"Zyren, just hold on."


Agad naming isinugod si Zyren sa Emergency room ng ospital.


Bawal kaming makapasok sa loob kaya naman pagkasara ng pintuan sa harapan ko, agad akong napa-upo sa sahig at umiyak.


"Zyren.. shit. Kailangan mong mabuhay.. Kailangan pa kita.."


And for the first time, the girl who seemed unbreakable broke. The girl who seemed so strong crumbled. The girl who never cared about anything cried.


Naramdaman kong inalalayan ako ni Shiela na tumayo at isa-isa nila akong niyakap.


"Zyren is strong." hindi ko na kinilala kung kaninong boses iyon nanggaling pero rinig ko pa rin ang takot sa boses niya.


Lahat kami ay takot.


**


"Uy, Zhai. Uwi na muna kami, ha? Babalik kami sa umaga." rinig kong sabi ni Shiela at tumango na lang ako habang nakatulalang nakatingin sa pader na nasa harapan ko.


Wala akong planong umuwi. Dito lang ako. Hihintayin ko si Zyren.


"Ate Zhai!!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng isang boses na pang-bata, at nakita kong tumatakbo papalapit sa akin ang tatlong babae na puno ng lungkot at kaba ang kanilang mga ekspresyon.


Si Mai-mai, Ate Lindsay, at ang mama ni Zyren.


Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sumugod na ako at niyakap ang mama ni Zyren.


"S-sorry po... A-ako po ang may kasalanan... H-hindi ko po talaga akalain n-na gagawin nya yun. B-bakit niya ba ako niligtas?!" niyakap ako ng mahigpit ng mama ni Zyren at naramdaman ko naman ang pagtapik ni Ate Lindsay sa balikat ko.


"Zyren is strong. He will not give up now that he knows how much he means to you."


"Ate is right. Hindi papatalo si kuya! Nag-promise siya sa amin na papakasalan ka pa niya!" sabi ni Mai-mai.


~ * ~


Six days na.


Six days nang tulog si Zyren.


May bandage siya sa ulo dahil sa bakal na inihampas sa kanya. May bandage din siya sa dibdib niya.


Nakataklob ang labi niya at may monitor sa tabi nya na nagsisilbing pag-asa ko - as long as those lines won't become straight.


The doctors said that his head was severely injured. He lost too much blood and the gunshot caused him a 50-50 percent chance of living.


He's in a coma.


11:30 PM na. Thirty minutes na lang at January na. Panibagong taon na.


Zyren, gumising ka na. Let's start this new year together. Please.


Hinawakan ko ang kamay nya na may nakatakusok para sa dextrose.


Hinawakan ako ng mama ni Zyren sa balikat.


"Hija, uuwi muna ako ha." tumango lang ako.


"Don't ever let him go."


I won't.


Hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay nya. "Please, wake up."


Tears started to roll down on my face, and before I knew it, I started to sing.


The song which started it all.


"Oh... boy, I love you so, and I will never let you go..." I didn't care if my voice started to crack. Gusto ko lang talagang ilabas lahat. Gusto kong marinig ako ni Zyren.


"And I will never let you go..."


Never. Letting go is not in my dictionary.


"Cause you mean.. everything to me. I just wanna let you to hold me in your arms forever..."


"Princess, sleep." bulong niya sa akin.

Umiling lang ako, pero alam kong malapit nang bumigay ang mga mata ko. Narinig ko siyang mag-"tsk". Bigla niya akong inakbayan at dahan-dahang ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. So para tuloy na nakayakap siya sa akin at ang braso at balikat niya ang nagsisilbing kama at unan ko.


"Forever, I love you so.. A-and I will never let you go. 'Cause you know... you're everything I want.. Everything I need everything.. to me."


"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ng diretso sa kawalan. Para lang kaming mga tanga.

Ang sagot niya? Katahimikan.

"Zyren.." Katahimikan.

"Huy." Katahimikan pa rin.

Sigh. "Prince."

"Bakit, Princess?" seryoso niyang sagot pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Anak ng. Pumikit ako at pinakalma ang aking sarili. Chill ka lang, ikaw ngayon ang may kasalanan.

"Galit ka?"

Konting katahimikan.

"Hindi. Tampo lang."


"I remember the first day, when love just came to me... it was the time when I met you..."


"Huy, zipper mo bukas."

"What?!" Bumitaw sya sa album at tiningnan ang zipper nya.

Ay tanga, gumagana pa pala yun. Oh well. Agad kong kinuha ang album at pumila na sa cashier.

"Thank you, ma'am. Please come again." nakangiting sabi ng guard habang papalabas na ako ng store. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin, pero lumingon ako sa loob ng Astroplus.

At oo, nandoon pa yung lalaki.

At oo, nakatingin siya sa akin. Ng masama.

Do I really care? Para lalo syang mainis, I smirked at him before walking off.

Pero hindi ko alam kung imagination ko lang ba o nakita ko talaga ang maliit na pag-ngiti niya.


With that slight memory, I still managed to laugh.

"It was love at first sight... when I got to know you better, I know for sure it's more than that... i'm singing."


"Joahe." mahina niyang sabi, pero rinig ko naman. Pero hindi ko naintindihan eh. Alien, este, Korean word na naman ba yon? Sorry ha, kpop fan ako pero wala akong kaalam-alam sa meaning nung mga salita. Hassle maghanap ng english translation sa internet eh.

Nang hindi ako sumagot, umupo siya ng maayos. Yung magkatabi na ang balikat namin. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa tenga ko. Now, ito na yung mga oras na dinadatnan ako ng instinct ko na manuntok; pero hindi ako makagalaw. Naramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko, lalong hindi ako makagalaw at naramdaman ko na parang may kung anong puputok mula sa dibdib ko.

"Joahamnida." he whispered huskily. Agad siyang tumayo at naglakad palayo, leaving me dumbfounded. Siguro after ng tatlong segundo, naalala kong kailangan ko palang huminga.



"Okay, okay. Three things I love.."

"First, my princess." Isusulat ko na sana ang sagot niya pero nanigas ang kamay ko. What?

"Second, my girlfriend." tumingala na ako sa kanya. Nakangiti siya na para bang alam niya kung ano ang epekto ng mga sinasabi niya sa akin.

"And lastly.." lumapit siya sa akin at inilapit ang mukha niya sa tenga ko, "I love you."

"I can't wait for the time when we'll walk the aisle together.. can't wait to say... I do..."

"Mommy.." nagulat ako nang biglang nagsalita si Zyren. Palaro ko siyang siniko at nginitian naman niya ako.

"I'll take care of this girl 'til the day when I will be able to sing Marry Your Daughter to your husband."

Tiningnan niya ako at kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. God, I've fallen really hard for this guy already.


Hindi ko na napigilan. Humagulgol na ako pero itinuloy ko pa rin ang kanta - kailangan ko.


Zyren, please hear me.


"I... I love you more than you'd ever imagine, and I feel that you love me. as much... as I do..."


"Hoy, saan mo ko dadal-" Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang huminto sa isang....

Shit.

Haunted house.

Hindi ko aaminin na may kinatatakutan din ako. Hindi ko aaminin na takot ako sa mga multo. Hindi. HINDI.

Tumingin sa akin si Zyren na mukhang excited na excited pa. Nang makita niya siguro ang reaction ko, bigla siyang nag-alala, "Huy, Zhai, bakit namumutla ka?"

At nang hindi ako sumagot, agad ding napalitan ito ng isang ngiti.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, "Don't worry, princess, I'll protect you."



"I promise I'll take care of her; even if my life depends on it."


Zyren..


"Why.." pinilit kong magsalita in between sobs, "Why did you risk your life for me? Ang tanga mo rin, eh.. sa tingin mo ba magiging masaya ako kapag nawala ka?" yumuko ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya, "I don't want to lose my prince.. I don't want to lose my boyfriend. I don't want to lose the one who brought me back and saved me. I don't want to lose you, Zyren. I love you."


Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak pero wala eh, parang walang katapusan ang mga luha ko, "Please.. wake up."


Naramdaman ko ang biglang pag-galaw ng kamay niya. Agad akong tumingin ako sa kanya at nakita ko ang dahan-dahan na pagmulat ng mga mata niya.


Ipinakawalan ko ang hangin na hindi ko namalayang pinipigilan ko pala. Ngumiti ako, sa wakas, a new year with Zyren.


"Zhaira.." mahina niyang sabi, halata pa rin ang sakit sa boses niya. "Princess, I promise, I will never ever let go."


Sabay ng pagbagsak ng kanyang kamay sa palad ko ang muling pagbagsak ng mga luha ko. Pumikit ulit ang mga mata niya at narinig ko ang constang beep ng monitor sa tabi niya.


B-bakit...


*BEEEEEEP*

Bakit nagiging straight na yung line?!


*BEEEEEEEP*


NO. NO. FUCK, NO.


"Zyren!!!"


Tama nga ang sinasabi nila, not all fairy tales have their happy ending.


Continue Reading

You'll Also Like

227K 800 34
A reader, and an observer. This includes some review to encourage you more to read the story suggested. Kung wala ka nang mabasang matino sa Wattpad...
3.2M 62K 58
Vampire Duology 1 Sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala ni Cindy Villacorta ang tatlong bampira na babago sa kanyang buhay. After her mother...
5.6M 179K 75
Yung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi tot...
176K 3.7K 89
Jin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraa...