The Kissing Monster

By SuperMarla

74.5K 1.8K 330

I was on a company party when all of a sudden my boss kissed me... watdahell was that!!! At ang walang hiyang... More

The Kissing Monster
Prologue
Chapter 1: The Encounter
Chapter 2: WHAT??!!
Chapter 3: I want to CRY
Chapter 4: Interrupted and Kagat
Chapter 5: Her New Boss
Chapter 6.1: Tiring Day
Chapter 6.2: Tiring Day
Chapter 7.1: Finally the President
Chapter 7.2: Finally the President
Chapter 8: Sweet Boss
Chapter 9: Another Day in HELL with HIM
Chapter 10.1: Replacement AGAIN
Chapter 10.2: Replacement AGAIN
Chapter 11.1: Planning for the EVENT
Chapter 11.2: Planning for the Event
Chapter 12: Before the Party
Chapter 13.1: Anniversary Party
Chapter 13.2: Anniversary Party

Chapter 14: The Unexpected Kiss!!

1K 21 4
By SuperMarla



Chapter 14: The Unexpected Kiss!!

Skyler's POV

Nang dumating na sina dad ay nagsimula na ang host na ipakilala sila kasama niya si mom sa harap at tinawag na nga ako kasi ipapakilala na nila ako bilang bagong presidente ng Rodriguez Group of Companies.

I started walking towards to the stage at pumunta kung nasaan sila syempre nasa gitna sila ng stage. My parents just smiled at me and my dad pat my shoulder.

I cleared my throat before I start. "Good evening everyone I'm Skyler Rodriguez the only son of Steve and Hera Rodriguez the previous owners of the Rodriguez Group of Comapanies. From now on I will be handling the RGC and will be the new President or CEO of the company for the upcoming days, months and years. As we can see we are now celebrating the 30th year success of the company because of the hard work of everyone in the company. Another one, my cousin Claude Dizon is the new Vice-President of the company." Hinanap ng mata ko kung na saan ang pinsan ko at nakita kong nakangisi siya sa akin, ipinagpatuloy ko na ang pagsasalita ko. "I hope that the success of the company will continue to the upcoming years, for the 30 years of success of RGS so let's cheers for it." At itinaas ko na ang hawak kong champagne inabutan kasi ako kanina ni dad ng champagne meron din si mom nasa side ko kasi sila habang nagsasalita ako.

"Cheers." Nagsi-angat naman ang mga guest nang kani-kanilang mga baso.

I just took a sip kasi medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon ayaw ko malasing agad kasi mag-eentertain pa ako ng mga bisita namin.

Pagkababa ko ay nagsalita akong muli. "I hope everyone here will enjoy the party and thank you all for coming and celebrating this wonderful event with my family, with us." Pagkatapos kong magsalita ay nagsipalakpakan naman ang mga bisita.

May kumuha na din nung hawak kong baso.

Lumayo na ako sa mic at lumapit kay mom at dad. "I'm so proud of you my baby boy." Sabay kiniss ako ni mom sa pisngi nakikita kong tuwang-tuwa siya ngayon may kinang sa mga mata niya.

"Mom stop it, maraming nakakakita sa atin." Suway ko sa kanya masaya naman ako at nakikita kong masaya si mom.

"Aww ang baby boy ko ayaw nang magpakiss sa mommy niya, honey oh pagsabihan mo nga ang anak natin." Nagtatampong sabi niya sabay kalawit nang mga braso niya sa braso ni dad. Inakbayan naman siya ni dad at hinalikan sa noo.

Ang sweet talaga nitong dalawang ito. They are so proud of their relationship well what can I say simula noon hanggang ngayon ni hindi manlang sila nagkaroon ng malaking ayaw at lamat sa relasyon, kung meron man simpleng tampuhan lang iyon na si mom ang nagsisimula.

I'm so glad that they are my parents.

"Hayaan mo na hon malaki na si Skyler."

"It's not like that mom, I'll go down now I stii have to entertain our other guest and our other family friends." And I didn't let her to say something else kasi baka mauwi na naman kami sa mahaba habang sasabihin ni mom.

The party is just starting pero gusto ko na agad umuwi ayaw ko nang mga ganitong party kasi masyadong maingay at puro business lang naman ang pinag-uusapan nila pero I need to get used to it because starting from now this is not the only party that I will be attending.

Kung ako ang tatanungin ayaw kong nagpupunta sa party kasi wala naman akong hilig sa mga ganito at isa pa kung hindi business ang pag-uusapan niyo ng kausap mo more on tatanungin ka sa personal life mo, kung saan ka nag-aral at kung anu-ano pa.

Syempre nung makababa na ako sa stage yung mga business man na kakilala namin ay nagsilapit na sa akin para icongratulate ako napansin ko ding nagkakasiyahan na sila, lumapit din sina dad at mom sa akin. Nginitian ko nalang yung mga bumabati sa akin nakita ko din si Claude na nilalapitan ng ibang mga kilalang tao sa business world mukhang binabati din siya.

"Excuse me everyone." Pagkasabi ko nun naglakad na ako pabalik sa table na inupuan ko. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko kanina pa. Kasi kanina pa nila ako inaalok ng kung anu-anong inumin lalo na nung hindi pa nagsisimula kaya medyo nahihilo na ako.

Lumapit sa akin si mom at binulungan ako. "Baby boy are you ok?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. I can see that she is really concered about me, well ganun naman talaga ang mga magulang lalo na ang mga nanay kung minsan nga nagiging OA na sa pagkaconcern.

"Yes mom I'm fine, I'll just take a break for a while napagod ata ako kanina sa office." I smiled at her pero mukhang yung ngiting naibigay ko sa kanya yung ngiting nagsasabing pagod na ako kaya nangunot ang noo niya.

"Sige anak." She answered while her brows are wrinkled. I also excused myself to dad kasi baka hanapin nila ako.

I started walking but all of the guest na madadaanan ko ay binabati ako syempre nagpapasalamat ako at nginingitian ko silang lahat kahit na hindi na maganda ang pakiramdam ko. I need to be civil with them they come here to celebrate with us despite of their busy schedules nagawan parin nila ng way para makadalo sa event namin na ito.

When I sat down in a near table, the table that I am occupying wih my parents and also my secretary that I instructed to sit here. I saw her staring at me with a concerned look at her face. Or am I just imagining things. But I just need to take a break for a while, kasi nakakahilo na ang usapan na paulit-ulit lang ang mga tanong nila napagod pa ako kanina sa office kasi may mga tinapos pa akong mga pipirmahan at yung ibang babasahin para sa mga meeting ko bukas.

Gusto ko mang-umakyat sa room na kinuha ko pero mamaya kasi kailangan nila ako dito. Alam kong hindi na ako makakauwi mamayang gabi kaya I booked a room earlier. I'll just sit here for a bit then I'll entertain the other guest and some of our family.

I look at my secretary sitting 2 chairs away from me.

"Ikuha mo akong tubig bilis." Utos ko kaagad sa kanya ng makaupo ako.

"Ako sir?" Inosenteng tanong niya.

"Sino pa ba? May iba pa ba? Secretary kita di ba kaya bilisan mo na." Naiinis na sagot ko sa kanya.

Kaya ko nga siya dito pinaupo sa table na uupuan ko kasi para mautusan ko siya kung may kakailanganin ako. Tumayo naman na siya pero may pahabol pa bago siya makaalis.

"Aba't ang sungit talaga nitong lalaking ito. Kung hindi lang kita boss hay naku." Ayan bulong lang yan pero napalakas ata na hindi niya namamalayan.

Pinabayaan ko na siya at hinintay ko nalang yung tubig na inutos ko sa kanya. May mga nag-iikot namang nagbibigay ng inumin pero kailangan ko na talaga at parang natutuyo na ang lalamunan ko.

"Oh ayan na sir." Pagkalapag niya nung baso I emptied the glass before I lean my back at the chair and close my eyes. Buti nalang at hindi masyadong maliwanag dito sa pwesto ng inuupuan ko isa pa hindi naman na ibinalik yung ilaw na sobrang liwanag, meron pa rin naman kaso hindi siya sobrang liwanag ito kasi yung gusto ni mom eh kaya sinunod ko nalang yung mga gusto niya at baka magtampo pa ang isang yun.

Maganda nga iyon kasi hindi ako masyadong mapapansin kasi medyo madilim mamaya na liliwanag nang tuluyan may mga nagsasayaw na nga agad sa dance floor, nagpapakasaya talaga sila ngayon.

Naramdaman kong umalis yung secretary ko sa tabi ko. Bahala siya sa buhay niya maganda nga iyon at hindi niya magugulo ang pagpapahinga ko kasi sandali lang naman ako at babalik na sa pag-eentertain ng mga bisita maya-maya.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko, akala ko kung sino kaya pinabayaan ko nalang pero bigla siyang nagsalita.

"Hoy bro anong nangyari sayo?" Boses palang alam ko na kung sino siya.

"Anong kailangan mo? Masama ang pakiramdam ko kaya nagpapahinga muna ako." Sagot ko sa pinsan kong si Claude. "Ikaw? Bakit ka nandito? Hindi ba dapat ineentertain mo din sila?" Dagdag na tanong ko sa kanya.

Nakapikit pa rin ako habang kinakausap ko siya kaya I don't know what he's doing right now, I just want some peace and I don't want anyone to disturb me right now even my parents kasi sasabihan lang nila akong magpahinga kapag nalaman nila na hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Sobrang OA pa naman ni mom pagdating sa amin, she just loves us very much at kahit sakit lang ng ulo grabe na siya magreact kasi akala niya kung ano na ang nangyayari sa amin kapag ganun, buti nga natiis ni mom na wala dito si Andromeda eh. Kung hindi ay naku baka pati pagpapakain sa kapatid ko ay ginawa na niya.

"Grabe pinagkakaguluhan nila ang kagwapuhan ko kaya tumakas muna ako para naman hindi mahaggard ang gwapo kong mukha." Mahangin na sabi niya.

Kahit kelan talaga itong si Claude lagi niyang dinadahilan ang kagwapuhan niya sa mga ganitong bahay. Na kahit minsan ay hindi na connected sa pinag-uusapan ay naisisingit niya parin ang salitang GWAPO daw siya sa usapan.

"Bahala ka nga sa buhay mo, basta lubayan mo ako at mamaya tatayo na din naman ako."

Kung hindi lang talaga ako kailangan sa party na ito umuwi na ako at natulog kasi pagod na talaga ako kanina pa hindi lang kanina nung mga nakaraang araw pa dahil sa dami ng inaasikaso sa kumpanya, hindi na ako halos makatulog para lang matapos ko ang mga binabasa ko at inaasikaso para dito sa party kahit naman kasi may event organizer na, hindi naman ibig sabihin na wala ka nang gagawin tatanungin ka pa ng kung anu-ano about sa theme ng party mga pagkain anong gustong set-up at marami pang iba.

Ang sabi ko nga papuntahin nalang sa bahay para si mom ang maka-usap pero hindi naman nakapunta yung event organizer na kakilala ni Claude kasi umalis pala si mom at dad hindi ako makauwi sa bahay kasi ginagabi na ako sa opisina. Ewan ko kung anong nangyari sa kapatid ko at hindi pa umuwi sabi niya magbabakasyon siya ngayong buwan dito eh. Hindi ko alam kung kelan darating pero sabi niya uuwi siya ngayong buwan.

"Psst. Hoy bro?" Hay nandito pa pala si Claude akala ko umalis na siya kanina pa.

Bumuntong hininga ako. "Ano na naman Claude di ba sabi ko lubayan mo muna ako?" Napapagod na tanong ko sa kanya.

"Oo na, oo na ito na aalis na ako bahala ka sa buhay mo dyan." At naramdaman kong umalis na siya doon sa upuan.

Pinabayaan ko muna silang magkasaya doon at hinintay kong mawala at medyo umayos ang pakiramdam ko.

Natalie's POV

Pssh peste talaga ang boss ko na iyon, nakakainis lang eh pagkatapos ng speech niya ay bumalik siya kung saan niya ako iniwan at tama bang utusan ako eh ang daming namang waiters na nagdadala ng mga inumin na pwedeng kunin pero inutusan pa rin niya ako na ikuha ko siya ng tubig. Aba hindi na makatao ang pagtrato niya sa akin parang ang akala niya sa akin ay isang julalay na utusan niya, for his information secretary ang inaplayan ko at hindi maid.

Argh nakakainis talaga siya sarap dukutin ng mata at gawing bulalo.

Well wala naman akong magagawa kasi nga boss ko siya kaya sinunod ko nalang siya tapos ayun nilaklak na niya yung binigay kong tubig at pagkatapos nun pumikit na siya kaya nilayasan ko siya at nagpunta ako kung nasaan si Leo at Ashley.

"Oh gurl anong nangyari sa mukha mo?" Maarteng tanong sa akin ni Ashley, nakabusangot ang mukha niya, mukhang may nangyari na naman sa kanila ni Leo babe ah.

"Ikaw ang anong nangyari sa mukha mo." Balik na sagot ko sa kanya. Biglang nangunot ang noo niya at namungay ang mga mata alam ko na ang susunod dito.

"Si Leo kasi eh lagi nalang, hay kainis." Naiiyak na sagot niya. Sabi na nga ba eh hindi ako nagkamali ngangawa na naman si loka-loka.

Ano na naman kaya ang nangyari ganito kasi sila kapag naiiwan ko lagi ko nalang nakikitang badtrip si Leo o di kaya naman ay naghihimutok si Ashley.

Nung tignan ko naman si Leo his brows are already wrinkled, pero nung makita ko naman sila kanina ok naman sila nung katext ko si Ashley kasi hinahanap ako.

"Hoy Leo!! Anong nangyari??"

He sighed before answering me. "I don't want to talk about it." Seryoso yung boses niya kaya pinabayaan ko na siya. "Ano palang ginagawa mo dito?" He asked and look at me.

Bumuntong hininga din ako tulad niya bago ko siya sinagot. "I don't want to talk about it." Panggagaya ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin pero I just smiled at him. Akala niya ha ang bilis pa naman maasar nitong baklang ito.

"Ehem." Bigla namang tumikhim si Asheley oh sorry head over heels nga pala ang babaeng it okay Leo pero alam naman niyang bakla si Leo pero ok lang daw patutuwirin niya daw ang baluktot na buhay ni Leo parang siraulo lang eh. Marami namang lalaki ang naghahabol sa kanya pero para siyang asong ulol na buntot ng buntot kay Leo.

Ayaw kasi ni Leo magkwento sa amin kung bakit siya naging bakla sabi niya pinanganak na daw siyang dyosa so ang ibig niyang sabihin is bakla na siya bata palang? Pero I doubt it I smell and feel something fishy about him pero ayaw ko munang guluhin siya I want him to approach me if ever something is bothering him. Nagsasabi naman siya sa akin kaso hindi pa rin about doon sa pagiging bakla niya, how can a gay like him don't use any make-up? Oo meron akong nakikitang bakla na hindi nagmamake-up pero tumitikwas ang mga daliri pero siya ni isang daliri tuwid na tuwid.

Sa tingin ko may nangyari sa kanya maybe bad memories. Ala basta pabayaan ko muna iyon at kailangan kong magpakasaya ngayon sayang ang binili kong damit pati sapatos at pag-aayos sa akin ni Ashley kung hindi naman ako magpapakasaya ngayong araw, I need to forget about my stupid boss nakakainis talaga nalosyang ata ako sa nakaraang buwan sa sobrang haggard ko dahil sa dami nang inuutos ng boss ko sa akin.

"Sorry Ashley, tara kumain tayo doon oh." Then I pointed out the chocolate fondue on the buffet table.

Nagpout lang siya sa akin.

"Kumain na kami Natalie." Sabay ngumuso na naman siya sa table kung nasaan ang pinagkainan ata nila ni Leo.

"Ano ba yan hindi manlang ako hinintay." Nagtatapong sabi ko.

Joke lang naman iyon echos lang na hindi manlang nila ako hinintay bago sila kumain nakakainis kasi si Sir Skyler ang sarap ipalapa sa mga bubuyog para mamaga siya tama bang iwanan ako sa table kanina sana pinabayaan nalang niya akong sumama kay Leo at Ashley wala din naman akong ginawa doon sa table doon kundi magbilang ng kimikinang kinang na ilaw.

"Ikaw kaya sumama ka na kay sir." Sabi ni Ashley nananahimik kasi si Leo sa tabi niya kaya si Ashley ang kausap ko ngayon.

I glared at her ako pa ang sinisi niya ngayon. "Anong ako, excuse me hinatak ako nung lalaking iyon hindi ako makapalag kasi baka mawalan ako ng trabaho nang wala sa oras." Tumango-tango naman siya pagkatapos.

Dahil kumain na silang dalawa ako nalang ang kukuha ng pagkain, tumayo na ako at dumiretso sa buffet table maraming pagkain, hindi kasi isahan ang bigay mas maganda daw kasi kung gagawing buffet nalang para kung may magutom man daw eh kukuha nalang ng pagkain para wala din daw masyadong masayang na pagkain. I doubt it na walang masasayang kasi yung iba hindi naman inuubos ang kinukuha nila.

Nang makakuha na ako ng pagkain nakasalubong ko si Sir Claude.

"Himala ata at hindi mo kasama si Skyler." Ayan agad ang isinalubong niyang bati sa akin kaya sumama ang timpla ng mukha ko sa tanong niya.

"Mas maganda ngang hindi ko kasama ang lalaking iyon utos ng utos hindi naman niya ako papaswelduhin ngayong party pero akala mo nasa opisina pa rin kami kung makautos siya sa akin." Naglalakad na din kami papunta sa table ko ay este table pala nila Ashley.

"Oh sumasama na naman ang mukha mo." Naaaliw na sabi niya.

Eh sino ba naman ang hindi sasama ang mukha kung ang ibubungad niya sa akin ay yung lalaking iyon imbis na mag-hi or mag-hello muna siya sa akin bago iyon ang ibungad niya akin.

"Nakakairita ka kasi alam mo namang naiinis ako sa pinsan mong iyon." Nakakasar talaga ewan ko ba kung bakit everytime na naririnig ko ang pangalan niya kahit hindi ko siya makita ay naiirita na ako.

"Nako wag mo siyang masyadong isipin at baka ma-in love ka sa pinsan kong kinaiinisan mo." Nang-aasar na sabi niya sabay nagbigay ng nakakainis na ngisi. Ang sarap supalpalin eh.

Natawa ako sa kanya at hindi na nga ako nagpapigil kasi wala namang makakarinig sa akin kasi malakas ang tugtog at busy ang lahat ng tao. Halos naluha-luha na nga ako nung tumigil ako nagpunas muna ako ng luha sa kamay kong walang hawak kasi di ba may hawak nga akong pagkain.

"Akala ko hindi ka na titigil sa kakatawa." He sarcasticaly said to me at nagpoker face din siya.

Manang mana talaga siya sa pinsan niya kapag naiinis na talagang nga namang magkamag-anak nga sila walang duda.

"Nagpapatawa ka ba? Kung oo natatawa na ako sayo. Anong magkakagusto ako doon over my dead sexy, beautiful and flawless body. Hindi ko nga matiis ang ugali magkakagusto pa? Hindi pa ako nawawalan ng tornillo sa utak para mabuang." Sabay ngiti sa kanya seryoso kasi yung mukha niya parang baliw hindi naman bagay sa kanya.

"Oo na pumunta ka na nga sa table niyo at baka malaglag pa iyang pagkain na dala mo sa kakatawa mo. I have to go too kasi may mga kakausapin pa ako." Sabay nilayasan na niya ako kaya pumunta na din ako sa table para makakain na din ako.

**********

Nang matapos akong kumain nagpahinga muna ako while Leo and Ashley are now dancing on the dance floor mukhang napilit ni Ashley si Leo kanina pa kasi pinipilit ni Ashley si Leo pero ayaw daw sumayaw but now they are dancing waaahhhh ang lakas makachemistry nilang dalawa. Anong gayuma kaya ang nilagay ni Ashley sa iniinom ni Leo at napapayag niya iyon.

Ang dami kong nakain mapadesserts, appetizer at kung anu-ano pa nagutom talaga ako kasi kanina pa akong ayaw pakainin ni Ashley nung nagbibihis palang kami puro biscuit ang pinapakain sa akin para daw hindi lumaki ang tummy ko sobra naman siya hindi naman ako mataba.

Hindi na din ako bumalik sa table ni Sir Skyler ewan ko hindi naman na niya ako hinanap which is good because I don't want to be his secretary here, kahit dito lang ayaw ko kasi naman dapat magpakasaya ako kasi wala namang party na parang nasa opisina lang ako para utusan niya, ay nakakainis tama na nga ang tungkol kay sir at naaalibadbaran lang ako.

May mga nagyaya sa akin sumayaw kanina pa kaso ayaw ko at ang bigat ng tiyan ko mamaya masuka pa ako habang nagsasayaw kami kung sino mang poncio pilato sila si Sir Claude nakita kong kasayaw si Miss Hailey yung event organizer na nag-ayos nitong party lahat-lahat kaya ang sarap ng pagkain. Aba ang lakas din makachemistry nitong dalawang ito ah hahaha nakakainggit tuloy ang bigat pa kasi ng tiyan ko eh.

When I felt that my tummy is ok I stood up at inayos ang sarili ko. Tumayo ako saglit para magpahangin sa balcony dito may ganun kasi dito doon sa left side ng event hall ang sosyal nga akala mo palasyo para magkaroon ng ganun, tinamad na din akong magsayaw at hindi na din bumalik si Ashley at Leo nagpakasaya na sa pagsasayaw.

Mas maganda iyon para naman mapatuwid ni Ashley si Leo sayang kasi talaga ang lahi ni Leo kung sasayangin lang niya iyon sa pagiging bakla niya. Hahaha sana nga maging lalaki na si Leo babe para naman malandi ko na siya ay si Ashley pala, para malandi na siya ni Ashley.

I waited for almost a few minutes or hours I don't know because I just sit there and waited for a few hours, I'm just killing time here. Wala naman kasing magawa sa party kundi ang kumain, kumain at kumain meron pa pala sumayaw at magpakasaya, nababagot na talaga ako actually. When I looked at my watch it's almost 9 pm it's still early for me to go home. Napapahikab na ako, I'm sleepy and I wanted to go home.

Thank goodness there are chairs in here that I can use, wala namang tao dito which is good kasi tahimik try ko kayang umidlip tago naman yung inuupuan ko kahit saglit lang di ba itetext ko nga pala muna si Ashley na wag na akong hanapin because I wanted to rest for a while. Nakakain naman na ako at wala na akong magawa tinatamad na din akong magsayaw so I just better take a nap for a while.

To: Ashley

Ashley wag niyo muna akong hanapin ha!! Gusto ko magsleep pakasaya ka muna sa kasayaw mo ok?

It didn't take a minute before she replied to my message.

From: Ashley

Oo naman, sige magpakasaya ka sa gagawin mo ako din magpapakasaya sa ginagawa ko. Ang super bait ni Leo ngayon hindi ako makapaniwala hahaha.

Ayan ang nireply niya sa akin lasing kaya ang babaeng ito well kanina naman kasi umiinom sila habang ako kumakain ayaw kong uminom mamaya ma lasing kaming lahat walang mag-aasikaso sa amin dito.

Isinilent ko ang cellphone ko para naman makaidlip ako ng maayos nang walang iistorbo sa akin, hindi ko na nireplyan si Ashley baka kasi hindi na naman tumigil ang babaeng iyon, sumandal na ako at hindi ko na kinaya hanggang sa dinalaw na nga ako ng antok.

**********

When I woke up, I stretched my arms and also I yawn before opening my eyes. Kumurap-kurap pa ako at nung tignan ko ang oras sa cellphone ko sobrang late na.

Ilang oras ba ako nakaidlip or should I say nakatulog?

Napatayo nalang ako, nanlaki ang mga mata at napakamot sa ulo ko na parang may kuto ito, nakakainis bakit hindi ko namalayan na sobrang gabi na pala, nung tignan ko ang oras ay 11pm na at napansin ko ding kakaunti nalang ang tao sa event hall, kailangan ko ng hanapin sina Ashley at Leo, gusto ko ng umuwi.

Hindi ko akalaing na halos nakatulog ako ng dalawang oras, I can't believe it I said that I'll just take a nap, hindi ko talaga akalaing na ang ingay na nga tapos nakatulog pa ako ng ganun buti nalang hindi ako ginambala ng magaling kong boss.

Vibrate

Vibrate

Vibrate

May nagtext ata sa akin sana sina Leo ito sana nga.

From: Leo

Natalie ano ba? Kanina ka pa namin tinetext at tinatawagan hindi ka manlang nagtetext at sumasagot.

Isa lang yan sa text ni Leo sangkaterba pa ang tinext nila sa akin pati si Ashley, sorry naman guys. Tinignan ko pa ang ibang text nila nakonsensya tuloy ako at timulugan ko sila.

From: Leo

Natalie nasaan ka na?

Bakit bigla kang nawala?

Lasing na ata si Ashley, umuwi na tayo.

Magtext ka naman Natalie!!! Tumatawag ako hindi mo sinasagot.

Nasaan ka ba ha??!!

Kung makapagtext lang si Leo akala mo tatay ko eh sarreh, ok sarreh nakatulog nga ang sleeping beauty slash snow white na si ako. Kaso wala namang prince charing na gigising sa akin kundi ang sarili ko kaya hindi ako agad nagising.

Tinignan ko naman ang text ni Ashley.

From: Ashley

Natalie gurl nasaan ka na?

Nakaupo na kami ni Leo napagod na din ako magsayaw.

Gurl hoy!!! Magtext ka pero kung mayaman ka naman sa load ay tumawag ka nalang.

Hoy Natalie!!! Wala ka bang load at hindi ka manlang makareply kahit isa?

Gusto mo pasahan kita ng load?

Saan ka ba nagsususuot?

Anong oras na magtext ka naman tinatawagan kita hindi ka sumasagot.

Lasing na ata ako? Lasing na sa pagmamahal ni Leo. Natalie help!!!!!!!

At marami pang ibang text hindi ko na binasa baka hindi ako matapos kung basahin ko pa ang lahat ng text nila lalo na kay Ashley, tama bang sabihin na loloadan niya ako eh sinabi ko naman sa kanya kanina na matutulog ako saglit pero hindi naging saglit kasi inabot ako ng dalawang oras.

Isa pa lasing na daw siya... sa pagmamahal ni Leo? Lasing na nga talaga siya. Nagtype na ako at si Leo nalang ang rereplyan ko.

To: Leo

Leo sorry hindi ba nasabi sayo ni Ashley na iidlip ako inantok kasi ako, nasaan na ba kayo?

At halos kakasend ko lang ata nung message nagreply agad siya feeling flash ang loko.

From: Leo

Natalie naman!! Wala na kami sa party hinatid ko na si Ashley at nagwawala na siya kanina pa.

Waaahhhhh mag-isa nalang pala ako, tumayo na agad ako at naglakad pabalik sa event hall habang tinetext si Leo.

To: Leo

Sige magtataxi nalang ako papunta dyan sa condo ni Ashley, alagaan mo ha.

From: Leo

Oo na, nakakainis talaga ang babaeng ito ang sarap... ARGGGHHHH. You take care and call me when you are already in the cab.

I smiled when I read his text, buti nalang kahit naiinis siya naihatid niya pa si Ashley.

Nang makabalik ako sa event hall Diyosmio Marimar wala ng masyadong tao bakit naman ang aga magsiuwi. Nagdisisyon nalang muna akong magpunta sa comfort room para ayusin ang itsura ko.

**********

Nang makalabas na ako ng C.R. may nakita akong lalaking pagewang-gewang hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi nakadantay siya sa sa ding-ding ewan ko kung saan siya galing. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.

"Excuse me sir, ok lang po ba kayo?" I asked him, wala na kasing tao dito at kaming dalawa nalang ang natira.

Kailangan ko siyang tanungin kasi baka isa siya sa mga guest nung party.

"Hi-hindi..." Medyo paos na boses na sagot niya nauutal pa nga eh. Pero wait a minute mukhang kilala ko ang boses niya.

Nung iangat niya ang ulo niya hindi nga nagkakamali ang tenga ko sa narinig ko. Ako pa ang galing ko kaya.

"Sir Skyler? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

Lasing ba ang lalaking ito? Or sadyang nagwawalling lang siya.

"Can't you see I was trying to..." Medyo masungit na sabi niya pero hindi niya natapos ang sasabihin niya.

Ohh my good LORD!!

Lumapit siya sa akin kaya ngayon nakadantay na siya sa akin mygoodness mabango nga siya pero amoy alak naman. Maputi nga pero namumula naman ang cheeks. Cute nga pero masungit parin. Gwapo nga ang bigat naman.

"Sir lumayo ka nga sa akin, ang bigat mo baka bumagsak tayo." At medyo tinutulak ko na siya pero ang ginawa niya mas dumantay siya.

Nako kung hindi ko siya mailalayo baka bumagsak kami, habang nag-iisip ako ng kung anu-ano mas ikinagulat ko ang ginawa niya ngayon, humarap siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"S-sir ano b-ba? L-lumayo ka s-sabi eh, kung h-hindi... sasampalin t-talaga kita." I was stuttering, paano ba namang hindi eh ang lapit na ng mukha niya sa akin at amoy alcohol siya nakakasuka na nakakahilo ang amoy naghahalo pa sa amoy niyang mabango.

What am I thinking hindi ko naman ata siya pinagnanasaan di ba? Kasi kung pinagnanasaan ko siya sinunggaban ko na siya ngayon palang.

Ano ka ba naman Natalie nasa ganitong sitwasyon ka na nga kung anu-ano pa ang iniisip mong kalokohan.

"Lumayo ka sir!! Ano bang ginagawa mo uuwi na po ako." Sabay tulak-tulak sa kanya.

"Can't you see..."

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi... kasi huhuhuhuh Lord help me. Kung hindi talagang makakapatay na talaga ako ng gwapong nilalang.

HINALIKAN NIYA AKO!!

Naiiyak na ako my gosh walang hiya!!

Oo hinalikan na niya ako hindi ko siya maitulak kasi yumakap pa ang pangahas na lalaking ito sa akin nang napakahigpit na akala mo ay mawawala ako sa paningin niya kapag binitawan niya ako.

Kaya ang ginawa ko nalang ay ipinikit ko ang mata ko hindi para damahin ko ang halik niyang nakakadiri kundi ang pilit gisingin ang sarili ko, panaginip lang ito Natalie, oo panaginip lang ito. Wag kang magpadala sa lintik na lalaking pangahas na iyan, halimaw talaga siya kahit kelan. At ang walang hiya hindi na niya talaga ako binitawan.

Ang sama talaga ng panaginip na ito kailangan ko nang gumising at baka hindi na ako magising sa bangungot na ito. Kahit na sabihin pang panaginip ito hindi ko papangarapin na ibigay sa kanya ang aking lovely first kiss.

Gusto ko nasa dream wedding ko ako kasama ang aking prince charming, night in shinning armor, my romeo at kung anu-ano pang tawag sa hubby ko, tsaka ko sa kanya ibibigay ang aking precious first kiss, oh di ba ang sosyal kaya I need to stop this stupid dream of mine.

Gumising ka Natalie binabangungot ka lang, gumising ka kung ayaw mong tuluyan ka ng hugutin ng masama mong panaginip.

That's right I need to wake up and stop this nightmare of mine siguro pinapakita lang sa akin ni Lord ang masamang panaginip na ito sa mga kasalanan ko sa kanya, hayaan mo po Jesus magsisimba na ako linggo linggo at mangungumpisal once a month patawarin niyo lang po ako at itigil ang masamang panaginip na ito.

Pero nung muli kong idilat ang mata ko nakadikit pa rin ang mga labi niya sa aking labi. Tapos nung humiwalay siya bigla siyang bumagsak sa akin, muntik na kaming bumagsak buti nalang nakaya ko siyang alalayan. Kundi humalik na ang mukha namin sa carpet ng hotel na ito.

Oh good Lord anong gagawin ko sa lalaking ito bakit niyo po ako binibigyan ng ganitong problema.

Author's Note:

Sorry yan lang ang kineri ng aking super powers next update na ulit kung kelan man iyon, nga pala si Leo marami na naghihinalatry ko pong gawan siya ng story kasi natuwa ako kay Leo babe eh. Hintayin nalang kung kaya ko po marami pa kasing itatype eh. And BTW sorry for the super duper mega late updates. I hope you understand.

Continue Reading

You'll Also Like

282K 5.2K 29
Duke & Izza
237K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
260K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...