Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Six-

163 6 2
By AnnyMeLoveU143

Simula ngayon gagamit nako ng PoV. Hirap pala kapag Third Person's PoV ang lagi mong ginagamit. Hindi ako sanay. Hehe.

So anyways, happy reading! =)

***

SHANE

    NAKASAKAY ako ngayon sa kotse ni Tyler. Papunta kami sa mall at bibili ng pagkain para kay Mama. Ayaw ko sanang sumama kaso kapag si Mama na ang nagsabi hindi ako makakatanggi.

    Buti sana kung si Eduardo ang kasama niya eh.

    "Shane, okay ka lang ba?" Tanong niya.

    "Hindi." Sagot ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana.

    "Haha. I knew you would say that."

    Huminto ang kotse niya sa tapat ng mall. Nauna siyang lumabas at lumabas na din ako at pumasok kami sa loob. Hindi ko alam na may bukas na mall pa pala aa mga oras na 'to.

    Kumuha siya ng basket. "Ano nga pala ang paboritong pagkain ng Mama mo?" Tinignan niya ako.

    Nagkibit-balikat lang ako. "Hindi naman pihikan si Mama sa pagkain. Kahit ano kakainin niya."

    "Hm.. Okay. Tara don tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.

    Konti lang ang mga taong nandito kasi nga gabi na. Kuha lang siya ng kuha pero hindi naman niya tinitingnan kung magkano ang price. Tss. Yabang lang ah.

    "Mahilig ba sa chocolates ang mga kapatid mo?" Tanong niya habang may hawak na tobleron.

    "Hindi ko alam.. Siguro?"

    Tumawa siya. Ano naman ang tinatawa-tawa niya? Napa-praning na yata ang lokong 'to. "You're so cute." Kumuha siya ng sampung tobleron ay lahat yon nilagay niya sa basket.

    "Pwede bang bitawan mo na ang kamay ko?" Pansin ko kasing kanina pa niya hawak ang kamay ko.

    "Ayoko. Baka kasi tumakas ka at iiwan mo ako."

    "As if gagawin ko yon." I rolled my eyes on him.

    Kanina pa kami namimili ng kung anu-ano. Halos puno na nga yung basket eh. Sana pala push cart na lang ang kinuha niya kung ganito din pala kadami ang bibilhin niya.

    "Mabigat ba? Gusto mo ako na magdala ng basket?" Tanong ko sa kanya. Nakapila na kasi kami ngayon sa counter.

    "Nah. It's not thay heavy. Kaya ko pa naman."

    Tiningnan ko siya. Pansin ko ang mga pawis niya sa noo niya kahit naka-aircon dito sa loob ng mall. Hayy, kawawa naman ang lalaking 'to. Siya na nga ang nagdala ng basket siya pa ang magbabayad. Wala naman yata akong naitulong dito eh. Para saan pa at dinala niya ako kung ang gagawin ko lang naman pala ay sumunod sa kanya.

    Kinapa ko yung pantalon ko at kinuha ang panyo ko. "Oh. Magpunas ka nga ng pawis mo." Sabay abot sa kanya ng panyo ko.

    "Don't worry. Gwapo pa din naman ako kahit pawisan diba?" Then he winked at me.

    I looked at him with a pokerface. Wala talagang pinipiling lugar ang kayabangan ng lalakong 'to. Tss.

    "Lapit ka nga muna." Sabi ko sa kanya.

    "Bakit?" Nilingon niya ako ng nagtataka.

    "Basta."

    Sumunod naman siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. At since hawak niya ang isa kong kamay kaya itong isang kamay ko na lang ang ginamit ko para punasan ang pawis niya sa noo niya.

    Nagulat naman siya sa ginawa ko.

    "Oh ayan." Tapos binalik ko ang panyo ko sa bulsa ng pantalon ko. Tiningnan ko siya pero nakatingin pa rin siya saken. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

    Ngumiti siya ay umiling. "Wala. Mas maganda ka pala kapag malapitan noh?"

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ewan ko sayo."

    Narinig ko siyang tumawa. Abnoy talaga.

    Pagkatapos naming bumili sa mall nagpunta kami sa parking lot para bumalik aa ospital. Tinulungan ko siyang ilagay ang mga pinamili namin sa likod ng kotse niya tapos umalis na kami.

    "Salamat nga pala." Sabi ko. Kahit na ang maldita at sinusungitan ko siya kailangan ko pa ring magpasalamat sa kanya dahil dito.

    "For what?" Tanong niya.

    "For this. Babayaran na lang kita balang araw."

    "Nah. You don't have to pay me. Para din naman 'to sa Mama't mga kapatid mo."

    Hindi ako umimik. Kahit ang yabang niya mabait din pala siya. Akala ko puro kayabangan lang ang alam niya.

    "So, sasagutin mo na ba ako?"

    I sigh. Here he goes again. "Hokage ka din eh noh?" Inikutan ko siya ng mga mata ko.

    Narinig ko siyang tumawa. "By the way, Shane. Bakit nga pala nabulag ang Mama mo?"

    I licky dry lips before answering his question. "Dahil sa isang aksidente."

    "Oh. Eh nasan ang Papa niyo?"

    "Bata pa lang ako at pinagbubuntis pa ni Mama sina Shaira at Jaira iniwan niya kami at sumama siya sa ibang babae. Nakita ko kung paank magmakaawa si Mama kay Papa na huwag niya kaming iwan pero tinaboy niya lang si Mama na parang hindi niya kami pamilya."

    "I'm sorry to hear that." Sabi niya.

    Hindi na lang ako nagsalita. Ayoko ng maalala yun. Yung pinakamasakit na alaala. Wala siyang awa. Wala siyang puso.

    Walang ng nagslita samin hanggang sa makarating na kami sa ospital.

    Pagbukas ko ng pinto naabutan ko sina Mama at kambal na natutulog na. Si Eduardo naman sa sofa lang natulog. Mukhang natagalan yata ang pamimili namin kaya nakatulog na sila.

    Dahan-dahan kong nilagay ang plastik sa lamesa para hindi sila magising. Ganun din si Tyler.

    Hinaplos ko ang buhok ni Jaira at tiningnan sila. Hindi ko mapigilang maluha. Ang dami ko ng ginawang sakripisyo para lang mabuhay sila. Ang dami ko mg pinagdaanang hirap pero hindi ako sumuko agad dahil sa kanila. Sila ang lakas ko.

    "Shane.." Tinapik ni Tyler ang balikat ko.

    Pinunasan ko naman ang mga luha ko. "Pwede mo ba akong ihatid pauwi?"

    "Sige."

---

    PAGKARATING namin sa tapat ng bahay ko agad akong bumaba sa kotae niya. Hindi ko siya nilingon kahit na tinawag niya ang pangalan ko. Sinara ko ang pinto. Nagpunta ako sa kwarto ng kambal since don daw sila matutulog sa ospital. Pagkapasok ko hinagis ko ang bag sa kama at pabagsak na humiga don. Pagod na pagod nako.

    Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Lechon naman! Sino ba 'to?! Matutulog na sana yung tao eh! Bwiset!

    Bumangon ako at kinuha ang bag ko at hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko na tiningnan ko kung sino anh tunawag. Ayy, text lang pala. Pero sino ba 'to? Number lang nakalagay eh.

    I know pagod ka na pero sana mabasa mo ang text ko. I just want to say get some rest.

Good night. =)

    Kumunot ang noo ko. Sino 'tong hinayupak na 'to?

    Nireplyan ko nga.

    Sino 'to?

    Tapos send. Humiga ulit ako sa kama nang bigla na namang tumunog ang cellphone ko pero this time hindi na text kundi tawag.

    "Hello?"

    "Hey, Shane. Glad you answer my call." Pamilyar saken ang boses na 'to. Don't tell me...

    "Ikaw ba 'to, Tyler?"

    "Bingo! Hahahaha!" Hala. Lakas makatawa ah? Happy lang? Tsh.

    "Pano mo nalaman ang number ko?"

    "Hiningi ko sa kaibigan mong bakla."

    Napapikit ako. Ang baklang yon talaga! Lagooot yalaga yon saken! "Idelete mo ang number ko."

    "Bakit ko naman idedelete? Atleast may comminication na tayong dalawa. Gabi-gabi na tayong mag-uusap."

    "Ewan ko sayo. Matutulog nako may trabaho pako bukas."

    "Hatid kita ha?"

    "Ayoko."

    "Pero--"

    *toot* *toot* *toot*

    Ayan. Tinapos ko din ang tawag. Makakapagpahinga na din ako. Tutulog na sana ako ng bigla namang tumunog ang cellphone ko. Bwiseeet!

    Inis kong kinuha ang cellphone ko. "PWEDE BA TIGILAN MO NAKO, TYLER! MATUTULOG NAKO AT MAY TRABAHO PAKO BUKAS! BWISET!"

    "Uhh, sorry. Did I wake you up?" Huh? Bakit iba boses nito?

    "Sino 'to?" Tanong ko.

    "It's me, Zeke."

    Zeke? Sino namang Zeke 'to? "Wala akong kilalang Zeke. Wrong call ka yata. Ibababa ko na 'to. Istorbo ka eh." I was about to end the call when he speaks again.

    "Wait, don't hang up yet. It's me."

    "Wala nga akong kilalang Zeke ang pangalan. Ang kulit mo din eh." Naiinis nako ah! Antok na antok na talaga ako dito!

    "Shawn Ezekiel Montefalcon. That's my full name. Do you remember me now?"

    Shawn Ezekiel Montefalcon? Ah, now I remember him! Siya yung lalaking naghatid saken dito.

    "Saan mo nakuha ang number ko? Don't tell me hiningi mo din kay Eduardo?". Baklang yun talaga kung kani-kanino na lang binibigay ang number ko! Sasabunutan ko yun eh!

    "Eduardo? Who's Eduardo?"

    Huh? Hindi niya kilala si Eduardo? "Kanino mo hiningi ang number ko?" Di kaya hiningi niya kay Hazel? O kaya kay Mandy?

    "Remeber the calling card? Ikaw pa nga yung unang tumawag saken."

    Calling card... Calling card? Bumangon ako at kinuha ang pitaka ko. Don ko yata sinuksok ang calling card niya. At nahanap ko nga.

    Shawn Ezekiel Montefalcon
CEO of Montefalcon Empire

    Oo nga pala. Naalala ko nga tinawagan ko nga ang calling card na 'to. At wow ha. CEO pala siya? Bigtime din ang lalaking 'to eh. Kaya pala ganun na lang kalaki ang respeto ni manager sa kanya.

    "Akala ko kalokohan lang 'to." Sabi ko habang nakatigin pa rin ako sa calling card niya.

    "Bakit mo naisipan na kalokohan lang yan?" Tanong niya sa kabilang linya.

   "Kase nung tumawag ako wala namang sumagot."

    "I'm sorry. I was just...you know. Nervous at that time."

    Nervous? Bakit naman siya kakabahan eh makikipag-usap lang naman ako sa kanya. Hindi ko naman siya kakagatin o sasapakin.

    Hindi ko mapigilang mapahikab sa antok. Gusto na din magpahinga ng mga mata ko. Konti na lang bibigay na 'to.

    "You must be really sleepy." I heard him said.

    "Yeah. Kanina pako inaantok dito."

    "Go to sleep, Shane. Alam kong may trabaho ka pa bukas. I'll fetch you tomorrow, okay? Good night."

    "Hmmm.."

    Tinapos ko na ang tawag. Finally! Makakatulog na din ako.

---

    AAAAAAHHH!!! Bwiset! Bwiset! Bwiset talagaaa! Lintek na! Sobrang late ko na sa trabahooo!

    Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang damit ko kahit na basa pa ang katawan ko. Tinali ko din ang buhok ko kahit na may tira-tira pang naiiwan sa gilid ng mukha ko. Wala pakong kain, at hindi na din ako nakapag-toothbrush! Nalintekan na!

    Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Ni-lock ko muna ang pinto para masiguradong hindi talaga ito mapapasukan ng magnanakaw.

    Pagharap ko..

    "Dyusmiyo marimar!"

    Nagulat ako ng makita ko si Ezekiel na nakatayo at dala ang...bagong kotse niya?

    "Good morning." Bati niya at ngitian niya ako. Naka-business suit siya at mukhang papunta siya sa office niya.

    "Uh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

    "Going to work? Hatid na kita." Binuksan niya ang pinto ng kotse niya.

    "Huwag na. Magje-jeep na lang ako." Sabi ko sa kanya.

    "But you agreed last night na ihahatid kita."

    Huh? May sinabi ba akong ganun? "Wala akong sinabing ganun sayo."

    "You just agreed."

    "Ang kulit mo. Sabi ng wala eh."

    "SHANE!"

    Nagulat ako ng makarinig ako ng sigaw. Paglingon ko, nakita ko si Tyler na papalapit sa direksyon namin. Nakasuot din siya ng business suit. Ano naman ang kailangan ng isang 'to?

    "Hatid na kita." Sabi niya pagkalapit niya saken.

    Napatampal ako sa noo ko. Ugh. Great. Just great! Dalawang lalaki sa harap ko at gusto nila akong ihatid. Bwiset naman!

    "Tara na, Shane." Hinawakan ni Tyler ang kamay ko pero hinila ko yun pabalik.

    "Wala naman akong sinabing ihatid mo ako diba?" Tiningnan ko siya ng masama pero ang loko, nakangiti lang.

    "Huwag ka ng mahiya saken. Tara na." Hinawakan na naman niya ako sa puslo.

    "Tyler, ano ba!"

    "Let her go, man." Bigla naman hinawakan ni Ezekiel ang braso ni Tyler na nakahawak sa puslo ko. "She don't want to go with you so don't force her." Nakipagtitigan siya kay Jerick. Ganun din Tyler kay Ezekiel.

    "Bakit? Ikaw ba ang maghahatid sa kanya? Pumayag ba siya?" Parang naghahamon 'tong si Tyler kay Ezekiel.

    "No. But did she agree with you as well?" Uh-oh. Mukhang magb-beast mode na yata 'to si Ezekiel.

    Huminga ako ng malalim at inis kong kinamot ang ulo ko.

    "Why don't we ask her kung kanino siya sasabay?" Tapos tiningnan nila akong dalawa. "Kanino ka sasabay Shane? Sakin o sa kanya?" Sabay turo kay Ezekiel. "Who do you choose?"

    Tinitigan ko silang dalawa. "Hindi. Ako. Sasabay. Sa. Inyo." Tinalikuran ko sila at pumara ng jeep at agad na sumakay.

    Mga bwiset! Late na nga ako mas lalo pa akong malelate dahil sa dalawang abnoy na yun! Kaasar!

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 99.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.5M 34.4K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...