Behind His Glasses | previous...

Par krisylala

5.2M 41.4K 3.3K

[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret. Plus

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 26

70.9K 1.1K 52
Par krisylala

"The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong."

― Mahatma Gandhi, All Men are Brothers: Autobiographical Reflections


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


'Zhai, pupuntahan kita sa bahay nyo mamayang 8pm ha?' inilapag ko ang cellphone ko pagkatapos kong basahin ang text galing kay Shiela.


December 24 na ngayon, at wala pa nga akong maisip na regalo kay Zyren, dumagdag naman itong problema na 'to. Bwisit na Black Lord.


Christmas gift... Christmas gift... Aggghhhh. Since wala na rin naman akong oras na pumunta sa mall at mag-ikot ng ilang oras, I think it's time para sabihin ko na sa kanya ang totoo.


Tinawagan ko si Zyren at sinagot naman niya ito sa unang ring pa lang.


"Zy-"


"Princess!!"


Inilayo ko agad sa tenga ko ang cellphone. Bakit naman bigla 'tong sumigaw? Hindi ko na lang iyon pinansin at itinuloy ang plano. "Umh, punta ka sa garden ng school ngayon."


Tumahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita, "Pupuntahan natin si Baby Z." sabi niya. It was more of a sentence than a question.


"Yes. I'm going to give you an advance Christmas gift."


Nakaupo na ako ngayon sa harap ni Baby Z nang biglang may yumakap sa leeg ko at bumulong, "Princess."


Itinago ko ang pag-bilis ng tibok ng puso ko at ang pagtaas ng aking balahibo sa pamamagitan ng pagkurot sa braso niya na nakapulupot sa akin. Tumawa naman siya at umupo na sa tabi ko, at isinandal ang balikat niya sa akin.


"Asan na yung regalo ko?" nakangiti niyang tanong.


"Uhh, temporary gift lang ito habang wala pa akong maisip na regalo para sayo." nahihiya kong sabi.


Tiningnan ako ni Zyren na para bang may ginawa akong mali, "Princess, you don't need to get worked up over that. Having you is enough."


Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya para maiwas ang pamumula ng aking mukha, at pagkatapos ay huminga ng malalim, "I'll tell you my secret."


Tumahimik siya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin na may maliit na ngiti sa labi niya.


Alam na ba niya ang sasabihin ko?


Yumuko ako, "I'm Baby Z, Zyren. The ex-leader of your gang."


Hinintay ko ang sagot niya habang nakayuko pa rin ako. Titingala na sana ako nang bigla niya akong yakapin - ng mahigpit.


"Huy! H-hindi ako makahinga!" sigaw ko, pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya.


"You don't know how happy I am that you've finally said that." Huh? Kala ko pa naman magagalit siya.


"Hindi ako galit, if that's what you're thinking." kinalas na niya ang pagkakayakap sa akin at tiningnan ako, "Bakit naman ako magagalit sa taong ibinalik ang Black Exile? Edi sana hindi ako ganito ngayon." binigyan niya ako ng isang malaking ngiti, "Thank you, Baby Z."


And with that, he closed the distance between us and gave me a very sweet kiss.


"Zyren.." ako ang unang humiwalay pero nanatiling magkadikit pa rin ang noo namin, "I need to tell you something." Kumunot ang noo niya marahil na rin sa pagka-seryoso ng boses ko.


"Black Lord... he gave me a note. Kailangan kong sundin ang nakalagay doon or else, you'll all be in danger."


Sumeryoso ang mukha niya at muli akong niyakap, "I made a promise to your mom, Zhaira. I will always protect you."


~ * ~


<ADELE'S P.O.V>


"Huy, sure ka bang dito yung place? Bakit parang wala pang tao?" tanong ko. Walangya talaga 'tong si Cyrene. Mali pa yata 'tong napuntahan namin! Kajirits!


"Dito nga! Eto yung address oh!" paglalaban ni Cyrene at ipinakita sa akin ang address.


"Oh, Loreez. Tignan mo nga yung address. Dito ba yun?" binigay ko kay Loreez ang address since malay ko ba kung saan 'to.


Pero hindi ako pinansin ni Loreez ang beauty ko. Nanatili siyang tahimik habang tinitingnan ang lugar. Enebenemenyen!


"Oy, Loreez!! Yoohoo! Kinakausap ka ng dyosa!"


Hindi pa rin siya sumagot.


"Hoy!!" pumalakpak na ako sa harapan niya at doon lang siya natauhan.


"Bakit?" tanong niya.


"Tulala ka dyan?"


"H-hindi nyo ba alam kung ano ang lugar na 'to?" dahan-dahang sabi niya na para bang natatakot.


"Hindi ko masyado makita yung lugar kasi madilim eh. Bakit, san ba 'to?" nagtatakang tanong ni Cyrene.


"Tingnan nyo yung nakalagay sa pinto." sabi ni Loreez sabay turo sa isang direksyon. Tiningnan ko naman kung ano yun at - OH MY GOD.


WE ARE DEAD. LALO NA ANG EXISTENCE KO.


Nasa harapan namin ang isang pamilyar na pinto na may graffiti na; You enter, you die


"Oh my gah!!! Let's get out of here! It's a trap! A TRAP!!!!" sigaw ko at saktong pagkatalikod namin, may humarang sa aming mga lalaki.


At kasama doon yung pogi. Si Rick! Ngumiti siya at sana napansin ko noong pumunta siya sa bahay ni Cyrene na ang ngiti niya ay may ibang kahalo - ngiting pang-demonyo.


"Where are you guys going? The party's just about to start."



<THIRD PERSON'S P.O.V>

9:45 PM


May mga motor na pumarada sa harap ng RG - ang motor nila Zyren, Geoff, Kenrick, Gio, Rei at ang buong gang ng Black Exile.


Binuksan ni Geoff ang pinto at nag-init ang dugo nilang lahat, lalo na si Kenrick at Gio, nang makita nilang walang malay at nakatali habang nasa sahig sila Loreez, Cyrene, at Adele.


"Who the fuck did this?!" sigaw ni Gio; tuluyan nang nawala ang boy-next-door aura niya.


Tumakbo sila ni Kenrick sa pwesto ng tatlo at kinalas ang tali. Sa wakas, nagkamalay na sila at biglang nanlaki ang mga mata ni Loreez nang may nahagip ang paningin niya.


"Kenrick, sa likod mo!"


Tumingin si Kenrick sa likod nya at inihanda na ang kanyang sarili sa anumang bagay na ihahampas sa kanya.


"Not so fast." Fortunately, mas mabilis si Zyren. Nahila nya ang damit ng kalaban at ipinaubaya na ang pagbubugbog kay Geoff.


Nagsimula nang maglabasan ang miyembro ng Royal Gang at napangiti naman si Rei, "Alright! Let's end this party."


**


10:10 PM


"Sabi ko sayo eh, late na tayo!" sabi ni Shiela. Kailan pa ba sila hindi na-late sa kahit na ano?


Hindi siya pinansin ni Zhaira at nang ilang hakbang na lamang sila sa hideout ng Royal Gang, nakarinig na agad sila ng mga ungol at pagbagsak.


"Seems like they're having a good time already." nakangiting sabi ni Zhai.


"Let's join in the fun then!" sabi ni Shiela at binuksan na ang pintuan.



**


Oy Jan!! Ikaw na bahala dito." inihagis ni Jim kay Jan ang isa sa miyembro ng kabilang gang. Oo, inihagis.


"Walangya! Lahat naman ng pangit ay sa akin eh!" angal ni Jan.


"Sus! Lahat naman dito pangit." singit ni Pol na busy sa pagsusuntok.


"Tsk tsk. Lalo na tong kalaban ko! Ang bagal kumilos! HAHAHA!" mukhang nageenjoy pa si Pep habang iniilagan nya ang mga suntok ng kalaban nya.


"Yung akin ang baho ng hininga." nasuntok ni Zac sa mukha ang isa nilang kalaban na sumigaw sa mukha nya.


"Wala pa rin talagang tatalo sa kapogian ko." pahabol naman ni Jack habang pinag-uuntog nya ang dalawang ulo ng kalaban nila.


"Oy, Pink!! Wag kang masyadong dumikit sa kanila!!" sigaw ni Rence.


"Oo, wag kang mag-alala, mas gwapo ka pa rin!" sigaw pabalik ni Pink na ikinamula ni Rence kaya lalong napalakas ang suntok niya sa tiyan ng kalaban niya.


Pero masyado pa rin talagang madami ang RG kumpara sa Black Exile.


"Shit, wala na atang katapusan 'to." sabi ni Zyren habang sinuntok nya sa mukha ang nasa unahan nya at sinipa naman ang nasa kaliwa nya.


"Pinsan, sa likod mo!" sigaw ni Rei.


"Too slow." sabi ni Baby Z at sinipa ang lalaking may hawak na bakal na ihahampas sana kay Zyren.


Lumiwanag naman ang mukha ni Zyren sa nakita nya. Lumapit sya kay Baby Z at niyakap ito ng mahigpit.


"Ehem! This is not the right place for that, don't you think?" sabi ni Shiela habang may maliit na ngiti sa labi.


"Alright, let's do this." excited na sabi ni Zhaira, pero hindi ganito ang gusto ni Zyren. Isa lang naman ang gusto niyang makita at makalaban dito.


"Black Lord! Let's finish this shit!" sigaw ni Zyren.


Biglang may nagpakitang dalawang lalaki na ikinagulat nilang lahat - lalo na si Zhaira.


"You were calling for me?" tanong ng bago ngunit pamilyar na boses kay Zyren. Inilipat niya ang kanyang tingin kay Zhaira at ngumiti, "Nice to finally meet you, Baby Z."


Hindi makagalaw si Zhaira. Tanging ang dalawang salita lang ang kanyang nailabas, "Kuya Kyle?"



<Flashback from Kenrick's perspective - at Kyle's room>


First time kong makapasok sa room ni Kyle. And I did not expect this; Oo, malinis dito, pero everything is black. From the walls up to most of his things - black.


Nag-ikot ako at tiningnan pa ang mga kagamitan niya nang may nakaagaw sa aking pansin. Isang litrato na nakapatong sa bedside table nya.


"Sino 'tong nasa picture?" tanong ko habang nakaturo sa litrato.


"Papa ko." simple niyang sagot. Tiningnan ko siya na para bang na-insulto ako sa sagot niya. Dude, alam kong tatay mo 'to. "Alam ko. Ang tinatanong ko; kung sino yung kasama niyang babae dito sa picture."


Lumapit siya sa akin at binatukan ako sa ulo, "Linawin mo kasi!" tumahimik siya saglit at tiningnan ang litrato, "Best friend niya 'yan."


Tumango lang ako. May kutob akong Mama ni Zhaira 'to, pero kailangan ko lang ng confirmation.


Bago kami lumabas ng kwarto ni Kyle, nagpaiwan muna ako saglit sa loob. Tiningnan ko ulit ang frame at napansin kong may nakasulat sa likod nito.



I will get my revenge soon.

Black Lord


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

9.1M 213K 60
[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the...
100K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
110K 3.8K 34
Ano'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? H...
5.6M 179K 75
Yung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi tot...