Behind His Glasses | previous...

By krisylala

5.2M 41.4K 3.3K

[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 23

68.7K 1.1K 121
By krisylala

"Love is needing someone. Love is putting up with someone's bad qualities because they somehow complete you."

― Sarah Dessen, This Lullaby


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Good Morning, Zhaira."


"Hi, Zhai."


"Peace be with you, Zhai."


What.

The.

Heck,


Anong nangyayari?! Kakapasok ko pa lang dito sa gate ng school at nagulat na ako sa mga nakita ko.


Kinusot ko ang mata ko at kinurot na rin ang aking sarili baka sakaling nananaginip pa ako. Pero nasaktan ako at namumula na yata ang mga mata ko.


So bakit lahat ng estudyante dito naka-long sleeves or polo with checkered or stripes pattern?! At naka-dorky glasses pa. Heck, bakit lahat sila ay mukhang nerd?


Tumakbo ako papunta sa room para maisawan ang kung anong meron sa mga tao na 'to ngayon pero unfortunately, they're everywhere. EVERYWHERE!!!! At lahat sila, binabati ako. Sigh.


Nakarating na ako sa labas ng room at tinry itong buksan pero naka-lock. Bakit? Ilang minuto na lang magbe-bell na.


Tumalikod na ako at maglalakad na paalis nang dahan-dahang nagbukas ang pintuan ng room. Nakapatay pa ang ilaw sa loob at parang walang tao. Err.... papasok ba ako? Madilim eh.


"I come in peace, Zhaira." pagbabati sa akin ng isang hindi ko kilalang estudyante na naka-nerd outfit. Fine, papasok na ako ng room.


Pumasok na ako at binuksan ang ilaw. Instant akong nanigas at naibagsak ko ang aking bag.


Bukod sa mga mukhang nerd din ang mga kaklase ko, nagulat ako nang makita ko silang nakaluhod at nakatingin sa akin. Kahit ang mga kaibigan ko.


"Zhaira." tumingin ako sa dulo ng room at sa taong pinanggalingan ng boses. I should have known; sino pa ba ang may kakayahang gumawa ng ganito?


Naglakad papalapit sa akin si Zyren, wearing and looking like my nerdy tutor.


"Princess, I'm sorry but I can't wait any longer. I just need you to give me the chance to make it all up to you - to make all my stupidity worth forgiving." Huminto siya ng ilang hakbang sa harapan ko, "You don't know how much I missed you. You don't know how jealous I am whenever you talk to someone because they are so damn lucky to hear your voice."


Tinanggal niya ang salamin niya at humakbang siya papalapit sa akin pero hindi ako gumalaw - hindi ako makagalaw.


"I'm jealous of Kyle because I should be the one who's walking you home, who's making you smile, who's making you blush so goddamn adorably." Humakbang pa siya ng isa pero this time, nilakihan niya kaya naman nasa harapan ko na talaga siya. Idinikit niya ang kanyang noo sa akin at pumikit, "I'm jealous because I should be the one. I want you back, Zhaira." iminulat niya ang mga mata niya at diretsong tumingin sa akin. "I want you to be mine again."


Wala na akong ibang marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Lumayo siya at ginulo ang buhok niya bago lumuhod sa harapan ko, "I'm so, so sorry, Zhaira Alvarez. Please take me back."


"Ipagpatawad moooooooo~ aking kapangahasaaaaannn~" nagising ang pagkatao ko nang biglang kumanta ang mga tao dito sa loob ng room. What the heck?!


Patuloy lang sila sa pagkanta at tiningnan ko naman ng masama si Zyren. Kinagat niya ang labi niya para pigilang lumabas ang isang ngiti. Ugh, alam niyang maiinis, mapapahiya, at matutuwa ako sa mga plano niya eh.


"OOOOOHHHHH!!!! MINAHAL KITA AGAAAAAD~!" tumayo si Adele at nilaksan ang pagkanta.


Napatawa ako at bumuntong-hininga. "Fine."


Huminto ang pagkanta at nagulat si Zyren. Agad siyang tumayo, "Teka, princess, pakiulit?"


I rolled my eyes. Parang deja vu lang, ah. "Yes. Fine. I'm taking you back. I'm yours again."


Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kaklase ko at agad akong niyakap ni Zyren ng mahigpit.


"I love you, Zhaira"


~ * ~


"You already know his secret but when will you tell him yours?"


'Yan ang mga katagang sinabi sakin ni Shiela nang sagutin ko ang tawag niya sa akin days after nang magka-bati kami ni Zyren.


Bumuntong-hininga ako, "Are you seriously asking me that today?" pagod kong tanong kay Shiela.


It's today. Her death anniversary - my mom's death anniversary.


Nag-usap pa muna kami ni Shiela at pagka-end ko ng call, pinuntahan ko si dad na nasa living room. Hawak-hawak ang picture ni mommy.


"Dad.." umupo ako sa tabi niya kasabay nang paglapag niya ng picture sa lamesa. Tumingin siya sa akin at kahit nakangiti siya, kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.


"Yes, bebe girl?"


"Can I visit her?" tanong ko. Tumahimik siya ng ilang segundo bago sumagot, "Gusto mong sumama ako?" Umiling ako. "Nah, dad, nakakahiya. Ipapakilala ko na siya eh."


Napangiti siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko, "You've grown, bebe girl." nagsimula nang mamula ang mga mata niya pero agad siyang tumayo bago ko pa makita ang pagpatak ng mga luha niya, "Ikamusta mo ako sa kanya, ha. Tell her that I miss her.. I really, really miss her."


~ * ~


"Ihinto mo na." sabi ko kay Zyren at bumaba na sa motor niya. Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Tiningnan ko siya at binigyan niya ako ng reassuring smile. Ngumiti ako pabalik at pinisil ang kamay niya.


Ipapakilala ko na siya. Kaya ko 'to.


Pumunta ako kung nasaan ang puntod niya at inalis ang mga nalaglag na sanga at mga natuyong dahon.


Lexie Alvarez

A loving leader, wife & mother


Umupo ako at tumabi naman sa akin si Zyren.


"Mom, how are you?" mahina kong sabi. "Tingnan mo 'ko oh, malaki na ako. Sabi ni daddy I've grown na daw." napangiti ako, "Miss ka na nga pala niya. Miss na miss." Dumaan sa amin ang isang mahina at komportableng hangin.


"Mommy, bumabalik na din ako sa dati. Yung batang laging ngumingiti?" pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko at hinawakan ang kamay ni Zyren, "I want you to meet the guy who changed - no - the guy who brought me back."


"Mom, si Zyren. Boyfriend ko."


Naramdaman ko ang pag-ngiti ni Zyren at isang hangin na naman ang dumaan sa amin. "I'm proud of you" Alam kong iyon ang mga katagang sasabihin ni mommy ngayon.


"Mommy.." nagulat ako nang biglang nagsalita si Zyren. Palaro ko siyang siniko at nginitian naman niya ako.


"I'll take care of this girl 'til the day when I will be able to sing Marry Your Daughter to your husband." tiningnan niya ako at kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. God, I've fallen really hard for this guy already. "I promise I'll take care of her; even if my life depends on it."



<KYLE'S P.O.V>


It's today. His death anniversary.


"Ano, 'tol? Tara na?" Sabi ko sa nakatulalang pinsan ko. Anong nangyayari dito? "Huy, Kenrick! Kenrick Castillo!" pumalakpak ako sa mukha niya pero hindi pa rin siya kumikibo.


Ah, alam ko na kung bakit. "Masyado bang nakakapang-tulala ang kwarto ko?" Ngayon ko nga lang pala 'to pinapasok sa kwarto ko.


Nag-ikot pa siya sa kwarto ko at huminto sa aking bedside table, "Sino 'tong nasa picture?" turo niya sa nag-iisang picture frame na nakapatong sa lamesa.


"Papa ko." simple kong sagot. Tiningnan naman niya ako ng masama. "Alam ko. Ang tinatanong ko; kung sino yung kasama niyang babae dito sa picture."


Lumapit ako sa kanya at binatukan siya sa ulo, "Linawin mo kasi!" tumahimik ako saglit at tiningnan ang litrato, "Best friend niya 'yan."


Maka-ilang saglit, umalis na kami sa bahay at dumiretso na sa sementeryo.



<KENRICK'S P.O.V>


Dumiretso na kami sa sementeryo kung saan nakalibing si tito - ang tatay ni Kyle.


Papunta na kami sa puntod ni tito nang napahinto kami sa paglalakad. Malapit sa puntod ni tito ay sila Zhaira at Zyren. Tumango sa akin si Kyle at lumapit sa kanila; nagpahuli ako at sumunod sa kanya.


Naramdaman ni Zhai ang presensya ni Kyle dahil tumingala siya "Uy, Kuya Kyle! Sinong binibisita mo dito?" rinig kong tanong niya.


"Dad ko, death anniversary nya ngayon eh." sagot ni Kyle habang malungkot na nakangiti.


"Ay, hindi ko pa nga pala nakikita ang dad mo." ibinalik ni Zhai ang kanyang tingin sa puntod ng mom niya, "Yung mom ko din, death anniversary ngayon."


"Talaga?" tanong ni Kyle.


Nanlaki ang mga mata ko nang may naalala ako. Mama nga pala niya si Black Lexie. Ang founder ng gang.


Napatingin naman sakin si Zhaira na halatang nagulat. "Kenrick?!" Tumingin na rin sa akin si Zyren, na mukhang gulat din.


Binigyan ko sila ng isang maliit na ngiti. "Yo. Pinsan nga pala ako ni Kyle." Napanganga si Zhai at umupo na si Kyle sa tabi niya habang nakaharap sa puntod ni tito. Ako naman, tumayo lang ako sa likod niya.


Thomas Lordez

A loyal friend & a loving father


Bata pa lang si Kyle noong iniwan sila ng mama niya kaya naman si tito na lang ang nagsilbing pamilya niya. Sobra ang galit at lungkot niya nang nalamang wala na din sa buhay niya si tito.


"Kuya Kyle, pwede ko bang itanong kung pano namatay si tito?" tanong ni Zhai. Hinintay ko din ang sagot mula kay Kyle kasi kahit ako, hindi ko alam kung ano ang ikinamatay ni tito.


"Pinatay sya." mabilis at walang emosyon na sagot ni Kyle.


Tumango si Zhai, "Pareho pala sila ng ikinamatay ni mommy." mahina niyang sabi.


"Sigurado ka?"


Tumango si Zhai, "Pinatay din si mommy."


Tumahimik saglit si Kyle, "Sorry to hear that." Pero nag-iba ang boses niya; hindi ko lang maisip kung ano.


Nagkaroon ng mahabang katahimikan at napansin kong patuloy ang pagtingin niya sa isang direksyon.


Tiningnan ko ang direksyon na iyon at napansin kong may tao na nagtatago sa isang puno. Siya na naman - si Rick.


Nagsimula nang magpaalam sa amin si Zhai nang maihatid namin siya sa bahay nila. Nang makaalis na sila Zyren at Kyle, tinawag ko si Zhai at nagtataka naman siyang lumapit sa akin.


"May picture ka ba ng mommy mo?" tanong ko at kumunot naman ang noo niya.


"Oo.. bakit?"


"Can I see?"


Tumango siya at kinuha ang wallet niya at ipinakita sa akin ang isang litrato, "Yan lang ang picture na meron ako ni mommy, eh. Yung isa, ipina-frame ni daddy."


I think I just might be able to finish my 2nd mission. But this is not the time to celebrate - this is the time to be prepared.


Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 179K 75
Yung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi tot...
1K 59 3
With Pierre's ability in technology, he and his friends manage to bring their late friend back to life... BUT as an Artificial Intelligence robot who...
10.7M 182K 92
[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko ..may POSSIBILITY kaya na MAGUSTUHAN ko...
237K 13.5K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.