Behind His Glasses | previous...

By krisylala

5.2M 41.4K 3.3K

[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 22

70.3K 1K 34
By krisylala

"The truth." Dumbledore sighed. "It is a beautiful and terrible thing, and should therefore be treated with great caution."

― J.K. Rowling, Harry Potter and the Sorcerer's Stone


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Hoy, nene. Ayos ka lang ba?" nagising ako sa pagkatulala nang pumalakpak si Kuya Kyle sa mukha ko.


"Ha? Yeah, I'm fine." I think.


Nag-shrug lang si kuya at ibinalik ang pags-scan ng baby photos ko. And absentmindedly, napatulala na naman ako. Ugh.. ilang araw na ba akong ganito? Dalawa? Tatlo?


"Nene, oh. Tingnan mo 'tong elementary class picture mo." narinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin, "Teka, yung batang may salamin, parang kamukha nung-" that caught my attention. Hinablot ko agad sa kanya ang album, "Uh, kuya, gabi na oh. Umuwi ka na."


"Ha? Seve-"


"Gabi na." pagtatapos ko. Tiningnan niya ako na para bang iniisip niya kung anong nangyayari sa akin pero bumuntong-hininga siya at sumuko na. Tumayo siya at ginulo ang buhok ko bago nag-paalam at umalis na ng bahay.


Pagkasara ni kuya ng pintuan, sumandal ako sa couch at tiningnan ang litrato. Humigpit ang kapit ko sa album at bumalik ang galit ko. Bakit kahit si kuya Kyle, namumukhaan niya si Zyren nung bata pa siya? Ako lang ba dito ang nagmukhang tanga? Ang nagpaloko? Biglang bumalik sa akin ang mga pangyayari noong nasa kwarto ako ni Zyren.


*flashback*


"Zhaira, ito si bebe boy nung 1 year old pa lang siya." ipinakita niya sa akin ang isang healthy at napaka-cute na baby. Napangiti ako.


"Cute niya 'no? Sana di na lang siya lumaki." sabi ni Ate Lindsay habang may kinakalkal sa closet ni Zyren. "Asan na ba yun.." rinig kong bulong niya.


"Diba?" pagsang-ayon naman ni tita. "Patay ako dun pag nalaman nya 'tong ginagawa ko. Hahaha!" Ito ang isa pang bagay na ikinagulat ko: malakas pala siyang manalita at parang kasing-edad lang namin siya kumilos. "Ito naman sya nung two years old siya. Eto naman nung 3. Nasa ibang bansa kami nyan. Tapos, eto naman sya nung 5 years old, 6 years old naman sya dito." dire-diretso niyang sabi habang patuloy sa pagbubuklat ng album. Actually, parang isang segundo ko na nga lang nakikita yung litrato eh.


"7th birthday naman nya 'to. Dito siya nag-simulang magpa-brace at magsuot ng salamin." tumawa siya, "May pagka-nerd ang anak ko noon." Kumunot ang noo ko para titigan ang litrato pero agad niya itong nilipat pero patuloy pa rin ang pagk-kwento niya, "Dati nga umuwi na lang si bebe boy dito na may pasa sa mukha at walang suot na salamin. Sinuntok daw kasi siya ng kaklase niyang babae." Tumawa siya ng malakas pero biglang huminto ang tibok ng puso ko.


"Ito naman yung isa niyang elementary class picture." Nanlamig ang buong katawan ko. Yung class picture na ito.. meron rin ako.


Ililipat na sana niya ang pahina pero pinigilan ko siya. Tumingin siya sa akin na nagtataka marahil naramdaman niya ang panginginig ng kamay, "Tita.. n-nasaan po si Zyren dito?" halos hindi-makahinga kong tanong.


At parang tuluyan na talagang nawala ang hangin sa katawan ko nang itinuro niya ang isang batang naka-salamin, nakangiti, at may braces sa ngipin. Hindi ako makagalaw ng ilang minuto nang biglang sumigaw si Ate Lindsay.


"Found it!!" sabay kaming tumingin kay Ate Lindsay na may hawak-hawak na isang pamilyar na damit. "Kakabili lang niya nito months ago, hindi ko nga ba alam dun, eh. Tapos umaalis pa siya dito tuwing gabi na mukhang nerd." Nag-agree si tita at tumawa ng malakas si ate Lindsay.


Ako? Sinubukan kong tumawa pero parang isang hangin ng disbelief ang aking naipakawala. I clenched my fist at pinigilang pumatak ang luha ko. Ang nerd sa nakaraan ko, at ang nerd na nasa buhay ko ngayon? He's all of them. He's freaking all of them.


*end of flashback*


Natauhan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ang pangalan ni Zyren sa caller's id. Huminga ako ng malalim at pinag-isipan kung sasagutin ko ba o hindi; ilang araw na rin naman siyang tumatawag at sa totoo lang, napapagod na ako sa kakaisip.


Hindi naman sana ako magagalit kung sinabi niya ang totoo; Oo, hindi ko siya mapapatawad agad kung sakali but I can learn how to.


Ang ikinagalit ko lang ay; kinwento at ibinuhos ko na sa kanya ang lahat pero pinili pa rin niyang manahimik. Alam niya ang lahat ng nangyari sa akin at umakto siyang ngayon lang niya iyon narinig. Nag-sinungaling siya. Pinag-mukha niya akong tanga. Niloko niya ako.


Sigh. Fine. In-answer ko ang tawag pero hindi ako nagsalita. Actually, walang nagsalita sa amin ng ilang segundo hanggang sa sinira na niya ang katahimikan.


"Zhaira.." bumilis ang tibok ng puso ko sa boses niya. Pumiyok siya at parang nagmamakaawa. "I know you're there. It's okay if you won't talk, but please, hear me out."


Tumingala ako dahil pakiramdam ko papatak na ang mga luha ko. Ugh, bakit ba napapa-bilis na ang pag-iyak ko ngayon?


"Fuck." bulong niya, "Hindi naman kasi dapat ganito, eh. Balak ko naman talagang sabihin na sayo pero naunahan ako. Princess, I will tell you everything but please don't end the call, alright?" naghintay siya ng sagot; hindi ako nagsalita. He sighed.


"Pinilit ako ni Geoff na maging tutor ng pinsan niya. At first, ayoko talaga." tumawa siya ng mahina pero rinig ko pa rin ang lungkot, "Pinilit pa niya akong maging nerd. But in the end, napilit ako. Sabi ko sa sarili ko; magq-quit din ako agad pagkatapos ng ilang araw."


"The first time we met, tinarayan mo ako noon, diba? I was challenged and I became interested. Sabi ko; pang-past time ko na lang 'to kasi wala na rin naman ako masyadong ginagawa ng mga araw na 'yon. But then I got to know you. I started to fall and I did fall - hard. Tapos kinwento mo sa akin yung dahil kung bakit ka galit sa nerds, and there I believed that fate exists."


"Tanda mo pa ba yung sinabi ko sa'yo noon sa garden nung nag-uusap tayo? Kung bakit ako naging gangster at ang sagot ko ay dahil gusto kong maging kagaya ng isang malakas na babae?" inalala ko yung sinasabi niya. 'Because I want to be strong like the girl I knew years ago." nakita ko ang pag-ngiti niya, "I genuinely liked that girl once."'


Wait.. don't tell me..


"That was you, Zhai. That was you all along." rinig ko ang panghihina sa boses niya. "You were that little girl who punched me because I was too afraid to help and to talk to people. Diba sabi mo nga, ina-isolate ko ang sarili ko sa iba? Let's say that that's my defense mechanism. Ayoko nang mapalapit sa ibang tao lalo na nung iniwan kami ng dad ko."


"You were my first crush, Princess. Mahilig kang ngumiti noon at lagi kang nakikipag-usap sa lahat ng kaklase natin. Pero napansin ko rin na naging malungkot na ang mga mata mo at minsan ka na lang ngumiti habang nagtatagal. Hindi ko in-expect na lalapitan mo ko o hihingan ng tulong, nag-panic ako noon, kinabahan ako. Gusto ko nang lumayo noon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, but when I did, I didn't know it came out rude." lifeless siyang tumawa, "I was a child then, Zhai. I was young and foolish."


"Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad, hell, kahit ako naman hindi ko agad mapapatawad ang sarili ko. You don't know how much I loathe myself this time. I hate myself for removing that beautiful smile on your face. I won't tell you to forgive and forget, I just want you to give me a chance to let me fix this mess."


Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako maka-galaw. Ina-absorb ko pa isa-isa ang mga salitang sinabi niya.


"Zhaira?" nang wala siyang natanggap na sagot mula sa akin, bumuntong-hininga siya, "Sorry." at in-end na niya ang call.


~ * ~


I am going to die. Exams week na naman at dahil no pansinan mode pa rin kami ni Zyren, wala akong tutor. Paano kami nag-iiwasan sa room, you ask? Nakipag-palit ako ng seat. How, you ask? Sa babae ako nakipag-palit. The benefit? Makakatabi niya si Zyren. No hassle.


So back to my problem, lalong humirap ang lessons namin ngayon. Ayoko namang humingi ng tulong kay Papa o Kuya Kyle kasi siguradong tatanungin nila ako kung anong meron. Sigh.


I need a tutor. I NEED. A TUTOR.


Tapos na ang klase namin at nag-aayos na ako ng gamit nang bigla akong lapitan ni Shiela, "Paano na 'yan? May nahanap ka na bang bagong tutor?"


Umiling lang ako. Lumapit sa amin si Loreez, "How about him?" tinuro niya ang isa naming guy nerd na classmate. Sorry, sanay na akong inii-stereotype sila.


Agad ko siyang nilapitan bago pa siya maka-labas sa room, "Hi." sabi ko nang nasa harapan na niya ako. Nanigas naman siya at umatras. Uhhh, ano nga ulit ang pangalan niya? Tinitigan ko siya, may itsura naman siya kung mag-aayos siya, eh.


"Can you do me a favor?" sabi ko gamit ang aking pinaka-mabait na boses, na sa tingin ko ay hindi pa ganoon ka-bait dahil hindi pa rin siya nagsasalita at nakatingin pa rin sa akin. So I took that sign as a yes. "Can you be my temporary tutor?" Nanlaki ang mga mata niya. Nang hindi pa rin siya sumasagot, I used the magic word, "Please?"


Mukha naman siyang nagulat dito at natauhan na, "U-uhh.. S-sure.." Nanlaki ang mga mata ko. Sa wakas!!! Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti.


"Okay! Bigay mo na lang sakin yung number mo tapos ite-text ko sayo yung direksyon ng bahay ko." medyo napalakas siguro ang boses ko sa sobrang pagka-relieve ko. Pero pakiramdam ko naman na kami na lang ng mga kaibigan ko ang nandito eh.


"Wait.. s-sa bahay mo?" kumunot ang noo ko sa tanong ni nerd. Mamaya ko na tatanungin yung pangalan niya.


"Yup. You'll tutor me at my house." simple kong sabi.


Nakarinig ako ng malakas na pag-lagabag. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng tunog at nakita ang isang upuan na nakatumba at si Zyren na papunta sa amin. Nakatingin siya sa akin na may halong lungkot at galit sa mga mata niya.


Akala ko hihinto siya sa harapan namin pero nilagpasan niya kami palabas ng room, not before glaring at my new tutor.


Sunod naman kaming nilapitan ni Geoff at inakbayan ang kausap ko, "Dude, don't take my cousin seriously. May tutor pa siya, umuwi ka na." Dali-dali namang tumakbo palayo ang kausap ko, at agad kong tiningnan ng masama si Geoff.


"What the hell was that for?"


Nag-crossed arms siya at seryoso akong tiningnan, "Tama na 'tong takbuhan niyo."


"Tanda mo pa yung sinabi mo sa akin noon, Zhai?" lumapit sa amin si Shiela, "You won't achieve anything without trying. Try to talk to him, Zhai."


Tinapik ni Geoff ang balikat ko at bumulong, "He's still within the campus."


Pumunta ako sa nag-iisang lugar na pumasok sa isip ko - sa garden. At mukhang tama ang hula ko dahil nandito nga siya; nakaupo sa damuhan at nakatingin sa aming puno.


Dahan-dahan lang akong lumapit sa kanya pero narinig ko syang biglang nagsalita kaya napatago tuloy ako sa likod ng puno.


"Baby Z, I need to talk to Zhaira. I need to hear her voice. I need to see her smile. I need her." huminto siya ng ilang segundo bago siya nagsalita ng sobrang hina na halos hindi ko na marinig, "I need her back."


Shit. Bakit hindi ako makagalaw ngayon?! Diba dapat kakausapin ko na siya. Tumayo na ako ng tuwid at lalabas na sana sa pinagtataguan ko nang biglang nag-vibrate ang aking cellphone.


Isang text galing kay Kuya Kyle.


'Nene, pinapasundo ka sakin ng papa mo, andito na ko sa labas ng school niyo.'


Sigh. Next time ko na lang siya kakausapin. Naglakad na ako paalis sa garden nang bigla akong nakatapak ng sanga. Ah shit.


1, 2, 3 - Takbo!!!!


Nakarating na ako sa entrance ng school at naabutan na kausap na ni Kuya Kyle ang mga kaibigan. Ay, hindi ko pa nga pala sila naipapa-kilala.


Nang nakalapit na ako sa kanila, biglang hinampas ni Shiela ang braso ko. "Omg! Ang gwapo pa rin talaga ni Kyle! Di mo sinabi sakin na nandito na pala siya." sabi niya sabay pout. Ay, nakalimutan kong sabihin na may crush si Shiela kay Kuya dati.


Tiningnan siya ng masama ni Geoff at ngumiti naman ng pa-inosente itong si Shiela.


Tumawa si Kuya Kyle at ginulo ang buhok ko, "Dumami na ang mga kaibigan mo ah. Tsaka kaibigan mo rin pala 'tong si Kenrick."


Kumunot ang noo ko at tiningnan si Kenrick pero wala lang siyang reaksyon. Magkakilala sila?


"Tara na, nene." paga-aya ni Kuya Kyle. Nagpaalam na muna ako sa mga kaibigan ko bago kami lumayo ni Kuya. "Maglalakad lang tayo?" tanong ko.


Napa-snort naman siya, "Papayagan ba naman kitang mapagod?" tiningnan niya ako na parang may ipagmamayabang siya, "May motor ako."


Lumaki ang mga mata ko, "Kelan ka pa nagka-motor?!" Oo, sobrang nagulat ako. Wala sa image ni Kuya Kyle ang lalaking may motor. Pang-ano eh.. pang-boy-next-door ang aura niya.


Nakarating na kami sa kung saan naka-pwesto ang motor niya at agad kong nakalimutan ang mga itatanong ko sa kanya.


Damn, it's beautiful.



<KENRICK'S P.O.V>


"Bebi, tara sa mall?" pag-iimbita sa akin ni Loreez. Tiningnan ko siya na para bang nagpapatawad at bumuntong-hininga siya.


"Fine. Hindi ka pwede. Pero kelan mo ba ko bibigyan ng clue kung ano ang mission or chuchu mo? Para kang detective niyan ah."


Tumawa ng mahina si Shiela, "Ay nako, girl. Masanay ka na, since day 1 naman sobrang misteryoso na niyang boyfr-" napatigil siya at may tinuro, "Uy, si Rick yun ah!"


Napatingin ako dun sa tinuro ni Shiela at nakita ang isang lalaking naka-sandal sa poste at sinusundan ng tingin ang umaandar na motor na pinagsasakyan nila Zhaira at Kyle.


Ibinaling ko ang aking atensyon kay Shiela, "Kilala mo siya?"


"Yup. Ex yan ni Pink eh. Or ex-M.U? Basta kilala namin yan nila Zhai."


Tumango lang ako.


I think I'm getting closer to some of the answers.



<ZHAI'S P.O.V>


Nang papalapit na kami sa bahay, naisipan ni Kuya Kyle na maglakad na lang kami. Exercise daw. Kahit gabi na. Baliw din 'to.


Biglang huminto sa paglalakad si Kuya Kyle at humarap sa akin na naka-smirk. Nagtataka akong tumingin sa kanya, "Bakit?"


"I think someone's following us." sabi niya habang naka-smirk pa rin. Pero teka, bakit parang masaya pa siya? Diba dapat mas binibilisan na namin ang paglalakad ngayon?


Lumingon siya sa ibang direksyon at lalong lumaki ang ngiti niya. Titingnan ko na rin sana ang nilingon niya nang bigla niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak ng magkabilaan kong pisngi at hinalikan ako.


Sa noo.


Nanlaki ang mga mata ko, "K-kuya Kyle?!"


Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, "Wait lang. One.. two.. thr-"


*BLAG*


Tumingin ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita kong natumba yung trash bin kaya nagkalat yung mga basura.


Nakita ko rin ang taong may kagagawan noon na nakatalikod na at naglalakad palayo na nakalagay ang dalawa nyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nya.


Likod pa lang niya, kilala ko na.



"Zyren."


Continue Reading

You'll Also Like

176K 3.7K 89
Jin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraa...
1K 59 3
With Pierre's ability in technology, he and his friends manage to bring their late friend back to life... BUT as an Artificial Intelligence robot who...
9.1M 213K 60
[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the...
36.3M 208K 22
Cassandra Park is a ruthless and a brutal Gangster. She kills anyone who gets in her way. She kills with violence. And she's back with vengeance. XOX...