Behind His Glasses | previous...

By krisylala

5.2M 41.4K 3.3K

[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 16

72.3K 1.1K 79
By krisylala

"A lie can travel half way around the world while the truth is putting on its shoes."

― Mark Twain


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAIRA'S P.O.V>


Nanigas ako. I didn't expect this.


"Uhh, Rei." bumaba ako sa motor niya at tiningnan naman niya ako na parang nagtatanong.


"Pwede bang umuwi na muna ako?"


Bumaba na rin si Rei sa motor niya, looking concerned. "Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? Masyado bang napabilis yung pagpapatakbo ko?"


Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Kenrick. Sinulyapan ko siya at nakitang may maliit na ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin.


Kumunot ang noo ko at ibinalik ang atensyon kay Rei. Bumuntong-hininga ako at umiling, "Never mind. I'm fine." I think.


"I think I know you." Damn it. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nakapasok na kami sa hideout at mukhang pagsisisihan kong hindi na lang ako umuwi.


"Yo, Rei, what's her name?"


"Ah, right. Pink, meet Zhai. Zhai, meet Pink."


"Zhai? Zhai ano?" tanong ni Pink.


"Zhaira Alvarez." pagkasabi ni Rei ng full name ko, biglang lumaki ang mga mata ni Pink at tiningnan ako.


Nagulat na lang kami ni Rei nang bigla akong niyakap ni Pink.


"Hoy, Pink! Di ko alam na babae din pala ang hanap mo." halata pa rin sa boses ni Rei ang pagkagulat.


"Shut up, Rei. I just want to hug her." sabi niya kay Rei. Bigla siyang bumulong sa akin, "I missed you. And don't worry, ang laki ng pinagbago mo, they won't recognize you."


Kumalas na siya sa pagkaka-yakap sa akin, ngumiti, at naglakad papalapit kay.. Shiela?


"Hey, have I seen you before?" tanong ni Pink sa kanya. Teka, si Shiela? Nagkita na ba sila? Matalas ang alaala nitong si Pink kaya 98% na tama ang mga alaala niya.


"Huh? Uhh, nope. Ngayon lang kita nakita eh." nakakunot noong sagot ni Shiela.


"Are you sure?" halata sa boses ni Pink na nagdududa siya.


Kumunot ang noo ko. Pero baka naman nakita lang ni Pink si Shiela sa kung saan. There's no way na magkakilala sila.


Tiningnan ko ang mga iba kong kasama. Nagpapa-kilala sila sa isa't-isa. At halata sa mukha ni Adele na heaven para sa kanya ang lugar na ito. Sabagay, magaganda nga naman ang itsura ng lahat dito.


"Zhai, si Rence nga pala, ingat ka, playboy yan." pagpapakilala sa akin ni Rei habang sinamaan ng tingin si Rence.


Tiningnan ako ni Rence at bigla siyang nag-smirk. Ah, shit.


"It's nice to see you. Again." sabi ni Rence habang hindi pa rin inaalis ang ngiti niya.


"Magkakilala kayo?" tanong ni Rei.


"Secret." sagot ni Rence habang nakatingin pa rin sa akin.


"Ooookay! Ayoko na sa tingin ni Rence sayo, lipat naman tayo sa iba." inakbayan ako ni Rei at inilayo kay Rence.


"Eto naman yung dalawang kambal sa amin."


Sabay silang tumingin sa akin at nanlaki ang mga mata. Shit, don't tell me -


"Rei! Rei! Ipakilala mo ko bilis!"


"Zhaira, si Jim. Jim, si Zhaira."


"Ako din, ako din!"


"Zhaira si Jan. Jan, si Zhaira."


Huminga naman ako ng maluwag. Okay, ligtas pa ako.


"Zhaira, may boyfriend na ba you?" tanong ni Jim. Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Jan.


"Wala yan! Nararamdaman kong ako ang hinihintay niya."


"Sapak gusto mo!?" Jim.


"Suntok gusto mo?!" Jan.


"I talked to her first!" Jim.


"Pakialam ko?! Mas nauna akong pinanganak sayo ng 2 minutes!" Jan.


Nag-glare sila sa isa't isa nang biglang.. "Jack en Poy!"


Umh....


"Sorry." bulong sa akin ni Rei at inilayo na ako sa kambal. Tumingin-tingin siya sa paligid at, "Teka, nasaan yung-"


Biglang nagbukas ang pinto, "ANDITO NA ANG MGA GWAPO!"


Lahat kami ay napatingin sa may pintuan. At doon, may apat na lalaki.. na naka-pose.


Yung nasa dulo sa kanan, nakaluhod yung isang paa tapos naka-sideview tapos naka-baril sign. Ganun din yung nasa dulo sa kaliwa. Yung dalawa naman sa gitna, magkatalikod tapos naka-baril sign din.


Umh.


Napa-face palm na lang si Rei. "Umayos nga kayo diyan! Nakakahiya pa rin kayo!"


Nanlaki naman ang mga mata nung apat. "Rei!!!!"


Tumakbo sila papalapit kay Rei at agad naman akong malayo in safe distance.


Nagyakapan sila at sabay-sabay silang natumba sa sahig. "Naiipit ako! Teka, kailangan ko pang magka-anak!!" rinig kong sigaw ni Rei.. somewhere.


Isa-isa namang tumayo ang apat ang tiningnan ako.


"Uy, chicks."


"Don't call her that!" sigaw ni Rei na hinihilot ang likod niya.


"Zhai, meet Pol, Pep, Jack, and Zac." pagpapakilala ni Rei habang tinuturo sila isa-isa.


"Hi, are you single?" Pol.


"Are you ready to mingle?" Pep.


"Can I get your number?" Jack.


"Can I get your cellphone?" Zac.


Isa-isang binatukan ni Rei ang apat, "Ang tatanga niyo pa rin!"


"GWAPO NAMAN!" sabay-sabay na sigaw ng apat.


Napangiti ako. At nahuli ko si Rei, suot-suot ang tingin niya noong nasa garden kami.



<3RD PERSON'S P.O.V>


Lumabas na sila mula sa hideout at lingid sa kanilang kaalaman, may nagmamasid sa kanila sa di kalayuan.


Tinitigan niya si Zhaira at ngumiti. "Finally." sabi niya sa sarili niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. Sinagot naman ito at the first ring.


"Yeah?" sabi ng nasa kabilang linya.


"I saw her."


Tumawa ang nasa kabilang linya, "Are you sure it's her?"


"Yes."


"Alright. Keep an eye on her." sabi ng nasa kabilang linya at in-end na ang tawag.


"Welcome back, Baby Z."


~*~


What the? Ano yung tumutunog? Bakit may tumutunog? Inimulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang cellphone ko. May tumatawag na unregistered number. Tiningnan ko ang oras. 9AM. Bwisit, sembreak namin ngayon at plano kong matulog ng buong araw, thank you very much.


Wala naman akong ibang magawa kundi sagutin ang tawag, "Hello?"


"Good morning, Zhai!" Kumunot ang noo ko. "Rei?" Teka, paano niya nakuha ang number ko? Bakit ba nakakarating sa iba ang number ko nang hindi ko alam? Ugh.


"Tarang lumabas." Napanganga ako. Unbelievable. Tumawag siya para lang istorbohin ako?


"Ayoko."


"Huh? Edi dyan ka lang sa bahay nyo?"


"Oo."


"Buong sembreak?!"


"Oo."


"Hindi pwede yan!" at bigla niyang in-end ang tawag. Problema nun?


Since hindi na naman ako makakabalik sa pagtulog, naisipan kong maligo na lang at mag-ayos.


Makalipas ng ilang oras, biglang may kumatok sa pintuan ng bahay, at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Rei. Oh, Lord, bakit ba nangyayari ito sakin?


Hinigit niya ako palabas. "Tara! Pupunta tayo sa kung saan mo gusto."


Napaisip ako. Kahit saan ko gusto? Mmmmmm, "Sa hideout niyo."


Tumingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pagka-gulat, "Ha? Bakit dun? Wag dun!"


Nag-shrug ako, "Fine, then. I'm not going anywhere." Papasok na sana ako ulit sa bahay nang bigla niyang hinawakan ang braso ko, "Ito naman, hindi na mabiro. Ha ha."


"Zhairaaaaaa!!" Agad akong umatras nang biglang tumakbo papalapit sa akin ang kambal.


Buti na lang, hinigit ni Pol at Jack si Jan, at si Pep at Zac naman kay Jim.


"Hoy, bitaw! Yayakapin ko lang naman si Zhaira!" sigaw ni Jim.


"Get your filthy, smelly hands off me!" sigaw naman ni Jan.


"Naks, english." Jim.


"Narinig ko lang yun sa isang movie." Jan.


Umiling na lang si Rei at nilayo ako sa kanila.


"Zhai!" tumakbo sa akin si Pink at yumakap.


"Nakakahalata na talaga ako sayo, Pink." sabi sa kanya ni Rei.


Inirapan lang siya ni Pink, at tumingin sa akin. "Zhai, tarang lumabas!" Tumango naman ako agad at ngumiti.


"Ho-hoy!! Araw namin ngayon ni Zhai!" sigaw ni Rei na planong kukunin ang kamay ko pero tinabig ito ni Pink, "Says who?" binelatan niya si Rei at hinila na ako palabas ng hideout.


Nilibre ako ni Pink ng dirty ice cream at nandito kami ngayon sa park at naglalakad-lakad lang. Siguro masyado akong focused sa pagkain ng ice cream ko kaya hindi ko namalayang may makakasalubong akong tao sa harapn ko kaya nabangga ko siya.. or siya ang nakabangga sa akin?


At ang resulta? Nahulog ang ice cream ko.


"Shit. Miss, sorry." tiningnan ko ang nakabangga sa akin at tumango lang.


"Okay lang a-"


"Ikaw kasi, eh! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo!" natahimik ako nang biglang sumigaw si Pink. T-teka.. okay lang naman ako, eh.


"Pink naman.." malumanay na sabi ng lalaki. Oooooh, magkakilala sila?


Inirapan lang siya ni Pink, "Zhai, let's go." at naglakad na si Pink.


"Miss, sorry again." nakangiting sabi sa akin ng lalaki at naglakad na din palayo.


Hinabol ko si Pink, "Sino siya?"


"Tch. Si Rick. Ex ko."


Whoa there. Napangiti ako, "Mmm, mas gwapo siya kung ico-compare mo kay Rence, ha."


Tiningnan ako ni Pink, "At bakit naman napasali sa usapan na 'to ang gorilla na yun?"


Nag-shrug lang ako at nag-smirk, "Wala lang~"


Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero unregistered number. "Umh, Pink, sasagutin ko lang 'to."


"Sige lang, bibili lang ulit ako ng pagkain." sabi niya at tumakbo papunta sa isang tindahan. Umupo naman muna ako sa isang bench at sinagot na ang tawag.


"Tsk, ang tagal mong sinagot ah." Kumunot ang noo ko, "Sino 'to?"


"What? Don't tell me you're still not saving my number?" Ohhh. Okay, nabosesan ko na siya. At, oo, nakalimutan kong i-save ang number niya. Oops.


"Aaaahh.." tangi kong sagot, "Bakit ka nga pala napa-tawag?"


"Eh kasi.."


"Oh?"


Bigla siyang tumawa. May sira na talaga sa ulo 'to.


"Uuwi na ako."


Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. I cleared my throat and maintained my cool, "Ahh.. kelan?"


"Secret. Watch out for- Zyreeeennnn~" kumunot ang noo ko nang may narinig akong boses mula sa kabilang linya.


"Bakit, baby?" Nanlaki ang mga mata ko.


Baby?!


"Come here, honey. I need your help." Honey?!


"Okay, wait lang. Ano, Zhai, sige, may gagawin lang ako. See you soon. Bye." at in-end na niya ang call. Napanganga na lang ako. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ko sa cellphone ko. Who the fck was that?


Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 113K 63
Rieda Fernandez, who is mostly known as Agent Ishtar, is one of the best agents serving under the Phoenix Organization. A secret agency led by an unk...
31.1K 1.2K 16
Maituturing niya itong napakalaking malas sa buhay simula nang maaksidente siya dahil roon unti-unti bumagsak ang kanyang career sa pagiging journali...
176K 3.7K 89
Jin Patrick Kim is an Almost Perfect guy studying in Ace Academy, Mayaman, Gwapo, Talented, yun nga lang----Mayabang. At ang isang ala-ala sa nakaraa...
6.6K 424 12
[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy...