Behind His Glasses | previous...

De krisylala

5.2M 41.4K 3.3K

[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret. Mais

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 15

74.5K 1.1K 31
De krisylala

"When someone loves you, the way they say your name is different. You know that your name is safe in their mouth."

― Jess C. Scott, The Intern


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


Nandito kami ngayon sa canteen at mula sa vibe ng mga tao sa table namin, mukhang okay na ang lahat. Mukhang ayos na si Shiela at Geoff. Ayun oh, nagsusubuan pa ng pagkain. Blech.


"Kainggit sila 'no?" tumingin naman ako sa katabi ko at tinaasan siya ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit.


"Si Geoff at Shiela na talaga. Si Kenrick at Loreez na. At mukhang nagkakamabutihan na sila Gio at Cyrene."


Tiningnan ko lang siya ng ilan pang segundo, "Naiinip ka na ba?" walang-malay kong tanong.


Gulat naman siyang napatingin sa akin, "Hindi ah! Ang tunay na lalaki, marunong maghintay, ika nga."


I just rolled my eyes at ibinalik na ang focus ko sa pagkain. Pero hindi pa pala siya tapos.


"Lalo pa't ikaw ang babaeng hinihintay."


Itinago ko ang bigla kong pagsamid sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Pero habang umiinom , hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.


Pumunta na kami sa next class namin at nag-bigay ng mga guidelines and pointers si Prof. para sa finals week namin.


"And don't worry, after nito, sembreak niyo na."


Tumaas ang mood level ng mga kaklase ko at naghiyawan. Nakahinga naman ako ng maluwag.


Tumingin ako sa katabi ko na nakahalumbaba at naka-simangot.


Nahuli niya akong nakatingin at humarap naman siya sa akin na naka-pout na. Anong problema nito?


"Wala ako dito sa finals." Tiningnan ko lang siya.


"May business trip si mama sa Paris at isasama niya kami." Still no response from me. "Hindi ko nga alam kung makakabalik na ako sa sembreak eh."


Bumuntong-hininga siya, "Bukas na ang alis namin."


At doon nanlaki ang mga mata ko. Biglaan naman yata?


"I'll miss you." mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.


Wala akong naisagot. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Makalipas ng ilang segundo, binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti at ibinalik na ang atensyon sa unahan.


Oo na. Maybe I'll miss him, too.


~*~


"Huy, Zhai, smile naman dyan!" natatawang sabi sakin ni Shiela.


"Nakersss, kelan pa ba ngumiti 'yang si babae?" singit ni Adele.


"Sabagay. Pero iba ngayon ang simangot niya oh." pang-aasar ni Cyrene.


"May nami-miss lang kasi." tiningnan ko ng masama si Loreez. Akala ko ba nasa side kita? :(


Bumuntong-hininga na lang ako at tumayo, "Washroom lang ako."


Hindi ko ba alam kung bakit parang ang boring na ng school ngayon. Since.. nung umalis si Zyren. Actually, ang boring ng mga araw ngayon kasi wala din yung tutor ko. Babalik daw muna siya sa probinsya nila, kaya ayun. Sigh.


Pagkalabas ko sa washroom, may bumangga sa aking magkaibigan na mukhang nagmamadali.


"Sure ka bang gwapo siya?" rinig kong sabi ng isa.


"Oo! Omg, bagong lipat daw!" sagot naman nung isa.


Bagong lipat? Kung kelan finals na? Lokohan ba 'to?


"May bagong student daw ah." rinig kong sabi ni Shiela pagkapasok ko sa room. Chismis nga naman, mas mabilis pa sa hangin.


"Baka may connections siya dito para tanggapin pa siya." sabi ni Loreez.


"And mukhang sikat na din agad siya." dugtong ni Cyrene.


"Ermergerd! Oo, gwapo! Nakita ko siya sa labas!" hirit ni Adele.


Bumalik na kami sa mga pwesto namin nang pumasok na ang teacher namin. At nag-bulungan ang mga babae nang may sumunod sa kanyang isang estudyante. Sinabihan siya ni prof na magpakilala.


"I came from Korea but I was originally from here. I'm Rei. Rei Cornista Park."


"Rei?!" napatingin kaming lahat kay Geoff na nakatayo. Tumayo na rin naman sila Gio at Kenrick na may ngiti sa labi nila. Magkaka-kilala ba sila?


Teka.. Rei Cornista Park? Cornista? Mag-pinsan kaya sila ni Zyren? Tss, kaya naman pala tinanggap dito, eh.


"Since wala pa kaming nakukuhang upuan para sayo, doon ka muna sa tabi ni Miss Alvarez." turo ni prof sa pwesto ni Zyren.


Pagkaupo, bigla siyang tinapik ni Geoff na nasa likod lang niya, "Rei!"


Nilingon siya ni Rei, tumawa, at nag-guy handshake thingy. Tinanguhan niya si Kenrick at tumingin siya sa kabilang dulo para ngitian si Gio.


"Si pinsan?" tanong niya kay Geoff.


"'Di mo alam? May family business daw. Nasa Paris."


Aah, so mag-pinsan nga sila.


"Diyan nga siya naka-upo eh." dugtong pa ni Geoff. Nag-"Aaah" naman si Rei at humarap na. Bigla naman siyang tumingin sa akin at ngumiti, "Hi, seatmate, I'm Rei."


Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakalahad sa akin, "Zhaira." at nagkunwari akong may sinusulat na notes sa notebook ko.


Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Please not another Zyren. Ugh.


Pagkatapos ng mga classes ko, dumiretso ako sa garden. "Tss. Iniwan ka nung isa." sabi ko kay Baby Z habang dinidigilan ito. "Nami-miss mo na sya, 'no?" At nababaliw na ako.


"Hi!"


Nagulat ako nang biglang may kumulbit sa likod ko kaya naman humarap ako at naitutok ang hose sa kanya. Oops.


Agad ko itong pinatay at tiningnan siya na para bang nagtatanong. Tumawa lang ulit siya at sinilip kung ano ang nasa likod ko. "Ano yan?"


"Puno." sagot ko kahit na maliit pa lang siya.


"Tinanim mo?" gulat niyang tanong. Umiling lang ako. "Tinanim ng pinsan mo." at napangiti ako sa alaalang hindi niya ako pinaghahawak ng shovel.


Napansin kong tumahimik si Rei. Tiningnan ko siya at nahuling nakatingin siya sa akin. Nakakunot ang noo at parang may iniisip.


"Bakit?" tanong ko. Umiling lang siya at iniwas ang tingin sa akin. "Wala. May naalala lang ako nung ngumiti ka."


"Babae ba?"


Tumango siya. "Yep. Ang reason sa pagbalik ko dito."


~*~


"Shiela~ Turuan mo na 'ko, please." pagmamakaawa ko sa babaeng kinikilala kong bestfriend ko.


Pero bumuntong-hininga lang siya, "Sorry talaga, Zhai. May lakad kami ni Geoff ngayon eh." Malungkot niyang sabi at kita ko naman sa mata niya ang sincerity.


Ano ba yan, finals na nga bukas pero magde-date pa rin. Sigh, okay.


"Anong meron?" lapit sa amin ni Rei pagkapasok niya sa room.


"Umalis kasi muna yung tutor niya kaya eto, namomroblema si Zhai sa finals." sagot ni Shiela.


"I'm free later." sabay kaming tumingin ni Shiela kay Rei.


Nagtaka naman siya sa tingin namin, "Whaaaat? I'm smart, you know." Sabi niya sabay kindat.


"May sasakyan ka?" tanong ko kay Rei nang bigla niya akong dalhin sa parking lot ng school.


"Wala."


Kumunot ang noo ko, "Bakit tayo nandito?"


"May motor ako."


Lumaki ang mga mata ko. "May motor ka?!" Hindi ko yata naitago ang excitement sa boses ko. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Ngumiti siya, "Yes?"


"Uhhh.." I cleared my throat. Tumingin ako sa likod niya. At ayun nga, isang malaking motor. Shit, ang ganda. Yung tipong pang-. Teka nga, mag-pinsan sila ni Zyren, diba? "Katulad ka ba ni Zyren?"


Kumunot ang noo niya at kita sa kanya na hindi niya naiintindihan ang tanong ko. "Gangster ka rin ba?"


Mukha siyang nagulat at tumawa, "Wow. Mukhang close kayo ng pinsan ko ah. But yeah, I'm like him." sabi niya at sumakay na sa motorbike niya. Tinapik niya ang space sa likod niya.


Sumakay na ako at pinilit na tinago ang ngiting malapit nang lumabas sa labi ko. Ini-start na niya ang engine, "Hold on tight."


I snorted. Oh, no need.


Tinuro ko sa kanya ang direksyon papunta sa bahay ko at nang nakarating na kami, bigla niya akong tinanong, "Sanay ka bang sumakay sa motor?"


"Huh?"


Nag-shrug lang siya, "Wala lang. Ang bilis na ng patakbo ko pero hindi ka man lang kumapit sa akin."


Nanlaki ang mga mata ko. "Ah, mabilis ba yung patakbo mo? Hindi ko napansin." sabi ko at binuksan na ang pinto ng bahay ko. Wala pa si Papa ng mga oras na 'to.


"Make yourself at home."


Pagkasabi ko nito, bigla siyang nag-dive sa couch namin. Wow.


"Pagkain, please." Nanlaki ang mga mata ko. WOW HA.


Okay, kalma. Nandito siya para turuan ka, Zhai. You could at least pretend to be nice. Dumiretso na ako sa kusina at binuksan ang ref. Buti na lang may natira pa akong isang slice ng chocolate cake dito. Ugh, dapat sa akin 'to eh.


Pinuntahan ko siya at inilapag ang cake sa lamesa. "Ayos!" nakangiti niyang sabi at nagsimula ng kumain.


Nag-"ehem" ako at tumingin naman siya sa akin, "Baka nakakalimutan mo ang reason kung bakit ka nandito."


Ngumiti naman siya na may mga chocolate pa sa ngipin, "Oh, yeah, right!"


Umiling lang ako. Oh, Lord, why another Zyren?



After 1 hour ng pagtuturo....


"Oh. Gets mo na? You just need to use the pattern I taught you." tumango ako at nag-thanks. Ayos! May technique siyang shinare sa akin para sa computations at mukhang napadali nga ang buhay ko.


"Makakapasa ka kaya?" sumandal siya sa sofa at binigyan ako ng isang smirk.


Tinaasan ko siya ng isang kilay, "Hah! Aba, aba, anong tingin mo sakin?"


Napalitan ang smirk niya sa isang malambing na ngiti, "Maganda."


Natigilan ako, "What?"


"Walaaaaa." mapag-laro niyang sabi at tumayo na. "Sige, it looks like my job is done." Lumapit siya sa akin at tinapik ang ulo ko, "Good luck bukas." Lumabas na siya ng bahay at naiwan pa rin akong nakatulala.


What the hell?????


Nagising ang diwa ko nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang unregistered number.


'Princess!!!! I miss you!!!!!!!!!!!! :('


Teka, paano niya nakuha ang number ko? Pero hindi ko namalayan na nakatitig pa rin ako sa text niya na may malaking ngiti sa labi.


~*~


I am proud to say; I freaking survived Chemistry!! Booya!!


"Omygod, natunaw yung utak ko! Tara nga munang lumabas! Bonding bonding!" sabi ni Adele. At dahil nasa good mood ako ngayon, sasamahan ko sila kung saan man sila pumunta.


Inaayos na namin ang mga gamit namin bago lumabas ng room.


"Tara sa hideout!!" biglang sigaw ni Rei.


"Bakit 'don?" tanong ni Geoff.


"Wag 'don!" sigaw ni Gio.


"No." dugtong naman ni Kenrick.


"Dali na! Ang tagal ko na kayang di nakakapunta doon! At ayaw niyo bang ipakita sa kanila yung hideout natin?" pagmamaktok naman ni Rei.


"May mga iba pa ba kayong members or kakampis or whatevers?" nakangiting tanong ni Adele. Uh-oh, mukhang alam ko na ang sunod nito.


"Yup." sagot ni Rei.


"Alright! Hideout it is!!!" pagde-declare ni Adele.


"Maalam kang mag-motor?!" sigaw ni Shiela pagka-kita ng motor ni Geoff.


"Babagalan mo lang yung takbo ha." sabi ni Loreez kay Kenrick.


"Omygod! Turuan mo kong mag-motor, dali!!!" excited na sabi naman ni Cyrene kay Gio.


Mukhang may mga sarili pala silang motor ah.


"Teka, this is unfair. Life is unfair. Kanino ako sasakay?" Hinila ko si Adele.


"Dito tayo kay Rei."


"Why?!" "Yehey!!" sabay na sabi ni Rei at Adele. Bumuntong-hininga lang si Rei, "Fine."


"Omygod! I'm scared! I'm so scared!!!! Yung hair ko pa!! Ahhh!! It's official, I hate motorbikes!!" sigaw ni Adele habang nakapulupot ang kamay sa akin.


Natawa na lang ako.


Naabutan kami ng motor nila Kenrick. "Oy, Zhaira!" tumingin ako kay Kenrick at nagtaka kung bakit bigla niya akong tinawag.


"Mukhang sanay na sanay ka na ah?" tanong niya sa akin habang naka-smirk. Bago pa mag-process yung sinabi niya sa akin, binilisan ni Rei ang pagtatakbo kaya naman nauna na kami sa kanila.


Pero hindi maalis sa utak ko ang ngiti sa akin ni Kenrick. Parang... may nalalaman siyang kung ano.


"Ito ang hideout nyo?!" rinig kong sigaw ni Shiela. Teka, andito na ba kami? Fuck, kelan ako nakatulog?


Inimulat ko ang mga mata ko at tiningnan ko ang likod ni Rei. Nakaupo pa rin siya sa motor niya? Ah shit, nakatulog ako habang nakapatong ang ulo ko sa likod niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti.


"Welcome to Black Exile's hideout."


Nag-blink ako. Wait, did I hear it clearly?


Tumingin ako sa paligid.



Shit.


Continue lendo

Você também vai gostar

26.6K 856 12
Still available in bookstores nationwide at only 100 php! GRAB YOUR COPIES! Thank you! 😊🤗❤ Isang araw bigla na lang may nagpakitang isang babae kay...
76 62 31
Si Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na binatilyo. Sa kabila ng kaniyang bad boy, minahal at tanggap siya ng kan'yang buong pamilya sa...
859K 2.6K 7
THIS STORY WILL BE REMOVED FROM WATTPAD SOON :(
10.1M 164K 51
Sa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa Royal Academy.. Ang eskwelahan para sa...