Status: Single But Married [U...

Von OfficiallyYours143

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... Mehr

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter Fourty

24.5K 295 21
Von OfficiallyYours143

Chapter Fourty

Pabalik na ko sa kwarto ni Lorraine nang maabutan ko si Travis na papasok doon at may dalang bulaklak.

"Travis"

"Oh Kyle, saan ka galing?"

"Kinausap ko lang yung doctor ni Lorraine." Pumasok na kami sa loob at binitawan nya na sa mesa yung dala nyang mga bulaklak.

"Anong sabi ng doctor nya?"

"Ganun parin. Walang nakaka alam kung kailan sya gigising."

"Ilang buwan na rin syang ganyan."

"Alam ko gigising sya. Bukas iuuwi ko na sya, tingin ko mas maganda kung sa bahay na lang sya magpapagaling. Kukuha na lang ako ng nurse na mag-aalaga sakanya."

"Haay.. kung alam lang ni Lorraine kung gaano sya kaswerte sa asawa nya."

*Knock knock*

Pagbukas ng pinto dumating si Katrina kasama si Maine.

"Hi kuya Kyle. My bisita ka pala, hi kuya Travis" Lumapit si Maine samin at nag beso. Si Katrina?? kailan pa naging magalang yun. Umupo sya sa couch at nag cellphone.

"Want some coffee Travis?" Pag-aalok ko kay Travis. Total andito naman sina Kat kaya okay lang kung lumabas muna kami sandali.

"Sure"

Tumayo na kami pareho. "You take care of Lorraine. Mag co-coffee lang kami ni Travis sa baba."

"Okay" Matabang na sagot nya habang naka tutok parin sa cellphone nya.

Niyaya ko na si Travis na bumaba para maka inom kami ng kape at makapag usap na rin. Umorder kami ng kape at naglakad kami sa may park malapit sa hospital. Alam kasi ni Travis na hindi ako kumakain sa hospital kaya pina disposable nya yung coffee cup at dinala na namin ito.

"So, how was the company? and si tita, kumusta na sya?"

"Okay naman yung company. Si mama, successful naman yung operation nya at nagpapagaling pa sya ngayon."

"And your brother?"

"Si Nate?"

"Sino pa nga ba?"

"Ayun, mas marami pa yung absent kesa sa pagpasok."

"Hindi parin sya nagbabago, hindi nya parin alam kung anong plano nya sa buhay."

"I think hindi pa lang nya nakikita yung babaeng magpapatino sakanya kaya ganyan parin sya hanggang ngayon. Unlike you Kyle." Tumingin sya sakin at ngumiti sya pagkatapos nyang sabihin yun.

"Pamilyar ka ba sa line ni Paulo Coelho?"

"Alin dun?"

"Love is not to be found in someone else but in ourselves; we simply awaken it."

Matawa tawa syang humigop ng kape nya "Tama ka nga. Pero tingin ko kulang yung line mo. Love is not to be found in someone else, but in ourselves; we simply awaken it. But in order to do that, we need the other person." Talagang pinaka emphasize pa talaga nya yung word na BUT.

Habang nakaupo kami sa may bench nahagip ng mga mata ko ang mag-asawang nakikipaglaro sa anak nila.

"Don't worry, magkaka anak din kayo ni Lorraine. Don't feel jelous Kyle."

Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa sinabi o matutuwa. Sa mata ng ibang tao mag-asawa kami ni Lorraine, masaya at nagmamahalan. Pero ang hindi nila alam isang palabas lang ang lahat ng ito. Pagkatapos ng isang taon maghihiwalay din kami, ang sakit ngang isipin na habang hinihintay mong magising yung taong mahal mo para mo na ring hinihintay yung araw na magkaka hiwalay kayo.

Kasalanan ko lahat ng to' kung hindi ko sana naisip tong larong to hindi ako mahihirapan ng ganito sa nararandaman ko para sakanya. Pero ano bang magagawa ko?? Hindi ko naman pwedeng ipagsiksikan yung nararandaman ko sakanya. Alam ko na pumayag sya sa kasunduang ito para sa pamilya nya, yun lang at wala ng iba. Wala sa plano nya ang magmahal.

Nahinto ako sa pag-iisip ko nang marandaman ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko.

*Katrina calling..*

"Hel--"

[Kuya bumalik ka na dito]

"Bakit? may nangyari ba kay Lorraine?"

[She's already awake kuya, but sh--]

Nung narinig ko yung sinabi nyang nagising na si Lorraine agad akong tumakbo pabalik ng hospital.

Nung malapit na ko sa kwarto nya nakita kong lumabas yung mga nurse. Humihingal akong pumasok sa loob at nakita ko si Lorraine na tulog parin.

"Kuya." Lumapit sakin si Kat pati na rin yung doctor. "Doc i think you should discuss her condition to my brother, i'm not the right person to talk to"

"Why? what happened? I thought she's awake"

"Tama ka mr. Montefalcon, nagising na sya kanina pero kailangan syang i-inject ng pampatulog."

"Ha?? Bakit?"

"Nag s-sterical na kasi sya kanina kuya eh."

"Bakit nga? bakit sya kailangan injectionan ng pampatulog?! bakit sya nag s-sterical?!" Hindi ko na napigilan yung tono ng boses ko dahil gusto ko ng malaman yung nangyari kay Lorraine.

"Meron syang amnesia."

"What? You mean wala syang maalala?"

"Ganun na nga. Ang magandang gawin lang sa ngayon para matulungan syang bumalik yung alaala nya ay gawin nyo lang yung mga bagay na dati nyang ginagawa. It's a process mr. Montefalcon. People with amnesia also find it hard to imagine the future, because our constructions of future scenarios are closely linked to our recollections of past experiences. Kapag okay na yung condition nya pwede syang mag-undergo sa therapy. Makakatulong yun para sakanya."

"Sige ho doc susundin namin yung sinabi nyo."

"Sige lalabas na ko. Kapag nagising sya tawagin nyo lang ako para ma check natin yung condition nya kung pwede na ba syang umuwi."

"Sige ho doc, salamat." Lumabas na yung doctor at naiwan kaming apat dito.

"Anong nangyari Kat?"-Travis

"Kanina kasing pag-gising nya kuya tinatanong nya kung nasaan sya. Hinahanap nya yung dad nya tapos tinatanong nya ko kung sino daw ako, nung sinabi kong sister-in-law nya ko hindi sya naniwala kaya nag sterical sya gusto na daw nyang lumabas dito, kaya tumawag na ko ng doctor."

Umupo ako sa tabi ni Lorraine at hinawakan ko yung kamay nya. Totoo bang wala kang maalala Lorraine? Ibig sabihin ba nun hindi mo rin ako maalala?

"Kuya lalabas muna kami."

Nag nod lang ako at bumalik ako ng tingin kay Lorraine. "Gumising ka nga may amnesia ka naman." Bumuntong hininga ako. "Parang mas nakaka stress pa to kesa nung hinihintay kitang magising. Sana bumalik agad yung alaala mo." Hinalikan ko sya sa noo at hinimas ko yung kamay nya.

*Phone ringing..*


"Unkniwn number? Sino to?" Kinuha ko yung phone ko at sinagot yun. "Hello sin--"

[Kyle.. Ashan ka?]

Boses ng babae yung sumagot. Si Hanna ba to? "Hanna?"

[Oo Kyle ako nga to.. Ashan ka Kyle?]

"Lasing ka ba?" Ganun kasi yung boses nya. Hindi sya tuwid magsalita.

[Hindi pa ko lashing Kyle. Puntahan mo ko dito sa bar, shamahan mo naman ako Kyle]

"Hanna umuwi ka na. Hindi kita mapupuntahan."

[Bakit Kyle?! Bakit hindi mo ko mapupuntahan?!! Dahil ba may ashawa ka na? at bale wala na lang ako shayo ngayon?]

Hindi ko sya sinagot.

[Ano na Kyle? Bakit hindi ka maka shagot..? Kyle...] Biglang lumungkot yung boses nya. [Kyle I can't live without you.. Kapag hindi mo ko pinuntahan dito magpapakamatay ako!!]

"Hanna pwede ba, umuwi ka na. Lasing ka lang kaya mo yan nasasabi. Asan ka ba? ipapasundo na lang kita kay Travis."

[I'm serious Kyle. Magpapakamatay talaga ako pag hindi mo ko pinuntahan dito.]

 "Hanna--"

[I TOLD YOU I'M DAMN SERIOUS!!]

Pagkatapos nyang sabihin yun binaba nya na yung cellphone nya. Pano ako aalis dito? paano kung pag-gising ni Lorraine wala na naman ako sa tabi nya?


Kilala ko si Hanna, kapag sinabi nya gagawin nya talaga. Pero hindi ko pwedeng iwan dito si Lorraine mag-isa.

***

Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako, nagising lang ako sa vibrate ng cellphone ko. Unknown number parin, baka si Hanna to.

"Hanna."

[Sir kilala nyo ho ba yung may ari ng cellpphone na to?] Lalaka yung boses nung sumagot sa cellphone.

"Sino ka? bakit hawak mo yung cellphone ni Hanna?"

[Sir nakita ho kasing duguan sa cr ng bar yung may ari ng cellphone kaya dinala ho sya sa ospital. iiwan na lang ho namin sa manager ng bar yung cellphone nya pakikuha na lang ho.]

"Sige.." Yun na lang yung nasabi ko, masyado ata akong nagulat sa sinabi nya. Ibinaba ko na yung phone. "Lorraine, babalik ako agad." Hinalikan ko sya sa noo at lumabas na ko ng kwarto nya. Nagmadali akong pumunta sa kotse ko at pumunta sa ospital na pinagdalhan kay Hanna.

Dinial ko yung number ni Kat para sabihing bantayan muna nya si Lorraine.

[Yes kuya?]

"Where are you?"

[Nasa mall kuya, kasama si Maine. Why?]

"Bumalik ka muna sa hospital, paki bantayan muna yung ate mo. May pupuntahan lang ako, babalik din ako agad."

[But, kuya--]

Binaba ko na yung phone ko, baka hindi ako makapag focus sa pag d-drive ko. Pagdating ko sa ospital tinanong ko agad kung anong room sya at pinuntahan ko na sya.

Pagpasok ko sa kwarto nya nakita ko syang nakatulala. Tumingin sya sakin nung napansin nyang bumukas yung pintuan.

"What are you doing here? Diba wala ka nang pakielam sakin? KAYA ANO PANG GINAGAWA MO DITO??!!"

"Bakit mo to' ginagawa Hanna?"

"Wala kang pakielam kahit magpakamatay pa ko sa harapan mo. Hindi mo na ko mahal diba? kaya bakit ka pa nandito?!"

"HANNA BAKIT MO TO GINAGAWA SAKIN?!" Nagulat sya nung sumigaw ako kaya umiyak sya. Lumapit ako sakanya. "I'm sorry" Tinakpan nya ng kumot yung mukha nya at patuloy parin sya sa pag-iyak nya. "Hindi ko sinasadyang masigawan ka."

"Ano bang dapat kong gawin Kyle? Na di-dipress na talaga ako Kyle. I want you back."

Hinawakan ko yung kamay nya. "Wala kang dapat gawin Hanna. Itigil mo na to' ayokong nakikita kang nahihirapan ng dahil sakin. Nasasaktan ako pag nakikita kitang nagkakaganyan, lalo pa't alam kong ako yung dahilan."

"Then let's start all over again and spent more years together, Kyle. I want you to come back to me. We've been together for how many years and i know hindi yun basta basta mapapalitan ng kung sino lang. Kahit si Lorraine pa."

"Hanna--"

"Please Kyle. Please." Tumingin sya sakin at parang nagmamaka-awa yung mga mata nya.

"Magpahinga ka na."

"Ayoko Kyle. Baka pag-gising ko wala ka na sa tabi ko."

"Matulog ka na Hanna."

"Sige. Pero dito ka lang Kyle ha?"

"Sige." Um-oo na lang ako para matapos n yung usapan. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil kailangan kong bumalik sa ospital. Baka magising si Lorraine ng wala ako sa tabi nya.

Mayamaya pa nung napansin kong tulog na sya tinawag ko yung nurse at sakanya na lang pinabantayan. Kailangan ko na kasing bumalik sa ospital. Halos apat na oras din ako dun, kapag kasi aalis na ko hinihila nya yung kamay ko.

Nag da-drive na ko ngayon pabalik sa ospital kung nasan si Lorraine. Dinial ko yung number ni Kat para kamustahin si Lorraine. Pero hindi nya sinasagot. Sa pangatlong beses dun nya pa lang sinagot.

[Y..yes.. Kuya?]

"Nagising na ba yung ate mo?"

[Si.. ate Lorraine?]

"Oo sina pa nga ba? bakit parang hindi ka mapakali? nagising na ba sya?"

[Ahm.. Kuya nasan ka na ba?]

"Pabalik na jan. Malapit na ko."

[Kuya.. Bilisan mo.] Pagkasabi nya nun pinatay nya na agad yung cellphone nya. "Anong problema nya?"

***

Nathan's POV

Pauwi ako ngayon galing sa office at ang masasabi ko lang BADTRIP!! sobrang traffic!! hindi ko alam kung anong nangyayari sa may unahan ko. 

Puro mga busina na nga ng iba't ibang sasakyan yung naririnig ko dito.

"Tsk! Nakakainis na!" Hindi ko na kayang maghintay dito hanggang mamaya. Lumabas na ko ng kotse at lumapit dun sa may pinanggagalingan ng traffic.

"Hoy miss! umalis ka na jan!"-Driver 1

"Oo nga, nagkaka buhol buhol yung traffic dahil sayo."-Driver 22

Iba't ibang boses yung naririnig ko. "Anong nangyari?" Tanong ko dun sa lalakeng katabi ko.

"Ewan, may baliw na babae kasi dun sa daan. Ayaw atang umalis, parang nagpapakamatay."

Baliw??

Ang tanga lang. Ba't di kaya nila paalisin, kesa naman nakaka abala. Tsk tsk! 

Lumapit ako dun sa may pinanggagalingan ng traffic at nakita ko nga yung babae. Naka upo sya sa kalsada at hawak nya yung ulo nya, mahaba yung buhok nya kaya hindi ko makita yung mukha nya at naka suot sya ng uniform na pang nurse. 

Lumapit ako sakanya. "Miss, nakaharang ka sa kalsada. Baka gusto mong tumayo jan at tumabi dun sa kung saan hindi ka nakaka abala" Hahawakan ko sana sya pero umiwas sya.

"Huwag mo kong hahawakan."

Nagulat ako nung narinig ko syang magsalita, nanginginig yung boses nya at parang takot na takot. Agad kong itiningala yung ulo nya. "Lorraine..? Lorraine ikaw nga." Lumapit ako sakanya at hinawakan ko sya.

"Bitawan mo ko!" Itinulak nya ko.

Nagulat ako sa ikinilos nya.  "Anong nangyayari sayo? san ka ba galing? alam mo bang matagal ka na naming hinahanap ni Jacob?"

"Jacob..? Si Jacob..? asan sya? asan na si Jacob?"

Tinignan nya ko na parang naguguluhan. "Oo si Jacob nga. Ano bang nangyari sayo? Tumayo ka na jan, nakaka abala na tayo sa iba." Inalalayan ko syang tumayo at tumabi kami sa kalsada.

"Nasan si Jacob?"

"Nasa bahay ko, san pa nga ba? Teka lang ha, hindi ko alam kung anong nangyari sayo at kung saan ka galing.. Chaka.. Ano yang suot mo?? Aattend ka ba ng trick or treat?" Naka uniform kasi sya na pang nurse tapos mejo madumi pa yun.

"Gusto kong makita si Jacob. Dalhin mo ko sakanya."

"Oo dadalhin kita sa pinsan mo." Tinignan ko yung relo ko. "Pero nasa trabaho na yun ngayon. Wala ka pang sinasagot sa mga tanong ko ah. San ka ba kasi galing? at chaka--" Hindi pa ko tapos magsalita bigla na lang syang naglakad paalis na parang wala lang. "Tignan mo to' parang wala sa sarili." Sinundan ko sya pero bigla syang huminto at humawak sa ulo nya. Agad akong lumapit sakanya. "Okay ka lang?" Bigla syang hinimatay. "Lorraine!! Lorraine gising!!"

Binuhat ko sya papunta sa kotse ko at  agad ko syang dinala sa unit ko.

***

"Kuya Nate!!"

Nagmamadaling pumasok sa kwarto ko si Jacob. "Huwag ka munang maingay, nagpapahinga pa yung ate mo." Niyaya ko sya sa labas na lang kami mag-usap.

"Saan daw sya galing kuya? ano daw nangyari sakanya?"

"Yun din ang hindi ko alam. Nakita ko lang sya kanina sa kalsada at parang wala sya sa saril nya. Tingin ko na aksidente sya nung nawala sya ng tatlong buwan. Wala syang maalala."

"Walang maalala?"

"Oo. Bukas pag gising nya dadalhin natin sya sa ospital para ipa check-up. Sa ngayon hayaan muna natin syang magpahinga."

"Sige kuya."

"Magpahinga ka na."

"Kuya Nate. Salamat ha."

"Saan?"

"Sa pagmamalasakit samin ng ate ko."

"Wala yun. Sige na matulog ka na."

"Dun na lang ako sa couch sa kwarto mo matutulog kuya. Babantayan ko si Ate Lorraine, ikaw na lang matulog dun sa kwarto ko."

"Okay ka lang ba dun?"

"Oo kuya."

"Sige. Good night."

"Good night din kuya."

NAgpunta na ko sa kwarto nya at duon na lang magpapahinga. Gusto ko sanang ako na lang yung magbantay kay Lorraine pero baka magising sya at sabihin na naman na hindi nya ko kilala.

Ano nga kaya talaga yung nangyari sakanya? Bakit sya nawala ng tatlong buwan at pagbalik nya ganun na sya??

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.5M 1.6K 2
Book 1 of My Wife Billionaire Wife Written by SinyoraKate Date started: 07/20/2014
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.2M 44.4K 92
[๐™ถ๐š‡๐™ถ] [๐™ฟ๐š๐™พ๐™ต๐š‡๐š‚๐šƒ๐š„๐™ณ๐™ด๐™ฝ๐šƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
7.2K 245 44
Somewhere hidden in the woods, there lies a path through a different world. A world that Daisy will enter no matter how dangerous it is. For her, the...