Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

17: Jael

18.2K 194 13
By Lee__Miyaki

AN. Don't forget to join our group for more exciting trivias and facts about SIR, YOU'RE MINE. Click the external link. ;)

Jael’s POV

Isang umagang nakakaboring ang bumungad sa akin. Una, may meeting raw kami ng 8:00am pero two minutes na ang nakakalipas pero hindi pa rin kami nag-start. Medyo time conscious lang siguro ako. Meanwhile, hinihintay na lang kasi naming dumating ang head ng faculty na si Ma’am Gomez. Sinabihan niya naman ang secretary niya na darating naman daw ang madam soon.

Fifteen teachers kaming present. Excused raw ang iba. Katabi ko sana si Ma’am  Chloe na katabi naman si Sir Rye. Sa totoo lang, wala naman akong ibang close sa faculty room kundi si Ma’am Chloe. Kaya lang, absent siya ngayon, bale, isang upuan ang naghihiwalay sa akin at kay Sir Railey. Kasama ko rin sa table sina Sir Rain, at Ma’am Anna pero hindi naman kami gaanong nag-uusap. For formality sake, nagyayayaan kaming magsabay ng lunch, pero dahil formality lang ‘yon, kailangan kong tanggihan.

Tulad rin ng dati kong school na pinasukan, karamihan ng kumakausap sa akin, babaeng teacher rin. This sem, wala pa naman dahil nga ngayong semester lang ako nagsimulang magturo sa school na ‘to ng full time. Part time lang ako last sem at ngayon lang nakapagdecide na magfull time. Kaya nagkaroon na rin ako finally ng space dito sa faculty room.

“Can we start themeeting?” sabi ni Ma’am Gomez. After ten minutes, nandito na siya.

Isa-isa niya ng nilatag ang agenda. Pinaliwanag niya ang pupuntahan ng proceeds ng event last Friday. She keeps on saying na last night, so far, was the best IGP na nagawa nila dahil napakaraming income naman raw ang naipasok.

“Sir Jael had shown a very good performance. The judges were impressed as well,” sabi niya sa akin. I hate this feeling of being appreciated in front of other people. Nakakahiya, but then I still smiled, and said, “Thanks Ma’am.”

“About the clubs, dear teachers, do you have any concerns, and problems regarding your advisory clubs?” she asked as she stared to us.

“Ma’am. Kung ang isang student ba ay officer ng isang club then suddenly, they decided to shift to another club and leave their places, okay lang bang tanggalin ko na sila so that they can focus on the  club they’re into?” Sir Railey asked. He kept on staring at me the way that I dislike.

“Anyone who wants to give advice to this man?” Ma’am Gomez, I believed, is being sarcastic with this.

“Sir, you should have talked to them first. Know what they have done such thing. Hindi naman sila aalis ng walang dahilan. Propose something to them, if they really wanted to join another club, then allow them as long as they will do their duties as officers,” Ma’am Anna answered.

Hindi na muling nagsalita si Sir Railey. The whole meeting, he was really in the bad mood. Paano ko napansin? Panay kasi ang buntong hininga niya, pangangalumbaba, at pagiging bugnutin. Buti pa ako, kalma lang. Ayokong masyadong istress-in ang sarili ko noh. :)

Nang matapos ang meeting, isa-isa nang nagtayuan ang bawat teacher. Ako naman ay nag-ayos na rin ng gamit para sa klase ko ng 1:00pm. Mamaya pa naman ‘yon. Uunahin ko munang puntahan ang Glee Club ng 10:00am. Second meeting pa lang naming ngayon. Last time, sort of knowing their voices pa lang naman ang ginawa namin and a lil practice.

I hurried up. Iniwan ko muna ang case na lalagyan ko ng white board marker at ng eraser. Then, bumaba na agad ako upang puntahan sila. Wala pa kaming officers, dahil bago lang kami sa college na ito. Medyo rush nga lang rin ang pagkabigay ng club na ito sa akin. Just right after the event last Friday. Ang dami na nga talagang nangyari.

Pumasok ako sa multimedia room. Then, nakita kong naroon na si Roxanne. Siya pa lang mag-isa. No wonder, 9:45 pa lang ng umaga. Maaga pa rin siya.

“Hi there,” I said habang inilapag ko muna ang dala kong gitara. Yes, I know how to play guitar. This was my past time when I was in college. Therefore, that was three years ago.

“Hi Sir,” I just noticed na hindi siya palaimik. In fact, tahimik siya na parang nahihiya. Ramdam ko, may gusto siya sa akin. In a way, halata kasi. Nararamdaman naming mga lalaki ang ganyang pakikitungo ng mga babae. Lalo pa nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin sa canteen while drinking milk tea, at nang nakasabay ko rin siya sa FX last time. Halata kasi.

“You’re too early for our practice. 15 minutes pa before mag-ten ah,” I said. Para magkaroon naman kami ng topic. She was really shy.

“O-opo sir, nagkataon lang po na mabilis ang byahe," 

“Eh di ba may heavy traffic ngayon?”

“Uhm. Maaga po pala akong umalis ng bahay.” 

“I see. That’s good. Since wala pa tayong officers, and official members, ikaw na lang muna ang maging officer in charge until makahanap tayo ng sasali, ayos lang ba?”

Nang sinabi ko ‘yun, namula siya. “Y-yes po sir, wala pong problema,” ang tipid niyang sagot.

“Since wala pa naman ang iba,  gusto mo bang kumanta muna tayo?” I asked, randomly.

***

Roxanne’s POV

“… gusto mo bang kumanta muna tayo?” tanong niya. Ilan beses ba kong papatayin sa kilig ni Sir Jael? Una, kanina pa ako hindi makahinga sa bawat words na sasabihin niya. Para akong sinasakal sa kilig kapag nagsasalita siya. OA na kung OA pero hindi ko mapigilang hindi siya tignan. At inaaya niya pa akong kumanta? Nakakatuwa. :’) Buti na lang maaga akong pumunta ngayon ng school. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, nakakapagpabago. Lahat gagawin mo magkaroon lang ng time para sa mahal mo. :)

Nang magsimula na siyang magstrum ng gitara, inumpisahan ko na ring tumingin sa kanya.

“Alam mo ba ‘yung torete? Pwede bang kantahin mo muna ‘yung first stanza?” tanong niya sakin.

“Sige po, Sir,” sagot ko habang nililipad pa ng hangin ‘tong puso ko. :)

Torete – Moonstar88

/ Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip /

Nakatingin ako sa strings ng gitara habang patuloy lang si Sir sa pagtugtog nito. Sabihan niyo ng tanga ako, pero hindi ko mapigilang hindi siya tignan. Ang mga ngiti niya na lang ata ang nakikita ko sa bawat linyang inaawit ko. Ang ganda ng musika niya, ang ganda rin ng ngiti niya.


/Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo
 /

Kasi naman. Sinabayan pa ako ni Sir sa refrain part ng kanta. Nagblend naman ang boses namin, sana pati puso, ganun rin. Kaya lang, imposible. Gusto ko na lang itawa ‘tong naiisip ko ngayon, kaya lang ayoko namang masira ang kanta namin.



/ Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako /

‘Yung totoo? Bakit nilalamig ako. Sa tuwing napapansin kong nakatingin siya sa akin. Namumungay ang mata niya. Para bang ang sarap niyang tingnan. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Ang lapit kasi ng taong sobrang gustung-gusto ko.


/ Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo /


Muli, sinabayan niya pa akong awitin ang chorus…



/ Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa 'yo

(Repeat refrain)

Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete ako /

 

Kasing lamig ng boses niya ang posibilidad na hindi rin naman kami para sa isa’t isa. Ayos lang, ngayong kasama ko siya, gusto ko munang sulitin ang lahat ng oras at pagkakataon na nagkakasama kami. Sana hindi lang ‘to ngayong semester.

“Aba! May kantahan pala rito, hindi niyo man lang ako sinali!” ito ang pinaka-interrupting sa lahat ng interrupting na sinabi ni Rebecca. Pumasok na siya ng room, at mukhang nang-aasar ang ngiti niya habang sinasabi niya ‘yung interrupting words niya.

“Hi Bec,” at itinabi ni Sir Jael ang gitara sa tabi. “Alas-diyes na pasado, wala pa rin ba ang iba?” tanong nito sa kanya. Sana hindi pa dumating si Bec… :(

“Sir, balita ko, kausap sila ni Railey, este Sir Railey ngayon.”

“Pwede naman Rye na lang ang itawag mo sa kanya since tayong tatlo lang naman ang nandito sa room.”

“Ganon ba? Pwede bang hindi na lang rin ako mag-po sa’yo?”

“Uy Rebecca! Tumigil ka nga d’yan. Teacher pa rin si Sir Jael no!” singit ko sa kanila.

“Joke lang naman Roxanne! Ito naman, hindi mabiro!” sagot niya sakin.

“It’s okay Roxanne, tutal hindi naman nagkakalayo ang edad nating tatlo. Hahaha. ‘wag niyo lang akong bastusin kapag may ibang tao, pero kapag tayo lang, pwede ng maglokohan,” sagot niya samin.

“Ilang taon na po ba kayo Sir?” –Rebecca. Buti na lang magkasundo na sila.

“Twenty two na ko  bukas,” AGAD AGAD! BUKAS AGAD!

“Ang bata niyo pa Sir. Ilang taon ba kayo nag-aral?” tanong ko. Insert lakas ng loob.

“19 ako gumraduate ng college. Two years kumuha ng master’s. Heto, one year pa lang sa pagtuturo,” he answered. “So, ‘wag na kayong mahiya magpatulong kung may kailangan kayo regarding school stuffs.”

Malakas ang tawanan namin sa loob. Isa-isa na rin kasi kaming nagkaroon ng sharing regarding sa bawat buhay namin. Buti na lang, moderator si Rebecca, nagkaroon ako ng chance na malaman na wala palang girlfriend si Sir. :)

Maya-maya, biglang bumukas muli ang pintuan. Isa-isa nang nagsipasukan ‘yung co-members namin. Lima sila, kaya lang, unlike dati, medyo tahimik sila at hindi agad nagpapansin kay Sir Jael. Bakit?

Nang makapasok sila, nakita kong nasa dulo nila si Sir Rye. Seryoso ang mukha niya.

“Sir Jael, can we talk?” tanong niya kay Jael ko.

“Sure, why not?” ang sagot ni Jael na nakapagpakilig sa akin. :)

Continue Reading

You'll Also Like

96.7K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
98.1K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...