The Philosopher Stones (Book...

Door SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... Meer

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

The PS Bunkhouse

1.6K 137 138
Door SheIsLexa

Natapos naman ang programa nangg matiwasay, naipakilala ni Jennica ang lima pang natitirang PS.

Nigel Santos - The Gentle Stone, tinagurian siyang 'gentle' sapagkat siya ang pinakamaginoo at pinakahindi makabasag pinggan sa buong grupo;

Edward Maures - The Comedy Stone, ang pinakapalabiro at ang klase ng tao na tinatawanan ang kahit gaano pa kakornyng joke;

Martin Villarino - The Charmer Stone, he got this charm that's so irresistible to anyone, name it, mapababae, bakla, lalaki, o kahit mga matatanda ay wala pa itong mintis ngunit hindi rin naman niya ito ginagamit para maging isang Casanova;

Reymond Dela Fuerte - The Ideal Stone, isang ideal man at hindi maipagkakailang perpekto sa mata ng mga pinakamemetikulosong kritiko;

At ang panghuli ay si Oasis Patriar - The Genius Stone, isang lalaking henyo at ang pinakafast learner sa kanila, dream boy na sana ngunit ayaw na ayaw nga lang niya sa lahi ni Eba.

Sila ay tinawag na Philosopher Stones dahil gaya ng mga bato, sila ay manhid at walang pakialam sa nararamdaman ng mga taong naiisahan nila sa kanilang mga pamimilosopo at pangungutya. Ngunit nilalagay naman nila ang pananakit ng damdamin sa tamang lugar, pangyayari, at ang mga taong nararapat lamang ng ganiyang klaseng pagtrato ang kanilang binibiktima. Pero hindi naman nila ito palaging ginagawa, hindi sa lahat ng oras. Uso ang pamimilosopo sa panahon ngayon pero ang kanilang paraan ng pamimilosopo ay naiiba sa lahat. May sarili silang prinsipyo patungkol sa aspetong iyon.

Ngayon, oras na para ipasyal si Jennica sa PS Bunkhouse. Ayon na rin sa napagkasunduan kanina sa programa.

"Kailangan pa ba talaga ito? I mean, I'm not interested with your-"

"Kung ayaw mo, e di huwag," naiinis na sabi ni Oasis. Silang lahat ay nasa private elevator ngayon kasama si Jennica. Naaburido siya kasi may kasama siyang babae sa loob ng kanyang 3-meter radius vicinity.

"Oasis," saway ni Nigel sa kaibigan at saka nakangiting ibinaling ang tingin sa dalagang si Jennica, "Don't mind him."

Tumango si Jennica saka tiningnan ang lalaking nasa kabilang dulo ng elevator. Oo nga, mukha itong diring-diri sa presensya niya. "May maitutulong ba ito sa pag-paaral ko rito sa Woodsen? At sa sambayanang pilipino?"

"Pfftt—" pigil na pigil ang tawang ginawa ni Edward.

Tumunog ang elevator, nagpapahiwatig na nakarating na sila sa 3rd floor. Dahan-dahang bumukas ang pinto at hindi makapaniwala si Jennica sa nakita. She gasped and uttered, "Whoah," under her breath.

Ang bunkhouse ay glass-walled kaya kitang-kita mula rito ang buong view ng school. Kulang ang salitang 'paraiso' para ilarawan ang tanawin.

"Shall we?" paanyaya ni Nigel habang inaabot ang kamay sa dalaga na tinanggap naman ng huli.

Hanggang ngayon ay iritado pa rin sina Reymond at Christian.

Ako na isang ideal man ay tinawag lang na-what was that? Siomai? Damn it.

Hello? Courtship Stone here, a well known Casanova tapos inirapan niya lang? Makikita niya.

Bago pa man may makapagsalita ay biglang tumunog ang mga earpiece na suot-suot ng bawat miyembro ng PS. Hindi ito kita dahil isa itong microscopic transparent glass na idinidikit sa mga earlobes nila.

Si Jennica naman ay manghang-mangha talaga sa view at nag-seselfie na gamit ang kanyang Iphone 5c. Hehe! Ayos 'to pang-profile pic!, ngiting ngiting sabi niya sa sarili.

Alam ni Reymond na dapat ay nakikinig siya sa instruction ng intercom na galing sa kanyang earpiece ngunit hindi niya maalis ang tingin sa dalaga. May kung ano talaga sa mga mata nito. Parang nakita na niya ito rati. Nagulat pa siya nang mapatingin sa kanya ang dalaga at nginitian siya. Napaiwas siya ng tingin. What was that?, sa isip niya.

"Reymond, nakikinig ka ba?" nagtatakang tanong ni Cabaron.

"Mukha ba akong nakikinig?" Huli na nang mapagtanto niyang maling mali ang sinagot niya, "A, e." Napakamot na lamang siya sa kaniyang pisngi, "Ano bang sabi?"

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Moncieller sa kaibigan. "May lagnat ka? Imposible 'yon. Hindi ka kaya marunong magkasakit!"

Natawa na lamang si Reymond sa pinagsasabi ng kaibigan, "Ulol!" Ang totoo niyan ay hindi talaga siya masyadong nagkakasakit. Ewan ba niya, sa kanilang lahat ay siya ang may pinakamalakas ang resistensya. Parte yata ito ng pagiging Ideal Man niya. Pati ang kaniyang katawan ay ideal, perpekto.

"Hello? Earth to PS? Itu-tour niyo pa po ako diba?" nakapameywang na reklamo ni Jennica.

"Kanina aayaw-ayaw," naiirita pa ring usal ni Oasis.

"Hindi ko naman alam na maganda pala rito, e," kagat-labing sambit ni Jennica sa napakasungit na si Oasis Patriar.

"Tss," mas lalong naiinis na saad ni Oasis, "Reymond maiwan ka na total mukhang hindi ka naman nakinig, the rest let's go."

Reymond's eyes widened, "What the—"

"Good luck bro," nakikisimpatyang sabi ni Christian na tinapik-tapik pa ang balikat ni Reymond.

Walang nagawa si Reymond kundi ang sundan nang tingin ang mga kaibigan na ngayon ay papasok na sa private elevator.

Umarko ang kilay ni Jennica. Hindi niya alam kung ano ang trip ng mga lalaking iyon at iniwan siyang kasama ang gwapong may brown-eyes-este ang taong siomai pala. Lumapit na lang siya kay siomai na mukhang gulat pa rin kaya ang ginawa niya ay iwinagayway niya ang kaniyang dalawang kamay sa tapat ng mukha nito at sinabing, "Hello! Tapos ka na bang mgulat? Pwede bang i-tour mo na ako?"

Napaatras naman ng bahagya si Reymond, nagtaka siya kung paano napunta sa tapat niya si siomai girl, nagteleport ba ito? Napailing siya sa naisip. I am responsible for this girl, bakit pa kasi siya ang pinili ko? Tsk. Pahamak na Christian, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito ang pipiliin ko., saad ni Reymond sa isipan. Ang totoo kasi niyan ay si Christian mismo ang nag-suggest sa kanya na ang mismong bagong salta ang piliin niya. Napakababaero talaga.

Napansin naman ni Jennica mukhang iritado na naman si siomai. She let out a heavy sigh and afterwards she smiled. Gusto niyang mag-sorry sa ginawa niya kanina, "Hey, Mr. Ideal Stone." Tiningnan lamang siya nito na para bang nasa likuran niya si Sadako, "Look, I am sorry for calling you such name. It's just that, uh." Sasabihin ba niyang sobrang gwapo nito at kailangan pa niyang kumbinsihin ang sarili na isa itong siomai? She snapped the idea baka lumaki lang ang maliit nitong ulo, "Kasi wala akong ibang masabi. Peace na tayo, Mr. Ideal Stone! Tsaka i-tour mo na ako, dali na!" Dahil sa excitement ay hinawakan niya ang kamay nito at pilit na hinila.

Nagulat na naman si Reymond at sa pagkakataong ito ay dahil sa biglaang paghawak ni Jennica sa kanyang kamay na mukhang wala lang naman sa dalaga pero sa kanya, Damn. Why can't I find my voice? And why does her eyes seemed to be familiar?

Napansin naman ni Jennica na nakabusangot pa rin ang binata kahit na nagsorry na siya rito. Ano bang problema ng lalaking ito?, bigla naman niyang naalala ang ginagawa sa kaniya ng daddy niya kapag nakalukot ang kaniyang mukha. Hmnn, masubukan nga?, Binitawan niya ang kamay nito at umatras nang bahagya.

Naningkit ang mga mata ni Reymond, sigurado kasi siyang may binabalak na hindi kanai-nais ang babaeng kaharap niya, "What are you doing?"

Jennica cleared her throat, naalala kasi niya na ito ang unang ginagawa ng ama, then she started . . . singing, "You're better than the best~ I'm lucky just to linger in your life~" Sinamahan pa niya ito ng sayaw.

Ang binata naman ay tiningnan lamang ang dilag na para bang tinubuan ito ng pakpak. "Anong ginagawa mo?"

"Malamang 'di ba kumakanta?" Jennica rolled her eyes.

Tumango-tango ang binata, "I thought you're declaiming."

Nalaglag ang panga ni Jennica at nahinto siya sa pagsasayaw.

"Pfftt—" tawa nang tawa ang binata habang pabagsak na umupo sa isang single couch. Tawang-tawa siya sa pagmumukha ng dalaga, "Now we're even!"

Sa halip na mainis ay natulala lang si Jennica. Tumatawa si Ideal Stone for heaven's sake! Right before her eyes ay tumatawa ang isang napakagwapong nilalang! Oh my! Noong nag-bagyo ng kagwapuhan paniguradong sinalanta ang lalaking ito., napailing si Jennica sa naisip at binigyan ng mental slap ang sarili. "Stop laughing! I-tour mo na ako!" saad niya sa binata saka tumalikod.

"Wait! Hindi mo man lang ba itutuloy ang pagdideclaime mo?" Mas lalong lumakas ang bulanghit nito.

Muling humarap si Jennica sa binata at pinaningkitan niya ito ng tingin, "You," may pagbabanta niyang sabi. She sighed heavily at pilit na kinalma ang sarili. Kasalanan niya naman din kasi ang lahat. "Let's go, ok? Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Pwede ba?"

"Hey!" tawag ni Reymond saka hinila sa braso ang dalaga para mapaharap ito sa kaniya. "Look, I'm sorry," he sincerely apologized.

Iniwas ni Jennica ang kaniyang tingin. Sobra kasi siyang na-aamaze sa kayumangging mga mata nito. Baka kasi mamaya ay dukutin niya ang mga mata nito at iuwi sa kanila. Oo, ganoon siya ka-amazed.

"But," Nagpakawala ng isang nakakalokong ngisi si Reymond bago nagpatuloy, "Anong pamagat ng pyesang idiniclaime mo?"

Pakiramdam ng dalaga ay umakyat lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo at konting-konti na lang ay puputok na siya, "Bwisit ka!" huling sambit niya saka pinagpapalo nang dalang bag ang binata.



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

3.3K 111 23
Abilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will...
7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
86.6K 2K 68
❝ Damn, finding a man who loves you more than himself is hard nowadays. ❞ Isa? Dalawa? Maraming beses na naging sawi ang puso ng isang Athena Minerva...
1.3M 59.9K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...