Marrying My Boss [Completed]

By chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... More

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 26: Photograph
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 30: Meeting Him
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 41: Jealous...
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 52: Flashback
Chapter 53: False Issue
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 58: Dreadful Storm
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 63: Respect
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 32: Flowers For Her

318K 3K 158
By chimchimimi

Maikli lang ito. Sorry. >.<. Kahit kasi weekend ang dami kong ginagawa eh.

Chapter 32: Flowers For Her

EUPHY'S POV

"Sigurado ka bang hindi ka papagalitan na may sugat ka sa mukha?" Tanong ko kay Joseph. Baka kasi pagalitan siya doon sa seminaryo dahil nakipag-away siya. Si Charles naman kasi eh, ang lakas mangbugbog. Aalis na siya ngayon at hinatid namin siya ni Charles sa bus na sasakayan niya pauwi sa probinsiya.

"Walang problema. Kayang kaya ko naman itong malutusan" Ibang klase talaga itong taong ito.

"Bahala ka basta dapat tuparin mo yung promise mo na whatever it takes, magiging pari ka!" Binantaan ko pa siya.

"Opo Babygirl! Promise iyan, kahit napakahirap magpigil lalo na't may kaharap ka na babaeng sobra ang kasexyhan" Pinalo ko siya.

"Ikaw talaga! Lagot ka kay Tito! Bleh!" Binelatan ko siya.

"Anong ako? Mas lagot ka sa kanya!" Tapos pinagtawanan niya ako. At tumingin siya sa katabi ko kung saan naroon si Charles pagkatapos tumingin naman siya sa akin at tumawa ulit. Ang weird ng taong ito.

"Bwisit ka! Umalis ka na nga! Aalis na yung bus na sasakyan mo!" Kunwari ko siyang tinulak-tulak.

"Mag-aral ka nang mabuti para sa susunod nating pagkikita pari ka na!" Dagdag ko pang sabi sa kanya.

"Masusunod babygirl! Mag-ingat ka ha! Sigurado naman akong aalagaan ka ng asawa mo!" At niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya. Matagal na naman kaming hindi magkikita.

"Ikaw rin mag-ingat ka. Iwas iwas din sa babae nang makalayo sa mga kasalanan ha?" Paalala ko sa kanya.

"Opo Manang! Ikaw rin! Alam kong masaya ka pero sana naman 

.

patawarin mo na yung taong nagkamali sayo. You know what I mean. Ang sarap kaya sa feeling na walang bahid ng galit ang puso mo" Patawarin? I.. don't think so.

Kumalas na kami sa mga yakap. Si Charles naman ay nasa likuran ko.

Maya-maya ay lumapit si Joseph kay Charles tapos lumayo sila sa akin ng ilang metro. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa at nakakainis lang kasi bakit pa nila kailangang lumayo?

Nakita kong nag-uusap ang dalawa. Ano kaya pinag-uusapan nila? Pagkatapos nun ay nakita ko na lamang na nagtatawanan sila tapos nag shake hands at nagyakapan, syempre yung manly hug.

Hanggang ngayon talaga ay nagtataka pa rin ako kung paano naging magkaibigan ang dalawa? Pero ang astig ha, nagsuntukan muna bago naging magkaibigan.

Feeling ko ako na yung OP.

Dahil curious na ako, linapitan ko sila.

"Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Wala. Ang astig kasi nitong asawa mo" Tapos inakbayan ni Joseph si Charles.

Huwag niyong sabihing magbestfriend na ang dalawang ito?

"O siya, aalis na yung bus, babye na lang sa inyo! Ingat kayo ha" Paalam niya pagpakatapos nun ay ginulo niya buhok ko. Nakakatuwa naman si Joseph. Kahit malaki na kami, mahilig niya pa ring guluhin ang buhok ko.

Bago siya pumasok nung bus, humarap siya sa amin.

"Siya nga pala, please lang, ako nang nakikiusap sa inyo. Huwag niyo nang patagalin pa, magpakasal na kayo sa simbahan sa lalong madaling panahon."

Tae! Ano bang pinagsasasabi niya? Ano 'to? Huling habilin bago umalis?!

Ah basta. Napanganga na lang kami ni Charles sa sinabi niya. Hindi naman kasi namin pwedeng sabihin yung tunay na estado ng relasyon namin ni Charles.

"Excited na rin akong magkaroon ng pamangkin. And promise me na ako ang magbibinyag sa kanya" Joseph. Joseph. Joseph. Ba't ba ang pilyo ng isang ito? Para siyang si Kelly at ang ang mga magulang ni Charles, walang ibang hiningi kundi baby. Parang gusto kong isigaw na malabong magkaroon ng baby.

Maliban na lamang kung may mangyari...

>___<

Aaaah! Erase! Erase! Erase!

"Areglado!" Kainis naman si Charles! Sinakyan niya pa talaga ang sinabi ni Joseph. Tapos inakbayan niya ko. Is this a part of the show? Hindi ko talaga maatim na nagsisinungaling kami, and worst, sa magiging pari pa. Impyerno na talaga ang kababagsakan ko nito.

Nakaalis na yung bus at kami naman ni Charles ay nasa sasakyan niya at papunta na sa office. Kung tatanungin niyo kami, medyo ok na kahit papaano yung pakikitungo namin sa isa't isa. Medyo napatawad ko na rin siya dun sa kasalanan niya kung saan nagsinungaling siyang may sakit ang Mama niya para lang maawa ako sa kanya at pakasalan siya.

Nag-usap kasi kami ni Charles na dapat maging maayos man lamang ang pagsasama namin lalo na't magsasama kami for a year. Yung tipong wala nang awayan at yung tipong civil kami sa isa't isa. Nag-expect nga ako nun na magrerequest siya na kung pwede kaming maging magkaibigan man lang pero ang loko, mukhang ayaw nun.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nung magsalita si Charles sa tabi ko na kasalukuyang nagdadrive.

"I want to meet your uncle" Nagulat ako sa sinabi niya.

"What?"

"I said I want to meet your uncle" Narinig ko naman yung sinabi niya kanina kaso gusto ko lang marinig yun ulit nang makasiguro.

"How did you know about him?" Hindi ko naman sa kanya nabanggit si uncle.

"Joseph" Hay nakung Joseph talaga yun. Ano pa kaya ang ibang sinabi ni Joseph kay Charles tungkol sa akin?

"Impossible. You will never meet him" Sabi ko,

"Why not?" Tanong naman niya.

"Because nandun siya sa far, far away land and by the end of December of next year pa yun uuwi. Meaning, hiwalay na tayo nun pag-uwi nun dito sa Pinas" Sabi ko.

Sa totoo lang, natatakot ako. Kasi ano na lang ang irarason ko kay Joseph kapag naghiwalay na kami ni Charles. Syempre, magiging pari yun kaya hindi yun pabor sa mga divorce o mga annulment na iyan.

At malabong hindi ito malalaman ni Tito. Masyadong honest si Joseph kay tito eh.

Oh God! Saiyo na lang ako humuhugot ng lakas. Help me.

"So, I guess, hindi ko na kailangan pang makilala ang Tito mo" Sabi niya.

Teka lang, bakit niya gustong makilala si Tito?

.

Pagdating namin sa office, diretso kami sa conference hall.

Nagmeeting lahat ng employees at mga board members. Pinag-usapan kasi yung tungkol sa anniversary nung company. At imbes na magkaroon ng party, magkakaroon ng community immersion kung saan mamimigay kami ng donation at free medical sa mga taong nakatira sa isolated areas. Exciting 'to!

Pinag-usapan kung ano yung mga gagawin namin at kung anu-anong lugar ang tutulungan namin. Ngayon pa lang excited na ako. Ang sarap kaya sa feeling nang tumutulong sa kapwa.

Natapos yung meeting ng 4 pm at nagsiuwian na ang lahat.

Sabay na kami Charles, ay hindi! Nauuna siyang maglakad sa akin at hindi man lang nag-abalang hintayin ako. Nakakainis no!

Pagdating namin sa parking area, nakita namin si Kelly na papauwi na rin.

"Hi Kuya! Hi Euphy! Uuwi na rin pala kayo!" Mukhang haggard si Kelly ngayon. Subsob din kasi siya sa trabaho.

"Hi Kelly. Uuwi ka na rin ba?" Tanong ko.

"Oo eh. Siya nga pala Kuya, nasaan na nga pala yung favorite mong car? Napansin ko kasi na hindi mo na siya ginagamit" Nagulat ako sa tinanong ni Kelly. Eh kasi naman, yung kotseng hinahanap ni Kelly ay yung kotseng nasira ko. Waaah!

"Nasa bahay, nakadisplay" Yun lang sinabi ni Charles at nagkibit balikat na lamang ako kay Kelly.

KELLY'S POV

Forever alone ba ang buhay ko? Eh kasi naman, nakakainggit yung ibang tao. Yung ibang babae may boyfriend, ako wala. Yung ibang babae may kasama, ako wala. Si Euphy may Charles, ako wala. Si Bea Alonzo may Zanjoe Marudo, ako wala. Si Chichay may Juaquin, ako wala. Si Maya may Sir Chief, ako wala.

Enough of this drama na nga! Napagod lang ako sa trabaho ko kaya kung anu-ano nang pinagsasasabi ko ngayon

I checked my phone. Ganun pa rin. At peace. Walang tumatawag o nagtetext. Nagtataka lang ako, bakit kaya hindi na tumatawag si mysterious caller.

Ay teka! Pakialam ko ba kung bakit hindi na siya tumatawag?! Eh mas mabuti nga yon, at least tahimik na ako at wala nang gumagambala sa akin at wala na ring tumatawag sa akin ng babes.

Yun nga!

This weekend nga tatambay ako sa condo ni Euphy, makikichika ako sa buhay nila. Mukha kasing hindi na ako updated sa buhay ng dalawang iyon. Baka may mga nangyaring hindi ko nalaman.

Pag-uwi ko ng bahay, may napansin akong kakaiba. At pagkapasok ko ng bahay, bumungad sa akin ang sangkaterbang iba't ibang mga bulaklak. Wow!

"Mommy, magtatayo ka ba ng flower shop. Bat ang daming bulaklak?" Kumuha ako ng isang flower at inamoy iyon. Ang bango niya! Parang perfume! *o*

Iba't ibang klase ng flowers ang nasa sala namin kaya take note, ang dami nila. Puno yung sala namin. Tapos ang babango pa. Mahilig ako sa bulaklak since I was a kid. At ang galing nung nagpadala kasi halos favorite ko lahat ng flowers na nandito ngayon.

"Why not? Pero hindi sa akin itong mga bulaklak" Hindi daw sa kanya? Eh anong ginagawa ng mga flowers dito?

"Huh? Eh saan galing ang mga ito?" Pero imbes na sagutin ako may iniabot ito sa aking maliit na envelope.

Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat.

'Flowers for you, my lovely Kelly' 

XOXO

What the? Sino namang magpapadala nito sa akin?

"Uy! Ang anak ko dalaga na! May nanliligaw na sa kanya!" Si Mommy talaga. Parang bata kung kiligin. Pero sino naman ang nagpadala nito sa akin. At saka, kung nanliligaw man siya, eh bakit walang nakalagay sa sulat na Can I Court You ek ek na ganun diba?

Naramdaman ko na lang na may tumatawag sa cp ko kaya sinagot ko naman ito.

"Hello?"

"Did you like my surprise?" S-si mysterious caller! Siya ang nagpadala ng flowers?

"Ikaw ang nagpadala nun?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yap. The one and only me"

"Thanks. I love it" Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang nasabi ko. Basta ang alam ko, ang saya-saya ko.

Dapat natakot na ako kasi unang una hindi ko siya kilala pero alam niya ang cp number ko at tawag siya ng tawag sakin tapos ngayon naman alam niya ang home address ko, pero imbes na sigawan siya, eto ako nagpapasalamat.

Naapreciate ko talaga yung ginawa ng taong ito kahit hindi ko naman kilala.

Ang weird talaga. >.<

********************* 

Waley! Waley! Waley! Waley siya. Sa sembreak na lang ako babawi ah. Hindi ko gagawan ng side story si Kelly kasi sa MMB niyo mismo matutunghayan ang love story niya. Busy talaga ako ngayon kya maikli lang. Ang hirap maging estudyante nuh? Haha.. Vote, comment and follow! XOXO

Continue Reading

You'll Also Like

102K 1.9K 20
A bestfriends journey of friendship and love. Paano kung ang isang taong nangakong magiging kakampi mo sa lahat ng bagay biglang iwan at layuan ka ng...
14.7M 174K 34
(Xander Del Castillo's Love Story) "You were inlove,then you keep it as a SECRET. Wasn't it so HARD......and PAINFUL?" Amber did everything para lang...
29.4K 294 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...