She's Complicated (GL) [HSS #...

By InsaneSoldier

1.4M 53.4K 8.7K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... More

She's Complicated
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 7

29.1K 1K 73
By InsaneSoldier

Haven

--

I texted them at napagkasunduang sa mall na lang kami which is sa kalapit na city lang. Nagbihis na ulit ako ng pang-porma.

"North Baby, na-receive mo yung text nina Jean?" Tanong ko pagkapasok ko sa kwarto niya. This time ay hindi ko na kinalimutang kumatok. Ayoko nang maranasan ulit yung binato niya ako ng suklay noong pumasok ako nang walang paalam dati dahil lang sa naabutan ko siyang nagbibihis noon. Masakit kaya.

Kinuha niya yung cellphone niya sa kama. She looked not surprised. "Oh. Meron pala."

Hay nako. "Ano ba 'yang selpon mo, display? Hindi man lang i-check." Inirapan niya lang ako. Fine. Edi siya na hindi mahilig sa selpon. "Halika na."

"Anong halika na?"

"Duh," Napapadyak na 'ko sa kaanuhan niya. "Malamang sasama ka. Magpakatao ka muna, 'oy."

"Tao naman ako, ah?" Ayan na, nagsusungit na naman siya.

Bago pa siya maghuramentado ay hinila ko na siya papuntang banyo at inabot ang towel niya. "Maligo ka na. Ihahanda ko na susuotin mo."

--

"Mga mehn!" Bungad ni Apple nang makita namin siya. Dito kami sa food court magkikita at si Mansanas Payat pa lang ang nandito.

Umupo kami ni North na mukhang maayos na ang mood. Hindi gaanong marami ang mga taong nag-o-occupy ngayon sa lugar kaya keri lang. Si Apple ay isa sa mga highschool friends ko noon. She's an IT specialist na ngayon pero wala namang nagbago sa kanya. Payatot pa rin, cute, and may malalim na dimple sa magkabilang pisngi. Still single though.

"Si Jean?" tanong ni North.

"Gano'n pa rin."

Sabay kaming natawa. Si Jean ang buhay na halimbawa namin ng Filipino time. Siya ang nagpasimuno nito pero partida, huli siyang dadating.

"Nag-text na si Yuka, hinahanap na niya yung puwesto natin."

"Uy!" At ayan na nga siya. Yuka, ang aming nag-iisang troops na hotel manager. Cute siya at mahinhin kumilos pero huwag padadala sa kainosentehan niya dahil puro kamanyakan ang nalabas sa bibig niyan. "Oh, Apple, mukhang puyat ka, ah. Yiiiii, sinong pinagod mo?"

Si Apple talaga ang madalas naming mapagtripan bukod kay Northy. Eh, paano, parang tanga kung maasar at magalit, nakangiti pa rin. May sira yata ang facial expression.

"Baliw!"

"Yiii!"

Sumunod namang dumating si Gail na as usual, ang pinakaunang sasabihin ay...

"Nandiyan na si Jean?"

"Wala!" sabay-sabay naming sagot. Lagi na lang 'yon unang lumalabas sa bibig niya tuwing may meet up.

Si Gail ay isang flight attendant na isang hardcore gamer. Himalang sumama siya ngayon. Usually kasi, kapag wala siyang work ay magdadahilan lang 'yan na busy para walang umistorbo sa kanyang paglalaro.

Saglit pa kaming nagkuwentuhan. Maya-maya lang din ay dumating na rin sa wakas ang pasimuno ng lahat.

"Guys! Sorry late ako─"

"Lagi naman!"

"Sorry nga!"

Si Jean, ang babaeng minsang nangarap na maging reporter pero naging dietrician ang ending. Expect the unexpected. Siya ang nag-iisa sa barkada na halimaw maggitara, maganda rin ang boses niya kaya madalas kaming mag-jamming noon.

"Oh, saan tayo ngayon?"

"Aba ewan, ikaw nagpasimuno, eh."

Nagkatinginan na lang kami ni North. Sabi na, eh, undecided pa rin ang pagtatambayan. Lagi na lang. Years have passed pero hindi pa rin sila nagbabago. Who would expect na twenty six na kaming lahat?

"Sige, dito na muna."

"Sure. Tapos Quantum."

"Game!"

Daldalan here, daldalan there, daldalan everywhere. Grabe magkuwentuhan, parang ilang taong hindi nagkita, eh. Ang dami na rin palang nangyari sa kanila. Pero sa totoo lang, ang saya nilang pagmasdan.

"Hoy, Apple! Aba, baka balak mo nang pakasalan 'yang computer mo kaya ka nagpapaka-single, ha!" Akusa ni Jean sa lablayp ni Payat. Patay tayo riyan.

Namula naman siya at umiling. "May...may nanliligaw sa'kin."

Nanlaki naman ang mga mata namin. "Kwento!" magkakasabay rin naming sigaw. Marami tuloy napatingin sa amin.

Si Mister Manliligaw daw ay isa sa mga katrabaho niya. Matagal na raw niya itong kaibigan kaya hindi na siya tumanggi nang magpaalam ito na manliligaw. Naks, haba ng hair!

Sunod naman nilang inapi si Yuka na balak pa yatang magpakatandang dalaga para sa taong hindi ko alam kung gusto ba siya o ano.

"Nag-uusap naman kami. Buti nga pinapansin na niya ako, eh." depensa ni Yuka.

Napailing na lang kami. Parang mga highschool. Nagkaaminan na naman sila, ano pa bang problema? Mga tao talaga, ginagawang complicated ang pag-ibig. Ayan na yung chance, ayaw pang i-grab ng maayos. Kung ako siguro ang mai-in love? Hinding-hindi ko titigilan yung taong 'yon.

"Eh, ikaw, Gail?"

Halos mabulunan naman si Gail sa shake na iniinom niya dahil napunta na sa kanya ang spotlight. Bilis bumili ni North ng makakain, eh, nakalusot. "A-ako?"

"Malamang!" Palatak ni Jean the Reporter slash the Dietician. "Baka balak mo nang magseryoso?"

"Seryoso naman ako, ah!"

May boyfriend na si Gail. They've been on a relationship for almost three years na pero hanggang ngayon ay para pa rin silang naglolokohan. Parang mga tanga, eh, nag-uusap lang sila madalas sa mga online games na parehas nilang sinasalihan. Sikat sila sa world ng mga gamer. Yep, ganoon sila kabangis sa paglalaro. Iyon ang sabi ni Gail.

"Seryoso raw...edi magpakasal na kayo!"

"Tse! Tulad mo pa 'ko sa'yo!"

At dito na nagsisimula ang bangungot namin. Muli, naging dreamy na naman ang facial expression ni Mareng Jean habang nagbabalik tanaw na naman sa kanyang nakaraan. Well, sa aming lahat, siya pa lang ang nakakapag-asawa sa amin. She's been married with her husband na childhood friend niya. Magti-three years na yata sila.

"I'm the happiest woman!" Humawak siya sa chest at humagikhik na animo'y kinikilig.

"Kailan niyo balak magka-baby?" tanong ni Yuka.

"On the way na!"

Muntik na 'kong masuka sa sinabi niya.

"Hoy, ikaw, North? Ikaw?"

"Anong ako?" Patay-malisya ni Hilaga. Natawa tuloy ako. Isa rin kasi sa inosente sa pag-ibig. Balak yatang magpaka-tandang dalaga.

Inirapan naman siya ng mga kasama namin, nangunguna siyempre si Jean. "Ikaw! Kailan mo balak magka-boyfriend?"

Nag-cross arms si North at sumandal sa inuupuan. "Ewan."

Sinubukan pa nilang magtanong ang kaso ang tipid niya magsalita. Sa huli ay wala rin silang nakuhang kahit anong matinong sagot.

Napalunok ako nang sabay-sabay silang lumingon sa akin. "What?"

"Isa ka pa!" Ayan na naman si Yuka. "Kailan mo balak magseryoso sa mga nakakarelasyon mo?"

Napakamot ako sa leeg ko. Ilang beses ko kayang ipapaliwanag sa kanila na seryoso naman ako? Wala lang talagang tumatagal sa'kin. Hindi naman ako naglalaro...mabilis lang akong mawalan ng interes. Hay nako.

"Okay. Is there anyone na nakakuha na ng interes mo?"

Natigilan ako. South.

"Wala."

"Choosy."

Natawa ako sa sinabi nila kahit deep inside ay pinupukpok na ang ulo ko sa sobrang kaba. Really, Jade? Si South talaga unang pumasok sa isip mo?

What the. So ibig sabihin, interesado ako sa kanya?

Napatingin ako kay North na panay ang kain ng halo-halo niya. Jusmiyo, mapapatay ako nito kapag nalaman niyang kursunada ko yung wirdo niyang kapatid. Naku naman! Bakit yung batang iyon pa? Wait nga. Feeling ko lang naman siguro 'yon, 'di ba? Mawawala pa naman 'to? Siguro naman. Imposible naman na matuluyan ako sa isang bata. Curiosity lang siguro 'to.

Dumiretso na rin kami sa Quantum nang maubos yung mga kinakain namin. Aba, nang makarating kami ay para akong may kasamang bata sa sobrang gulo at ingay nila. Hindi bale, minsan na lang naman kami mag-enjoy dahil busy sa work

Naghulog ako ng token at nagsimulang mag-shoot ng bola. Grabe, ang dami na palang nangyari ngayong araw. Pumasok yung bola. Naalala ko tuloy si South, kung gaano siya kagaling maglaro kanina. Ano pa kayang tinatago no'n?

"Jade."

Napalingon ako kay North na nasa likuran ko lang pala. Natapos na ang oras ko at medyo tinatamad na rin akong maglaro. I stretched my arms dahil nangawit na ako. I smiled at my best friend. "Naglaro ka?"

Umiling lang siya sa'kin. "Nag-text si West."

Napataas ang kilay ko kasi hindi na niya itinuloy yung sasabihin. Instead, inabot niya sa'kin yung phone at ipinabasa ang message ng kapatid─

South. Away. Again.

"Huh?"

Napairap na lang siya habang ako ay kakamut-kamot naman sa leeg. Ano ba naman kasing klaseng text 'yon? Word by word, eh. Robot lang?

"Umalis na naman siya." Maikling sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Saan nagpunta?"

"Ask her."

"Pero alam mo?"

She nodded. Napabuntong hininga na lang ako habang umiiling. Ang hirap naman magtanong sa babaeng 'to kapag si South ang topic. "Saan nga kasi?"

Napabuntong hininga na lang siya nang mapansin na wala akong balak tumigil. Wala talaga, 'no, lalo na at curious at nag-aalala rin ako.

"Nag-start siyang umalis-alis ng walang paalam simula noong nawala si Mama namin. No'ng tinanong ko siya kung saan siya nagpupunta, sinabi niyang may nahanap siyang safe haven niya raw."

"Safe haven?"

Tumango siya. "She never told me the exact place pero she described it. Sabi niya, pumupunta siya sa lugar na hindi masyadong dinadayo ng mga tao. Malawak raw ito at puro luntian ang paligid." Napailing na lang siya at natawa ng mahina. "Ang vague niya kasing mag-describe, eh. Pero parang alam ko kung anong lugar yung tinutukoy niya."

Pagkatapos niyang sabihin sa akin kung saan posibleng matatagpuan si South The Explorer ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan namin. Nagtanong pa nga sila kung bakit ako aalis bigla. Sinabi ko na lang na babawi ako sa susunod kaya naging okay na rin sila. Hindi ko na lang din pinansin yung binigay na tingin sa akin ni North, para kasing nagtataka siya sa kilos ko, eh.

"Pasalubong, ah!"

"Baliw!" Napailing na lang ako habang naglalakad paalis.

Actually kahit ako ay nagtataka na sa sarili ko. Fine, ina-admit kong gusto ko na si South pero that does not mean na obligado akong maging concern sa kanya palagi. Like, hello, kaya na niya ang sarili niya. So bakit kailangan kong maging worried? And she's my student.

Siguro kasi kapatid siya ni North kaya may extra care? Yeah, mas reasonable 'yon.

Since wala naman akong dalang sariling sasakyan ay nag-taxi na lang ako at sinabi kung saan ang pupuntahan ko. Sumandal ako sa upuan at napatingin sa oras. Napabuntong hininga tuloy ako dahil maggagabi na. Hay nako, South, anong trip mo at umalis ka ng alanganing oras? Yung totoo, anong meron sa'yo?

Nagbayad na 'ko kay manong nang makarating na ako sa lugar na gusto ko. Sumaludo pa siya sa'kin bago nag-drive paalis. Cute.

Hinayaan ko ang sarili ko na i-explore ang paligid gamit ang mga mata ko. Dinala ako ni manong sa isang private lot property, though wala namang nagbabantay. May nakapa-skill lang sa nakatayong bakod na may sira na. So, ito yung sinasabi ni South na safe haven niya? Natawa tuloy ako. Trespasser.

Napagpasiyahan kong lumusot sa bakod. Okay, tama siya, tahimik nga at kulay luntian ang lugar though madilim na konti. Eh, paano ba naman, puro damo lang ang nakikita ko at may mangilan-ngilan pang puno ang nagkalat. Lalong nagdilim ang paligid at medyo creepy iyon sa pakiramdam.

Binuksan ko yung flashlight sa phone ko at nagsimulang maglakad. Grabe naman 'tong si South, hindi ba siya natatakot pumunta rito? Baka mamaya dito pala tinatapon yung mga bangkay na nababalitaan ko, ha.

May narinig akong kaluskos kaya medyo napahinto ako at nakiramdam. Pero nakahinga rin ako ng maluwag dahil finally ay nakita ko rin si South. Naka-indian sit siya habang nakasandal sa isang puno. Mukhang hindi niya akong napansin dahil nakapikit lang siya.

"South." Tawag ko at tinapat 'yong flashlight ng phone sa kanya.

Lumingon siya sa'kin ng nakakunot ang noo. "Ma'am?"

Natawa ako ng mahina. Lumapit ako sa tabi at naupo. Pinatay ko na rin yung ilaw. "Paano mo nalamang ako 'to?"

"Kilala ko yung boses mo." Monotone na sagot niya. As usual.

Okay. Sabi ko na lang sa sarili ko. Medyo malamig na rin. Hindi pa naman ako nagdala ng jacket. Dumikit ako kay South, buti pa 'to meron. Sumiksik ako sa kanya pero hindi naman siya nag-react. Ayan, warm na.

"Nilalamig ka?" tanong niya sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot. "Okay," Hinubad niya yung jacket at isinuot sa akin. "Sa'yo muna."

"Eh, ikaw?"

"Okay lang ako." Sagot niya pero sumiksik naman sa'kin.

Hinubad ko na lang yung jacket at pinatong sa ibabaw naming dalawa, inakbayan ko rin siya para ilapit pa siya sa'kin. "Huwag na kumontra." Sabi ko bago pa siya makapag-protest.

Hindi na siya sumagot. Instead, sumandal pa siya sa braso ko. Okay. Hindi naman siguro masamang ngumiti, 'di ba? Natutuwa ako, eh.

"Kailan tayo uuwi?" tanong ko. Ang dilim na kasi talaga.

"After thirty minutes," Sagot niya.

"South?"

"Oh?"

"Uhm," Bigla tuloy akong nag-alangan kung magtatanong ako or hindi. "W...wala."

"I found this place almost two years ago, I guess." Panimula niya. "This is my safe haven."

Muli siyang tumahimik. Nang akala ko ay hindi na siya magsasalita ay saka naman siya umimik. "Alam kong worried sila." She chuckled darkly. "But sometimes, I just need to shut myself in this chaotic world after long hours of work."

Wala sa sariling napapikit ako. Sa way ng pagkakasabi niya, parang ang dami niyang ginagawa. Parang pasan niya ang mundo. Madamot siya in a sense na hindi niya sinasabi kung ano man ang gumugulo sa kanya.

"South? Yung painting mo na hindi mo tinapos, nasaan na?" Tanong ko na ang pinatutungkulan ay 'yong painting na ginagawa niya noon sa school na naabutan kong ginagawa niya.

"Nasa kwarto ko."

"Tapos mo na ba?"

"Hindi pa."

"Ay." Napanguso ako, tagal na no'n, eh. "May tanong pa ulit ako."

"Dami mo namang tanong."

Hindi ko na lang pinansin yung reklamo niya. "Yung mga paintings mo, magaganda. Pero may isa akong nakita do'n," Napahinto ako at muling tumambay sa isip ko yung painting na nakita ko sa coffee shop, yung larawan na walang mga mukha. "Na disturbing."

"Ah," I saw her smirked. "Pero hindi ba, iyon ang maganda sa art? Lalo na sa mga paintings?" Tumingala siya, pansin ko ang mata niya, hindi ito nangisngislap. Mapanglaw ito at parang nauupos na liwanag.

"Maganda?"

She sighed. "Hm. It piques our interest. Like those movies na pinapalabas sa sinehan. People behind the film aim for something that would pique the audiences' interest. Yung mind disturbing. Same with art."

Medyo na-gets ko naman yung sinabi niya. Marunong siyang magpaliwanag. Medyo deep nga lang para sa'kin.

"What you call disturbing is maybe a hidden message na baka kailangan lang bigyan ng oras na intindihin."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

247K 17.9K 36
[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nish...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
123K 6.3K 11
R18+ ✔ Amanda Leigh Ryans, a jobless woman with a diploma who is experiencing an existential crisis, finds herself being the babysitter of a psychopa...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...