Everything Has Changed (The N...

By jglaiza

1.4M 25.5K 747

PUBLISHED UNDER POP FICTION (Summit Media) The Neighbors Series #1 Highest Rank: #13 in General Fiction ** Eu... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Epilogue
Special Chapter
Published under Pop Fiction

Eleven

22.4K 424 5
By jglaiza

Chapter 11
Michael

**

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Napakunot-noo ako at hindi ko malaman kung ano ba dapat ang maging reaksyon sa sinabi niya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Naka-katol ba siya? Future girlfriend? Sino ba 'to? Hindi ko nga siya kilala, eh.

Ibinaba niya ang kamay niya nang ma-realize na hindi ko iyon tatanggapin. I didn't mean to be rude. Hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko. Aba! Ginulantang ba naman niya ako sa sinabi niya, eh.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Nawala naman ang malawak na ngiti niya at napakamot sa batok niya.

"Sorry, ha? Nagulat yata kita," sabi niya.

Hindi lang nagulat. Gulat na gulat!

"Um, pasensya na, ha? Pero hindi kasi kita kilala, eh," sabi ko.

"Alam ko. Kaya nga ako nagpapakilala sa'yo," aniya.

Aba! 'Yong tono ng boses niya parang sinasabi niyang kasalanan ko pang hindi ko siya kilala, ah! Pigilan niyo 'ko kundi bibigwasan ko talaga 'to!

Still, I don't want to be rude. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kakausapin ko na lang siya nang maayos at baka may gusto lang siyang sabihin.

"Oh-kay? So… nagpapakilala ka dahil?" I asked.

He smiled. "Kasi gusto kita. At gusto sana kitang ligawan sa ayaw at sa gusto mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. This is so shocking. Sigurado ba siya? Paano naman niya ako nagustuhan? Hello! Ngayon nga lang kami nagkakilala tapos sasabihin niyang gusto niya ako at liligawan niya ako?

"Sigurado ka ba diyan? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos nagustuhan mo na ako agad?"

Tumawa siya pagkasabi ko no'n. Napakunot-noo ako.

"Ikaw, ngayon mo lang ako nakilala. Pero ako, matagal na kitang kilala. Matagal na kitang pinapanood at pinagmamasdan," sabi niya na ikinagulat ko.

Wait. 'Di kaya stalker 'to? Bigla naman akong kinilabutan.

"Sorry, ha? Pero… stalker ka ba?" tanong ko. Bigla na naman siyang tumawa. This time, mas malakas na.

Grabe. Di naman ako na-inform na may pagkabaliw pala 'to. Masyado siyang masayahin, huh? Maganda 'yan. Note the sarcasm, please.

"Ako? Stalker? Alam mo, hindi ganito ang itsura ng stalker. Ang mga taong may mga ganito ka-gwapong mukha ay hindi stalker. I prefer you calling me admirer," sabi niya habang pataas-taas pa ang kilay.

Wow! Bilib naman ako sa taas ng confidence ng isang 'to! Sa sobrang taas, hindi ko ma-reach! Infairness naman, ang yabang niya. Well, hindi ko naman maitatangging gwapo nga ang isang 'to. Pero mas gwapo pa rin si Niel, siyempre. Mukha pa ngang mas bata 'to sa'kin. Teka nga, ilang taon na ba 'to?

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko.

Napakamot siya sa batok at nahihiyang sumagot. "Actually, kaka-15 ko pa lang. Pero age doesn't matter naman, 'di ba?"

He's just 15. I am 16. So, ibig sabihin third year pa lang siya?

Napatango-tango ako sa sinabi niya. What do I do now?

"So, uh… okay lang ba kung manliligaw ako?" tanong niya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Papayag ba 'ko? But I already like someone else. Kung papayagan ko siyang manligaw, para ko na rin siyang pinaasa. Hindi ko rin naman siya sasagutin sa huli dahil may iba akong gusto. Masasaktan ko lang siya.

I should do the right thing, right?

I sighed. "Um, Michael, right?'

Tumango siya. Bahagya akong yumuko at pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"Kasi, Michael, the thing is… I already like someone else. Kung liligawan mo ako, wala ka ring mapapala sa'kin. Masasaktan ka lang," sabi ko.

He sighed. "You like your best friend, right?"

Napaangat ako ng tingin. He knows Niel?

"What do you mean? Do you know my best friend?" I asked.

Umiling siya. "Kilala ko lang siya sa mukha. Sa tinagal-tagal na panonood ko sa'yo, kilala ko na ang mga tao sa paligid mo. Hindi ko man sila kilala sa pangalan, pero kilala ko sila sa mukha. At nakikita ko ang way ng pagtingin mo sa best friend mo. You really like him. At alam ko ring nililigawan ka niya ngayon."

Napakunot-noo ako. Kung alam niya lahat ng 'yon, bakit pa siya nandito? Kung alam niyang masasaktan ko siya, bakit niya pa sinabi sa'kin ang feelings niya?

May mga tao nga yata talagang nata-tanga pagdating sa taong gusto nila.

Tumango ako sa lahat ng sinabi niya.

"Yes, you're right. I like my best friend. At totoo ring nililigawan niya ako ngayon," sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano niya nalaman na nililigawan ako ni Niel. Nakakatakot siya dahil kahit iyon ay nalaman niya.

"Kung ganoon, bakit hindi mo pa rin siya sinasagot kung gusto mo nga siya? Ibig sabihin, hindi ka pa rin sigurado. Pwedeng may magustuhan ka pang iba, 'di ba? Ibig sabihin, pwede mo pa akong magustuhan," sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. "Huh?"

"Kaya hindi ako susuko, Eunice. Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita. Gagawin ko ang lahat para mabaling ang pagtingin mo sa'kin," sabi niya at agad na tumakbo paalis.

Aba, tingnan mo 'yon! Bigla na lang umalis. Sinabi ko ngang hindi niya ako pwedeng ligawan, eh! Saka kaya hindi ko pa sinasagot si Niel kahit na gusto ko siya ay dahil hindi pa ako pwedeng magka-boyfriend!

Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad pabalik ng classroom. Malapit nang matapos ang lunch break. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag-isip. As much as possible, ayokong makasakit ng tao. Pero dahil sa gagawin ni Michael na panliligaw sa'kin, mukhang wala akong magagawa.

I sighed. Paano mo ba sasabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto nang hindi siya nasasaktan? Paano mo sasabihing wala siyang pag-asa nang hindi siya nasasaktan?

Pagdating ng recess time ay kinausap ko sina Bree at Saff tungkol sa nangyari kaninang lunch time, noong kinausap ako ni Michael. Siyempre, hindi ko sinabi 'yong tungkol sa pagkagusto ko kay Niel. Sikreto muna 'yon.

Sa hindi malamang kadahilanan ay walang ibang ginawa si Saff kundi ang tumawa nang tumawa. Si Bree naman ay tahimik lang at mukhang nag-iisip.

"Ano ba, Saff? Hindi nakakatulong 'yang pagtawa mo diyan. Problemado na nga ako rito tapos kung makatawa ka diyan para kang si Sisa," sabi ko.

Natahimik naman siya nang sabihin ko iyon.

"Grabe ka! Mukha ba akong may anak na Crispin at Basilio?" tanong niya at nag-flip pa ng hair.

"Eh, kasi mukha kang tanga diyan kakatawa!"

She sighed. "Alam mo, hindi naman kasi problema 'yan, eh. Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo na lang nang diretso. Kung ayaw mong ligawan ka niya, sabihin mo."

See, the thing about Saff is that she's very straightforward. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Kung ayaw niya sa isang tao ay sinasabi niyang ayaw niya rito. Minsan ay naiisip din naman niya ang nararamdaman ng ibang tao pero most of the time, wala talaga siyang pakialam. It really depends on her mood.

At hindi naman ako katulad ni Saff na very straightforward. Iniisip ko pa rin ang sitwasyon.

"Saff, I think that is not a good advice. Kailangan pa rin namang isipin ni Eunice ang mararamdaman ni Michael, 'di ba?" sabi ni Bree.

Si Bree naman, halos may pagkakapareho kami. Lagi naming iniisip ang sitwasyon bago mag-desisyon. But of course, we're not perfect. May mga times din na hindi namin alam ang gagawin kaya nakakagawa kami ng wrong move.

Ang kaibahan lang namin ay sobrang mahiyain si Bree. Kahit na nakagawa na siya ng isang desisyon, nahihiya siyang sabihin iyon. Siya ang pinakamasikreto sa aming tatlo. Madalas ay tinatago niya lang lahat ng nararamdaman niya. Bihira siyang mag-open ng problema sa amin. Most of the time, pinipilit na lang namin siyang magsabi sa'min.

Napairap naman si Saff.

"Great, Brianna! So, what do you suggest?" tanong ni Saff.

Ngumiti naman ng alanganin si Bree. "Actually, hindi ko rin alam, eh. Mahirap kasing sabihin sa isang tao na ayaw mo sa kanya nang hindi siya nasasaktan."

Napahampas sa lamesa si Saff. Tumingin siya sa'kin.

"That's it! Kaya nga, eh. Kahit ano naman kasing gawin mo, masasaktan mo pa rin siya. Iyon mismo ang point ko. Masasaktan at masasaktan pa rin siya. Kapag pinayagan mo siyang manligaw sa'yo at hindi mo sinagot sa huli, masasaktan siya dahil pinaasa mo siya. Kapag sinabi mo sa kanyang ayaw mo siya ngayon, masasaktan din siya," sabi ni Saff.

Tama naman si Saff sa sinabi niya. But there's this tiny detail na mukhang nakalimutan nila.

"Uh, girls? Nakalimutan niyo na yatang nasabi ko na sa kanya na hindi ko siya sasagutin," sabi ko. Mukha namang natauhan sila sa sinabi ko.

"Oh. Oo nga pala. Pero… bakit nga ba ayaw mo siyang bigyan ng chance?" tanong ni Saff.

Natigilan ako at napalunok. Halos mailang ako sa tingin nilang dalawa sa'kin.

Hindi ko pa pwedeng sabihing may gusto ako kay Niel. Hindi pa 'ko ready! Saka baka sabihin nila kay Niel!

"Um… kasi… 'di ba nga? Bawal pa 'kong magpaligaw at magka-boyfriend?" pagdadahilan ko.

Napatango sila nang ma-realize na tama ako. Nakahinga ako nang maluwag.

"Then, why not tell Niel about Michael? Sa sobrang protective ng best friend mong 'yon, halos wala na siyang palapitin na lalaki sa'yo. Malay mo makagawa siya ng paraan para mapalayo si Michael sa'yo, 'di ba?" sabi ni Bree.

Bahagya namang natawa si Saff. "Protective? More like possessive. But I like your idea."

Napaisip ako sa sinabi ni Bree. Sa bandang huli ay napailing ako.

"No. Hindi na dapat malaman ni Niel. Kilala niyo naman 'yon. Baka mamaya awayin niya si Michael. Kawawa naman. Bata pa rin 'yon, ah," sabi ko.

Napatango si Bree. "Sabagay. So, what will you do?"

I sighed. Hindi ko na talaga alam. "I'll try to talk to him again kapag nakita ko siya. Susubukan ko nang paulit-ulit hanggang sa magsawa siya."

"Anyway, gusto kong ma-meet 'yang Michael na 'yan," sabi ni Saff na sinang-ayunan naman ni Bree.

"Me, too."

Nang hapong iyon ay sinundo ako ni Niel. I was actually tempted na sabihin ang tungkol kay Michael pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko lang magkagulo sila dahil sa'kin.

Sa paglipas ng mga araw, nakilala na nga nina Bree at Saff si Michael. Tulad ng sinabi niya ay nanligaw nga siya sa'kin. Hindi siya nagbibigay ng bulaklak. Mas prefer niyang magbigay ng chocolates and poems na tungkol sa'kin. I admit, I find it sweet.

Pero hindi pa rin no'n nababago ang pagkagusto ko kay Niel. Ilang beses ko na ring sinabi kay Michael na itigil na niya pero ayaw niyang makinig. Habang patagal nang patagal, patuloy ko pa rin tuloy siyang nasasaktan.

Si Niel naman ay patuloy pa rin ang pagsundo sa'kin mula sa school. Sabay pa rin kaming umuuwi. Paminsan-minsan ay binibigyan niya ako ng white rose kapag nagkikita kami. He still didn't fail to make me smile. At sa bawat araw na magkasama kami, mas lalo ko siyang nagugustuhan. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Hindi pa rin niya alam ang tungkol kay Michael. At natatakot ako. Natatakot akong baka bigla na lang silang magkita ni Michael kapag sinundo niya ako.

Naisip kong patigilin na si Niel sa pagsundo sa'kin sa school. Idinahilan ko na lang na hindi niya obligasyon na sunduin ako sa school araw-araw. Alam ko namang dapat pa rin niyang i-prioritize ang pag-aaral niya. Kaya kahit na ayaw niya sa desisyon ko, pumayag na lang siya. Nagkikita na lang kami tuwing weekends at kung minsan kapag bumisita ang family niya sa amin.

Akala ko ay hindi na malalaman ni Niel ang tungkol kay Michael pero nagkamali ako. May mga lihim talagang hindi nabubunyag.

Nagulat ako isang araw nang makita siya sa labas ng school. Kasama ko sina Saff at Bree para umuwi.  Pero nang makita siya nina Saff at Bree ay iniwan na nila kaming dalawa kaya sabay na lang kaming umuwi ni Niel.

Nanibago ako sa kanya. Tahimik lang kaming naglalakad pauwi, hindi tulad dati na madalas niya akong kausapin. Madalas pa nga siyang mag-joke kahit na corny. Pero ngayon, walang umiimik sa amin.

Nagtataka nga ako dahil hindi kami nag-tricycle ngayon. Medyo malayo pa ang bahay. Gusto ba niyang mapagod kami sa paglalakad? Pero hindi na lang ako nagtanong.

May problema kaya siya?

Natigilan ako sa paglalakad nang tumigil din siya. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa playground kung saan kami huminto. May mga batang naglalaro roon.

Tahimik lang kami roon hanggang sa bigla siyang magsalita.

"Eunice."

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa mga bata. Hindi man lang niya ako tiningnan.

"Hmm?"

"May tinatago ka ba sa'kin?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Nalaman na ba niya ang tungkol kay Michael?

"Huh?"

Saka lang siya tumingin sa akin. I can see that he's frustrated. Para bang may hindi siya maintindihan. At parang ako lang ang makakasagot no'n.

"Who's Michael?"

Continue Reading

You'll Also Like

203K 5.2K 20
Hindi inaasahan ni Airin na magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa lalaking minamahal niya nang lihim-si Alessandro. Ginawa niya ang lahat par...
8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
102K 1.3K 46
[Imperfect Girls Series #3] In each gentle drop together with its white and soft clouds that darkens to heavy gray ones, the wet soil and earthy scen...
385K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.