Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

12: Ehem.

19.4K 247 26
By Lee__Miyaki

Rebecca’s POV

Wala akong pasok ngayon. Dapat nga wala na talaga eh. Nakahilata na lang muna ako sa bahay. Kasama ko na nga pala si Mama sa bahay. Umuwi muna si Mama from Singapore dahil humingi siya ng one-month vacation sa amo niya. Ayos talaga. Laging masarap ang ulam ko, dahil nakakasawa na ang cup noodles na kinakain ko.

“Rebecca! Wala ka bang pasok ngayon?” sigaw ni Mama.

Nasa kwarto lang ako sa second floor. Si Mama naman, mukhang nagluluto sa baba. Nasabi ko na sa kanya ‘yung nangyari sa amin sa school kaya hindi ko pa makuha ‘yung TOR ko. Sabi niya no’n, sana naman daw maayos na kaagad. Mukhang excited si Mama na makahanap na ako ng first job. Naku.

“Ma. Wala! Huwebes pa lang po ngayon!” sigaw ko pabalik. Actually, pareho na nga kaming palasigaw ni Mama. May pinagmanahan.

Pagkatapos kong matulala sa cellphone ko kakaantay ng text ni Rye, nagpasya na akong tumayo. Ay nako. Nakakainis naman kasi hanggang ngayon. Naaalala ko pa nung last Tuesday na hinila niya ako sa backstage.

Flashback

 

Nagmamadali na ako no’ng lumabas nang Hall nang biglang hinatak ako ni Rye sa loob ng backstage. “Rebecca, sandali,” bulong niya.

May mangilang-ngilang estudyante ang nakapansin. Bagamat lahat sa kanila eh dedma na lang dahil last sem pa naman eh nagkakalat na ako ng lagim sa eskwelahang ito. Nakatingin pa rin sila samin. Siguro, 1/3 ng mga nasa loob kanina ang naiwan pa sa loob.

Hinarap ako ni Rye. Ngayon, nasa loob na kami ng backstage. May dalawang kwarto roon. Minsan kasi, nagiging dressing room ‘yung likurang bahagi sa tuwing may programa sa school. Nasa isa kami sa mga kwarto. Ang tanging nando’n lamang ay kaming dalawa ni Rye. Alam kong may iba pang tao noon—yung taga-ayos ng sound system.

“Rebecca. I barely have enough time to talk with you. I admit. Maraming beses ko namang sinubukan. Kaya lang, palaging may harang. I don’t know. Pero alam kong kailangan kong mag-sorry. Sorry kung pati ‘yung pag-uusap natin ngayon, patakas lang. Sorry. Sorry dahil—“ hindi na tinuloy  ni Rye ang pagsasalita niya. Marahil ay napansin niya nang hindi ako masyadong nakikinig.

“Alam mo Rye. D’yan ka magaling eh. Sa mga salita. Kulang kasi ‘yung words eh. Kailangan ko ng action. You keep on saying sorry. Ang kailangan ko, uulitin ko ha, ikaw mismo. Kung hindi ka makahanap ng oras man lang para sa akin. Fine. Hayaan mo muna ko,” ito ang mga salitang binitiwan ko. Tuluyan na kong umalis para iwanan siya. Mahirap nang magtagal sa backstage na siya lang ang kasama. Mahirap nang isipan na naman ng masama.

*End of flashback*

Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko kagabi. In fact, mas mabuti sa kanya ‘yon. Makikipagkita siya sa akin para mag-sorry? Napaka-selfish. Ayoko nang ginagano’n lang ako. Sasabihin niya pa na puro sorry. Sorry. Sorry!

Bakit nga ba hinihintay ko pa ang text niya? Eh mukhang mas malabo pa kami sa plastic labo ngayon. Tch.

Habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko (actually, may stars rin palang nakadikit do’n na umiilaw tuwing gabi), naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Namaaan! Alam kong hindi si Rye ‘to.

Hmp. GM lang pala ng president ng section na pinapasukan ko.


[Dear Classmates. Sa lahat po ng officers ng classroom, inaasahan po ni Ma’am Chloe na pupunta tayo ngayon sa dress rehearsal ni Sir Rye. Regarding daw po ‘to sa gagawing competition ng mga professors. 10:00am. Room #7 sa building malapit sa Hall. CC: Ate Bek. (Kasama ka raw po sabi ni Ma’am) ]

Arghh. Isinama niya ba ako sa mga committee para tumulong sa mga candidate? Ayoko nga munang makita ‘yung boyfriend kong malabo pa sa plastic pakisamahan. Nakakainis. Anong gusto niyang palabasin? Imposible namang tulungan niya kaming maging okay ‘di ba? Tch.

Bago ako bumaba, naligo na muna ako at nagbihis. Dinala ko ang shoulder bag ko. Tinapon ko na lang sa loob nito lahat ng survival kit ko para sa isang araw. Kasama na ang wallet, pulbos, at suklay ko. Fine. Pati earphones na nga.

“Ma, kailangan ko palang pumunta ng school. Emergency raw,” paalam ko kay Mama. Nakasuot siya ng apron. Kulay green. Ayoko ng green. Wala lang.

“Go lang ‘nak. Mag-aalmusal ka pa ba?” tanong ni Mama habang hawak pa rin niya ‘yung sandok habang kinakausap ako.

“Hindi na po siguro. Sa school na lang, Ma,” sagot ko habang sinisintasan ko naman ang sapatos ko.

***

Hinanap ko na ‘yung Room #7 na sinasabi nila. As usual, maraming tao sa labas ng pinto na ‘yon. Sa Room #6 naman, marami rin namang nagbabantay. Teka, tuluyan na bang huminto ang mundo ng akademya para sa paligsahang ‘to? Ay nako ha.

“Ate, bili ka na ng ticket para kay Sir Rye. Pramis. Hindi ka magsisisi,” sabi ng isang babaeng nag-aabang malapit sa Room #7.

“Ate. Bibili ka ba o aabangan kita mamaya sa labas?” teka. Nag-aalok pa ba siya o nananakot na?

“Ate. Puh-lease. Buy na po you ng ticket. Para this kay Sir Rye. Muwah. Thanks a lot in advance! Thanks a million too!” sabi naman ng isang babaeng panay ang pa-cute sa harapan ko.

Asan na ba ‘yung bwisit na Chloe at mga officers ng section na ineepalan ko. Kainis. Sanay na kong maraming nag-aabang kay Rye. Pero, ‘yung ganito ang hindi ko in-expect. Parang labanan at finals ng basketball lang eh.

“Tabi nga. Ang kukulit niyo,” sabi ko sa kanila. Medyo nilakasan ko para maangasan sila sa akin at iwanan na ko. Dumiretso na ako sa room na ‘yon. Bagamat ang hirap pumasok, siniksik ko na lang ang sarili ko para lang hindi madala ng human flood sa labas.

Pagpasok ko sa loob. Sandamakmak na damit ang nakita ko. Sandamakmak rin na kalandian ang humarap sa akin.

Nakita ko si Chloe na nakaharap kay Rye. Humahanap ng formal wear na babagay sa kanya. Sa totoo lang, may dalawa siyang hanger na hawak. May damit roon. Isang blue at yellow na longsleeves. Ang dami namang pwedeng gumawa no’n. Bakit siya pa? Argh.

“Ate Bek. Dito raw po tayo. Tayo raw naka-incharge gumawa ng sample questions para kay Sir Rye. Tayo raw magtatanong dahil sa estudyante raw po manggagaling ang itatanong sa mga contestants. Gawa ka na lang d’yan ng mga questions. Mamaya itatanong natin kay Sir,” sabi nang mukhang vice president ng classroom. Siya rin ‘yung sumalubong sakin nung first day ko sa kanila.

Binigyan niya ako ng isang yellow pad paper at isang gel pen. Sabihin niyo nga sa akin. Paano ko gagawa ng tanong kung ang nakikita ko ay ang pag-aayos ni Chloe ng damit ni Railey? Anong klaseng tanong ang magagawa ko kung nakikita kong si Chloe pa mismo ang gumagawa ng pagtitiklop sa damit niya? Sige nga.

Kinuha ko ang ballpen at nagsimulang magsulat.

“Kung mamamatay ka ngayon… Sana ngayon na lang.”

“Bakit may mga taong sadyang ipinanganak na malandi? Answer using your name.”

“Kung bibigyan pa kita ng chance mabuhay… Ay hindi na pala dapat!”

“Ate Bec… Excuse lang ha. Tanong ko lang po, kay Sir Rye niyo po ba tanong ‘yan o kay Ma’am Chloe na?” at nakingiti pa siya habang nagtatanong sa akin. Gusto ko ring mainis sa kanya. Pero wait, kay Chloe ko na lang ilalaan ‘yon.

“Gusto mo bang sa’yo ko na lang ‘to itanong?” sagot ko sa kanya. Wala kong time makipagbiruan.

“Ay ‘te. Hindi naman. Nagbibiro lang. hehe,” sabi niya.

“Good. ‘wag mo kong pakialamanan. Gagawa ako ng tanong kung kailan ko gusto.”

Tintingnan ko pa rin sila ngayon. Railey? Hindi mo ba ako nakikita? Kanina pa ako rito sa gilid. Kung pwede lang akong magtransform into ahas, tinuklaw ko na ‘yan babae sa harapan mo.

Aha. May naisip ako.

Tinawag ko si ateng natarayan ko kanina. Nagsorry muna ko tsaka ko nagtanong sa kanya. Nilakasan ko ‘yung boses ko. Yung tipong maririnig nilang dalawa.

“Girl. Alam ko na ‘yung ittanong ko para mamaya!” nagpapanggap akong excited. K dot.

Nagtataka siya ngayon sa harapan ko. Syempre, tinarayan ko ba naman kanina, tapos sabay kukwentuhan ko. Hahaha. Wala lang. “Ate, a-ano ‘yon?” nakakunot ang noo niya.

“Kung bibigyan kaya si Sir Rye na umamin ng favorite sin niya, ano iyon, at bakit?”

“Ate Bec. Hindi ba masyadong personal ‘yang tanong mo?”

“Nako. Ikaw talagang bata ka. Alin ba ang personal? ‘Yung tanong ko, o ‘yung paghaharutan nilang dalawa?”

Pagkatapos ng huling sentence ko. Narinig kong napa-ehem si Railey.

Continue Reading

You'll Also Like

616K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...