Marrying My Boss [Completed]

By chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... More

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 26: Photograph
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 32: Flowers For Her
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 41: Jealous...
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 52: Flashback
Chapter 53: False Issue
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 58: Dreadful Storm
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 63: Respect
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 30: Meeting Him

340K 3.3K 270
By chimchimimi

Yung feeling na tapos mo nang itype yung UD mo tapos nawala lang. Nakakainis! Umulit tuloy ako. >.

Chapter 30: Meeting Him

EUPHY'S POV

"Manong, para po" Tumigil naman ang sinasakyan kong jeep. Inabot ko yung bayad ko at saka ako bumaba.

Nandito ako ngayon sa Luneta Park kung saan napagkasunduan namin ni Joseph na dito magkita. Napaaga yata ako dahil mukhang wala pa siya. Maaari namang nandito na siya pero hindi ko lang makita kasi ang laki-laki ng lugar na ito.

Nagpalinga-linga ako sa paligid but there's no sign of him. Wala pa yata talaga siya.

Nagmadali pa naman akong pumunta dito. Pero okay na rin iyon, at least napaaga ako.

I still waited for how many minutes pero wala pa rin siya. Grabe naman iyon! Minsan na nga lang kami magkita, late pa. Miss na miss ko na nga ang lalaking iyon.

Dapat nandito na siya! Nangako kasi ako sa sarili ko na uuwi na ako ng bahay before 5pm. Hindi dapat malaman ni Charles na umalis ako ng bahay.

On the second thought, dapat lang na magrebelde rin ako minsan sa kumag na iyon. Galit pa rin ako sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

Maya-maya'y naramdaman ko na lang na may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Oh noes!!! Mukhang may nagbabalak na ikidnap ako!

"Ano ba---" Sisigaw na sana ako ng over kaso nga lang nagsalita siya.

"Babygirl" Nawala na yung takot ko nang marinig ko ang boses niya na sinasabi ang pangalan ko, I mean, yun ang tawag niya sa akin imbes na tunay kong pangalan. Ganyan 'yan kasweet.

Inalis niya yung mga kamay na nakatakip sa mga mata ko tapos lumingon ako sa likod ko at nakita ko siya. Siya nga! Wala nang iba kaya naman ay sinunggaban ko na siya ng napakahigpit ng yakap.

"Joseph!" I missed him so much! Last year ko pa itong huling nakita.

"Babygirl! Kamusta ka na? Long time no see!" At niyakap niya rin ako ng napakahigpit. "Namiss din kita" Sabi pa nito. Aaaaw. Mas lalo siyang naging sweet ngayon ah?

Kumalas na kami sa yakapan namin.

"Mas lalo kang naging gwapo" Compliment ko sa kanya. Pero totoo po iyon. Ang pogi pogi ni Joseph.

"Mas lalo ka namang gumanda" Sabi niya. Alam kong hindi siya nagbibiro.

"I know! Ba't ka nga pala napadpad dito sa Manila?" Nasa probinsiya kasi siya eh.

"We have seminars and lectures to attend. Actually, hindi naman required sa amin pero sumama na ako para makita kita at malaman kung ano ang kalagayan mo dito sa Manila" Sabi niya. Ganun pala, gusto talaga akong makita ng loko.

"As you can see, OK na OK ako dito!" Sabay ngiti ko pa sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman ang mga pinaggagagawa ko.

"Mukha ngang ok na ok ka dito. Mukhang stable ang buhay mo ngayon ah" Stable? Kung alam niya lang.

"Upo muna tayo dun sa bench. Ang init init eh" Hinilia ko siya dun sa bench at umupo kami. Ang init kasi ngayon lalo na't hapon na.

"Ikaw naman kasi eh. Sinabi ko nang itext mo na lang sa akin kung saan ang address mo dahil pupuntahan na lang kita eh ayaw mo naman" Paliwanag niya.

"Sorry naman, medyo magulo eh saka mas mabuti na ring dito tayo nagkita at least pwede tayong makapasyal" Palusot ko. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako nakatira. Magtataka iyon kung bakit ako nakatira sa isang mamahaling condo kung gayon ay hindi naman kataasan ang sweldo ko.

Wala siyang kaalam-alam sa mga bagay na pinaggagagawa ko. Hindi niya alam na kasal na ako. At hindi niya yun pwedeng malaman dahil kung nagkataon, magagalit siya at masasaktan.

"Ikaw talaga. Alam mo hanga ako sa iyo. Pinili mong maging independent kahit may mga taong nag-aalaga sa iyo at hindi ka pinababayaan"

"That's life. Gusto ko kasing maexperience maging independent, yung ako lang ang kumakayod sa sarili ko" Pero hindi ko akalain na makakagawa ako ng malaking kasalanan sa pagiging independent ko. Nagpakasal ako ng hindi nag-iisip ng mabuti. Hay buhay!

Tiningnan ko si Joseph. Nakaramdam ako ng guilt kasi may linilihim ako sa kanya. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya pero hindi ko naman pwedeng sabihing may kasal na ako. Tiyak magagalit ito sa akin at pauwiin pa ako ng probinsiya.

"Iba ka na talaga ngayon Euphy. Mas nagiging matured ka na." Nginitian ko siya.

Tiningnan ko siya at hinawakan ng mga kamay ko ang pisngi niya. Kumbaga, I cupped his cheeks.

"Lalo ka na! Ibang iba na sa dati kong nakilalang Joseph. Ibang iba ka na sa dating Joseph na maangas kung magsalita na medyo mahaba ang buhok tapos may mga hikaw ang tenga maging sa dila" Totoo yun. Badboy yan dati eh.

"Ikaw talaga. Kalimutan na natin yun. Ang mahalaga ngayon, nagbago na ako" ang daming nagbago sa kanya. Mula sa pananalita hanggang sa pananamit. Ang linis linis na niya ngayon hindi tulad noon na medyo bata pa siya, panay mga pang rakista at pawang emo ang dating. Natatawa na lamang ako sa tuwing naaalala ko iyon.

"Wait, may balita ka ba kay Tito?" Tanong ko sa kanya. Kailangan kong malaman kung kamusta na yun.

"Iyon? Wala eh. Walang signal dun sa lugar na pinuntahan kaya hindi siya makakatawag. Diba after a year pa iyon uuwi?" Sabi niya.

Mabuti na lang. Isa din iyon na problema ko. Wala silang kaalam na alam na iba na ang apelyido ko. Hindi niya pwedeng malaman iyon dahil malala siyang magalit.

"Oo nga. Eh ikaw? Kailan ka babalik ng probinsiya?" Dun kasi siya dapat eh.

"For the next three days ay aalis na din ako" Ah ok.

"Ay. Ba't ang bilis?" Pero deep inside nagpapasalamat ako. Alam niyo na.

"Ganun talaga. Kung gusto mong makita ako palagi, sumama ka na sa akin sa pag-uwi ko ng probinsiya. Hahaha" Sumama? Why not?

Parang gusto ko, na ayaw ko. Ba't ganun?

"Ikaw talaga. Alam mo namang may trabaho ako diba?" Teka, ba't iyon nasabi ko?

Eh kasi naman, gusto kong sumama sa kanya ng makalayo na ako sa Charles na iyon kaso nga lang naisip ko yung mga magulang niya. Anong idadahilan ko sa kanila?

"Oo nga"

"Eh kamusta ang buhay mo dun?" Tanong ko dito. Wala lang, nangangamusta lang.

"Hay naku! Mas mabuti pa sa naiisip mo, kaya lang minsan, hindi naiiwasan yung word na 'TEMPTATION'." Pinalo ko siya sa braso niya. Loko itong lalaking ito.

"Umayos ka ha! Dapat wala kang maging babae! Tuparin mo yung promise mo sa akin!" Bwisit ito! Naghahanap pala ng kaligayahan. Aba't hindi pwede!

"Huwag kang mag-alala. Tutuparin ko yung promise ko sa iyong makikita mo ako sa harap ng altar"

Inakbayan niya ako at tapos inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Malapit na" Bulong niya sa akin. Napangiti na lamang ako. Yan ang gusto ko sa kanya. Marunong siyang tumupad ng pangako.

CHARLES' POV

The meeting with the board members just ended so I headed my way to my office.

"Kuya!!!" Narinig kong sabi sa likuran ko and it was Kelly.

Hindi ko na siya hinintay. Pumasok na ako sa office ko at umupo sa aking swivel chair.

"Kuya naman eh. Tinatawag kita, hindi ka man lang huminto. Pinaghabol mo pa ako. Ang sama moooo!" Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito?

I opened my desktop to check those files na ginawa ko kanina.

"Kuya, nasan si Euphy? Kahapon pa siyang wala ah. Kung kahapon, naiintindihan ko pa kasi alam ko magkasama sila ni Mama, pero ngayon, nasaan siya?" Tanong nito sa akin.

"Sa bahay" Wala akong planong sabihin sa kanya ang nangyari kahapon tungkol kay Euphy at Alice.

"Ba't hindi siya pumasok?" Tanong ulit nito.

"Nagpapahinga"

"Nagpapahinga? May sakit ba siya? Ano bang ginawa niya at nagpapahinga? Maliban na lang kung may ginawa siyang nakakapagod--OMG! Ano bang ginawa niyo at pagod siya?" Tiningnan niya ako ng may pagkagulat sa mga mata niya. "Don't tell me napagod siya dahil pinagod mo siya kasi m-may nangyari sa inyo? KAYO AH! IMPROVING!" At ngumiti siya nakakaloko. Tapos yung mga sinabi niya, parang tounge twister.

"Kelly will you please stop thinking things like that?! Nothing happened okay? Stop imagining things" Ewan ko ba kung saan nakuha ni Kelly ang mga pinagsasasabi niya.

"Sorry naman. Ikaw talaga. Nagtatanong lang naman kasi ako kung nasaan siya. Alam mo na, I miss her. Bukas papasukin mo na ah!" At umalis na siya ng office ko.

Hindi ko sinabi sa kanya yung tungkol dun sa pag-away ni Alice kay Euphy. Mahirap na, baka lumabas ang pagka amasona nun.

Tiningnan ko yung oras. Past 5 na, at natapos na rin lang naman yung meeting. Linihpit ko na ang mga gamit ko at napagdesisyonan kong umuwi na. Wala rin namang kasama si Euphy sa bahay.

Habang nasa sasakyan na ako, sinusubukan kong tawagan si Euphy. Sa tuwing magriring na sa kabilang linya, pinuputol niya. Ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko.

Galit pa rin siya sa akin. Sa mga nagawa ko.

Hindi ko naman talaga intensyong magsinungaling sa kanya. It's just that...

Pagdating ko nang condo, napansin kong walang tao. Nasaan si Euphy? Hinanap ko siya at wala nga siya doon.

Bigla akong naalarma. Hindi kaya..?

Dali-dali akong pumasok sa kwarto namin at binuksan ko yung cabinet kung saan nakalagay ang mga damit niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nandun pa ang mga gamit niya.

Akala ko lumayas na ang babaeng iyon.

Pero ang tanong, nasaan siya? Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Mukhang naka off na naman ang cellphone nun.

Bumababa ako sa building at nagtanong sa ako sa guard kung nakita niya bang umalis si Euphy.

"Ah, opo Sir. Nakita ko nga siyang lumabas kaninang hapon, mga bandng ala una" Napasapo na lang ako sa sentido ko. Sinabihan ko siyang huwag aalis ng bahay pero anong ginawa niya? To think na ilang oras na rin siyang wala sa bahay.

Napagdesisyunan kong lumabas. Napagdesisyunan kong magdrive na lang kung saan dahil baka makita ko siya.

Nasaan ka bang babae ka?

EUPHY'S POV

"Nakakamiss naman ang mga pagkaing ito" Sabi ni Joseph. Nandito kami ngayon sa isang restaurant.

Actually, nagulat ako eh. Kasi, sabi sa akin ni Joseph, may nadiscover siyang restaurant na masasarap ang mga pagkain kaya dito niya ako dinala. Pero nagulat na lamang ako nung malaman ko kung nasaan kami. MALAPIT LANG NAMAN KASI ANG RESTAURANT NA ITO SA CONDO NI CHARLES.

Bakit dito pa?

Sabagay, ayos lang. Wala namang kaalam-alam si Joseph.

Itinuon ko na lang yung atensyon sa kasama ko.

"Dun ba sa inyo, nagseserve din sila ng pagkain na tulad niyan?" Tanong ko. Excited na excited kasi siya sa mga pagkaing inorder.

"Meron naman, kaso minsan lang. Madalas itlog, tuyo, at gulay ang sineserve nila tapos limited pa" Kawawa naman pala ito. At least, matutututo siya sa bagay na iyon.

"Kaya naman pala. Pero bakit imbes na pumayat, eh tumaba ka?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Huh? Hindi naman ah" Pagtatanggol niya sa sarili niya.

"Oo kaya. Pero alam mo, hindi na ako magtataka. Madalas naman kasing tumataba ang mga nagiging --" Hindi niya na ako pinatapos magsalita.

"Hoy! Hindi ako mataba ah!" Kita mo itong isang 'to. Health concious din pala. Wahaha.

"Oo kaya! Mataba ka! Ayaw mo nun, kapag taggutom, hindi ka mamamatay, papayat ka lang. Hahahahaha!"

Nakakamiss talagang makipag asaran sa kanya. Nagbago na't lahat lahat sa kanya and yet yung pagsasamahan naming dalawa ang hindi nagbago.

"Eh di kung mataba ako, papatabain din kita para pareho tayo!" At linagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Hoy! Huwag!"

"Kunwari ka pa! Alam ko namang mauubos mo lang iyan" Sama niya oh!

"Ikaw talaga!" And I pinched him on cheeks.

Tawa ako ng tawa. Namumula na kasi yung mukha niya. Hahaha.

Natigil yung pagtawa ko nang may marinig akong boses mula sa likuran ko. Para akong natuod.

"Euphy" Hindi ako makagalaw. Alam na alam ko ang boses na iyon kaya hindi ako pwedeng magkamali. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalamang nadito ako?

Nagulat na lamang ako nang bigla nitong hawakan ang braso ko at hinila ako patayo. Tiningnan ko si Charles. Mukhang galit ang isang ito.

Tapos tiningnan niya si Joseph na masama at tumingin naman siya sa akin.

"Let's go home" at hinila niya ako kaso nga lang hinablot naman ni Joseph ang kabilang kamay ko.

"Teka nga pare. Wagas ka naman kung makahila kay Euphy. Who are you?" Tanong ni Joseph.

Shit! Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Hindi pwede. Ayokong malaman ni Joseph ang ang linilihim ko sa kanya. For sure, isa itong malaking gulo.

"Euphy is my wife so back off" Sinabi niya. SINABI NIYA!

Naramdaman ko na lang na lumuwag yung pagkakahawak sa akin ni Joseph. Nakikita ko yung gulat sa mga mata niya at parang disappointed na tiningnan niya ako.

Sorry Joseph.

"Is it true?" Tanong niya.

Tumango ako pero hindi ako makatingin sa kanya. Naiiyak ako. For sure, sooner or later malalaman na rin ito ng Tito ko.

"Joseph--" Hindi ko na masabi yung sasabihin ko sa kanya kasi hinila na ako palabas ni Charles ng restaurant.

"Charles, ANO BA! BITAWAN MO KO!!!" Pinipilit kong kumalas mula sa pagkakahawak niya pero hindi ko magawa kasi ang higpit. Sumasakit na nga ang braso ko.

Pinasok niya ako sa kotse niya at pinaandar niya na iyon.

"Di ba sinabi ko nang huwag kang lalabas ng bahay! Pero anong ginawa mo? Lumabas ka pa rin at nakipagdate pa" Matigas niyang sabi.

"Wala akong ginagawang masama! Si Joseph naman yung kasama ko!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Yun na nga eh! Makikipaglandian ka na lang yung makikita ko pa!" What the?! Ano ba ang pinagsasasabi niya. Grabe naman siya kung makahusga.

"Teka, teka, teka. Umalis lang naman ako pero hindi ako nakikipaglandian!" Putek iyong lalakin ito. Makakatikim ito ng sakit sa akin.

"SHUT UP! Sa bahay na tayo mag-usap!" At pinaandar na niyaang kotse niya.

Naalala ko si Joseph. Iniwan ko na lang siya ng basta basta sa restaurant. At saka, ano nang gagawin ko ngayon? Alam na ni Joseph na may asawa na ako. Paano na ako makakpagpaliwanag sa kanya niyan? Nakakainis dun kasi ang lalaking ito, basta basta na lang sumusulpot.

Tumahimik na lang ako habang nasa kotse. Ayoko magsalita. Ramdam na ramdam ko ang negative feelings na namumuo sa amin ngayon.

Guilty talaga ako sa paglihim ko kay Joseph. Kasalanan ko naman talaga eh. Matapos niya akong alagaan, eto ang isusukli ko?

Pagdating namin ng building, hinila ako ni Charles papunta sa room namin. Ang sakit at higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"Charles! Ano ba! Nasasaktan ako!" Ano bang problema nito? Wagas kung makahila. Sumasakit na ang braso ko dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sakin.

"CHARLES!!!" Sinigawan ko na rin siya.

"Pwede ba Euphy! Kung aalis ka, magpaalam ka! Hindi yung nakikita ko na lang na kasama mo ang boyfriend mo!"

"Eh ano bang pakialam mo kung may kasama akong ibang lalaki! Ha!!" Di ko na pigilang sagutin siya.

"COZ YOUR MY WIFE!!!" Nagulat ako sa sinabi niya. Mukha ngang siya rin ay nagulat. Does he really care dahil asawa niya ako? Or not? He's just trying to protect his image.

Para akong nalungkot sa naisip ko.

"LISTEN, HABANG KASAL PA TAYO, HINDI KA PWEDENG MAKIPAGRELASYON SA IBANG LALAKI!"

Yeah right. It's for his own good. Pero ang sakit pa rin talaga nang pagkakahawak niya sa akin.

Pagadating namin sa labas ng condo ni Charles, may nakatayo doon na isang babae na hindi ko kilala.

Lumingon siya sa direksyon namin at nanlaki ang mga mata niya nung makita si Charles.

"Charles!" Niyakap niya si Charles. Hindi niya yata napansin na kasama niya ako.

"Charles, OMG! It's you! Remember me? We spent the night together few months ago and now I'm back for good" Sabi nito na may maarteng accent. Oh I see. She's one of Charles' fling. Playboy ang lalaking yun eh.

Nagulat yata si Charles kaya napahina yung pagkakahawak niya sa akin kung saan nakawala na ako.

"May gana ka pa talagang sabihan ako ng masasamang salita, eh isa ka rin pala! Sinong mas malandi sa atin ngayon?" Dun lang yata ako napansin nung girl.

"Who is she?" Narinig kong tanong tapos binuksan ko na ang pintuan at sinara ko iyon ng pagkalakas-lakas.

Walang hiyang Charles na iyon! Pinagbantaan pa akong huwag lalapit sa mga lalaki tapos isa rin pala siya! Tatawagin akong malandi tapos mas malandi naman pala siya!

Dumiretso ako sa kwarto namin at dumapa dun sa kama. Hindi ko alam pero bigla na lang dumaloy ang mga luha ko sa pisngi ko.

Bakit ako umiiyak? Mix emotions. It is. Sunod sunod ang mga kamalasang nangyayari sa akin. Kahapon nalunod ako tapos ngayon alam na ni Joseph ang sikreto ko. Eh bukas kaya? Anong mangyayari?

Pero ang pinakamasakit sa lahat ay yung pagsabihan ako ni Charles ng mga salitang wala namang katotohanan.

Pesteng buhay ito! Umiiyak na naman ako!

***********************************

Joseph on the right side------->

See you on the next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 27K 27
When September Sison was twelve, her mother married billionaire Dante Antonio. She was accepted and loved by the Billionaire except for his seventeen...
7.6M 127K 60
She thought arranged marriages are just for Chinese. Pero nagkamali siya nang siya mismo ang ipinagkasundo ng sariling pamilya sa nag-iisang apong la...
673K 12.4K 34
Pagdating ko sa Hotel hindi ako agad tumungo sa lobby sa kdahilanang natakot ako bigla. Mabuti na lamang ay may isang lugar sa hotel na hindi pansini...