Exhibition

By MaristMolleda

152K 1.8K 115

What if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you... More

Prologue
1st: Desperation on the Spot
2nd: Unsatisfied
3rd: Saliva, Why?
4th: Tag
5th: Kaladkarin
6th: The Internet is for Porn
7th: iPhone worths P1500
8th: Tip
9th: Polar Bear
10th: Congrats
11th: Dry
12th: Ghost
13th: OA Instinct
14th: Fall in Love-este, Line
15th: No Choice, Last Choice
16th: Betrayed
17th: ID
18th: Stayed
19th: I Just Want to Feel...
20th: On
21st: Help Me
22nd: One More to Go
24th: Tiktik
25th: Price Your Lust
26th: I Want You
27th: You Said
28th: Thrill
29th: Just For You
30th
31st
32nd: Proud
33rd: Pagsuko

23rd: Going Strong Daw

2.4K 35 0
By MaristMolleda

23rd: Going Strong Daw

KAKALABAS ko lang ng room matapos ng klase ko before lunch nang mag-text sa akin ang boyfriend ko.

From: Michael

Hindi kita masusundo sa room mo. :( Pwede bang dito ka na lang sa karinderya dumiretso? Doon na rin ako pupunta. :)

Napangiti ako habang nakasulyap sa screen sa kabila ng hindi kami magkasamang lalabas ngayon ng campus.

Sa one week na magkarelasyon kami ni Michael ay luckily going strong naman kami at wala pa namang LQ na nagaganap. Sa halip ay lalo kong nararamdaman kung gaano niya ako kamahal sa pamamagitan ng mga lambing niya, lagi kong naririnig sa kanya ang mga katagang "I love you/mahal kita". Hindi rin niya kinakalimutan na alalahanin ako maya 't-maya kahit sa text kapag hindi kami magkasama. Kung kumusta ang klase ko, kung kumain na ba ako, kung nasaan daw ako, mag-ingat daw ako lagi. Tuwing umaga ay bubungad ang text messages niya na may nakakakilig na pagbati at kapag sasapit ang gabi bago ako matulog ay mababasa ko mula sa kanya ang mga salitang nagpapaganda ng panaginip ko. Sa inaraw-araw rin ay hatid-sundo niya ako sa trabaho, nagpupumilit na ihatid niya ako sa bahay namin, pati kapag lunch ay hinihintay niya ako sa labas ng room para sabay kaming kumain. Ngayon lang yata niya ako hindi masusundo dahil marahil ay abala ito sa pag-aaral. Naiintindihan ko naman. Kahit naman ako dahil sa tambak na activity na binibigay ng mga prof. At kahit ano pa man ang dahilan ay ayos lang naman sa akin. May valid reason naman siguro siya kung bakit hindi niya ako mapupuntahan, atleast naglaan siya ng oras para sabay pa rin kaming kakain.

Sa paglalakad ko sa entrada palabas ng gate ay biglang bumigat ang loob ko nang makita kong papasalubong si Hina sa direksyon ko.

Napahinto ako nang humarang siya sa dinaraanan ko.

Hindi na ako umiwas pa. Taas noo ko siyang hinarap. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkakausap. Sadyang hindi nagpapakita sa isa 't-isa at kung magkatagpo man ay nag-iiwasan.

Siguro ngayon sa biglaang pagkakataon ay may dapat nang basaging katahimikan. Linawin ang mga bagay na hindi klaro. Sunugin ang kaplastikang hindi na kayang i-recycle pa kahit magkakaroon pa rin ng masamang epekto. Kumbaga sa amin ay tama na ang pagpapanggap, dapat nang ilantad ang tunay na pagturing namin sa isa 't-isa kahit na mahirap nang mapabuti pa ang samahan namin. Sa simula pa lang ay hindi na authentic ang friendship namin kaya agad na iyong nagkalamat, at sigurado, tuluyan na itong mababasag.

Pinakatitigan ko siya. Wala mang nagbago sa ayos at hitsura niya, nababanaag naman sa mukha niya ang panlulumo. Bakit naman siya magkakaganoon? Daig pa niya ang na-broken hearted.

"Kayo na pala ni Michael," pakli niya na may sincere na ngiti at ni walang bakas na kahit anong katarayan at kaartehan sa boses at ekspresyon niya. Tiyak na nahahalata na niya ang mayroon sa pagitan namin ni Michael. Sino ba 'ng hindi makakaalam sa unang tingin? Halos ipangalandakan ko na kahit sa mga kilos lang na dapat mainggit sa amin ang mga single.

Hindi napatid ang tuwid kong tingin sa kanya at sarkastiko akong nginitian siya. "'Wag kang mag-alala. Walang panunulot na naganap," tugon ko sa halip. "Tinapon mo na siya bago ko pa siya pulutin at pakinabagan."

"Don't worry. I 'm not bothered. I actually want to congratulate the both of you... "

Natigilan ako. Hindi ako nakasagot sa tinuran niya. Naglaho lahat ng nais kong sabihin. Ang balak ko sanang magpaka-bitch sa harap niya ay hindi ko nagawa. Bakit pa ba ako magagalit sa kanya kahit wala na sila ni Michael? Well, nasaktan lang ako para sa lalaki dahil sa ginawa niya. Nasaksihan ko kung paano maghinagpis ito. At dapat pa nga akong matuwa dahil nasa akin na ang taong mahal ko dahil sa nangyari. Dahil sa kagagawan niya. Sa kasalanan niya. Hindi ko na kailangang ma-threatened sa kanya dahil alam kong hindi na ako sasayangin pa ni Michael. Secure na ako sa relasyon namin. Since, hindi naman bitter si Hina na kung tutuusin talaga 'y wala siyang karapatan dahil siya itong nagtaksil. I 'm much better than her. Hindi man ako tulad niya na madaling makapagpaibig ng lalaki. Hindi ako maganda, hindi sexy, hindi mayaman, pagmamahal lang ang mayroon ako upang maging karapat-dapat kay Michael.

"Take care of him like I never did. Love him, like he does," dagdag ni Hina bago niya ako nilampasan.

Naiwan akong nakatayo roon na napatulala lang at hindi makaimik. Biglang bumalik lahat ng iniisip ko kani-kanina lang. Plastic? Unauthentic? Lamat simula 't sapul? Ano bang katahimikan ang dapat na basagin? Ano'ng mga bagay na hindi klaro na dapat nang linawin?

Hunghang din ako minsan. Sa lahat nang ipinakita sa akin ni Hina hindi ba iyon sapat para masabi kong tunay ang trato niya sa akin bilang kaibigan? Nagpakatotoo siya sa akin, walang alinlangang ipinabatid niya sa akin lahat kahit ang pinakamadilim na parte ng pagkatao niya. Minsan niya rin akong tinulungan ng bukal sa loob at hindi humingi ng kapalit . Wala akong narinig o naramdamang diskriminasyon mula sa kanya. Samantalang ako pinagkakatuwaan ko pa siya kapag pinapakita niya ang tunay na siya. Maarte siya, malandi, may pagkabobita, hindi siya nahihiya sa mga kagagawan niya pero hindi iyon dapat makaapekto sa ugnayan namin dahil hindi naman niya ako hinikayat na maging tulad niya. Dapat ako pa nga itong magdala sa kanya sa mabuting landas. Ako lang itong hindi nagtitiwala. Sa kahit sino. Hindi ko magawang ipagkatiwala sa iba ang kung ano ako kahit sa sarili ko.

Alam kong nais niya ring makinig sa akin. Ang kilalanin din ako ng husto. Ako lang itong ayaw ibahagi ang sarili ko sa kahit na sino kahit deserve naman ni Hina na matanggap ang tiwala ko.

Ako pala itong plastic, mapagpanggap, unauthentic, hindi nagpapakatotoo. Ako itong lumikha ng lamat simula 't sapul. Ako itong malabo na dapat maging malinaw. Ako ang kailangang bumasag ng matagal ko nang pananahimik.

Naiiling na napahinga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. 'Di bali na. Nangyari na ang lahat. Biktima lang din ako ng pagkakataon. Nagpapatianod lang ako sa bawat kaganapang kinasangkutan ko.

Lumabas na ako ng campus at dumiretso na sa karinderya at baka hinihintay na ako roon ni Michael.

"Happy weeksary, MiMi!!!"

Napapitlag ako sa malakas na sigaw ng mga tao sa kainan kasabay ng pagsabog ng confetti.

Napanganga ako sa hitsura ng lugar. Puno ng makukulay na dekorasyon at may nakabitin pang mga letra sa kisame na may pagbati na "HAPPY WEEKSARY MIMI!!!"

Sinalubong ako ng yakap ni Michael at hinagkan niya ako sa noo. "Happy weeksary, Ami. I love you."

Niyakap ko siya pabalik at naramdaman ko ang paghaharumentado ng sistema ko sa labis na kilig. Para ring naluluha ako sa sobrang kasiyahan at pagka-touch sa ginawa niya.

"Alam ko hindi ito magarbo pero sana, nagustuhan mo."

Bahagya akong humiwalay sa kanya upang tinignan siya sa mukha. "Ano'ng hindi magarbo? Ang effort nga, eh. Na-appreciate ko talaga. Nakakakilig." Napakagat ako sa labi ko. "Happy weeksary rin, Michael. Sorry, wala akong regalo sa 'yo." Aware naman akong eksaktong isang linggo na kaming mag-on. Pero hindi ko akalaing sa relasyon namin ay magkakaroon kami ng ganitong selebrasyon—kahit alam ko naman na talagang pinagdiriwang ng mga magkasintahan ang weeksary—at si Michael pa ang nagpasimuno. Kaya hindi na ako nag-abala pang mag-isip ng ireregalo sa kanya o kung paano ito ise-celebrate.

"Okay lang 'yun. Makasama lang kita, sobra-sobra na. You 're the best gift I 've ever had."

Muli kong sinipat ang kabuuan ng karinderya na sadyang dinesenyuhan para sa espesyal araw na ito. Siguradong kinuntyaba niya ang mga tauhan ng karinderya para sorpresahin ako. "MiMi?" gagad ko.

"Love team natin 'yun," natatawang sagot niya.

Nangingiting napaismid ako at tinampal siya sa braso. "Ang corny. Pero ang sweet."

Umangat ang kamay niya para haplusin ang mukha ko at masuyo niya akong pinagmasdan.

"Kiss!!!" tudyo ng mga tao.

Napamulahan ako.

"Kiss daw?" pilyong tanong ni Michael.

Napasinghal ako. "Ayoko nga! Baka makita tayo ng taga-OSD." Kahit kasi sa labas ng university, may nababalitaan akong hinuhuli ng discipline officers.

Napahalakhak siya. "Walang makakapigil sa pagmamahalan natin kahit ang OSD pa."

At hindi ko na nga napigilan nang kinintalan niya ako ng mga ilang segundong halik sa labi na ikinahiyaw ng mga tao sa karinderya.

Umupo na kami para kumain. Syempre, ang usual na kinakain namin, ang favorite naming Asado Rice at may dessert pang graham balls.

Pati ang mesang nakalaan para sa amin ay may kaartehan din. May nakadikit na mga pula at pink colored paper na hugis puso, may nakakalat na petals ng red roses, may candelite pang nalalaman na wala namang sindi at maliwanag naman at hindi kering gawing dim ang lugar dahil bukas na bukas ang karinderya sa tanghaling tapat. Mema lang, pero kinikilig pa rin ako. Sobrang sweet nito. Napaka-romantic.

Isang linggo. Sa maikling panahong iyon ay ang dami na naming nalikhang mga alaala.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 57.3K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.5M 50.6K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
7.9M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...