Bromance: An Enrique Gil-Dani...

By August_jacinto

100K 795 145

Hope you enjoy this. More

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla Story
Character's Description
Chapter 1: The First Time Ever I Saw Your Face
Chapter 2: Getting To Know Each Other
Chapter 3: Can't Help Myself
Chapter 4: Jealous Guy
Chapter 5: You And I
Chapter 6: All Of Me
Chapter 7: I Love You, Goodbye?
Chapter 8: Let's Stay Together
Chapter 9: Secret Lovers
Chapter 10: The Truth About Love
Chapter 11: Friends and Lovers
Chapter 12: What Might Have Been
Chapter 13: Forgiveness and Love
Chapter 14: Dirty Little Secret
Chapter 15: Welcome Back
Chapter 16: I Found Out
Chapter 17: How Could You Say You Love Me?
Author's Update
Chapter 18: What Hurts The Most
Chapter 19: Start Of Something New
Chapter 20: Thank You
Chapter 21: Anything Could Happen
Chapter 23: Only Reminds Me Of You
Chapter 24: God Only Knows
Chapter 25: Happy Birthday
MUST READ! Author's Update
Chapter 26: Give Me Love
Chapter 27: Welcome To My Life
Chapter 28: I Think We're Alone Now
Chapter 29: Roadtrip
Chapter 30: Ghost Of You
AUTHOR'S UPDATE
Chapter 31: I Remember The Boy
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Fix You
Chapter 34: Danger
Chapter 35: I'm Begging You
Chapter 36: He Did It

Chapter 22: We Used To Be Friends

897 12 2
By August_jacinto

Matapos ang mahigit isang oras na byahe ay nakadating na nga sa pinag-usapang mall sila Nadine at Enrique. Pagbaba nila ng sasakyan ay agad silang sinalubong nila Jane at Iñigo.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Enrique kay Iñigo?

"Hindi naman masyado. Natraffic kami on our way here." sagot naman ni Jane.

"Kami nga din eh. Nacheck niyo na ba kung anong oras yung schedule nung panonoorin natin?" tanong ni Nadine.

"Yup, unfortunately di tayo umabot. 2 hours pa bago yung susunod." sagot naman ni Iñigo.

"Sayang! Pero okay lang yan, makakapaggala pa tayo." sambit ni Enrique.

"Agree. Oo nga pala may hinihintay pa tayo." sambit naman ni Jane.

Tinanong ni Nadine kung sino pa ang kanilang hinihintay, pero bago pa may sumagot sa mga kaibigan niya ay may sumagot na mula sa likod nito.

Sabay sabay silang nagtinginan kung saan nanggaling ang nagsalita at sabay sabay din nilang nakita si Jon na naglalakad palapit sa kanila.

Namula ang mga pisngi ni Nadine habang nakikitang naglalakad papalapit si Jon. Hinawakan niya rin ang dibdib niya at pinakiramdaman ang malakas na tibok ng kanyang puso.

"Hey guys! Sorry I'm a bit late. Galing pa ako ng Alabang." sambit ni Jon.

"No worries, bro! Halos magkakasunod lang naman tayong dumating." sambit ni Iñigo habang nakikipagfist bump ito kay Jon.

Sumunod naman na nakipagbeso si Jon kay Jane at isang fist bump ulit kay Enrique. Pinakahuli niyang nilapitan si Nadine na tahimik na nagkakalkal ng pouch bag na dala niya.

"Hi Nadz." nakangiting sambit ni Jon.

"Hey!" matipid na sagot ni Nadine na hindi makatingin ng diretso kay Jon.

"Hey, Nadz! Bakit hindi mo ako tinitignan." nakangiting sambit ni Jon.

"Huh? Sorry, may hinahanap kasi ako." sambit ni Nadine na natatarantang hinahalungkat ang dalang gamit.

"Ano namang hinahanap mo sa pouch mo, girl? Kanina ka pa naghahanap diyan, akala mo naman napakalaki ng dala mong bag at hindi mo makita-kita kung ano man yun." nangingiting sambit ni Jane.

"Tsaka bakit ka natataran..." bago pa matapos ni Enrique ang sasabihin ay siniko na siya ni Nadine at tinignan ng masama.

"So... What time ba tayo manonood?" tanong ni Jon.

"After 2 hours pa. Hindi tayo nakaabot sa isang screening time." sagot ni Nadine.

"Ganun ba? So, ikot muna tayo?" tanong ni Jon kay Nadine.

"Sure." sagot naman ni Nadine.

"Okay, siguro hihiwalay muna kami ni Jane. Magkita na lang tayo doon sa bilihan ng tickets after an hour or two." sambit ni Iñigo.

"Okay, kami na munang magiikot nila Jon at Enrique." sambit ni Nadine.

"Ahh, hiwalay na rin muna ako sa inyo." sambit naman ni Enrique.

Tatanggi na sana si Nadine nang naunahan siyang sumagot ni Jon. "Sure bro."

Napatinigin si Nadine kay Jon at namula ito. Tumingin siya kay Enrique pero nakalayo na ito at naiwan na lang silang dalawa.

"So, saan mo gustong pumunta?" tanong ni Jon kay Nadine.

"Kahit saan." ang tanging nabanggit ng dalaga.

"Mahirap puntahan yung kahit saan." nakangiting sambit ni Jon.

Natawa si Nadine sa narinig mula kay Jon pero agad din siyang tumigil sa pagtawa. Nahiya siya bigla kay Jon at mas lalong namula ang mga pisngi nito.

"Bakit namumula mga pisngi mo?" tanong ni Jon.

Huh? Aah, eeh, wala medyo nagugutom kasi ako. Hindi pa pala ako nanananghalian." palusot ni Nadine.

"Ako rin pala. Maghanap na lang tayo ng makakainan." suggestion ni Jon.

"Oo sige. Nagugutom na talaga ako. Tara!" ang tanging nasabi ni Nadine.

Naisipan nilang kumain sa isang Japanese restaurant.

Naging tahimik at awkward ang sitwasyon nila Jon at Nadine. Noong una ay walang kumikibo sa kanila matapos nilang umorder ng kanilang kakainin.

Para makaiwas kay Jon ay kinuha ni Nadine ang kanyang cellphone at nagpadala siya ng mensahe kay Enrique.

Hindi nagtagal ay tumunog ang cellphone niya, pero hindi mula kay Enrique ang mensahe. Mula ito sa taong kasama niya ngayon. Ang lalaki sa harap niya.

"Are you okay?" text message ni Jon.

Napatingin si Nadine kay Jon na hawak din at nakatingin sa cellphone.

Ilang sandali pa ay nagpadala na naman ng mensahe si Jon. "If hindi mo kayang makipag-usap sa akin ng personal, siguro dito na lang muna tayo mag-usap? :)"

Nagreply si Nadine. "Pasensya ka na Jon. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito."

Nagreply si Jon. "It's okay. I know it's a bit awkward naman kasi talaga if you're with a hot and yummy person like me. :P"

Napatawa ng kaunti at mahina si Nadine. Nagreply din siya. "Ang kapal, grabe! At talagang sa'yo nanggaling yan."

Nakangiting nagreply si Jon. "Bakit, hindi ba?"

Nagreply si Nadine. "Hindi! :P"

Nagreply si Jon. "Aww. :("

Nagreply si Nadine. ":P"

Ilang sandali lang ay dumating na ang pagkain na kanilang inorder. Nagkatinginan ang dalawa at nagtawanan na lang.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Samantala, napadaan naman si Enrique sa restaurant na kinakainan nila Nadine at Jon. Nakita niya itong nagtatawanan at siya'y napangiti.

Agad na pumunta si Enrique sa bookstore para tumingin ng mabibiling libro. Para sa kanya ang bookstore na yata ang pinaka-magandang lugar sa buong mundo. Kaya niyang magatagal dito ng ilang oras. Nahilig siya lalo sa mga libro nang maghiwalay sila ni Daniel. Pagbabasa ang naging libangan niya magmula noon.

Halos naikot na ni Enrique ang buong bookstore nang may librong nakaagaw ng kanyang pansin. The Book Of Answers. Kinuha niya ang isang copy nito na walang balot at binasa ang instructions sa likod.

Sinunod niya ang instructions na nakasaad ng maigi. Nagconcentrate siya sa tanong na gusto niyang malaman ang kasagutan. Ata nang maramdaman na niyang oras na para buksan ang libro ay binuksan niya ito at naroon ang sagot sa kanyang tanong.

YOU WILL NOT BE DISAPPOINTED

Napangiti si Enrique sa nabasa at agad na pumasok sa kanyang isipan ang magagandang ngiti ni Ronnie. Naisipan niyang bilhin ang librong iyon. Habang tumitingin pa siya ng mga libro ay may tumawag ng pangalan niya mula sa kanyang likuran.

Paglingon niya ay nagulat siya at nabitawan ang mga librong hawak. Isang pamilyar na mukha ang nasa harapan niya. Isang mukha na nagpapaalala ng isang bagay sa kanyang nakaraan. Isang mukha na naging bahagi ng kanyang nakaraang ayaw na niyang balikan sana.

***********************************
Sino kaya ang nakita ni Enrique, may idea ba kayo? Abangan sa susunod na chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
83.7K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
341K 7.7K 33
Bored ako