Chapter 30: Ghost Of You

790 15 1
                                    

Pasensya po kung medyo late. Naging busy lang and kailangang ulitin ito dahil nabura ng copy.

Nang bumaba sila ay nakahanda na ang kanilang tanghalian na bulala sa hapag at pati na rin ang kanin.

"Salamat po sa paghahanda ng hapag Aling Conching." nakangiting bati ni Ronnie sa may edad nang babae na naghahanda ng pagkain.

"Walang anuman yun, Ronnie." sagot ni Aling Conching. "Sige at kumain na kayo, pupunta lang kami nila Doray at Hazel sa kusina para ayusin ang lulutuin niyo mamaya." dagdag nito bago umalis kasama ang dalawa pang katulong papunta sa kusina.

Isa-isa na silang umupo at dahil sa sobrang gutom ay tahimik silang kumain ng bulalo.

Nang matapos silang kumain ay ipinaghanda naman sila ng kape ni Aling Conching.

"Oh, mga anak ito ang kape. Masarap itong kapeng ito at galing pa ito sa Batangas." sambit ni Aling Conching.

Isa-isang kumuha ng kape at uminom ang magkakaibigan. Kita sa mga mukha nila na sobra silang nasarapan sa inihandang kape ni Aling Conching.

Pumunta sa graden ang magkakaibigan para doon ituloy ang kanilang pagkakape. Ramdam nila ang lamig ng hangin ng Tagaytay mula sa kanilang kinauupuan.

"Sigurado akong napakalamig dito mamayang gabi." sambit ni Ryle.

"Oo malamig dito. Kaya dapat may dala kayong mga jacket." sambit naman ni Jon.

"Pinsan, nagtext ba sila Zeus kung anong oras sila makakarating dito?" tanong ni Ronnie kay Jon.

"Sabi nila aalis daw sila doon before 5, para dito na sila magdidinner." sagot naman ni Jon.

"Buti naalala ko, punta lang muna ako sa kusina para mamarinade ko na yung tapang lulutuin ko mamaya." sambit ni Ryle.

"Oo para mas malasa siya." sambit naman ni Nadine.

"Gusto mong tulungan na kita?" tanong ni Iñigo kay Ryle.

"Sige pre. Para mas madaling matapos." sagot naman ni Ryle.

"Babe, tulungan ko lang si Ryle sa lulutuin niya." paalam ni Iñigo kay Jane.

"Sige babe." hinalikan ni Iñigo si Jane sa labi bago ito umalis kasabay ni Ryle.

"Gaano ka kadalas pumunta sa bahay na 'to, Ronnie?" tanong ni Nadine.

"At least twice a year lang. Kailangan ko lang icheck kasi kung may sira ba yung bahay." sagot ni Ronnie.

"So, walang nakatira dito?" tanong ni Jane.

"Meron, sila Aling Conching pati pamilya niya pati yung dalawang katulong kanina." sagot ni Ronnie.

"Matanong ko lang naman. Nacurious lang ako, may multo ba dito?" tanong ni Nadine.

"Walang nakatira sa bahay na 'to. Most of the time, tahimik lang 'to. Hindi naman sa tinatakot ko kayo, pero may naririnig rinig akong kwento sa mga nakatira dito." sagot ni Ronnie.

Kita sa mga mukha ni Jane at Nadine na natakot sila sa kwento at sinabi ni Ronnie.

"Don't worry girls. Harmless naman sila." dagdag ni Ronnie.

"Wow. Salamat sa mga sinabi mo." natatakot na sambit ni Jane.

"Ikaw, Enrique? Naniniwala ka ba sa multo?" tanong ni Ronnie.

"Maybe yes? Maybe no? Honestly, di pa ako nakakaexperience ng anything paranormal." sagot naman ni Enrique.

"I did experienced something here nung huli akong nakabisita sa bahay na 'to." sambit ni Jon.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now