Chapter 27: Welcome To My Life

992 15 1
                                    

Kinabukasan ay nagkita kita ulit sila Nadine, Jon, Enrique, Ryle, Iñigo at Jane sa school. Last week na ng school nila at malapit na ang bakasyon.

"Saan kayo magbabakasyon?" tanong ni Ryle.

"Ako baka sa province namin." sagot ni Iñigo.

"Baka sumama ako kay Iñigo kapag umuwi siya sa province nila." sagot namn ni Jane.

"Ako sa bahay lang siguro." sagot ni Nadine.

"Ako din baka dito lang din ako sa Metro Manila." sagot naman ni Jon.

"Ako, hindi ko pa sure. Wala naman kasi akong gagawin kung uuwi ako sa bahay. Pero binabalak kong magSummer Job sana." sagot naman ni Enrique.

"Let's have a vacation na lang kaya. Yung sama-sama tayo. Para naman maging worth it yung vacation natin." suggestion ni Ryle.

"I agree. Para makapagbonding din tayo." sagot naman ni Jane.

Lahat sila ay nag-agree na magbakasyon pero hindi pa nila kung saan. Beach, Baguio, Sagada, etc. Basta ang alam nila gusto nila ng Out of the town vacation.

Nasa tinitirhang apartment na si Enrique nang mapansin niyang nakaparada sa tapat nito ang sasakyan ni Ronnie. Nakita niya si Ronnie na tulog sa loob nito.

Kinatok niya ang bintana at nagising si Ronnie. Binuksan niya ang pinto at lumabas sa kanyang sasakyan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Enrique.

"Hinihintay ka." sagot ni Ronnie.

"Bakit? Anong meron?" pagtataka ni Enrique.

"Wala naman. Yayayain kita sanang mamasyal." tanong ni Ronnie.

"Mamasyal? Hindi ka pa ba nagsasawang kasama ako?" Nakangiting tanong ni Enrique.

"Hindi. Bakit naman ako magsasawa?" sagot nito. "Bakit? Sawa ka na bang kasama ako?" dagdag pa nito.

"Hindi rin." nakangiting sambit ni Enrique.

"Oh ayun naman pala eh. Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Ronnie.

"Wala akong maisip. Ikaw ba? Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Enrique.

"Nood na lang tayo ng sine." sagot ni Ronnie.

"Sure. Magpalit lang ako ng damit sandali. Hintayin mo na lang ako doon sa lobby." sambit ni Enrique.

Nagpunta sila sa pinaka malapit na mall para manood ng sine. Noong una ay hindi sila magkasundo sa magkaibang movie. Pero sa huli si Ronnie pa rin ang nasunod. Hindi naman inexpect ni Enrique na magugustuhan niya ang palabas.

"Saan mo gusto magdinner?" tanong ni Ronnie.

"Hmm... Gusto kong magtake out or drive thru tayo tapos gusto kong pumunta maybe somewhere in Antipolo na may panoramic view ng Manila tapos nandoon lang tayo sa sasakyan habang nakain at nagkekwentuhan." sagot ni Enrique.

"Your wish is my command." nakangiting sambit ni Ronnie.

Nagtake out nang pagkain sila Ronnie at Enrique at pumunta sa isang lugar sa Antipolo para makita ang ilaw ng Maynila. Mula sa kinatatayuan nila ay kita nila ang mga buildings ng Metro Manila at ang mga bituin sa langit.

"Tingin mo saan magandang magbakasyon?" tanong ni Enrique habang nakain sila ni Ronnie sa loob ng sasakyan.

"Gusto ko somewhere away from Manila. Either beach or Baguio. Why?" sagot ni Ronnie.

"Nagpaplano kasi kami nila Nadine na magbakasyon kahit one week lang, pero hindi namin alam kung beach, Baguio or Sagada." sagot ni Enrique.

"Hmm. I have an idea." sambit ni Ronnie.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora