Chapter 11: Friends and Lovers

2.3K 23 1
                                    

"Khalil?" pagtataka ni Enrique nang makita si Khalil sa loob ng kanyang apartment.

"Hey!" sagot naman nito.

"May problema ba?" pag-aalalang tanong ni Enrique.

"Wala naman." kinakabahang sagot ni Khalil. "Can we.. Can we talk?" dagdag pa niya.

"Sure. I'll just grab some drinks." alok ni Enrique.

After 5 minutes, muling binalikan ni Enrique si Khalil. "Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ni Enrique.

"Ano kasi. Ganito yun. Yung ano. Si ano." kinakabahang sambit ni Khalil.

"Hey, bro. Relax. Hinga ka muna ng malalim. Uminom ka muna niyang tea na binigay ko para marelax ka." natatawang sambit ni Enrique.

Humigop ng tea si Khalil mula sa tasa na binigay ni Enrique. "Hmmm, Jasmine tea?" tanong ni Khalil.

"Yeah. By the way, paano ka nakapasok sa apartment ko? Ahh, nevermind. Ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong ni Enrique.

Tumayo si Khalil sa kanyang kinauupuan at sinundan naman siya ng tingin ni Enrique. "Do you really love Daniel?" tanong nito.

Nagulat si Enrique sa tanong ni Khalil pero sumagot din agad ito, "so much. Why did you ask?"

Humigop muna ito ng tsaa bago humarap kay Enrique at sinabing, "Hiwalayan mo na siya. Tingin mo ba sasaya kayo kapag nagtagal ang relasyon niyo? Tingin mo ba matatanggap kayo ng pamilya niya?"

Nagulat at nainis si Enrique sa sinabi nang kaibigan. "Are you insane? Nakainom ka ba? May sakit ka ba or something?"

"No I'm not Enrique! Hindi mo ba natanong sa sarili mo yung mga tanong na yun while you are hugging, kissing and.. and.. and--"

"Making love?" singit ni Enrique. "Having intimate time? Having SEX? Sino ka ba para makialam sa amin ni Daniel?" naiinis na dagdag nito.

"I'm his BEST FRIEND!" pasigaw na sagot ni Khalil. "Ako yung taong lagi niyang kasama noon kapag masaya at kahit malungkot siya. Ako yung 'partner in crime' niya. Ako yung lagi niyang kausap. Pero lahat yung nabago nung dumating ka sa buhay namin!" dagdag pa nito.

"It's not my fault kung nabago yun! And besides, how sure are you na gusto ka niya laging kasama? Niyayakag ka ba niya? Sinasabi niya bang 'Hey Khalil. Let's go out. Masaya ako ngayon eh.' O baka naman pinagsisiksikan mo lang yang sarili mo sa kanya at nag-aassume ka lang na gusto ka niyang kasama! Wake up Khalil! Hindi porket  best friend ang turing mo sa isang tao, ganun din ang tingin niya sayo!" sambit ni Enrique.

"Eh ikaw? How sure are you na mahal ka rin niya at hindi sex lang ang habol niya sayo? Maybe nagaassume ka din, or worst pinapasakay ka lang niya?" tanong ni Khalil.

Natatawa sa galit si Enrique. Pinipilit niyang hindi saktan si Khalil. Pero hindi niya alam kung hanggang saan niya iyon mapipigil. "Wake up Khalil. Wake up! Akala mo ba hindi ko alam kung bakit mo to sinasabi sa akin? I know you have feelings for Daniel. But I'm sorry, hindi siya ganun sayo. He loves me and I love him. I don't care kung anong magiging reaksyon ng lahat especially our family about sa relationship namin!"

"You don't care. But what if he does CARE. Naiisip mo ba kung bakit ayaw niya pa ipaalam sa iba ang relasyon niyo? Maybe because, he cares about what other people would say. Kilala ang pamilya nila Daniel. Mayaman, respetado, at kagalang galang. You don't know his family. I do." sambit ni Khalil.

Hindi na napigil ni Enrique ang galit at sinuntok si Khalil. Natumba at dumugo ang nguso ni Khalil. Agad itong tumayo at ginantihan ng suntok si Enrique ngunit nakaiwas ito. Tinadyakan naman ni Enrique si Khalil at muli ay natumba ito. Nakapa ni Khalil ang isang matigas na bagay at ibinato niya itoo kay Enrique. Natamaan si Enrique sa ulo na agad namang dumugo. Nahilo si Enrique at natumba. Tumayo naman si Khalil at agad pinuntahan si Enrique na nakahiga na sa sahig. Inupuan niya ito upang hindi makabangon at pinagsusuntok sa mukha at katawan. Hindi makalaban si Enrique dahil nahihilo pa rin ito.

Ilang sandali pa ay agad bumukas ang pintuan ng apartment ni Enrique at pumasok si Daniel. Itinayo niya si Khalil at sinuntok ito. Sa sobrang lakas ng suntok ni Daniel ay muling napahiga ito at nahirapa nang bumagon. Umupo naman sa sahig si Daniel at ipinatong niya ang ulo si Enrique sa mga hita nito.

"Quen? Wake up!" naiiyak na pag-aalala ni DJ.

"DJ?" pilit na sagot naman ni Quen kahit na bugbog na ang mukha nito. Matapos niyang magsalita, ay nawalan na ng malay ang binata.

Nabuhat ni DJ si Quen at naidala niya pa ito sa Ospital. Inoperahan si Enrique dahil sa tamang natamo nito mula sa binato ni Khalil.

Dumating naman sa ospital ang mga kaibigan nilang si Kathryn at Julia na kasama si James. Nakita nila si Daniel sa tapat ng Operating Room at balisang balisa.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Kath habang nakahawak ito sa braso ni Daniel at hinihimas ang likod para kumalma.

"I don't know. Papunta sana ako sa room si Enrique to borrow some stuff nang may marinig akong ingay sa kwarto niya. Nang makapasok ako, nakita ko si Khalil na nakapatong na kay Enrique at sinusuntok to." naluluhang sagot ni DJ.

"What? Si Khalil?" pagtataka ni Julia. "But why?" dagdag ng dalaga.

"I have no f*cking idea." sagot ni Daniel.

Lumabas ang doktor mula sa operating room at agad naman siyang sinalubong ni Daniel.

"Doc, kamusta na po siya?"  pag-aalala ni Daniel.

"May Depressed fracture siya sa skull at may bali din ang ribs niya. He's okay as of this moment but we still need to observe him for 24 to 48 hours. However, I have a bad news for you." sagot ng duktor.

"Bad news?" sambit ni James.

"Since, there's a head trauma. I would like to give a heads up, that there's a chance na hindi agad gumusing ang pasyente." sagot ng duktor.

"What do you mean? That there's a chance na ma-Comatose siya?" naiiyak na sambit ni Julia.

Tumango na lamang doctor at agad bumalik sa Operating room. Nagulat sila sa nangyari lalo na si Daniel na napasandal na lang sa pader at umiiyak. Pilit naman siyang kinocomfort ni Kath na patuloy din sa pag-iyak.

Samantalang si Julia naman ay napatulala na lang na nakaupo. Hindi niya lubos maisip kung bakit nangyari kay Enrique yun at kung ano ang pinagawayan nila ni Khalil.

*******************************************************************************************************************

What a chapter!

Anong masasabi niyo sa away nila Khalil at Enrique. Are you #TeamKhalil or #TeamQuen?

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now