Chapter 1: The First Time Ever I Saw Your Face

7.8K 34 6
                                    

June 10, 2013

:::Enrique's POV:::

First day of school ko sa ibang eskwelahan. Hindi ako sanay sa ganito.

Teka, ano nga ba ang first class ko? Base dito sa schedule ko History pala ang 1st subject ko for today. History, bakit pa kailangang pag-aralan ang nakaraan? Simple lang, para malaman mo kung bakit nangyayari ang kasalukuyan at bakit ano ang magaganap sa hinaharap.

::End of Enrique's POV::

Dahil sa pagiisip ni Enrique ay di niya namalayan ang oras. 5 minuto bago mag-umpisa ang klase niya ay di pa siya nakakapunta sa classroom nito. Dahil ito nga ang first day ng klase niya bilang freshman sa isang college ay hindi pa ito sanay sa laki ng unibersidad na pinasukan niya. Mabuti na lamang ay madali lang hanapin ang classroom na dapat puntahan ni Enrique.

Pagdating niya sa classroom ay halos puno na ito. Nakita niya ang isang bakanteng upuan sa pangatlong row sa kaliwang bahagi ng classroom. Nagmamadaling pinuntahan ni Enrique ang bakanteng upuan at umupo. 

Ilang sandali ay nag-umpisa na ang kanilang klase. Nagpakilala ang kanilang History teacher na si Professor Cassandra Geodelino. Matapos magpakilala sa kanila ang professor ay isa-isang nagpakilala ang mga estudyante.

Nang matapos na ang klase ay tinignan muna ni Enrique ang kanyang Registration Form para makita kung ano ang susunod na subject.

"Chemistry 101 din pala ang susunod mong subject." sambit ng isang lalaki na nasa likod ni Enrique.

Nagulat si Enrique sa lalaking nagsalita. Lumingon siya sa likod at nakita niya ang isang lalaking nakangiti sa kanya. Gwapo ang lalaki, matangos ang ilong. Natulala si Enrique at di niya alam kung bakit.

"Same tayo ng subject na pupuntahan and if I'm not mistaken the same room din siya." sambit pa ng binata na nasa likod ni Enrique.

Tumayo si Enrique at nagpakilala sa binata. "Hi, Im Enrique Gil." sabay abot ng kamay sa lalaki para makipaghand shake.

Inabot ng lalaki ang kamay ni Enrique at nagpakilala din ito. "Hi Enrique. Nice meeting you. I'm Khalil Ramos." sabay ngiti ni Khalil. "Tara na sabay na tayong pumunta sa classroom natin. In 15 minutes magstart na kasi." pagyayaya ni Khalil. Hindi na nakatanggi si Enrique at sumama na lang siya kay Khalil.

::Enrique's POV::

Shit! What is happening to me? Bakit ganito ang kabog ng dibdib ko ng hawakan niya ang kamay ko? Pero bakit iba rin ang reaksyon ng katawan ko nung ngintian niya pa ako?  This feeling is so familiar. Ganito naramdaman ko kay Sam nung SHIT! Stop Enrique! Hindi maaari ito! Hindi ka bakla!... Hindi nga ba Enrique?

::End of Enrique's POV::


Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa Chemistry lab at nagumpisa na ang klase nila. Pero for the first time after 4 years ay ngayon lang ulit naramdaman ni Enrique ang pakiramdam na iyon. Huli niyang naramdaman iyon ay sa isang High School classmate niya na si Sam Concepcion.

Muling bumalik sa realidad si Enrique nang tawagin siya ng Chemistry professor nila.

"Hello Sir. It's seems like your attention is not with my subject." sambit ng matandang professor.

"Sorry Mam." nahihiyang sagot ni Enrique. Nakikita ni Enrique sa peripheral vision niya ang natatawang si Khalil.

"Okay, Mr. Gil, kung sasagutin mo ang tanong na ito ng tama ay patatawarin kita. Anong acid ang considered as a weak acid pero kayang makatunaw ng isang glass." tanong ng professor.

"Hydrofluoric Acid is the answer." sagot naman ni Enrique.

"Well, I'm impressed Mr. Gil. But ayoko nang maulit na hindi ka nag pe-pay attention sa klase ko. You understand?" tanong ng professor.

"Yes Ms. Perez. And I'm sorry again." sagot naman ni Enrique.

Napatingin siya kay Khalil na manghang mangha sa kanya.

After an hour ay natapos na ang Chemistry class nila at Lunch time na. Dumeretso sila sa cafteria ng school na sa sborang laki ay kayang iaccomodate ang lahat ng estudyante, at teacher ng eskwelahan.

Matapos makabili ng makakain ay umupo na sila Khalil at Enrique sa isang bakanteng upuan. Hindi pa sila nakakatagal ng upo ay may nakiupong lalaki sa kanila. Gwapo ang lalaki, matangkad pero may pagkabad boy ang dating.

"Fuck! Daniel, first day ng class absent ka na agad sa first two subjects mo!" galit na sambit ni Khalil sa lalaking nakatapat ni Enrique.

"Relax bespren. Marami akong inasikaso sa office kaya di ako nakapasok agad." pangiting sambit naman ng lalaki sabay kuha sa sandwich na binili ni Khalil.

"By the way1 Enrique ito nga pala ang bestfriend kong bulakbol na si Daniel. Daniel si Enrique." pagpapakilala ni Khalil.

Pinunasan muna ni Daniel ang kamay nito bago nakipaghand shake kay Enrique. "Hi tol, Daniel Padilla here." sambit ni Enrique sabay kindat kay Enrique.

Nagulat at natulala ulit si Enrique sa pagkindat ng gwapong lalaki sa harap niya. Nagkaroon din ng konting katahimikan bago nakapagkilala si Enrique. "Enrique Gil pala." sambit ni Enrique.

::Enrique's POV::

Shit Enrique! What the hell is happening to you? Kanina kay Khalil ka lang nagkakaganito, ngayon kay Daniel na rin.

::End of Enrique's POV::

Nang matapos na ang 1st day of class ay naghiwalay na sila Enrique at Khalil. Samantalang si Daniel ay hindi rin pumasok sa iba nitong subject ng araw na iyon.

Nagaabang ng masasakyan si Enrique papunta sa kanyang tinitirhang Dormitory nang may biglang tumigil na Black 2013 Dodge Challenger sa tapat niya. Nung una ay di niya ito pinansin, pero nang bumukas ang bintana nito at tinawag siya ng driver ay napansin niya na si Daniel pala ito.

"Hey! Enrique right?" sambit ni Daniel.

Tumango lang si Enrique, tanda ng pag-OO niya.

"Saan ka ba nakatira?" tanong ni Daniel.

"Sa may Taft pa ako nakatira." sagot naman ni Enrique.

"Ganun ba? Parehas naman pala tayo ng ruta eh. Halika sumabay ka na!" pagyayaya ni Daniel na nakashades pa.

"Naku wag na. Okay na ako dito." pagtanggi naman ni Enrique.

"Tol, tignan mo nga ang langit. Makulimlim na, mahirap bumiyahe sa Maynila nang naulan kaya wag ka nang tumanggi." pagyayaya pa ni Daniel.

Narealize ni Enrique na may point si Daniel kaya sumakay na nga ito sa sasakyan. Nang makaupo ito ay lumapit si Daniel kay Enrique at nagulat ang binata. Narealize niya lang na aayusin lang pala ni Daniel ang seatbelt nito.

"Safety first." nangingiting sambit ni Daniel sabay kindat nito kay Enrique.

Namula na naman si Enrique sa ginawa ni Daniel.

****************************************************************************

Hope naenjoy niyo ang first chapter.

Kung may mga suggestion kayo sa story just comment it.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now