Chapter 17: How Could You Say You Love Me?

1.3K 17 3
                                    

Bakit niya nagawa sa akin yun? Sinabi niyang mahal niya ako pero niloloko niya lang ako. Ang mga tanong na nasa isip ni Enrique habang naglalakad ito sa kalsada.

Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa pero ang tanging alam niya ay sobra siyang nasasaktan sa nalaman.

Lumipas ang ilang sandali ay nakita na lang niya ang kanyang sarili na nasa labasng hotel kung saan nakatigil si James. Matagal siyang tumitig sa entrance ng hotel bago naisipang pumasok.

Dumeretso siya agad sa floor kung saan nananatili si James. Nang makarating ito sa mismong kwarto ni Jamesay di siya nag atubiling kumatok sa pintuan. Matapos ang ilang katok ay binuksan na ni James ang pintuan.

"Hey! Enrique, what are you doing here?" tanong ni James na pupungay pungay pa.

"Can we talk?" sagot ni Enrique. Pinipigilan niya ang sarili niyang magwala at magalit.

"Yeah! Sure. Pasok." Pinapasok ni James si Enrique at inalok ito ng inumin pero tumanggi si Enrique. "What do you want to talk about at kailangan mo pang pumunta dito?"

"Kailan niyo pa ako niloloko ni Daniel?" naluluha ng sambit ni Enrique.

Nagulat si James sa narinig at hindi ito nakasagot.

"Uulitin ko, kailan niyo pa ako niloloko ni Daniel!" galit na tanong ni Enrique.

"I don't know what you're talking about." pagkakaila ni James.

"Putang Ina James! Wag kang magpanggap na hindi mo alam kung anong sinasabi ko! You called him a while ago at ako ang nakasagot nun!" Galit na nilapitan ni Enrique si James at hinigit ang damit nito. "Sabihin mo kung kailan niyo pa ako niloloko!" galit na dagdag nito.

Kitang kita ni James sa mata ni Enrique ang galit at ang sakit ng nangyayari. Pero imbis na matakot ay pinakita ni James na hindi siya magpapadaig kay Enrique. Inalis niya ang mahigpit na hawak ni Enrique sa damit niya at tinulak ito hanggang mapatumba si Enrique sa sahig.

"5 years ago, bumalik ako dito sa Pilipinas. Nakilala ko noon si Daniel. We became friends, then we became best friends and I developed a feeling towards him and vice versa. Naging kami, kahit na umalis na ako ng bansa nagpatuloy yun. Until one day, hindi na siya nagparamdam. Wala nang reply sa email, wala ng phone calls, blocked na ako sa FaceBook. Then I found out na kaibigan siya ng pinsan ko kaya umuwi ako. Then nakita ko kayo, his body language towards you, parehas ng pinakita niya sa akin before. Noong una hindi ako naniniwala at pinilit kong di masaktan. Then I saw the two of you dito sa hotel, and it's a confirmation that you and Daniel are together. Ang sakit nun and I need to wear a mask to show that I'm okay outside, but deep inside it fucking hurts like hell." naluluhang pagpapaliwanag ni James.

"So, ano yung pagtetext mo sa akin noon?" dagdag na tanong ni Enrique.

"It's an act. Kitang kita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo si Daniel at wala kang gustong ilihim sa kanya. Alam ko rin na sasabihin mo 'to sa kanya at ang tendency ay pupuntahan niya ako. And it happened. He was here, galit at may halong pagseselos." Nakangiting pagpapaliwanag ni James. "But my plan worked, he was jealous na ikaw ang inaakala niyang nagugustuhan ko. He still loved me. I was able to feel his love through our deep kiss, the way our skin touched, the way he looked at me, the way he bite my lips, the way he penetrated me. I feel every bit of it." dagdag pa nito.

Lalong tumindi ang galit ni Enrique kay James. Tumayo siya at sinuntok si James. Sa lakas ng suntok, natumba si James at nagdugo ang labi nito. Hindi siya nagpatalo at agad itong bumangon para suntukin si Enrique. Natumba din ito at nagdugo rin ang mga labi.

"He's mine Enrique. Daniel will never be yours." galit na sambit ni James.

Galit na tumayo si Enrique at dahan dahan itong lumapit kay James. "May the best man win." sambit ng nagtitimping si Enrique. Alam ni Enrique na sa galit niya ay makakagawa siya ng bagay na di niya gusto kaya mas pinili niya na lang na umalis bago pa lumala ang sitwasyon. Nang makalabas siya sa hotel ay napaupo ito sa tabing kalsada at umiyak.

____________________________________________________________________________________

Pasensya na po kung napatagal yung kasunod. Nahirapan akong sundan yung huli. Pero sana magustuhan niyo ito.

I'm open for any comments and suggestions.


Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now