Chapter 21: Anything Could Happen

947 9 0
                                    

"So, saan mo bang balak magbreakfast?" tanong ni Ronnie habang nagmamaneho.

"Kahit saan. Ikaw saan mo ba gusto?" sagot ni Enrique.

"Hmm, gusto ko nang waffles and pancakes." sagot naman ni Ronnie.

Napatingin si Enrique sa rear view mirror at napatitig kay Ronnie na nakatingin naman sa daan habang nagmamaneho. Ilang sandali lang ay napatingin din si Ronnie sa rear view mirror at nakita niyang nakatingin sa kanya si Enrique. Ngumiti din ito na agad namang ikinahiya ni Enrique kaya napatingin na lang ito sa labas. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mukha kaya pinilit niyang hindi tumingin kay Ronnie at baka mapansin nito ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Saan ba may masarap na pancakes and waffle?" tanging natanong ni Enrique habang pilit pa ring itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi.

"iHop? Pancake House? Oh, Toby's Estate! Masarap daw ang waffle doon." excited na sagot ni Ronnie.

"Makati yun diba?" tanong ni Enrique.

"Oo." sagot naman ni Ronnie.

"Bro, napakalayo natin sa Makati." sambit ni Enrique. "Wait, I know a place." dagdag ni Enrique.

"Really? Saan?" tanong ni Ronnie.

"I'll tell you where, but don't expect a fancy restaurant. But promise, napakasarap ng pancakes nila." nakangiting sambit ni Enrique.

Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa sinasabi ni Enrique. Nagtaka si Ronnie dahil pagbaba niya ay wala naman siyang nakikitang restaurant o anumang kainan sa paligid.

"Let's go?" imbita ni Enrique.

"Bro, are you sure we're on the right place? I mean, wala akong nakikitang kainan sa paligid, puro bahay lang." pagtataka ni Ronnie.

"Basta sumunod ka na lang sa akin." nakangiting sambit ni Enrique.

Gaya nga ng sinabi ng kasama ay sumunod na lang si Ronnie. Naglakad sila ng kaunti hanggang makarating sila sa tapat ng isang two-storey na bahay.

Nagdoor bell si Enrique at kahit lubos ang pagtataka, hindi nagsalita si Ronnie. Makalipas ang ilang sengundo ay may lumabas na middle aged woman at agad silang sinalubong.

"Enrique!" sambit ng babae.

"Good Morning Tita!" salubong naman ni Enrique sa babae. "Tita, eto nga pala si Ronnie, pinsan ni Jon." pagpapakilala ni Enrique kay Ronnie.

Agad namang inabot ni Ronnie ang kamay sa babae at nakipag kamay ito at bumati ng good morning.

"Ronnie, ito pala si Tita Yumi. Siya yung may-ari ng isang canteen sa Howard kaya kilala niya ang pinsan mo." pagpapakilala naman ni Enrique sa babae.

"Halika na pumasok kayo sa loob, malapit nang maluto ang pagkain." sambit ni Tita Yumi.

Napatingin si Ronnie kay Enrique. Napansin naman ni Enrique ang nagtatakang mukha ni Ronnie.

"I texted Tita Yumi on our way here. Kaya naghanda na siya." nakangiting sagot ni Enrique.

Hindi na nagsalita si Ronnie at agad na lang ito sumunod kay Enrique. Pag pasok niya ang nalanghap niya agad ang mabangong amoy ng nilulutong pancakes at waffle.

"Ang bango!" ang tanging nasambit nito.

"Naku salamat iho. Umupo na kayo sa hapag at maya-maya ay iseserve ko na ang pagkain" sambit ni Tita Yumi.

Pumunta na sa dining area sila Enrique at Ronnie at umupo.

"Kitang-kita sa mukha mong gulat na gulat ka kanina." natatawang sambit ni Enrique.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now