Chapter 12: What Might Have Been

2K 26 1
                                    

Pinuntahan ni Daniel si Khalil na nasa poder ngayon ng mga pulis. Gusto nyang malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon kay Enrique.

Naghihintay siya sa visiting area ng police station ng makita niyang paparating si Khalil na may escort na pulis. Kahit na galit siya ay hindi niya piniling saktan ang kaibigan. Umupo sa harap niya si Khalil at umalis ang escort na pulis nito.

Tinititigan lang ni Daniel si Khalil, samantalang hindi naman makatingin si Khalil kay Daniel. Ilang minutong walang kumikibo sa dalawa hanggang maunang nagsalita si Khalil. "Kamusta na si Enrique?"

"Ligtas na siya. Pero hindi pa alam ng doktor kung kailan siya gigising." napatingin at nagulat si Khalil sa narinig mula kay Daniel. Napaluha na lamang ito at nagsisi sa kasalanan.

"Patawarin mo ako Daniel. Hindi ko naman alam na darating sa puntong ganun eh." pagmamakaawa ni Khalil.

"Anong dahilan at kung bakit nandun ka sa apartment niya? Anong ginagawa mo doon?" tanong ni Daniel. Pero hindi makasagot si Khalil dahil hindi ayaw niyang malaman ang totoo.

"Sumagot ka!" pagdadabog ni Daniel.

"Dahil sa'yo!" sagot naman ni Khalil.

Nagulat at nagtaka si Daniel sa sagot ni Khalil. Iniisip niya kung bakit siya ang dahilan ng pagpunta ni Khalil sa apartment ni Enrique at ang pag-aaway ng dalawa?

"Bakit ako?" ang tanging nasagot ni Daniel.

"Kasi gusto kita. At nagmamakaawa ako kay Enrique na hiwalayan ka niya para maging sa akin ka." sagot naman ni Khalil na naiyak habang nakatingin kay Daniel. Hindi na nakapagsalita si Daniel sa narinig at napasandal na lamang ito. "Gusto na kita kahit noong di pa kayo nagkakakilala ni Enrique. Hindi ko lang masabi sa'yo dahil ang akala ko hindi ka papatol sa lalaki. Pero nung nakita ko kayo ni Enrique sa Baguio at nalaman kong may relasyon kayo, nasaktan at nagsisisi ako dahil siguro kung sinabi ko sa'yo lahat ng ito, baka naging tayo pa." dagdag pa ni Khalil.

Tumayo na si Daniel sa kanyang kinauupuan at umalis. Pero muling nagsalita si Khalil kaya mapatigil ito, "Nagmamakaawa ako Daniel. Ako na lang mahalin mo. Lahat ibibigay ko sa'yo, lahat lahat. Kaya kong iapagmayabang sa mundo na nagmamahalan tayo, bagay na hindi niyo magawa sa relasyon niyo ni Enrique." Ngunit, di pa rin nagsalita si Daniel at tumuloy na sa pagalis.

Dumeretso siya sa ospital at bumisita kay Enrique. Nailipat na siya sa isang regular room na kumpleto ang equipments. Nakita rin niya ang mag-asawang nakaupo sa tabi ng kama ni Enrique. "Good evening po. Kayo po ba si Mr. & Mrs. Gil?" tanong ni Daniel. "Kami nga." sagot ng babaeng nakahawak sa kamay ni Enrique.

Nakipagkamay si Daniel sa dalawang mag-asawa, "Hello po. Ako po si..."

"Daniel." singit ng ama ni Enrique bago pa matapos ang kanyang sinasabi. "Kilala ka na namin hijo. Lagi kang kinekwento ni Enrique sa amin at alam na namin ang tungkol sa inyo. Masaya kami at nakilala ka na namin. Pero sana hindi sa ganitong sitwasyon." sambit naman ng ina ni Enrique.

Nagulat at namula si Daniel sa narinig. Hindi niya ineexpect na ikinikwento na ni Enrique ang relasyon nila sa mga magulang nito.

"Ako din po Mrs. Gil, kinagagalak ko din po kayo makilala." sambit naman ni Daniel.

"Just call us Tito and Tita." sambit naman ng ama ni Daniel.

"Ok po tito." pangiting sambit naman ni Daniel. "Kamusta na po siya?" dagdag pa niya.

"Nakausap na namin ang doktor and nagising na rin siya kani-kanina lang." nakangiting sambit ng nanay ni Enrique.

"Talaga po? Nagising na siya?" nagagalak na tanong ni Daniel.

"Yes, pinatulog na lang muna ulit siya kasi nasakit ang ulo niya kanina. Maybe hijo you can gohome muna. Kami na magbabantay dito sa ospital. You need some rest. Pinauwi na rin namin yung iba niyong friends." alok ng tatay ni Enrique.

"Okay po tito and tita. Uwi na po muna ako. Balik na lang ako dito after school." sambit naman ni Daniel.

Dumeretso na nga pauwi si Daniel at pumunta ito sa kwarto. May kinuha siyang box sa drawer sa tabi ng kanyang kama at binuksan ito. Puno ng mga litrato ang box. Litrato ni Daniel kasama ang isang lalaki na matagal niya ng kaibigan.

Isa-isa niyang tinignan ang mga litrato nila ni Khalil. Mula ng maging kaibigan sila ay lagi na silang magkasama. Magkatabing matulog, nagsasabihan ng hinanakit sa kahit anong bagay at kahit kailan ay hindi nag-away. Nagreminisce si Daniel sa pagkakaibigan nila ni Khalil at naisip na posibleng matapos na iyon.

Sa ilalim ng box, may papel na kinuha si Daniel at kanya itong binuksan at binasa ang nakasluat dito.

Dated July 17, 2010.

Narealize ko na higit pa sa pakikipagkaibigan ang turing ko kay Khalil. Gusto ko na siya, pero hindi ko naman pwede sabihin sa kanya dahil alam kong masisira ang pagkakaibigan namin. Mas pipiliin ko nang itago na lang itong nararamdaman ko sa kanya at isipin na lang na mas mabuting magkaibigan kami.

Sincerely, Daniel

Naiyak si Daniel sa binasang sulat niya. Gusto niya noon pa man si Khalil pero mas pinili niyang huwag sabihin dahil naisip niyang hindi siya magugustuhan nito. Pero sa mga narinig na confessions ni Khalil, bumalik yung mga araw na nasasaktan siya kapag may nakakadate na babae si Khalil pero pilit niya itong hindi pinapahalata.

Tinatanong niya ang sarili niya na kung naipagtapat niya kaya ito kay Khalil dati, magiging sila kaya.

Pero alam niya rin sa sarili niya na wala na ang pagtingin niya kay Khalil dahil mahal na mahal niya si Enrique. Hindi niya kaya na mawala ang kanyang mahal.

Naghahanda na sa pagtulog si Daniel nang marinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang may natawag sa kanya na hindi nakaregister sa Phonebook niya. Noong una ay nag-alangan siyang sagutin ang tawag, pero kinalaunan ay sinagot niya rin ito.

"Hello?" sambit ni Daniel pagkasagot niya ng telepono.

"Hi! Ako to." sagot naman ng lalaki sa kabilang linya. Kahit hindi magpakilala si Daniel ay alam niya kung kaninong boses iyon. Nasaulo na niya ang boses ng lalaking nakausap niya.

"Quen, my loves. Kamusta ka na? Bakit gising ka na?" tanong ni Daniel.

"Relax DJ. Ok na ako, nagising na ako mula sa pagpapatulog sa akin. Medyo masakit lang ang ulo ko pero mas okay na ako." sagot naman ni DJ.

"Bakit ka pala napatawag?" tanong naman ni DJ. "May kailangan ka ba? Sabihin mo lang dadalhin ko agad diyan."

"I'm okay. Tumawag lang ako just to say good night and I love you." sambit ni Enrique.

Napangiti si Daniel at nagsalita, "Good night Quen, I love you too".

***********************************************************************************************

I'll update kapag 200 views na ang chapter na ito. Thanks :)

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now