Chapter 28: I Think We're Alone Now

1.1K 17 4
                                    

After a week ay natapos na nga ang klase nila. Isang araw na lang din ay itutuloy na nila ang planong bakasyon.

"OMG! Excited na ako sa magiging bakasyon natin." sambit ni Jane,

"Oo nga. Makakapagbonding tayo doon." sambit naman ni Nadine.

"Nakapagimpake na ba kayo? Bukas na ang alis natin." tanong ni Ryle.

"Oo, handang handa na ako." sagot naman ni Nadine,

"Teka, nasaan na ba si Enrique, bakit ang tagal naman niyang dumating. Tapos na 'tong niluto ko." tanong ni Jane.

"Natawagan ko na siya kanina. Traffic lang daw pero malapit na siya." sambit ni Iñigo habang nakain ng nachos.

"Kasama niya ba si Ronnie?" tanong ni Ryle.

"Yep! Kasama niya si insan. Sinundo siya kanina kaya medyo late ang dating nila." sagot naman ni Jon.

Hindi nagtagal ay dumating na nga sila Ronnie at Enrique.

"Grabe! Ang tagal. May ginawa pa kayo siguro noe?" pabirong tanong ni Jane.

"Oo meron. Bumili ng pinabibili niyong ice cream. Ang mahal pala niyan at doon lang sa mall nabibili. Tapos natraffic pa kami, buti na lang kabisado ni Ronnie ang kalye ng Maynila." sagot naman ni Enrique.

"Worth it naman yan." sagot ni Nadine habang kinukuha kay Enrique ang ice cream na binili.

"Wow! Nachos ba yan?" tanong ni Ronnie.

"Yup! At ako nagluto ng dip. Tikman mo, masarap yan." sagot ni Jane.

Tinikman ni Ronnie ang nachos at dip na ginawa ni Jane. Totoo ngang masarap ang pagkakagawa nito.

"Ang sarap nga! Tamang tama lang yung anghang at alat niya." sambit ni Ronnie.

"Thank you!" masayang sambit ni Jane.

"Nakapagimpake ka na ba Enrique?" tanong ni Ryle.

"Hindi pa nga eh. Mamaya pa lang ako mag-iimpake pag-uwi ko. Kayo ba?" sagot ni Enrique.

"Oo, tapos na kaming mag-impake." sagot ni Iñigo.

"Tulungan na kitang mag-impake mamaya. Tapos na naman ako eh." offer ni Ronnie kay Enrique.

"Sige, Salamat." nakangiting sagot ni Enrique.

"Teka, anong oras ba ang alis natin bukas?" tanong ni Ryle.

"Around 8 in the morning siguro." sagot ni Ronnie. "Sino ba magdadala ng sasakyan sa inyo?" dagdag nito.

"Magdadala si Ryle ng sasakyan bukas. Doon na lang kami lahat sasakay." sagot ni Jon.

"Okay. Sige ako na magsasabay kay Enrique bukas. Tapos yung mga kaibigan ko nasa isang sasakyan sila." sambit ni Ronnie.

"So, saan ba tayo magkikita kita bukas." tanong ni Iñigo habang nagdidip ng nachos.

"Hmm. Mauuna kasi tayo tapos after lunch pa dating nung mga kaibigan ko, magkita na lang tayo sa apartment ni Enrique." sambit ni Ronnie.

"Oo nga pala. Naalala ko lang, pinapaalala mo pala sa akin na sasabihan mo yung caretaker na linisin yung bahay." sambit ni Enrique.

"Okay na yun. Wala nang problema doon, natawagan ko na sila Aling Conching doon at nililinis na nila yung bahay pati yung mga kwartong gagamitin natin." sambit ni Ronnie.

"Pinsan. Makakasama ba daw si John sa atin?" tanong ni Jon.

"Tinawagan ko siya kahapon. Sasama daw siya." sagot ni Ronnie.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now