Bromance: An Enrique Gil-Dani...

By August_jacinto

100K 796 145

Hope you enjoy this. More

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla Story
Character's Description
Chapter 1: The First Time Ever I Saw Your Face
Chapter 2: Getting To Know Each Other
Chapter 3: Can't Help Myself
Chapter 4: Jealous Guy
Chapter 5: You And I
Chapter 6: All Of Me
Chapter 7: I Love You, Goodbye?
Chapter 8: Let's Stay Together
Chapter 9: Secret Lovers
Chapter 10: The Truth About Love
Chapter 11: Friends and Lovers
Chapter 12: What Might Have Been
Chapter 13: Forgiveness and Love
Chapter 14: Dirty Little Secret
Chapter 15: Welcome Back
Chapter 16: I Found Out
Chapter 17: How Could You Say You Love Me?
Author's Update
Chapter 18: What Hurts The Most
Chapter 19: Start Of Something New
Chapter 20: Thank You
Chapter 22: We Used To Be Friends
Chapter 23: Only Reminds Me Of You
Chapter 24: God Only Knows
Chapter 25: Happy Birthday
MUST READ! Author's Update
Chapter 26: Give Me Love
Chapter 27: Welcome To My Life
Chapter 28: I Think We're Alone Now
Chapter 29: Roadtrip
Chapter 30: Ghost Of You
AUTHOR'S UPDATE
Chapter 31: I Remember The Boy
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Fix You
Chapter 34: Danger
Chapter 35: I'm Begging You
Chapter 36: He Did It

Chapter 21: Anything Could Happen

949 9 0
By August_jacinto

"So, saan mo bang balak magbreakfast?" tanong ni Ronnie habang nagmamaneho.

"Kahit saan. Ikaw saan mo ba gusto?" sagot ni Enrique.

"Hmm, gusto ko nang waffles and pancakes." sagot naman ni Ronnie.

Napatingin si Enrique sa rear view mirror at napatitig kay Ronnie na nakatingin naman sa daan habang nagmamaneho. Ilang sandali lang ay napatingin din si Ronnie sa rear view mirror at nakita niyang nakatingin sa kanya si Enrique. Ngumiti din ito na agad namang ikinahiya ni Enrique kaya napatingin na lang ito sa labas. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mukha kaya pinilit niyang hindi tumingin kay Ronnie at baka mapansin nito ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Saan ba may masarap na pancakes and waffle?" tanging natanong ni Enrique habang pilit pa ring itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi.

"iHop? Pancake House? Oh, Toby's Estate! Masarap daw ang waffle doon." excited na sagot ni Ronnie.

"Makati yun diba?" tanong ni Enrique.

"Oo." sagot naman ni Ronnie.

"Bro, napakalayo natin sa Makati." sambit ni Enrique. "Wait, I know a place." dagdag ni Enrique.

"Really? Saan?" tanong ni Ronnie.

"I'll tell you where, but don't expect a fancy restaurant. But promise, napakasarap ng pancakes nila." nakangiting sambit ni Enrique.

Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa sinasabi ni Enrique. Nagtaka si Ronnie dahil pagbaba niya ay wala naman siyang nakikitang restaurant o anumang kainan sa paligid.

"Let's go?" imbita ni Enrique.

"Bro, are you sure we're on the right place? I mean, wala akong nakikitang kainan sa paligid, puro bahay lang." pagtataka ni Ronnie.

"Basta sumunod ka na lang sa akin." nakangiting sambit ni Enrique.

Gaya nga ng sinabi ng kasama ay sumunod na lang si Ronnie. Naglakad sila ng kaunti hanggang makarating sila sa tapat ng isang two-storey na bahay.

Nagdoor bell si Enrique at kahit lubos ang pagtataka, hindi nagsalita si Ronnie. Makalipas ang ilang sengundo ay may lumabas na middle aged woman at agad silang sinalubong.

"Enrique!" sambit ng babae.

"Good Morning Tita!" salubong naman ni Enrique sa babae. "Tita, eto nga pala si Ronnie, pinsan ni Jon." pagpapakilala ni Enrique kay Ronnie.

Agad namang inabot ni Ronnie ang kamay sa babae at nakipag kamay ito at bumati ng good morning.

"Ronnie, ito pala si Tita Yumi. Siya yung may-ari ng isang canteen sa Howard kaya kilala niya ang pinsan mo." pagpapakilala naman ni Enrique sa babae.

"Halika na pumasok kayo sa loob, malapit nang maluto ang pagkain." sambit ni Tita Yumi.

Napatingin si Ronnie kay Enrique. Napansin naman ni Enrique ang nagtatakang mukha ni Ronnie.

"I texted Tita Yumi on our way here. Kaya naghanda na siya." nakangiting sagot ni Enrique.

Hindi na nagsalita si Ronnie at agad na lang ito sumunod kay Enrique. Pag pasok niya ang nalanghap niya agad ang mabangong amoy ng nilulutong pancakes at waffle.

"Ang bango!" ang tanging nasambit nito.

"Naku salamat iho. Umupo na kayo sa hapag at maya-maya ay iseserve ko na ang pagkain" sambit ni Tita Yumi.

Pumunta na sa dining area sila Enrique at Ronnie at umupo.

"Kitang-kita sa mukha mong gulat na gulat ka kanina." natatawang sambit ni Enrique.

"Totoo bro! Nagtataka at nagulat talaga ako. Hindi ko naman inisip na sa ganito pala tayo kakain. Pero, grabe ang bango ng amoy mas lalo akong nagutom." nakangiting sambit ni Ronnie.

Ilang sandali pa ay dumating na si Tita Yumi na may dalang dalawang plato at may kasunod itong babae sa kanyang likuran na may dala pang dalawang plato, isang magandang babae.

"Oo nga pala. Ito pala ang nag-iisang anak ko, si Sue." pagpapakilala ni Tita Yumi sa magandang babaeng nakasunod sa kanya.

"Hello! Ako pala si Sue Anna Ramirez. But you can call me Sue." pagpapakilala niya.

"Hi Sue! Nice to meet you. Enrique Mari Gil nga pala!" sabay abot ng kamay ni Enrique.

"Hello. Ako nga pala si Ronnie. Ronnie Alonte." sambit ni Ronnie.

"Tita, tara kain na po tayo!" pagimbita ni Enrique.

"Thank you Enrique, pero nakakain na kasi kami ni Sue. Enjoy niyo na lang ang niluto ko at iwanan na namin muna kayo." sambit ni Tita Yumi.

"Bro! Ang sarap naman nito! May pancake at waffles na, may bacon pa!" masayang sambit ni Ronnie. "Tapos ang ganda pa nung anak nung may-ari." dagdag pa ni Ronnie.

Matapos sabihin ni Ronnie iyon ay bigla namang dating ng babaeng tinutukoy niya.

"Hi. Ito nga pala yung syrup para sa pancakes at waffle." iniabot ni Sue ang syrup at agad naman itong tinanggap ni Ronnie.

"Salamat. Nice to meet you pala Sue." pakikipagkamay ni Ronnie.

"Nice to meet you din Ronnie." nakangiting sagot naman ni Sue.

"Sabayan mo na kami ditong kumain, Sue." alok ni Enrique kay Sue.

"Naku, sige kayo na lang. Busog pa ako. Sige iwan ko na muna kayo." sagot naman ni Sue.

"Grabe bro, mukhang mapapadalas ako dito." sambit ni Ronnie pagkaalis ni Sue.

"Type mo noe?" tanong ni Enrique habang nagbubuhos ng syrup sa kinuhang pancake.

Bago sumagot ay kumain muna ng malutong na bacon si Ronnie. "Oo bro. Ganun mga type ko, maganda at mapuputi. Ikaw ba? Hindi mo type si Sue?"

"Ako? Hmm, sakto lang. Gusto ko kasi yung taong pag nakita ko agad, masasabi kong "Siya na nga"." sagot naman ni Enrique.

"So far ba wala ka pang nakikitang "The One" mo?" tanong ni Ronnie.

"Honestly, meron na. Pero akala ko lang pala." seryosong sambit ni Enrique.

"I think this is not the right place and the right time to talk about that. Kumain na lang tayo bago pa lumamig ang pagkain." sambit naman ni Ronnie.

Makalipas ang isang oras ay natapos nang kumain sila Enrique at Ronnie.

"So, tara na ihatid na kita." yaya ni Ronnie.

"Hindi wag na. May pupuntahan pa ako. Mag-Taxi na lang ako, malapit lang naman dito yun." sagot ni Enrique. "Ingat ka na lang sa pag-uwi at salamat ulit para sa phone ko."

"Ganun ba? Okay, sige uuna na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay." paalam ni Ronnie.

Ilang sandali pa ay umalis na nga si Ronnie at hindi rin nagtagal ay nakahanap na rin ng masasakyang taxi si Enrique.

Habang nakasakay ng taxi ay tinawagan ni Enrique ang kaibigang si Nadine. Niyaya niya ito na manood ng sine kasama ang iba pa nilang kaibigan.

"Sige, sunduin kita dyan sa bahay niyo. Malapit na ako." sambit ni Enrique bago ibaba ang telepono.

Habang nagnanavigate si Enrique sa kanyang namiss na cellphone ay napansin niya ang isang pamilyar na mukha sa gallery. Napangiti siya sa tatlong selfie ni Ronnie. Pero mas nakatawag attention sa kanya ang isang video.

Kuha ang video nung gabi na naiwan niya ang cellphone sa sasakyan ni Ronnie. Si Ronnie mismo ang kumukuha ng videong ito. Pinidot niya ang "Play" button at pinanood ang video.

"Hi! So, ako nga pala ito. Sorry kung pinakialaman ko ang cellphone mo. Nagtry lang kasi ako magselfie pero hindi ko na mabura dahil may security lock yung cellphone mo."

Simple pero napangiti si Enrique sa videong nakita.

Hindi nagtagal ay dumating na si Enrique sa tapat ng bahay nila Nadine. Umupo ito sa hagdan sa labas ng bahay at naghintay na dumating si Nadine.

"Bakit parang ang saya mo?" tanong ni Nadine,

"Huh? Lagi naman akong masaya ah." sagot ni Enrique.

"Whatever Enrique. Oo nga pala, paano ka pala nakauwi kahapon?" tanong ni Nadine.

"Ako? Isinabay ako nung pinsan ni Jon. Ang daya niyo hindi niyo man lang ako hinantay." sagot ni Enrique. Iniiwasan niyang hindi mapag-usapan si Ronnie, dahil natatakot siya sa kung ano ang maramdaman niya.

"Patawarin mo kami, friend. Sinubukan ka naming hanapin pero hindi ka namin makita." sambit ni Nadine.

"Wag na nga nating pag-usapan yan, mabuti pa puntahan na lang natin sila Iñigo. Kasama na niya daw si Jane at papunta na rin sila sa mall." sambit naman ni Enrique.

"Okay sige, inaayos na naman ni Kuya Bart yung sasakyan, mya mya aalis na tayo. Saang mall ba tayo pupunta?" tanong ni Nadine habang hinahanap ang cellphone sa dalang pouch bag.

"Sa High Street daw tayo sabi nila Iñigo." sagot naman ni Enrique.

"Ang layo naman." ang tanging nasabi ni Nadine. "Kasama ba si Ryle?"

"I don't think so. Nakausap ko siya kanina, may lakad yata sila ng parents niya today." sagot naman ni Enrique.

Habang patuloy na nag-uusap sila Nadine at Enrique ay dumating na si Kuya Bart, sakay ang minamanehong sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
369K 7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
19K 691 35
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone
3.7K 250 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.