She's Complicated (GL) [HSS #...

By InsaneSoldier

1.5M 54.6K 9K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... More

She's Complicated
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 2

42.4K 1.3K 356
By InsaneSoldier

Impulsive

--

Nagising ako nang makarinig ng mahinang langitngit ng kung ano. Parang pinto. "Ano ba 'yon?"

Kusot-matang bumangon ako at tiningnan ang wall clock dito sa kwarto, 3:34 am pa lang. Inayos ko lang ng kaunti ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Medyo nauuhaw na rin kasi ako.

Pagpunta ko ng kusina, naabutan ko si South na nakaupo habang umiinom ng kape. May mga book at cattleya na nagkalat sa lamesa at mukhang nag-aaral siya. Malapit na nga pala ang finals. Dyusko, ginawang study table ang lamesa.

Mabilis siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Good morning." Uminom siya sa baso ng kape niya at inalok iyon.

Napataas tuloy ang isang kilay ko dahil sa kinikilos niya. Ano 'to? Bakit parang good mood yata siya? At inalok pa talaga ako ng coffee niya, ha. Or siguro sadyang may topak lang siya kapag madaling-araw? Who knows.

South, bakit ba ang weird mo?

Instead na sumagot ay nagtimpla na lang ako ng sariling kape bago umupo sa upuan na katapat niya. Tiningnan ko lang siya habang nagbabasa. No wonder matataas ang grades niya. Palaaral, eh.

"Anong subject 'yan?"

"Sikretong malupit."

Napailing na lang ako sa napakagandang sagot ng bata. Ang hilig sa secret ng tao na 'to. Ayaw na lang diretsuhin.

Ganyan naman siya, eh. Sa tuwing may nagtatanong sa kanya minsan hindi niya sinasagot ng diretso. Either ipapakita niya na lang yung ginagawa niya or sasabihin niya ang favorite word niyang secret. Iba rin wirings ng utak ng babaeng 'to.

Napatingin ako sa kanya at medyo, uh, na-cute-an sa kanya. Medyo lang! Eh, paano kasi, ang cute niya lang mag-review. Babasahin niya yung libro tapos bubulung-bulong pero walang boses halos then napapatingin siya sa itaas sa bandang kanan na parang nandoon ang inaaral niya. "Ang cute mo mag-review."

Napatingin naman siya sa'kin. Magkadikit na yung kilay niya na parang hindi nagustuhan ang narinig. Kumamot siya sa tainga niya at nagbasa na lang ulit. "Tigilan mo ako."

"Taray mo."

Naisip ko lang, nakaumpisa na ng first semester nang lumipat ako rito. Bagong professor kasi ako sa university na pinapasukan ni South at pinagtuturuan naman ni North and himalang natanggap ako. Well, I can't deny it. Malakas kasi ang appeal ko at matalino naman talaga ako. Idagdag pa na may teaching experience na rin ako.

Sa loob ng mahigit na isang buwan na nandito ako, may mangilan-ngilan na akong napapansin kay South. Hindi ko naman siya gusto pero nacu-curious ako sa kanya. Duh, magkakagusto na nga lang ako, sa bata pa sa'kin? Nah. Ang mga teenager na katulad niya, madalas ay hindi consitent ang mga decision sa buhay. They are impulsive, and it often leads to many mistakes. Pero siyempre, ganoon naman talaga, hindi ba?

"Kanina ka pa gising?"

"Hm, mga 2:30 am." Sagot niya na hindi lumilingon sa'kin. Naubos na niya yung kape kaya nagtimpla pa ulit siya. "Ganitong oras ako mag-review."

Oh, I see. Ngayon ko lang naman kasi siya nakitang nag-review talaga. Mas madalas ko kasi siyang makita na ini-scan lang yung mga lecture notes niya tapos magbabasa na ulit ng Wattpad. Adik yata siya roon. I mean, adik siya sa pagbabasa. Marami siyang libro. Most of the books na nasa library ng bahay ay sa kanya. Nalaman ko pa kina kambal na nabasa na niya ang eighty-five percent ng mga librong naka-display roon. Pero ang nakakaloka, himalang pumapasa siya sa mga units niya. Seriously, she's a genius. Nakadagdag sa pagiging fast learner niya ang bilis ng memorization skills niya.

"Bakit ba nakatingin ka sa'kin?" Naiiritang tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Hinagis niya sa'kin yung color pink na cattleya niya na nasalo ko naman. "Hindi ako makapag-concentrate. Huwag ka ngang tumingin!"

Ang taray!

"Nagtataka lang ako kung bakit blue ang mata mo." Pagdadahilan ko na lang since napansin ko naman agad ang mata niya.

Tinakpan niya ang mata niya mula sa akin and yumuko pa siya ng slight, "Eh, sa blue, eh. May Filipino naman na gano'n. Hindi ka ba nanonood ng news?"

Kung sabagay. May ganoong case nga. Madalas pa nga ay pure Filipino yung may ganoong case. Ang slow ko lang minsan.

Bigla naman siyang nag-ayos ng gamit at tumayo na. "Matutulog na ako. Ang gulo mo."

Pinanood ko lang siyang maglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Ako pa ang magulo, eh, siya itong maarte sumagot. Pagkatapos kong maubos yung kape ay pumunta na rin akong kwarto ko. Makatulog na nga lang ulit.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ng kwarto ko ay napansin kong nakaawang ang pinto ni South. Napailing tuloy ako. Nalimutan niya sigurong isara ito. Pasimple akong sumilip sa kwarto niya. In fairness, malinis ang loob, ha. Nakita ko ang mga reviewer niya na nakatambak lahat sa kanyang study table habang siya ay nasa kama, nakaupo, yakap-yakap ang mga tuhod.

Akala ko ba matutulog na siya?

Isinara ko na lang ng dahan-dahan ang pinto niya para hindi niya ako mahalata then bumalik na ako sa sariling kwarto ko. Humiga ako at tumingin sa kisame. Hindi ako naghahanap ng butiki, nag-iisip ako. Napapaisip. Bakit kapag mag-isa lang siya, para talagang may something sa aura niya na nagpapalamig ng paligid niya?

Napabuntong hininga ako. Makatulog na nga lang.

--

"Si South?" Tanong ko nang makarating sa living room. Nakapag-ayos na ako at balak ko sana na sabay na kaming lahat pumasok.

"Kanina pa umalis, eh." Nakangusong sabi ni East habang bini-braid ni West ang buhok niya. "Baliw nga 'yon, nagpapayakap ako tapos hindi man lang ako pinapansin."

"Wala lang siya sa mood," sagot ni West sa kapatid. Tinanguhan ko lang siya nang tanguhan niya ako.

"Wala sa mood pero ang sipag pumasok?"

Opposite talaga 'tong kambal na 'to. Parehas na silang nasa sixteen at nasa grade ten na though hindi halata dahil masyadong mature ang physical appearance nila. Si North naman ay kaparehas ko lang ng katawan while si South, well, isa siyang nineteen year old na babaeng nakakulong sa katawan ng katorse anyos na high school student.

Kaya nga bata siya.

"Hayaan ninyo na nga 'yong ate ninyo," singit naman ni North habang inaayos ang pagkaka-pony ng buhok niya. "Tinotopak na naman 'yon."

Lagi namang may topak 'yon.

"Morning, North." Bati ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Ganda natin ngayon, ah? Sabi ko naman sa'yo, hindi mo kailangang magpaganda para sa'kin."

Sukat namang inirapan ako ng napakabait kong bespren. "Tumigil ka nga, Jade Asia Lipton. Umagang-umaga naninira ka ng araw."

Napakunot ang noo ko. "Anong Lipton? Leighton 'yon! Nilaga ka!"

"Pikon."

Hindi na ako sumagot. Bahala siya riyan. Pikon daw, hindi naman ako pikon. Mas pikon siya. Kami na lang ang magkasama sa sasakyan pagkatapos naming maihatid sina East at West sa school nila.

"Jade."

Tumingin ako sa kanya at napa-tilt ng ulo pakanan. Sa daanan lang siya nakatingin

"Kapag wala ako o ang kambal, babantayan mo lagi si South, okay?"

Napatango na lang ako. Ewan ko ba sa magkakapatid na 'to, masyado silang concern at protective sa batang 'yon. Mukha namang kaya ni South ang sarili niya, ano pa bang kailangan nilang problemahin? Bakit, nakakabaliw ba ang sobrang katalinuhan, talent, at ang pagiging moody? Kung oo, aba, swerte kong loko-loko ako.

Pagkababa namin ng sasakyan after niyang mag-park ay pumasok na kami sa loob ng university. Pagkatapos naming mag-log in sa guard house ay hinawakan niya ako sa braso. "South is impulsive."

Pagkatapos no'n ay pumunta na rin siya sa sariling faculty at ganoon din ako. Impulsive, huh. Ganoon naman talaga lahat ng teenager.

Wala pa naman akong klase kaya lumabas muna ulit ako ng faculty pagkatapos kong makipagbatian sa mga co-teachers ko. Nakakainip kaya lalo na kung walang maganda sa loob. Pulos lalaki, kaimbiyerna. Oh, well, wala naman silang alam sa bisexuality ko.

Papunta dapat ako sa cafeteria pero bago 'yon ay madadaanan ko muna yung room na bakante na at pinagpa-planuhang gawing storage room. Marami kasing nakatanggap na reklamo na may nagpaparamdam daw dito sa kwartong 'to. Seriously, masyadong matatakutin ang mga Pilipino.

Sumilip ako sa glass window at napansin kong may tao. Black kasi yung glass so hindi agad makikita kung may tao sa loob o wala. Hala, baka may multo nga? Okay. Jade asia Leighton, stop scaring yourself.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob. Hindi naman pala naka-lock.

"Ma'am?"

"Oh." Sinara ko ang pinto. Si South pala ang nandito. "Anong ginagawa mo rito?"

Pinakita niya sa akin yung ginagawa niya. Nagpa-painting siya. Saka ko lang naalala na may talent nga pala siya sa art. Oo nga 'no, siya nga pala may gawa ng mga paintings sa bahay.

Tinuloy na ulit niya yung ginagawa niya. Naka-messy bun siya kaya kita ko ang makinis niyang leeg. Napalunok tuloy ako and at the same time ay nawirduhan sa sarili ko.

Bata 'yan, Jade. Huwag mong pagpantasyahan.

"Anong pine-paint mo?"

"Ah," Napangiti siya at kumagat sa lower lip niya. "Hindi ko alam."

"Baliw."

"Mas baliw ka," sagot niya pabalik.

Mas baliw nga yata ako. Para kasing ang seductive ng ginawa niya—hindi ako pervert pero ano itong pinag-iisip ko? Ang halay!

Umupo ako sa isa sa mga armchair at pinanood na lang siya. Hindi niya raw alam ginagawa niya edi huhulaan ko na lang.

"Wala kang class?" Tanong ko habang pinapanood yung pagco-combine niya ng color na hindi ko naman ma-gets. Ini-spread niya ang brush niya sa papel. Ay, hindi ko talaga ma-gets!

"Absent ang prof," maiksing sagot niya.

Humalumbaba na lang ako at tiningnan ang kamay niya na may hawak ng paint brush. Maiksi lang ang kuko niya, which is advantage din sa mga taong nagdro-drawing katulad niya. In fairness, ang ganda ng kamay.

Unti-unting naging malinaw sa akin ang ginagawa niya. Parang galaxy yung pinipinta niya. May moon sa upper left side. Sa right side, parang malaking mapple tree, naka-silhouette style pero mahahalata pa rin kung anong klaseng puno. Napahinto siya bigla and napatingin naman sa itaas.

"Anong problema?" tanong ko.

Tumingin siya sa'kin at halos mapatulala ako dahil sa asul niyang mata. Ang ganda kasi ng pagkaka-asul ng mata niya. Yumuko siya at iminuwestra ang paint brush. "Iniisip ko yung idadagdag ko."

"Ang ganda ng mata mo."

"Hindi maganda."

Napaka-ano ng babaeng 'to. Siya na nga pinupuri tapos siya pang maarte.

"Mas maganda ang sa'yo." Tumingin siya at nilapit ang mukha sa'kin. Titig na titig siya sa mata ko kaya medyo nakakailang. Nakakatunaw kasi. Damn. Kung anu-ano na pinagsasabi ko.

"A-alam ko, 'no." Taas kilay na sagot ko at nagkunwaring hindi affected sa kanya. Though hindi ko alam kung anong maganda sa itim kong mata. Tiningnan ko yung ginagawa niya. "Tapusin mo na lang 'yan."

Sinunod naman niya ang gusto ko. Nag-paint siya ng parang damuhan, dark green ang kulay no'n. Then, gamit ang black na paint ay gumawa siya ng human silhoette ng isang lalaki pero bigla siyang napahinto. Humigpit ang grip niya sa paint brush.

"Anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ko habang nililigpit niya yung mga art materials niya. Pumasok siya sa banyo ng room na 'to dala ang mga paint brush, lumabas siya na malinis na iyon. "Hoy, South."

Tinago niya 'yong papel na ginagawan niya sa isa sa shelves na nasa gilid ng kwartong ito. Mukhang dito talaga siya naglalagi.

Tumingin siya sa'kin. Noong una, hindi ko mabasa ang expression niya pero nagulat ako nang ngumiti siya. Humawak siya sa kamay ko na akala mo ay close kami. Ang lambot ng kamay, ah.

"Tara na, Ma'am." Pag-aaya niya at hinila-hila ako palabas.

"Wait." Hinila ko rin siya at hinawakan ang magkabilang braso niya. Na-realized ko na ang liit niya, hanggang balikat ko lang siya, eh. Nakatingala tuloy siya sa akin. "Bakit hindi mo tinapos?"

Hinawakan niya parehas ang kamay ko at hinawakan ito na katulad ng sa mga magkasintahan, naka-intertwine. "Tinamad na ako. Nanonood ka kasi."

"Ano naman?" Pinanlisikan ko siya ng mata. Hinila ko ang kamay ko pero ayaw naman niyang bitawan. Buti na lang hindi niya binitawan. Okay, bitawan na niya sana kahit ang lambot at ang sarap hawakan ng kamay niya.

Ngumiti lang siya at bumitaw na nga and I suddenly miss its warmth. "Pangit mo."

Napanganga ako sa sagot niya. "Anong—hoy, South!"

Iwanan ba naman ako rito? Para siyang bata na tumakbo at tinakasan ako. Grabe. Impulsive nga talaga. Nakakainit ng ulo. Ang ganda-ganda pa naman ng ginagawa niya pero bakit kasi hindi niya tinapos?

_____

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 58.6K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
1.7M 47.2K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
3.1M 86.5K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
719K 23.6K 53
GxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of ho...