Bromance: An Enrique Gil-Dani...

By August_jacinto

100K 796 145

Hope you enjoy this. More

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla Story
Character's Description
Chapter 1: The First Time Ever I Saw Your Face
Chapter 2: Getting To Know Each Other
Chapter 3: Can't Help Myself
Chapter 4: Jealous Guy
Chapter 5: You And I
Chapter 6: All Of Me
Chapter 7: I Love You, Goodbye?
Chapter 8: Let's Stay Together
Chapter 9: Secret Lovers
Chapter 10: The Truth About Love
Chapter 11: Friends and Lovers
Chapter 12: What Might Have Been
Chapter 13: Forgiveness and Love
Chapter 14: Dirty Little Secret
Chapter 15: Welcome Back
Chapter 16: I Found Out
Chapter 17: How Could You Say You Love Me?
Author's Update
Chapter 18: What Hurts The Most
Chapter 19: Start Of Something New
Chapter 21: Anything Could Happen
Chapter 22: We Used To Be Friends
Chapter 23: Only Reminds Me Of You
Chapter 24: God Only Knows
Chapter 25: Happy Birthday
MUST READ! Author's Update
Chapter 26: Give Me Love
Chapter 27: Welcome To My Life
Chapter 28: I Think We're Alone Now
Chapter 29: Roadtrip
Chapter 30: Ghost Of You
AUTHOR'S UPDATE
Chapter 31: I Remember The Boy
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Fix You
Chapter 34: Danger
Chapter 35: I'm Begging You
Chapter 36: He Did It

Chapter 20: Thank You

994 14 4
By August_jacinto


Dahil wala nang choice si Enrique ay pumayag na itong sumabay pauwi kay Ronnie.

"Astig nitong sasakyan mo. Mukhang RK ha, naka Peugeot. Anong model nito?" sambit ni Enrique habang nag-susuot ng seatbelt.

"Salamat. Peugeot RCZ ito. Sa father ko ito, pero since nag-migrate na sila sa New Zealand at ako na lang naman ang natira dito sa Pilipinas, sa akin na lang niya binigay." sagot ni Ronnie.

"Bakit, hindi ka sumunod sa kanila sa New Zealand? Balita ko ang ganda daw doon." tanong ni Enrique.

"Actually, sumunod naman ako sa kanila for a year, pero hindi ko nagustuhan ang pagtira ko doon. Korny man, ang sarap pa rin tumira dito sa Pilipinas." sagot ni Ronnie. "Alis na tayo bro?" tanong nito.

"Sige bro. I'm all set." sagot naman ni Enrique.

Sa unang tatlumpung minuto ay naging tahimik ang byahe nila Ronnie at Enrique. Naiilang pa rin si Enique dahil naaalala niya ang nangyari sa CR. Nagdadasal siya na sana hindi siya nakilala ni Ronnie.

"Pinsang buo mo ba si Jon." sambit ni Enrique.

"Oo, father ko at mother niya ay magkapatid." sagot naman ni Ronnie. "By the way if you don't mind me asking, ano palang full name mo?" dagdag nito.

"Enrique Mari Gil. Mari without E." sagot naman ni Enrique.

"Is Mari your middle name or your second name?" tanong pa ni Ronnie.

"Mari is my second name. Bacay ang middle name ko." sagot ni Enrique.

"Parang hindi kita nakita sa party ni Jon last year." sambit ni Ronnie.

"Ah, oo kasi ngayon ko lang nakilala si Jon. Transferee ako." sagot naman ni Enrique.

Ah, kaya pala. Favorite color?" tanong ni Ronnie.

Nagulat si Enrique sa tanong ni Ronnie. Napatingin ito kay Ronnie at hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ni Ronnie.

"Sorry bro. Nagulat ka ata. Aside sa kailangan kong magising while driving. Gusto ko lang sana makilala yung kasama ko dito sa sasakyan." sagot ni Ronnie.

"No bro. It's okay. Favorite colors ko ay Red and Black. Ikaw ba?" sagot ni Enrique.

"Ako? Blue is my favorite. Hindi ko alam kung bakit, pero nakakarelax yung color na yun." Sagot ni Ronnie.

"Blue means trust, honesty and loyalty." Biglang sambit ni Enrique. "It is sincere, reserved and quiet, also, blue is a color that seeks peace and tranquility above everything else, promoting both physical and mental relaxation." dagdag pa nito.

Nagulat at napangiti si Ronnie sa narinig na komento mula kay Enrique.

"Hanep bro, may alam ka pala sa Color Psychology?" sambit ni Ronnie.

"Medyo. Napag-aralan ko kasi yan dun sa school na pinanggalingan ko." sagot ni Enrique. "Oo nga pala, sa Howard University ka rin ba nag-aaral?" dagdag ni Enrique.

"Hindi bro. Sa JPU ako nag-aaral." sagot ni Ronnie.

Nagulat si Ronnie sa narinig at napatingin ito kay Ronnie. Hindi ito makapag-salita. Hindi niya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Hindi niya alam kung ang JPU ba na tinutukoy ni Ronnie ay ang JPU na pinanggalingan niya.

Napansin ni Ronnie na nakatingin sa kanya si Enrique kaya lumingon ito. Kita sa mukha ni Enrique ang pagka-bigla sa sinabi nito.

"Are you okay? Parang namutla ka ata?" tanong ni Ronnie.

"Sorry, I'm fine. Jansen-Pilliterri University - Manila ba yung tinutukoy mo?" tanong ni Enrique.

"Yes bro. Alam mo yun?" tanong ni Ronnie.

"Doon ako galing bago ako lumipat sa Howard." mahinang sagot ni Enrique.

"Really?! Wow! Bakit ka naman lumipat sa Howard?" tanong ni Ronnie.

"Things got complicated." ang tanging nasagot ni Enrique na napatingin na lang sa labas ng sasakyan.

"Siguro napakabigat ng "Complication" na yun dahil kailangan mo pang lumipat ng school." tanging nasambit ni Ronnie.

"Sobra. Sobrang bigat." malungkot na sambit ni Enrique.

Sa hindi inaasahang pangyayari, inakala ni Enrique na tanggap niya na ang nangyari, pero sa mga napag-usapan nila ni Ronnie ay parang nararamdaman na naman ni Enrique ang sakit na kanyang naramdaman.

Naging tahimik na ang buong byahe simula noon hanggang makarating si Enrique sa tinitirhang dormitory

"Salamat sa paghatid Ronnie." sambit ni Enrique.

"No problem bro." Sagot naman niya.

"Ingat sa byahe." sambit ni Enrique bago niya isarado ang pinto ng sasakyan at pumasok sa tinitirhang dormitory

Simula nang lumipat si Enrique sa Howard ay lumipat na rin ito ng tinitirhan. Hindi man kasing laki ng dati nitong dorm ay malayo naman ito kung saan nakatira si Daniel.

Kinapa ni Enrique ang kaniyang cellphone sa bulsa pero wala ito roon. Hinanap niya rin ito sa kanyang bag pero di niya rin ito mahanap. Naisip niya na baka naiwan o nalaglag ito sa sasakyan ni Ronnie. Naisipan ni Enrique na ipasabukas na lang ang paghahanap sa cellphone nito dahil pagod at exhausted na siya.

Alas otso na ng umaga nang magising si Enrique. Agad itong naligo at naghanda para puntahan ang isa sa mga kaibigan. Magbabaka sakali siya na kung sa sasakyan man awala ang kanyang cellphone ay makikita ito ni Ronnie kaya susubukas niyang tawagan ang cellphone niya.

Makalipas ang isang oras ay natapos na sa pagaayos si Enrique. Agad siyang lumabas ng tinitirhang dormitory at nag-abang ng jeep na masasakyan. Napansin niya ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa kabilang bahagi ng daan sa tapat ng kanyang dormitory. Pamilyar ang puting sports car na nakaparada doon. Pinili ni Enrique na tumawid para tignan kung ito ba ang sasakyan ni Ronnie.

Nang makatawid ito ay sinilip niya kung may tao sa loob. Nakita niyang natutulog si Ronnie sa driver's seat. Napansin niya ang mala anghel na mukha ni Ronnie habang natutulog. Tinignan niya ang mukha nito mula sa noo, pababa sa matangos nitong ilong at sa mapupula niyang labi. Nagising na lang siya sa katotohanan ng biglang nagising si Ronnie.

Binaba ni Ronnie ang nakasaradong bintana para kausapin si Enrique.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Enrique. Hindi niya maisip ang dahilan kung bakit iyon ang tanong na lumabas sa kanyang bibig kahit alam at obvious naman ang dahilan ni Ronnie.

"Ah, bro. Naiwan mo kasi itong phone mo. Hinihintay kitang lumabas pero di ka lumabas." sagot ni Ronnie habang ang mata ay mugto dahil sa pagtulog.

"So, di ka pa nauwi simula kagabi?" tanong ni Enrique.

"Mmmm, yup." nakangiting sagot ni Ronnie. "Ito na pala phone mo. Chinarge ko na rin yan kasi palowbatt na kagabi." dagdag pa nito habang iniaabot ang naiwang cellphone ni Enrique.

Kinuha ni Enrique ang cellphone mula sa kamay ni Ronnie.

"Sige bro. Uuwi na ako." sambit ni Ronnie.

"Salamat pala dito." sagot ni Enrique.

"Walang anuman bro. Naisip ko lang kasi na hassle sa ating parehas kung hindi kita hihintaying kunin ang cellphone mo." sambit ni Ronnie. "Teka nga pala, nagbreakfast ka na ba?" dagdag pa niya.

"Breakfast? Hindi pa. Bakit?" tanong ni Enrique.

"Tara, breakfast tayo! My treat." sagot naman ni Ronnie.

"Huh? Your treat? Ikaw na nga naghintay magdamag dito sa labas para maibigay ang phone ko tapos manlilibre ka pa. Don't you thing that's unfair?" tanong pa ni Enrique.

"Edi KKB." sagot naman ni Ronnie.

"No. Let me treat you, para naman kahit papaano makabayad ako dito sa ginawa mo." nakangiting sambit ni Enrique.

"Deal. Tara! Pero pwede bang makahingi ng request?" tanong ni Ronnie.

"Sure! Ano ba yun?" tanong naman ni Enrique.

"Pwede bang maghilamos muna ako at magtoothbrush sa apartment mo?" tanong ni Ronnie.

Hindi nagdalawang isip si Enrique at agad itong pumayag sa request ni Ronnie.

*************************************************
Sorry kung late ang updates ko lagi. But I hope magustuhab niyo to.

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 796 28
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
2.6K 329 21
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
337K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...