Let Me Be The One

By xcxlvxxllxx

5.5K 159 59

Friendship over love. Bestfriend before boyfriend. Sisters before misters. But what if both you and your best... More

Let Me Be The One
Chapter 1: Stick Together Forever
Chapter 2: Sorry progressive tayo ngayon
Chapter 3: Movie Night
Chapter 4: Lollipop and Mayree Cyniel Orteza
Chapter 5:This Is Your Fault
Chapter 6: Kate's Style (part1)
Chapter 7: Kate's Style (part 2)
Chapter 8: Kate's Style (Part 3)
Chapter 9: Kate's Style
Chapter 10: Wow chivalry isn't dead guys!
Chapter 11: Saan ba nakalagay yung gamot mo ah?
Chapter 12: Papa God mamamatay na ba ako?
Chapter 13: The Answer is still NO
Chapter 14: Baby I'm so lonely lonely lonely lonely (part 1)
Chapter 15: Baby I'm so loneely lonely lonely (Part II)
Christmas Special
Chapter 16: Sir Jacob?
Chapter 17: Why are you here?
Chapter 18: 10% chance of rain
Chapter 19: Miss de Guzman
Chapter 20: Don't touch me
Chapter 21: Nag iisa lang talaga ako
Chapter 22: Please pakisagot naman ako
Chapter 23: Make fun of me
Chapter 24: Baka mawrong turn kayo
Chapter 25: Kinikilig ka ba?
Chapter 26: Eh kasi naman ang cute ni Maffy eh
Chapter 27: Don't tell me
Chapter 28: Feeling ko pinagtaksilan ko sila
Chapter 29: Nag ingat ako
Chapter 30: Hindi video scandal, okay?
Chapter 32: 6 roses
Chapter 33: Perfect Relationship
Chapter 34: Dahil kay Maf
Chapter 35: Crush mo ako eh!
Chapter 36: Student ko noon
Chapter 37: Baka nga
Chapter 38: Nakunsensya ba ako?
Chapter 39: Wala kang kawala sa akin
NOTICE

Chapter 31: True or False

49 3 0
By xcxlvxxllxx

Chapter 31: True or False

Berry's POV

Okay.....

Ang weird ng best friend ko. Ang hyper nya na di mapakali. Halatang may secret sya eh. Natatawa na lang ako deep inside but curious cat pa din.

Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya and ang gulo ng response nya.

Nung may nagtext sa kanya, di pa ako nakakablink hintak niya na agad ako papuntang terminal ng mga tricycle.

Hindi halatang nagmamadali siya. Hays, kung magsisecret man dapat di sinasabihan si bes eh. Masyadong pahalata. Dapat siya na lang yung di sinabihan haha

After 18 minutes nakarating na kami ng bahay. Medyo malayo din house namin from the mall kaya ang mahal ng binayaran KO. Yes, wala pong pera ang mabait kong best friend. Ang sweet nya talaga. Hays.

"Sorry na bes," pang ilang sorry nya na yan simula pagkababa namin ng tricycle.

"Utang yun ah!" sabi ko pagkapasok ng bahay.

"Sorry, gutom na talaga ako kaya di na ako nakapag isip." Tapos nagpuppy dog eyes sya. Kunwari tampo ako, di ko na pinansin.

"Manang Claire, I'm home!" Sigaw ko. Feel ko lang magsabing I'm home. Huehue

Hindi sumagot si Manang kaya naisip kong pumunta ng kusina kasi don siya madalas nakastay. Iniwan naman namin ni bes yung bag namin sa sofa bago pumunta ng kitchen.

"Weird," sabi ko nung nakita kong wala si manang doon.

"Baka naman natulog na si manang?" sabi ni bes.

"Aga pa kaya! Tsaka walang pagkain oh, di naman matutulog yun ng di ako paglulutuan ng dinner," may halong tampo na sabi ko.

"Hala siya, nagdrama pa. Punta na lang tayo kina Ser pogi, doon tayo makikain!" sabi nya na parang bright idea yun. Grabe, di na nahiya makikikain pa.

Baka nga galit sa akin yun eh, di kasi ako nagpaalam man lang sa kanya. Silent treatment nga binigay nya sa akin ngayon eh, di ako tinadtad ng text.

Dumaan naman kami papunta sa backdoor para sa backyard namin kami dadaan kasi may entrance doon papunta kina Jake.

Pagkabukas ng back door namin, nagulat ako. As in napanganga at nanlaki mata.

"Advance happy birthday Berryyyy!" Sigaw nilang lahat.

Di pa din ako makagetover sa gulat. Sino ba naman kasing magugulat? Nandito sina Mommy and Daddy, tapos yung buong classmates ko, madami ding schoolmates ko, si Jake and mga kapitbahay namin. Ang daming tao!!

And take note, nakasemi-formal sila. Yung girls nakacocktail dress and heels tapos young boys naman mga nakapolo pa! Ang bongga naman. OP kami ni May kasi nakauniform kami. Si Manang din nakadress, ang cute eh. May color coding pa, mga nakafucshia pink, purple or white sila.

Tapos, ang ganda ng backyard namin. Buti nga malaki eh, kaya naaccomodate yung dami ng tao. Ang liwanag nga eh, dahil may spotlight na nakatutok sa amin. Tapos punong puno ng flowers, mostly roses, and balloons yung paligid.

May mga high tables na mukhang inarrange ng magcater, yung para sa bar pero mas malaki ng konti, tapos ang center piece, flowers. May 7 chairs per table. Ang motif ng paligid carnation pink and baby lavender.

Sa pinakadulo, may stage. May nakaset up sa isang side na 3D letters na Berry tapos sa kabila 3D naman ng 16. Tapos sa gitna may elegant looking na chair. May balloons and flowers din. May malawak na space sa harap ng stage bago yung mga tables.

Nakakaiyak.

Syempre, tears of joy.

Akala ko simpleng handaan lang kami for my birthday, di ko naman nakalimutan yung birthday ko eh. Actually, bukas pa kasi yun, kaya no wonder di ko naisip na para doon.

"Baby, don't cry," sabi ni mommy tapos biglang nagplay yung intro ng kanta ng EXO na baby don't cry haha joke lang. Lumapit siya then niyakap ako.

"Mommy, ang ganda! Thank you!!"

"Hindi ka dapat sa akin nagtethank you, sa classmates mo dapat. Sila nagdecorate nyan, kami lang ng dad mo ang nagcontact ng catering. Your classmates did a good decorating the place, right?"

Kaya pala ang weird nila kanina!! Sila pala mag aayos nito. Napatingin naman ako kay May, nakangiti sya ng malapad sa akin. I smiled back and mouthed thanks. Then, nilibot ko yung mata ko sa paligid, nakangiti din silang lahat.

"Tara Berry, change outfit ka," sabi ni Ms. President tapos sumunod kami ni May sa kanya. Nakawhite tube cocktail dress siya na long back. Ang sexy niya nga eh kasi sobrang ikli lang nung dress, so di pala sya cocktail. Net yata yung tela na ginamit basta.

Pumasok kami ulit sa bahay para magpalit.  Nakita ko sina Amber na nandon din at ang dress na susuotin ko. Pinasuot na nila sa akin yung dress bago daw ako makeup-an at ayusan ng hair.

Isa siyang full black tube long dress. Korteng korte ang sides ko pero hindi siya pasexy tignan. May slit siya sa left side. Tapos may design na dalawang pocket sa bandang hips. Ang simple pero sobrang ganda nung dress. Feeling ko di ko madadala tong dress. (Sa mm yung itsura ni Berry ngayon)

For shoes, black 5-inches stilettos. Plinantsa ni Amber yung buhok ko ng straight, bumagay siya sa gown kasi simple tignan. Natural make up lang, eyeliner at lipstick.

"Pwede bang magshare ka naman ng ganda mo sa amin?" sabi ni Amber. Natawa naman ako.

"Wag mo na ako bolahin, makakakain ka naman sa handa eh," pabiro kong sabi.

"Swear, Berry. Maladyosa yung ganda mo today. Kahit yata magpambahay ka lang eh, standout ang beauty mo mamaya eh." Ang oa naman ni Pres.

"Sana pala pinapangit ko makeup mo," joke ni Amber tapos nagtawanan kami.

Natapos na yung kay May after 6 mins. Pagtingin ko sa clock namin magna9 na pala. Medyo napatagal ang pag aayos namin. For sure gutom na mga bisita.

"Ayos na pala yung celebrant eh," sabi ko pertaining to my bes.

"Kaloka kasi nung buhok ko kanina. Sa sobrang kaba ko, nagsabog siya. So sorry kung talbog ko beauty mo." Ang ganda ng ayos ng best friend ko. Ang sexy nung long gown niya, color violet siya na malapit sa brown tapos may pattern. Tapos may hati sa waist niya, Basta yung kita waist niya.

"Kami ni May emcee mo Berry," sabi ni Pres.

"Thank you girls ah, super effort kayo for my birthday. This is one of my happiest birthdays," teary eyed kong sabi. Naggroup hug namin kami saglit bago lumabas si Amber at Pres para iannounce na ready na ako. I'm so happy to have such great friends.

"Let's now see how gorgeous our celebrant is, we now welcome Strawberry De Guzman," pag introduce ni Pres then lumabas na ako ng backdoor namin with the help of May.

May fog effect pa sa may pinto, and nakatutok talaga sa akin yung spotlight. May mga flash din ng camera and mga palakpak akong narinig. May hiyawan pa nga eh. Ako naman, nakagrin lang. Hindi pilit dahil I'm so happy at the moment.

Naglakad ako papuntang stage, dahil sabi ni May. For the opening of the program.

Si Mommy ang nag offer ng opening prayer then after a while, nagbigay lang konting introduction si May.

"Good evening sa lahat! Alam ko namang gutom na kayo so iiklian ko lang to. We, your classmates, families and friends, all help just to see that beautiful smile on your face right now. Kaya let's show Berry, how special she is with all the surprises we prepared just for her as she turns 16 later. Advance happy birthday Berry, we all love you!" May said. "So, kainan naaaa!"

Parang si the flash yung mga kaklase ko papuntang buffet, halatang mga gutom eh. Pinabayaan munang makakuha na lahat ng pagkain and almost 45 minutes na after 9.

"Let's play a game!" Sabi ni Pres sa mic. Nakakain naman na halos lahat kaya game sila.

"Hindi naman to active game kaya don't worry kahit kakakain lang. Ang game na ito ay tungkol kay Berry. Ang team division ay sa per table. And exempted ang parents ni Berry sa game na to." Narinig kong nagreklamo si Mommy. Ang cute, gusto makilaro.

"Sorry Tita, for sure mananalo kayo sa game na to eh kaya para may thrill, yung iba na lang maglaro. No coaching! May magbibigay ng dalawang flash card sa table niyo. Nakalagay sa flash card, True and false, respectively. Yes, ang game is about likes and favorites ni Berry. 10 seconds ang thinking time per statement. Kapag nagkamali ang table niyo, out na kayo from the game, okay?" Pagpaliwanag ni Pres.

"Nakita ko yung prize kanina, at gusto kong sumali!" Nakapout na sabi ni May sa mic. Nagsitawanan naman ang lahat. Nakita ko yung iba nakagame face on na. Haha at least napump up sila magparticipate.

Nakita ko namang nagpamigay ng flash card yung mga waiter. Bale may 19 tables, minus table nina Mommy.

"First statement, strawberry ang favorite fruit niya. True or false? Easy level to," sabi ni May. Nagcountdown si May from 10 to 1 bago sabihing show the flash card.

"Berry, true or false?"

(left si Ms. President, middle si Berry, sa right dress si May. Imagine na gabi yung setting)

I looked around at the answers per table bago nagchuckle at sinabing true. And walang natanggal, hmmm paano nila nalaman na favorite ko yung strawberries? Haha

"Well, warm up lang yan guys! Nagprepare ako ng madami at hard questions kaya let the battle begin," excited na sabi ni May.

Kahit di ako kasali, nag eenjoy ako panoorin sila. Puro about lang sa favorites ko yung mga tinanong. Nakikita ko si Mommy na nagtuturo sa ibang table, napapailing na lang ako. Nag eenjoy din naman lahat kaya ang saya.

Nakaka8 na question na si May at 3 table na lang natira. Hmmm, table ng pinsan ko yung isa, kinocoach sila ni Mommy kaya nakaabot pa sila.

Yung isa, table ng boys ng section namin which shocked me kasi kilala nila ako. Guess what, kung sino ang akala mong di nagpepay attention sayo, sila pa yung mas may alam.

And yung huli is, ehem, table ng boyfie ko. Syempre, di siya magpapahuli.

Madaming natanggal nung question about sa favorite color ko. Tanong kasi, Pink ang favorite color ni Berry. Which is false kasi blue favorite ko. Inassume nila na pink kasi nga motif ng party ko yun. Sinadya yata nina May yun para di give away.

"Crush ni Berry si Sir Jacob, true or false," sabi ni May tapos nagwink siya sa akin.

OMG.

Sa lahat ng pwedeng itanong, yan pa? Aasarin nanaman ako. Napatingin nga ako sa boyfie ko eh. Ngiting ngiti sya, I cri. He's enjoying this much.

Buti na nga lang, kasama nya sa table yung classmate niya nung college na teacher din sa school. Teacher namin siya sa science. Close din ng section namin yun, dahil pogi at bagets hahaha may ilang classmate kami na katable sila

"Flash cards up!" sabi ni May. "So, Berry true or false?" pang aasar niya sa akin with matching taas baba ng kilay.

With blushing face, oo buong mukha di lang cheeks, I answered, "True." Then, naghiyawan ang guest. Pinilit ako ni May guys, swear! Wag daw akong KJ.

Gusto ko ng magtago.

Kahiya!!

Napaamin tuloy ako ng wala sa oras.

Tawa ng tawa si May. And tuwang tuwa si Jake. Akala ko birthday celebration ko ito? Bakit nila ako inaasar?

"So, false ang nabulong ni Tita kaya sorry, tanggal na table niyo," sabi ni May. Nagtawanan naman ang lahat and ako namumula pa din.

Sina Jake at yung boys, true sagot eh. Ang feeling talaga ni Jake, ugh.

Di ko siya crush okay?

"In my defense, kaya false kasi hindi naman crush ni Berry si Jake," paliwanag ni Mommy nung inagaw nya yung mic. True mom! Kilala mo talaga ako Mommy!! Tumango tango pa ako as a sign of agreement sa sinabi nya.

"Kasi love niya yun," pagtuloy niya and mas lumakas yung hiyawan. Nashock ako ng saglit.

Why????

"Mommy!!" pagdabog ko ng konti. Nakijoin pa siya, akala ko kakampihan nya ako.

"Bago pa magngawa si Berry dito, lezz continue with the game," pagchange topic ng aking bes.

"Magaling magluto si Berry, true or false?"

Both tables showed false. I cri, alam kong di talaga.

"True po yan," pagjoke ko. Frustrated cook me eh. "Heh! Liars go to hell. False sagot so walang tanggal!" kill joy na sabat ni May. Nagglare ako sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Hawaiian pizza flavor ang favorite nya, true or false?"

False ulit tinaas nila parehas. Cheeselovers fave ko.

"Iniistraw ni Berry yung tubig, true or false?" True sagot. And tama sila both.

"Dahil ayaw magpatalo ng both teams, pumili kayo ng isang representative ng team niyo at pumunta dito sa harap. No coaching na talaga to. Piliin niyo yung kilalang kilala si Berry. And I volunteer kung ayaw niyo, just for the prize," suggestion ni May.

Di na ako nagulat na si Jake sa table nila. Di sya pinilit guys, tumayo na siya agad pagkasabi. Hays, kaya mahal ko yan eh. Mataas self confidence haha

Ang nashock ako sa kabilang team, guess who?

Si Maf lang naman po. Di din siya pinilit. Mataas din self confidence nito eh

"Ohlala, ang popogi ng players," comment ni Pres, nagtawanan naman yung iba.

"Hard level na to! Mga super close kay Berry lang nakakaalam," pagwarning ni May.

"Pero magtalikuran muna kayong dalawa. Face the sides, bawal lumingon sa guests or sa stage, Okies?"

Tumango naman yung dalawa tapos nagtalikuran. Dala nila yung flash cards.

"Since, hard level na to. Ibahin natin yung mechanics ng game. Magbibigay kami ng dalawang choices, a and b. If a ang sagot, itaas nyo yung true. Kapag b, false. Kasabay nyo itaas, kung true or false, si Berry. Gets?"

Ewan ko bakit kinabahan ako bigla. Feeling ko kasali din ako sa laro, pinagpapawisan nga kamay ko eh. Weird.

"A. Fish fillet or B. Chicken fillet" True tinaas nila both. Parehas tama

"A. Chocolate or B. Cookies and cream in terms of chocolate flavor" False parehas sagot nila. And tama.

"A. Sponge Bob or B. Patrick?" False ulit.

Nagtanong pa ng 3 si May and nakuha nila ng tama lahat.

Understood ko na matatama ni Jake, naguguluhan ako kay Maf. Luck lang ba yun o alam niya talaga?

Nako, lucky guess lang yan! Pero, lucky guess pa nga ba kung ganon na kadami natama?

Di ko naman nababanggit o naiikwento kaya Maf yun? So lucky guess nga?

"Wow! Di ko alam anong sasabihin ko. Pero, ang sarap siguro maging si Berry. Dalawang pogi ang kilalang kilala sya," biro ni Pres.

"Nung nakaraan, nagfafangirl si Berry sa dalawang Korean idols. Di siya masettle kung sino ang gusto niya. So, alam kong tricky question to kasi both gusto niya. Pero may napili sya. Si A. Ju Ji Hoon or B. Kim Hyun Joong?"

Di ko tinignan kung ano tinaas nilang dalawa habang tinaas ko yung sagot ko. Ewan, sobrang kinabahan ako sa question na yan eh. Unlike sa mga nauna, nakatingin ako.

I know, wild guess lang silang dalawa dyan dahil di ko nabanggit yan anywhere near Jake or even Maf.

Seloso boyfie ko kaya di ko sinasabi sa kanya yan. And lalo naman kay Maf. Sa bahay nina May ako nagfangirl nyan.

Naglakas loob akong tignan kung ano sagot nila, kasi medyo nanihimik lahat eh.

Si Maf, true.

Si Jake, false.

First time nilang magkaiba ng sagot.

Tinignan ko yung tinaas ko.

True....

------------------

"Three... Two... One... Happy sweet sixteen Berry!!!" Sabay sabay na bati ng lahat sa akin.

Ang sweet ng guest, nagstay sila para magcount down para salubungin yung totoong birthday ko.

Hindi lang yun, ang daming intermission number na prinepare nila for me. Grabeng effort sila, paano pa pagdebut ko na? Or wala na? Haha

Nagdisco disco na mga tao ngayon. Sabi ni Mom hanggang 1:30am lang daw yung sayawan kasi baka daw nakakaistorbo na ng sobra sa mga kapitbahay

Don't ask na about sa game. Ang awkward ng ending. Almost lahat botong manalo si Jake, since you know, crush ko DAW. Oh well, game lang naman yun. Not a big deal, I guess......





Continue Reading

You'll Also Like

28.2K 1.3K 19
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
59K 3.9K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING