Meeting My Ex As My Professor...

由 ma_rgarita

498K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... 更多

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 6

16.9K 403 8
由 ma_rgarita


Great, Naya. Exposure nanaman to! Paulit ulit na bulong ko sa utak ko habang sinasalubong ang bawat tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin ni Sir Calix.

Hindi ko alam kung tama bang desisyon ang sumabay pa sa payong nya. I feel like all these students are already killing and torturing me in their minds.

"Dito nalang." Mahina kong sabi at mabilis na lumipat sa waiting shed na hinintuan namin. "T-thanks sa pagsabay."

Tumango lamang ito bilang sagot at tinalikuran ako. He started making his way nang maalala ko...

"Sir!" Tawag ko sa kanya kaya naman napahinto sya. He looked at me. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya hanggang sa makapayong ulit ako.

He looked at me, hinihintay kung anong gagawin ko at mukhang nagtataka kung bakit tinawag ko nanaman sya.

Mabilis kong kinuha ang panyo nya na pinahiram nya sa akin noon nang umiyak ako sa harap nya unintentionally.

"By the way, ito na po pala yung panyo mo. It served me a help last night, thank you ulit." Inabot ko sa kanya ang panyo at tumalikod na.

I took my first step then next, and then the next one papalayo sa kanya. Hanggang sa isang nakakahiyang bagay ang nangyari.

I slipped. For goodness sake, nadulas ako!

Nakakahiya, nadulas ako!

Sana may teleportation power nalang ako para bigla nalang mawala. O kaya bigla nalang talaga akong maglaho. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya.

Nakita kong lumapit sa akin si Calix.

Pwede bang maglaho nalang? Nakakahiya sa kanya, pati sa lahat ng mga nakakakita.

"Are you okay?" He asked. Tumalungko sya sa tabi ko.

I gulped. Probably no, Calix! Ikaw kayang madulas dahil sa katangahan tapos tanungin kita kung ayos lang?

Umiling ako at ginalaw ang mga binti ko para makatayo nang maramdaman ko ang kirot sa kaliwa kong paa.

I did my best to look cool at pinilit na tumayo. Calix tried to help me by holding my hand but I don't think it helped. Masakit talaga.

"K-kaya ko na." Mahina kong sabi at pilit nalumakad pero makalipas lang ang ilang hakbang ay natumba na agad ako.

"You can't." Aniya.

Kinuha nya ang kamay ko para ipahawak sa akin ang payong nya. Kinuha nya pa ang isang kamay ko at isinabit iyon sa balikat nya. And the next thing I knew is, buhat na nya ako na parang bagong kasal kaming dalawa.

Oh god. Pano nangyari to?

"Ibaba mo ko. I can walk, Sir."

He seemed not to bother.

"Kaya kong maglakad." I demanded pero hindi nya parin ako pinapansin. I don't need his help.

"Hindi ko kailangan ng tulong. Please, put me down!" Nasasabi ko ito dahil sa hiya. Nauubusan na ako non kaya I'm trying to save what's left. Kung hindi nya ako tutulungan ngayon, makakalayo ako mula sa tingin ng iba. Mas magiging mabuti iyon.

"I can---"

"You can't. What's with that two words you don't understand, Naya?!" He asked, a hint of annoyance is very much evident on his voice. "Goddamn, stop being stubborn would you?!"

Hindi ako nagsalita at hinayaan nalang sya. Seriously, wala na akong mahanap na salita nang pagtaasan ako ng boses ni Calix. This is the first time in record. Kahit kailan hindi nya ako nasigawan kahit dati pa.

I swallowed. Wag kang iiyak, Naya. Napakababaw na rason.

I know people change as days and years pass by. Si Calix, nagbago sya. I should not be bothered we're no longer together.

Narating namin ang waiting shed habang buhat buhat nya ako. I kept my gaze down. I just can't look at him.

Pumara sya ng taxi kaya naman pinilit kong bumaba. I insisted to walk by myself kaya naman napatumba nanaman ako.

"See? Just this once, tigilan mo ang pagpupumilit." Ani Calix ng buhatin niya ako at tulungang sumakay sa taxi, pati sya, he rode in.

Flashback

"Calix." I whispered calling out his name.

Nagbabanta ng bumagsak ang luha ko pero pilit kong pinipigilang bumagsak iyon.

"Axel! Naya pushed me. I don't know why, pero ang laki ng galit nya sa akin!" Humahagugol na saad ni Leila, ang babaeng sumampal sa akin at sinabihang kanya lang si Calix kamakailan lang.

She's acting. At alam kong masyadong makatotohanan ang pagganap nya. Humahagugol syang nakasalampak sa sahig, gawa ng pagtulak ko sa kanya.

Yes I pushed her, but that's out of my intention. Gusto ko lang namang ipagtanggol ang sarili ko dahil nanguna sya sa pagsugod sa akin.

Hindi ko sinasadya.

Nagumpisa ng magbulong bulungan ang mga tao sa loob ng restaurant dito sa mall. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Please, Calix. Please wag kang maniwala sa kanya. Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa isip ko.

Patuloy sa paghagulgol si Liela at tinituro turo pa ako. Kapani paniwala talaga ang pag papanggap nya.

Nilingon ako ni Calix, "Naya, is it true?" He asked dryly.

Umiling ako, parang hindi ko kayang magsalita dahil alam kong mababasag lang ang boses ko.

"Liar! You're a damn liar, Naya! Why don't you tell Axel na may galit ka talaga sa akin?! You have threatened me to stay away from him but I didn't! That's why you're doing this to me!" Iyak nya.

Umiling ako. That's not true! Binabaligtad ang lahat. Sakin niya ngayon sinisisi ang lahat ng mga ginawa nya.

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi magawang lumabas ng boses ko.

Kumunot ang noo ni Calix sa sinabi ni Leila. Hindi ko sya mabasa, hindi ko alam kung ano na ba ang iniisip nya.

Lumapit sya kay Leila at inalalayan itong tumayo. "I don't think I can stand, Ax. I just broked my ankle."

Hindi ko alam kung umaacting lang ba sya o totoo yun, basta ang alam ko lang ay naniniwala si Calix sa kanya. Nakita kong binuhat nya si Leila, katulad ng buhat ng bagong kasal, kaya agad kong iniwas ang tingin ko sakanya.

Parang dinudurog ang puso ko.

Para akong na-out bigla sa picture. Kung saan ang main focus ay si Leila at Calix.

Ang sakit.

Nagumpisa na sa paglakad si Calix ng huminto sya sa harapan ko. "Wait for me here. I'll be back." Seryoso nyang sabi bago umalis.

Hindi ko sinunod ang sinabi nya. Nagmadali akong umuwi at dumiretso agad sa kwarto ko.

I cried and cried, pero hindi parin sapat. Feeling ko nawalan ako tuwing nagfflash sa utak ko ang mga nangyari kanina sa restaurant. I feel like I just lost Calix.

Kung tutuusin tama si Leila sa mga sinasabi nya. Kung titignan, mas bagay talaga silang dalawa. Tuwing ipinapamukha nya sa akin na mas bagay sila, at hindi kami, she always points out my appearance, how she's more pretty than me.

"Hija, Naya. May bisita ka." I heard manang Lyn knocking on my door. Nagpahid ako ng luha ko bago huminga ng malalim. "Ayoko ko po muna ng k-kausap, please?" I sobbed.

Pero himbes na umalis sila ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

I just want to slap myself, bakit ko ba nakalimutang ilock ang pinto?

"Manang naman po--" napahinto ako sa pagsasalita at napatingin sa pumasok. My eyes started to well up again.

"Hey." Lumapit sya sa akin. Sumampa sa kama ko at umupo sa tabi ko. I did not speak. Hindi ako makapagsalita.

"Bumalik ako dun sa restaurant but you're not there anymore." He said in a whisper as he touched my cheek and wipe my tears.

"You believed in her, don't you? Naniniwala ka, ginusto ko syang saktan?" Pahikbi hikbi kong sabi. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpahid ng pisngi ko.

"Who said?"

"I pushed her, I did. But it was not my intention to hurt her. You can yell at me, pagalitan mo ko all you want." I shook my head as I look at him. "But please, wag mo kong ibreak." I said like I was begging.

"What? Sino may sabing maghihiwalay tayo?" Bakas na pagkaasar sa boses nya. He sighed. Sandali pa syang umusog sa tabi ko at niyakap ako. "Hush, love. I'm not mad at you and I believe you. Whatever you say, I believe you."

"Sorry, Calix. It's really not my intention to make a scene earlier, promise." I cried.

"No, don't be sorry." He planted a kiss on my head as he hugged me even tighter. "I love you, Naya."

End of flashback.

This memories again. I should not be thinking of it anymore. They are all in the past. What we had are all in the past.

Parte na lang yon ng nakaraan na dapat binabaon sa limot.

Pinahidan ko ang kumawalang luha sa mga mata ko. I kept my distance from him. Siniksik ko ang sarili ko sa kabilang banda ng taxi, malayo kay Calix. Niyakap ko ang sarili ko at pilit na itinuon ang atensyon sa labas.

Hindi ko alam kung san ba kami pupunta. I did not bothered to ask anymore. I just don't want to talk to him, that's for sure.

"Does it hurt that bad?" I heard Calix asked.

Umiling ako bilang sagot sa kanya. Nakatuon parin sa labas, hindi ko sya binabalingan ng tingin.

"Here."

Inabot nya sa akin ang suot nyang itim na blazer. Tinignan ko iyon at nilingon sya.

"Wear it." He commanded.

"No, thanks." I answered pero isang kunot noo lang ang sinagot nya sa akin. "Ayos lang ako, hindi naman po ako nilalamig." I lied. Kanina pa ko nilalamig, maliban sa bahagyang nabasa ng ulan ang damit ko, ang lakas pa ng aircon ng taxi na nasakyan namin. Ano ba naman tong si manong driver, parang hindi nakakaramdam ng lamig.

He was about to speak ng marinig namin pareho ang driver ng taxi na nagsalita. "Dito na po, boss." Sabi nito kay Calix.

Napabalik ang tingin ko sa bintana. Huminto sa ospital ang taxi na sinasakyan namin.

Hindi ko na hinintay si Calix. Agad kong binuksan ang pinto ng taxi at iika ikang bumaba. Ewan ko ba, I admit, ang taas ng ego ko grabe.

Ramdam ko kung gaano kasakit ang paa ko, pero kailangan tiisin.

Napakagat ako ng madiin sa labi ko sa bawat hakbang na ginagawa ko.

Huminto ako at huminga ng malalim. "Kaya ko to." I whispered to myself bago humakbang ulit nang halos mapatili ako ng may bumuhat sa akin, mabuti nalang at napigil ko.

"Don't force yourself. Admit that it hurts and you need help."

Hindi ako nakaimik. Totoo, masakit. Totoo, kailangan ko ng tulong nya.

"Look, I know I yelled at you a while ago. I'm sorry." Sabi nya habang nakatingin parin sa daan.

Hindi ko mapigilang mahiya sa kanya at mahiya sa sarili ko. He just wanted to help, maarte lang ako. Pwede nya naman ako iwan kanina, but he insisted. Ngayon sya pa ang humihingi ng tawad.

Oh, Naya. Sometimes I just really hate myself.

"MANONG, PLEASE! SA green subdivision lang, kailangan ko po talagang makauwi. Paniguradong masesermunan ako ni manang Lyn nyan." Pagpupumilit ko sa driver ng taxi na pinara ni Calix.

Umiling ito, "pasensya. Ang lakas ng ulan, hija. Siguradong baha na ang daan papunta don, wala na ngang bumabyahe papunta sa lugar nyo."

Hindi lang sermon ni manang Lyn ang aabutin ko. Nandyan pa si Baste. I sighed. Madilim na ang paligid at anong oras na rin. Malakas pa rin ang ulan simula pa kanina, mukhang may bagyo ata.

Umatras si Calix para sya naman ang makaharap sa bintana ng taxi. Nakapasan ako sa likod nya kanina pa.

"How about to Antonio's building? Kakayanin ho kaya?" Tanong nya sa driver tumango naman ito kaya tinulungan na ako ni Calix na makasakay

"I think you'll be staying in my place this night." He said as he sat beside me. Napatigil ako sa sinabi nya at hindi napigilang mapanganga.

What did he just said?

Magagalit si Baste. Yun ang unang pumasok sa isip ko.

"It's impossible to get to your home. Would you want to stay up in street this late at night?" He asked which made me automatically shake my head.

Ayokong mamatay sa lamig no! Nakakainis naman dito sa Pinas! Bakit kasi bahain dito? I blame this on the flood!

Huminga ako ng malalim. I have no choice but to agree. "S-sige." Mahinang sabi ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag, I should tell manang Lyn. Paniguradong nag-aalala na sila.

Lalong lalo na si Baste.

继续阅读

You'll Also Like

1.2M 53.3K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
258K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...