Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Two-

266 8 1
By AnnyMeLoveU143

"YOW! Wazzup ma'men!" biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Ezekiel at pumasok sina Sean Veloso, Greg Bautista at Walter De Guzman. Mag-bestfriends kasi silang apat since college. Gaya niya, silang tatlo ay mga CEO din ng mga sarili nitong mga kompanya. The difference is the three of them are happilly married. Siya na lang ang nag-iisang single sa kanilang apat.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?" binitawan niya muna ang papel na hawak niyang kailangan niyang pirmahan at hinarap ang tatlong nagu-guwapuhang mga lalaki. Pero syempre mas gwapo siya kesa sa kanila. "Nandito na naman ba kayo para guluhin ako? Sinasabi ko sa inyo, may shotgun akong nakatago sa ilalim ng lamesa ko. Baka gusto niyong makatikim ng bala?"

"Pare naman!" sigaw ni Greg. "Salamat na lang pero busog na kami, eh. Hindi na namin kailangang tumikim ng bala ng shotgun mo."

"Gusto mo ikaw ang unahin ko?"

"Joke lang naman. 'To talaga ayaw mabiro."

Umupo siya ng maayos at binasa ulit ang papel. "What do you want?"

"Ikaw." sagot ni Sean.

Tiningnan niya ang mga kaibigan niya. "Ako? Bakit anong kailangan niyo sa'kin?" takang tanong niya.

"Pare, kumain ka na ba?" tanong ni Walter.

"Bakit? Ililibre mo ako?"

"Ulol. Halos puno na nga ang bank account mo ng pera mo tapos magpapalibre ka pa. Ikaw dapat ang nanlilibre."

"Wala na kayong mga pera?"

"Wala na, eh. Pautang naman, pare." sabi ni Sean.

Tiningnan niya ang mga kaibigan niya saka siya napailing. Alam niya kung sa'n tutungo ang usapang 'to. They wanted him to take a break. Kaso ayaw niya talagang mag-break kasi mabo-bored lang siya kapag nag-break siya. Boredom kills him. Pero dahil sa kakulitan ng tatlong 'to, na dinaig pa ang kakulitan ng mama niya, hindi niya mapigilang tumanggi dahil kukulitin at kukulitin lang siya ng mga 'to hanggang sa pumayag siya.

"Fine. Saan niyo ba gustong kumain?" sabi niya.

Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya.

"May alam akong coffee shop. Malapit lang 'yun dito sa building mo, Zeke." sabi ni Sean.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Coffee shop?"

"Yeah." tumango ito. "I went there yesterday. And man! Their coffees are the best! Talagang mawawala ang pagod mo kapag natikman mo ang kape nila don."

"Talaga, pare? Subukan kaya nating pumunta sa coffee shop na 'yan?" tanong ni Walter.

Coffee shop? Never heard of it. At bakit naisipan pa nilang sa isang coffee shop sila mag-break? They can just go to any restaurants or a five star hotel. Bakit sa coffee shop pa?

"Can we just go to a restaurant instead?" tanong niya sa mga kaibigan niya.

"Pare, sawa na kami sa mga restaurants. Let's try something new." sabi ni Greg.

"Fine. Kayo ang bahala."

--

PAGKATAPOS maghilamos ni Shane ay pinunasan niya ang mukha niya gamit ang panyo niya saka siya humarap sa salamin sa girl's comfort room.

Tinitigan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Ang haggard ng mukha niya. At 'yung eyebags mas lalong umitim. Nagmumukha na tuloy siyang zombie. Hindi siya pwedeng humarap sa mga costumers na ganyan ang itsura niya. Baka mawalan sila ng gana.

Halos umaga na kasi siya nakauwi kahapon dahil nag-overtime siya sa trabaho niya dun sa isang bookstore. Kaya kaunti lang ang naging tulog niya.

Kakapasok niya lang dito sa coffee shop at dumiretso siya sa girl's comfort room upang magpalit. Hindi na nga siya nakaligo, nakapag-toothbrush o nakakain man lang dahil sa pagmamadali niya. Buti na lang at alerto ang kambal dahil paggising na ay nakahanda na silang umalis upang pumasok ng paaralan. Ang mama niya ay nagpahinga sa ospital kasama si Edwardo o mas prefer niyang tawagin siyang Edna, ang bestfriend niyang bading nung college pa siya.

Kinuha niya ang kanyang polbo sa bag at naglagay ng kaunti sa kanyang mukha. Naglagay din siya ng kaunting lipgloss. Para kahit papaano ay hindi magiging dry ang labi niya. At tinali niya paikot ang kaniyang buhok para hindi siya magmukhang bruha kapag nakaharap siya sa mga costumer. Nakalimutan pa naman niyang magsuklay dahil sa pagmamadali niya.

Nagdasal muna siya na sana ay maging maayos ang trabaho niya sa araw na 'to.

Lumabas siya ng girl's comfort room at nagtungo sa counter.

"Shane, dalawang orders sa table number 5 at 9." sabi ni Mandy.

"Okay." kinuha niya ang dalawang tray at nagpunta sa table number 5 at 9.

"Here's your orders. Enjoy." nilapag niya ang mga order sa table number 9 na kung saan masayang nag-uusap ang tatlong lalaki. Nakita niya ang pagmasid at kakaibang tingin sa kanya ng mga lalaki.

Aalis na sana siya nang tinawag siya ng mga 'to.

"Excuse me, miss."

Nilingon niya ito. "Bakit po, sir?"

"Kulang ang in-order ko."

"Huh?" takang tanong niya. "Sir, kumpleto po ang orders niyo kaya imposibleng may kulang."

"Kulang talaga miss, eh." ulit nito.

Kumunot ang noo niya. Imposible talagang may kulang sa orders nila. Baka pinaglalaruan lang siya ng mga 'to?

"Wala ka kasi sa mga in-order ko kaya... pwede ba kitang i-take-out?" pagpapatuloy nito at kinindatan pa siya.

Gigil siyang napahawak sa dalawang tray sa kamay niya. Kung wala lang sanang mga tao sa coffee shop ay malamang naihampas na niya ang dalawang tray na 'to sa pagmumukha ng lalaking 'to.

Sa tingin siguro ng lalaking 'to bibigay agad siya sa mga pa-banat-banat niya. Siya kaya ang banatan niya ng buhay?

"Pasensya na, sir. Pero hindi po ako isang pagkain na pwede niyong i-take-out." magalang na sabi niya. Kahit na ang totoo'y gigil na gigil siyang sakalin ito.

Bumalik siya sa counter at pabagsak na nilagay ang dalawang tray.

"Ay chanak!" gulat na sigaw ni Hazel. "Oh, Shane? Anong nangyari sa'yo? Bakit galit ka diyan?"

"Mapapatawad kaya ako ng Diyos kapag pumatay ako ng tao?"

"Ha? Bakit? Sinong kaaway mo?" singit ni Mandy.

"May kaaway ang babe ko? Sino at bubugbugin ko!" sigaw naman ni Yael. May dala pa itong kutsilyo.

"Bumalik ka nga sa kusina, Yael! Kalalalaking tao, daig mo pa ang babaeng chismosa!" pagtataboy ni Hazel kay Yael.

"Sino muna ang kaaway ng baby ko at masapak ko!"

She massage her temple. Sumasakit ang ulo niya dahil wala siyang kain tapos dadagdagan pa ng isang 'to. "Wala, okay? Kaya bumalik ka na sa kusina, Yael. Baka makita ka ni manager at mabawasan pa 'yang sweldo mo."

"Sigurado ka baby ko? Kasi--"

Tiningnan niya ito ng masama.

"Sabi ko nga babalik na'ko sa kusina, eh." napakamot na lang ito sa kanyang ulo at bumalik sa kusina.

Isa sa mga ayaw niya sa lalaki ay 'yung makulit. At pangalawa, bolero.

--

"THIS is the place?" tanong ni Ezekiel habang pinagmasdan nito ang itsura ng coffee shop sa labas.

It's kinda cute. Nakaka-attract ng mga tao pero hindi siya ganun ka-class gaya ng ibang coffee shop na napuntahan niya.

"Of course. Tara pasok na tayo." sabi ni Sean.

Binuksan nila ang glass door at pumasok sa loob. Pinagmasdan niya ang itsura ng coffee shop.

"Tara upo na tayo. May bakante dun, oh." turo ni Sean sa isang bakanteng mesa na may nakalagay na numerong 2.

Umupo silang apat dun. Pansin nilang pinagtitinginan sila ng mga tao sa coffee shop. Pero hindi na niya 'yun inintindi. Sanay na silang apat na maging center of attraction since college pa. At nasa gitna pa ang table nila.

May lumapit namang waitress at binigay sa kanila ang menu pagkatapos ay mabilis itong umalis.

"Anong problema ni ate waitress?" tanong ni Greg. "Natatae ba siya?"

Nagkibit-balikat lang siya at um-order na lamang.

--

NAKAUPO si Shane sa isang wooden chair habang hinihilot niya ang kaniyang ulo.

Ang sakit talaga ng ulo ko!

"Shane?" tumingala siya. Nakita niya si Mandy. "Okay ka lang?" alalang tanong nito sa kaniya.

Tumango siya. "Ayos lang. Medyo sumakit lang ang ulo ko."

"Hala, bakit? Anong nangyari?" lumapit ito at lumuhod sa harap niya.

"Hindi kasi ako nakakain ng breakfast ngayong umaga dahil sa pagmamadali kong makapunta dito." sabi niya.

"May sandwich ako sa bag. Teka, kukunin ko lang." tumayo si Mandy at lumapit sa bag niyang makapatong sa mesang katabi ng pinto at kinuha dun ang kaniyang sandwich.

"Heto, sa'yo na lang 'to." sabi ni Mandy at inabot sa kaniya ang sandwich.

"A-akin na 'to? Sigurado ka?"

"Oo naman. Kaya tanggapin mo na."

Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang sandwich. "Salamat, Mandy." pasasalamat niya at nagsimula ng kumain.

Gutom na gutom na nga siya, tatanggi pa ba siya?

Pagkatapos niyang kumain ay bumalik siya sa kaniyang trabaho. Kung saan-saang table niya dinadala ang mga order. Pawisan na nga siya and to the point na wala siyang ligo kaya baka mangamoy pawis siya sa harap ng costumer.

"Excuse us, waitress! Yuhoo!" nakarinig siyang may sumipol. Lumingon siya sa pinanggalingan nung sipol. Nakita niyang may nakataas na kamay sa table number 2.

Lumapit siya dito. "Yes... sir?" nagulat siya nang makita niya ang pamilyar na mukha ng lalaki.

Siya na naman?! At nagsama pa talaga siya ng tropa, ah!

"Hi, miss." sabi ng lalaking pamilyar sa kaniya. Siya 'yung lalaking nag-joke sa kaniya kahapon na akala niya'y ikinatuwa niya.

"May I take your orders, sir?" magalang na tanong niya.

"One slice of dark forest cake and cappuccino." sagot nung lalaking nakasuot ng reading glass.

"Ako naman gusto ko ng strwberry shortcake at cappuccino din." sabi naman ng lalaking katabi ni Mr. Eyeglass.

"Ako 'yung inorder ko kahapon. One pancake at black coffee." sabi ni Sean.

Sunod niyang tiningnan ay ang lalaking katabi nito. Na nakatingin pala sa kanya.

Ano naman ang problema ng isang 'to? Kung makatitig wagas, ah.

"Sir, order niyo po?" tanong niya. Pero nanatili pa rin itong nakatitig sa kaniya. Hindi niya mapigilan mailang dahil sa pagtitig sa kaniya ng lalaki.

"Huy, Zeke!" tinapik ito ng lalaking katabi niya. "Order mo daw."

"Huh?" napakurap ito. "Ah... oo. Sorry. Ano, one rocky road."

Kumunot ang noo niya. Rocky road? Wala namang nakasulat na rocky road sa menu, ah? At teka, diba, ice cream yun?

"Sir, wala pong rocky road sa menu." sabi niya.

"Huh?" tiningnan niya muli ang menu. "Oh shoot! My bad. Ano na lang, igaya mo na lang sa order niya." tapos tinuro niya ang kaibigan niya.

Kahit na nagtataka siya ay sinulat pa rin niya ang order sa kaniyang handy dany notebook. Pagkatapos ay pumunta siya sa counter at binigay ang order nila.

"Woah, gwapo." sabi ni Hazel habang nakatingin sa table number 2. "So handsome. So dreamy. Ngayon ko lang ata sila nakita dito sa coffee shop."

Tiningnan niya ang table number 2. Nakita niyang nakatingin sa kaniyang direksyon ang lalaking um-order ng rocky road na akala mo'y nakalagay 'yun sa menu.

"Shane, sinong mas bet mo sa kanila?" tanong ni Hazel sa kaniya. "Ako mas bet ko 'yung lalaking nakasuot ng eyeglass. Kahit nerd ang dating ang gwapo pa rin!"

Hindi niya pinansin si Hazel. Nakipagtitigan siya dun sa lalaki. Kumunot ang noo niya nang ngitian siya nito. Lumingon-lingon siya kung may katabi ba siyang tao peso wala. Tumingin siya sa likod pero wala namang tao.

Tumingin ulit siya sa direksyon ng lalaki. Nakangiti pa rin ito at nakatitig... sa kaniya?

"Oh my gosh! Shane, tingnan mo! That cutie slash hottie guy is smiling at you! My god! Mukhang tinamaan yata si papa pogi sa'yo!" tili ni Hazel.

"Magtigil ka nga, Hazel. Nakakahiya sa mga costumer. Baka isipin nilang may baliw dito sa coffee shop." saway niya sa kaibigan.

"Grabe, ang sakit mo naman magsalita."

"Shane, heto na ang order sa table number 2."

Kinuha niya ang tray na may nakalagay na numerong 2. Lumapit siya sa table nila at isa-isang nilagay ang mga order. Hindi na lang niya pinansin ang pagtitig sa kaniya ng lalaki.

"Enjoy, mga sir."

Aalis na sana siya nang biglang may humawak ng kamay niya. Napalingon siya.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Bakit? Aanhin niya ang pangalan ko?

"I'm sorry, sir. Pero mahigpit na pinagbabawalan dito sa coffee shop namin ang pagbigay ng pangalan ng mga crew sa kanilang costumer." sabi niya. Gusto na niya sanang bawiin ang kamay niya pero hinigpitan ng lalaki ang paghawak nito.

"Please, I just want to know your name."

Ang kulit ng lahi niya!

"Pasensya na po pero di talaga pwede. Kaya kung maaari bitawan niyo na ang kamay ko, sir. Marami pa'kong gagawin at kung hindi niyo mamasamain ay iniistorbo mo ako sa trabaho ko."

Dahan-dahan namang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Saka siya bumalik sa counter.

"Uy, ano 'yun?" tanong ni Mandy. "Bakit hinawakan ni papa pogi ang kamay mo?"

Papa pogi? Mukhang nahawa yata si Mandy sa virus ni Hazel.

"Ewan ko. Baliw yata ang lalaking 'yun." sabi niya.

"Tsaka tama ba 'yung narinig kong bawal ibigay sa mga costumer ang pangalan natin? May ginawa bang ganung rule si manager?" singit ni Hazel.

"Wala. Naniwala ka naman? At isa pa, kaya ko nasabi 'yun para tantanan na'ko ng lalaking 'yun."

"Bakit hindi mo binigay kay papa pogi ang pangalan mo?"

Nagkibit-balikat lang siya. She don't want to give her name to any randome strangers.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 32.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...