She's Complicated (GL) [HSS #...

By InsaneSoldier

1.4M 53.5K 8.7K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... More

She's Complicated
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 1

54.5K 1.4K 292
By InsaneSoldier

THIS IS THE FIRST BOOK OF THE HANSEN SISTERS SERIES

Date started: May 2016

Date completed: August 20, 2017

Note: All books for Hansen Sisters Series is already completed and can be read by chronological order as stated on the title, story description, and the first chapter part.

***

"Ma'am?"

"Yes?" Nilingon at nginitian ko ang estudyanteng nasa harapan ko. Palabas na dapat ako ng classroom kung hindi ako nito tinawag.

Napatingin ako sa isa pang estudyante na nasa loob pa ng room bago ulit pagtuunan ng pansin itong nasa harap ko.

"Do we have a problem, Miss...?"

"Rubio po, Ma'am," sagot niya. Tumango lang ako. Right, Rubio. Mahirap i-memorize ang pangalan ng mga students. "Itatanong ko lang po kung pwede ko pa po bang ihabol yung book review mamaya?"

"Sure." Tiningnan ko ang oras sa suot na wristwatch at napatango. "Idaan mo na lang sa faculty."

"Thank you po," Yumuko siya ng slight bago lumapit sa estudyanteng naiwan sa loob─na ilan lang sa estudyanteng tanda ko ang pangalan.

"Hey, South. Mauna na ako."

"Sige."

"Bye-bye," paalam ni Rubio, "kiss ko?"

Nagtaas lang ng kilay si South na ikinatawa lang ng isa. Pagkatapos ng kaunting biruan nila ay nagpaalam ulit sa'kin si Rubio. Kami na lang ni South ang naiwan.

"Sabay na tayo kumain."

Lumingon siya. Tumayo siya at humarap sa'kin and medyo nailang ako dahil ang lapit ng mukha niya. This girl...

"Okay po, Ma'am. Libre mo, ah."

"What—"

"Thank you!"

Hindi man lang ako nakakontra sa kanya dahil siya na mismo ang humila sa akin. Mabuti na lang at hindi nahulog yung laptop ko. Napairap na lang ako habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"South, ilang beses ko bang sasabihin na Jade ang itatawag mo sa'kin kapag tayo lang dalawa?" Iyan ang paulit-ulit kong tanong sa tuwing tinatawag niya akong Ma'am.

Nakakaumay rin kasi lalo na't magkasama kami sa iisang bubong. I'm not really particular with honorifics, maybe I'm just too lenient about it.

Lumingon siya sa'kin para lang magtaas ng kilay. Nang makahanap ng table ay kaagad kaming umupo, nasa ibabaw ang laptop ko at bag niya.

"Ma'am," she called, emphasizing the word, "wala akong pakialam. Tayo ka na, Ma'am, order ka na. Gusto ko ng two rice at menudo. Ayoko ng softdrinks, please—"

"Oo na. Water." Naiiritang sagot ko bago tumayo.

Pumunta ako sa counter at um-order. Buti na lang wala masyadong tao ngayon dito. Wala ako sa mood makipagbatian. Kung bakit ba naman kasi sala sa init at sala sa lamig itong kapatid ni North. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya lang ang may lakas ng loob na sungitan at utuin ako.

Wait. Hindi ako nagpapauto. Mas tamang sabihin na pinapakisamahan ko lang itong South Hansen na 'to dahil una—kapatid siya ng best friend ko at pangalawa—student ko siya.

"Bagal mo," Sabi niya pagkarating ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at inilapit na lang ang tray at inilagay sa harap niya ang pagkain na gusto niya. "Ayan na, mahal na prinsesa."

"Hindi ako prinsesa." Walang ganang sagot nito at kumain na lang.

Mas inintindi ko na lang ang gutom ko kaysa sumagot pa. Kakain ako. Pagkatapos ko rito, iiwan ko agad siya.

Maganda sana si South, eh. Anyone can actually fall for her blue eyes framed with thick and long eyelashes, a small pointed nose katulad ng sa kapatid niya, and her pinkish and glossy lips. Wavy ang brownish na buhok nito ngunit makintab, halatang malambot, at talagang nag-compliment ito sa heart-shaped niyang mukha. She's an innocent beauty.

She's brainy and talented, too. An almost complete package—kung hindi lang masama ang ugali. Mukha ring may hate siya sa lahat ng tao because of her lack of interest to everyone. Nagsisimula na nga akong magtaka kung paano sila naging magkaibigan ni Rubio.

As usual, wala pa yatang sampung minuto ay tapos na siyang kumain. Masyado itong mabilis kaysa pangkaraniwang babae.

"Ang bagal mo, Ma'am."

"Tulad mo pa ako sa'yong sundalo kumain." Pasungit na sagot ko. Nakakaasar kasi yung pagmumukha niya. She's grinning at me playfully. Makakatikim na ang batang 'to one of these days.

"Hindi ako sundalo. Bahala ka riyan."

Hinayaan ko na lang siyang umalis.

Hay, nako. Mapapailing na lang talaga ako. Mabait naman si North, medyo may kasungitan nga lang at pagka-strict. Si West naman ay medyo seryoso at nakakausap naman ng maayos pero in born na yatang matipid siya magsalita. Si East ang pinaka-hyper sa apat. She's friendly and approachable. All in all, astang tao naman sila.

Pero bakit mukhang naligaw yata si South? Ewan ko lang. Hindi kaya ampon 'yon? Possible rin na nasalo niya yung bad genes ng family nila.

Mapapatay ako ni North kapag nalaman niya 'tong iniisip ko.

Mabilis lang lumipas ang oras. Namalayan ko na lang ang sarili kong nagtuturo na naman sa mga estudyante. Araw-araw na akong sanay na ganito ang ginagawa. Kabisado ko na nga lahat ng dapat kong sabihin. Ang nagbibigay na lang siguro ng thrill sa'kin ay ang iba't ibang ugali ng mga students na nakaka-encounter ko at siyempre yung mga...babae. Not that I lust after girls, mas nakaka-inspire lang talaga kapag nakakakita ng maganda. Appreciation lang.

Kung nandito lang si North sa tabi ko ngayon malamang nasipa na ako no'n palabas ng room dahil sa pinag-iisip ko. Buti na lang talaga at may klase rin siya ngayon. Pero parang gusto ko siyang kulitin sa klase niya.

"Naiintindihan ninyo ba, class?" Tanong ko after mag-discuss ng naka-assign na reporter. Tumango naman sila. Pinaupo ko na yung mga estudyante at napatawa na lang sa isip-isip ko. Naiintindihan daw pero sigurado naman ako na kalahati ng tao rito sa classroom ay hindi nakikinig.

Napalingon ako sa glass window at natigilan. Sa harap kasi mismo ng salamin ay nakadungaw si South mula sa labas at nakatitig sa'kin pero nang mapatingin ako sa kanya ay umalis agad ito na parang wala lang.

Ang weird talaga ng batang 'yon.

Natapos ang klase na nakasimangot ang mga estudyante ko dahil hindi lahat ay pasado sa binigay kong quiz. Tama ako. Hindi lahat nakikinig.

May time pa para mangulit kay Professor North Hansen. Alam ko sa taas lang iyon nagtuturo, eh. Dali-dali kong pinuntahan yung floor kung saan siya nagro-room at hindi naman ako nabigo. Ang serious talaga niya.

"Okay, this theory states that—"

Sumitsit ako nang malakas.

Napatingin siya sa'kin at halatang nayamot nang makita ako. Nakatingin din sa akin ang mga estudyante niya kaya nag-smile ako sa kanila. May ilang bumati, tumango, at sumipol.

"Hi, Ma'am!" Ngumiti ako ng nakakaloko at kinindatan siya.

"Manggugulo ka?"

"Aray naman, Ma'am," Pagda-drama ko sa kanya pero as usual, walang dating iyon sa kanya. "Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin, Ma'am?"

"Apparently..." Ngumiti siya nang matamis. It turned sarcastic a few seconds after. "Oo."

"Ouch!"

Nagsitawanan naman ang mga bata sa pagda-drama ko kuno.

"May kailangan ka ba?"

"Wala naman."

"Get out."

--

"Wow. Pahingi, Ate North. Pahingi!"

Napahinto ako at napatago sa gilid nang maabutan ko sa kusina slash dining table sina North at si South the menace na kumakain ng halo-halo. Kukuha dapat ako ng tubig kaso naabutan ko sila.

Ngayon ko lang nakita ulit itong si North pagkatapos ng pagpapalayas niya sa'kin kanina sa klase niya. Grabe siya, pinagsarhan talaga ako ng pinto. Ang strict na professor. Buti pa ako chill lang. Pinagmasdan ko silang parehas at katulad no'ng mga unang araw na nandito ako ay muli na naman akong nagtaka at nahiwagaan. Basta, curious—kay South.

South...is my definition of complexity.

"Gusto mo pa?" Tanong ni North sa kapatid. Tumango naman si South at ngumanga.

She giggled after swallowing the food. "Sarap."

South Hansen never giggles.

"Para ka talagang bata." Kumakain din si North pero sinusubuan niya pa rin yung babaeng weirdo.

"Bata pa naman ako." Sagot ni South at siya na mismo ang nagpakain sa sarili niya.

"Oh, akala ko dalaga ka na?"

"Dalaga nga."

"Gulo mo, 'oy."

Napailing ako sa usapan nila. Para akong nakikinig sa mga bata, eh.

"Namboboso ka, 'no?"

Feeling ko aatakihin ako sa puso nang makita kong nasa tabi ko na si East. Siya ito for sure. Nakangiti kasi. Tiningnan ko siya ng masama at nag-peace sign naman ito. "Papatayin mo ako sa gulat, East."

"Hindi ka naman namatay, eh."

"Baliw."

Humagikhik siya. "Bakit ka namboboso?"

"Hindi ako namboboso." sagot ko lang.

Dumiretso na ako sa loob na parang walang nangyari. Nawala ang ngiti sa labi ni South nang makita ako. Poker face mode—on. Ganyan siya lagi.

Ako naman, e, waley lang. Kumuha lang ako ng tubig katulad ng plano ko kanina.

"Jade, gusto mo?" Alok ni North pero umiling lang ako. Hindi naman ako mahilig sa halo-halo. "Edi huwag."

"K dot." Walang kwentang sagot ko at pasimpleng napatingin kay Bata na asul ang mata. Nakayuko lang siya at nilalaro ang pagkain niya. Biglang nag-iba ang mood ni South.

"Bwisit ka."

Natatawang umalis ako pagkatapos uminom. Ang pikon talaga ni North minsan. Kaya ang sarap asarin, eh.

Sumunod ulit sa'kin si East hanggang sa maupo ako sa couch. "Bakit ba nakabuntot ka sa'kin? Nasa'n si West?"

"Sleepover sa best friend niya." She shrugged her shoulders. "Ako walang sleepover."

"Halata nga." Sagot ko lang at sumandal. Feeling close naman si East na humiga sa lap ko. Hayaan na, mas bata 'to kay South, eh. "Anong tingin mo kay South?"

"Si Ate South?" Tumango ako. "Hmm..." Hinimas-himas niya ang baba. "Kapag ako ang kasama niya, tahimik siya. Pero kapag kay West, sobrang hyper niya—parang ako. Tapos kapag kay North, para siyang bata."

Napansin ko nga. Weird talaga. Pero kapag sa akin naman, mapang-asar siya kahit madalas ay poker face lang ang expression niya. Mapang-asar na cold na masungit. Ang hirap niyang i-spell.

"Pero mabait 'yon, Jade."

Hindi na lang ako sumagot kasi hindi naman ako naniniwala. Sus. 'Yon, mabait? Magiging pink muna ang uwak bago mangyari iyon.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin, na hindi ko alam kung pag-uusap ba talaga dahil wala siyang ginawa kung hindi paluin ang hita ko ay naglakad na rin ako paalis. Pupunta na akong kwarto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni North nang maabutan niya ako.

"Sa kwarto mo sana." I wiggled my eyebrows. "Honeymoon tayo."

"Nakakainis ka talaga, Jade," Iritang sagot niya sa akin bago ako iniwang mag-isa. Inunahan pa talaga akong mag-walk out.

Why so pikon, North?

Napakamot na lang ako sa leeg ko at naglakad na ulit habang napapailing. Kaya ang sarap pagtripan, eh. Napakapikon na babae.

Napahinto ako nang makita ko si South na naka-side view. Ang totoo ay magkatapat lang ang kwarto namin pero bihira ko lang din siyang makasalubong. Katulad ngayon. Nakahawak siya sa doorknob at nakayuko, parang nag-iisip. "South?"

I saw her sighed. Napansin kong tiningnan niya ako from her peripheral vision. Ipinihit niya ang doorknob at pumasok na sa loob ng kanyang kwarto.

Napatulala na lang ako habang iniisip ang ginawa niya.

The way she looked at me. Nakaramdam ako ng something na mabigat sa loob ko. Bakit gano'n? Parang na-feel ko yung kakaibang aura niya for a split second?

Really, South. I don't know what's going through your mind.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

714K 25.7K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
1.9M 49.7K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
87.1K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...