Status: Single But Married [U...

By OfficiallyYours143

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... More

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter ThirtyFive

24.3K 306 11
By OfficiallyYours143

Chapter ThirtyFive

Lorraine's POV

Nasa rooftop ako ng building ngayon nagpapahangin, tapos na din naman yung trabaho kaya dito muna ko.

"Ang ganda ng syudad pag gabi no?"

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Destiny.

"Coffee?"

"Sige. Salamat." Kinuha ko yung kapeng inabot nya sakin.

"Ang lalim naman ng iniisip mo. May problema ka ba?"

"Pwede kong sabihing wala. Pero sa tingin ko hindi ka naman maniniwala kung yun yung sasabihin ko." Sinabi ko yun nang hindi naka tingin sakanya.

"Bakit naman hindi? Basta ikaw ang nagsabi paniniwalaan ko."

"Wow!! Ganun ka katiwala sakin??"

"Oo naman." Pagkasabi nya nun tumingin sya sakin at ngumiti. Jusko eto na naman po sya sa ngiti nyang nakakasilaw. "Mahilig ka ba sa mga bulaklak Lorraine?"

"Bulaklak?? Oo naman. Halos lahat naman ata ng babae mahilig sa mga bulaklak. Chaka kung hindi mo naitatanong nagtrabaho kaya ako dati sa isang flower shop."

"Talaga? So mahilig ka nga sa mga bulaklak. Narinig mo na ba yung kwento tungkol sa isang paro paro na nagmahal sa isang puting rosas."

"Paro paro na nagmahal sa puting rosas?" Pinagmamasdan ko lang sya habang naka tingin sya sa malayo. Tumango naman sya.

"May isang paro paro na nagmahal sa puting rosas. Sabi nung puting rosas sakanya, sasagutin lang kita kapag naging pula na ko. Sobrang nalungkot yung paro paro, dahil alam nya na kahit kailan hindi magiging pula ang puting rosas. Pero kahit ganun hindi parin sya sumuko."

"Anong ginawa nung paro paro?"

"Hinati nya yung sarili nyang katawan at ikinalat nya yung sarili nyang dugo sa petals nung puting rosas."

"Talaga?? Ginawa nya yun??" umoo sya at itinuloy nya yung kwento.

"Nainlove ngayon yung yung puting rosas sa paro paro dahil sa ginawa nya, pero patay na ito. Ang natutunan ko dun.. Hindi mo malalaman na mahalaga sayo yung isang tao o bagay hangga't hindi ito nawawala sayo."

May point sya sa sinabi nya. Pwedeng totoo nga yun. "Naniniwala naman ako dun, na nasa huli talaga ang pagsisisi. May.. mahalagang bagay ba.. o taong.. nawala sayo??" Biglang tumahimik..

Nakaka binging katahimikan...

"Okay lang kung aya--"

"May isang babae akong nagustuhan.. Kakaiba syang babae, hindi sya maarte, hindi rin pala ayos at sobrang simple. Karamihan sa mga babae gumaganda lang sa make-up pero sya kahit walang make up maganda sya.. Kapag nakikita ko sya sumasaya ako, kapag naka ngiti naman sya parang napupuno ng rosas ang buong paligid ko."

"Huh??Talaga? ang swerte naman nung babaeng nagugustuhan mo." Siguro yun yung fiance nya:( kawawa naman si ako.

"Maswerte? Siguro, kung kami yung nagkatuluyan."

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nyang yun. "Meron na syang iba?"

Ngumiti muna sya bago sya magsalita. Pero binawi nya rin yung ngiting yun

"Alam mo dati akala ko totoo yung destiny pero hindi pala. Kasi ang destiny nasa isip lang natin, pinapaniwala lang natin yung sarili natin na para satin talaga yung taong yun kaya ang resulta.. Umaasa tayo. Nakakatawa nga eh, kasi kahit alam natin yung totoo pinaninindigan parin natin yung kung ano yung pinaniniwalaan natin. Kasi ganito yung buhay."

Magkapatid nga sila ni Nathan, ganun din yung sinabi nya sakin. Pero bakit nung si Destiny yung nagsabi parang tagos sa puso??

Feeling ko ibang tao yung kaharap ko ngayon dahil sa sinabi nya. Hindi sya mahilig magsabi ng mga negatibong bagay.

"Huwag mong sabihin yan. Para sakin totoo talaga yung destiny, meron talagang tamang tao na nakatadhana parra satin."

"Akala ko nga dati kami na yung magkakatuluyan, kasi madalas kaming magkita sa hindi inaasahang lugar. Kapag gusto ko syang makita iisipin ko lang sya at makikita ko na sya. At tamang tama sa mga oras na yun kailangan nya rin yung tulong ko."

"Huwag mo sanang isipin na malungkot magmahal nang dahil lang sakanya. May itsura ka, magaling ka din pumorma, mayaman, matalino, tapos ang baet mo pa. Almost perfect ka na nga eh kaya bakit ka nagpapalunod sa pagibig mo sa kanya? kung wala naman sya balak pa na sagipin ka."

Nag smile nga sya pero mahahalata mo parin yung lungkot sa mata nya. "Teka lang! anong oras na ba? kailangan ko ng umuwi. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Dito muna ko."

"Sure ka?"

Tumango lang sya.

Bakit ganito?? Habang naglalakad ako paalis parang feeling ko mas lalo akong lumalayo sakanya. Gusto kong sabihin sakanyang please huwag kang sumuko dahil totoo talaga yung destiny.. Totoo ako Travis.. 

Pero sa sitwasyon ko ngayon hindi ko pwedeng sabihin yun sakanya.

Umuwi ako ng malungkot. Ewan ko ba bakit ganito yung pakirandam ko, arang ang bigat bigat talaga.

*Beep beep*

"Bakit ka naglalakad? Nagtitipid ka na naman?"

Si Kyle yun. Hindi ko namalayan yung pagdating ng kotse nya. "Nagpapahangin lang"

"Sakay na."

Tatanggi sana ako kaso bigla syang lumabas sa kotse nya at hinila ako papasok. TEKA!! KIDNAPPING TO AH!!! Haha joke lang.

Hindi na lang ako nagreklamo kasi alam ko wala naman akong magagawa at chaka isa pa wala ako sa mood na makipag talo sakanya ngayon.

"Teka lang Kyle, hindi naman ito yung daan pauwi ah" Liniko nya kasi pabalik yung kotse. Hindi ko naman alam kung shortcut ba o longcut yung dadaanan nya.

"Alam ko" matipiid na sagot nya at diretso parin sya sa pagmamaneho nya.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sabi mo gusto mong magpa hangin diba? ako rin eh. Isa pa gusto rin kitang maka usap"

"Ihinto mo muna sa may convinience store." Pagkasabi ko nun tinignan nya muna ako. Nagtataka siguro sya kung bakit ko pinahinto dun. "Nagugutom ako, bibili lang ako sandali ng pagkain" Hininto nya yung kotse at hinintay ako sa loob. Pagkatapos kong bumili bumalik na agad ako sa kotse.

"Sige na alis na tayo"

"Anong binili mo?"

Hindi ko sya sinagot at ipinikit ko lang yung mata ko. Nung narandaman kong huminto na yung kotse dun lang ako dumilat at lumabas na ng kotse.

Wow ang ganda naman dito. Isa syang mataas na lugar at kitang kita mo ung buong syudad mula dito. Ang tahimik, at maliban sa mga poste sa kalsada tanging mga ilaw lang mula sa syudad ang nagsisilbing liwanag.

Kinuha ko tung mga binili ko sa convinience store at umupo dun sa may bench.

"Beer?" Sabi nya habang umuupo sya.

"Gusto mo rin?"

"Bakit ka umiinon nyan?"

"Gusto kong i try. Oh kuha ka din" sabay abot ko sakanya nung plastic bag na may lamang beer.

"Sabi mo gutom ka."

"Sabi mo may sasabihin ka."

"Bakit ka umiinom ng hindi pa kumakain?"

"Bakit hindi mo pa sabihin yung gusto mong sabihin?"

Nainis sya kaya kinuha nya yung beer na hawak ko. "Ano bang problema mo Kyle?!"

"Ikaw, Anong problema mo? Bakit ka ba nagkaka ganyan? dahil ba sa sinabi ko? dahil ba nalaman mo na kaibigan ko si Travis at iniisip mo na tututol ako sa nararandaman mo sakanya?"

Natahimik ako sa sinabi nya, bakit nga ba ko nagkaka ganito?

Ano nga bang masama kung nagsabi sya ng feelings nya sakin?

"Sige para matapos na to. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko sayo nung isang gabi. Kalimutan mo na lang lahat ng yun. Ayokong iniiwasan mo ko, ayokong naiilang ka kapag magkasama tayo. Kaya kalimutan mo na lang yun."

"Kyle... Bakit ka ganyan..? Diba ikaw yung nagsabi na bawal mahulog sa isa't isa? diba sabi mo magkaibigan tayo?? bakit ganun? Hindi ko maintindihan Kyle."

"Ako rin hindi ko maintindihan yung nararandaman ko." Tinignan nya ko at ngumiti. Ngiting may halong lungkot. "Hindi ko naman ginusto ito, basta ko na lang narandaman. Hindi ko naman madidiktahan yung puso ko."

Parang may kung ano akong naramdaman nung sabihin nya yun. Ano ba tong nararandaman ko?? Awa ba??

Lahat ng sinasabi nya totoo talaga sakanya at makikita mo yung sinseridad sa mukha nya.

"Hindi kaya naguguluhan ka lang sa nararandaman mo Kyle? Kasi naman diba, si Hanna--"

"Let's not talk about her."

"Wag ka magbibigay sa tao ng espesyal na lugar sa puso mo kung di ka naman sigurado, madali magbigay ng lugar sa puso pero ang masakit dun kung di naman niya alam kung ano ba talaga siya sayo."

Hindi ko na lang sya tinignan at lumingon na lang ako sa napaka gandang mga ilaw sa syudad. Bakit ba kailangan may nasasaktan? Hindi ba pwedeng mabuhay ka ng wala kang nasasaktan na tao?? Hindi ba pwedeng lagi ka na lang masaya??

Nalulungkot ako para kay Kyle at ayoko ng ganito. Ayoko.

"Meron akong isang kaibigan.. Kapag nagkikita kami lagi ko na lang syang nasasaktan, kahit ayoko naman yun." Tumingin ako sakanya at huminto sandali. "Kung ako sakanya, magagalit ako sakin. Kaya lang nginingitian nya lang ako at pagkatapos patuloy na inuunawa."

"Hindi sya nagagalit sayo.. siguro dahil nagkaroon sya ng mga magagandang panaginip dahil sayo, ikaw ang nagbigay sakanya ng mga panibago at magagandang alaala."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos kong marinig yung sinabi nya. Posible nga kayang nakalimutan nya na si Hanna??

Waaaaaaaah!!! Para na kong masisiraan ng bait ditooooo!! Hindi pwede eh!!

"Ang paro-paro hindi nangangarap ng mataas dahil saglit lang ang buhay nya.. Kaya siguro kapag nagmahal ito buong puso. Minsan lang kasi sya pwedeng magmahal."

Wow ang ganda naman nung sinabi nya, pero parang hindi ko maintindihan. Basta alam ko tungkol yun sa pag-ibig period.

 ***

Pagkatapos naming mag-usap hinatid nya lang ako sa bahay tapos nagmadali syang umalis. Ang bilis ng pagpapatakbo nya sa kotse nya. Saan naman sya pupunta ng ganitong oras??

Kinakabahan ako, bakit ba hindi maganda yung kutob ko?? feeling ko may mangyayaring masama.

Waaaaaaaaaaah!! Huwag naman sana.

Tinawagan ko si Destiny kasi masama talaga yung kutob ko eh.

[Oh Lorraine, napatawag ka?]

"Pasensya na kung naistorbo kita, pero pwede mo bang tawagan si Kyle? Puntahan mo naman sya oh."

[Nagtalo ba kayo?]

Ano bang sasabihin ko?? Oo nagtalo kami?


Sasagot na sana ako nang may napansin akong kotse na papalapit dito at ang bilis pa ng takbo. nakaksilaw yung ilaw ng kotse nya at hindi ko maaninag yung driver pero sigurado ako babae sya. Papalapit  sya dito sa direksyon ko..

*Booooooooooooooooooooooooogsh*

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 136 29
Grey Collins has the condition of hyperthymesia which allows him to remember practically every detail of his life with near-perfect accuracy. It is a...
1.5M 1.6K 2
Book 1 of My Wife Billionaire Wife Written by SinyoraKate Date started: 07/20/2014
330K 5.7K 44
I always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad...