Marrying My Boss [Completed]

Από chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... Περισσότερα

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 30: Meeting Him
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 32: Flowers For Her
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 41: Jealous...
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 52: Flashback
Chapter 53: False Issue
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 58: Dreadful Storm
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 63: Respect
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 26: Photograph

334K 3.5K 189
Από chimchimimi

Chapter 26: Photograph

 

EUPHY'S POV

 

For the past 3 weeks, unti unti na rin akong nasasanay sa marriage life na 'to although hindi naman talaga 'kami' mag-asawa.

Hay! Kung alam niyo lang kung gaano kahirap ang kasama siya palagi. May hindi ka lang magawang maganda, papagalitan ka na at sisigawan. Tapos kung may nagawa kang maganda, hindi niya man lang maappreciate.

Halos paulit ulit lang ang ginagawa namin everyday. Gigising ako ng maaga para magluto ng breakfast, tapos papasok ng office. Pag-uwi naman galing office, magluluto for dinner. Feel na feel ko na talaga ang buhay may asawa. Ang hirap pala lalo na kung paano mo pakikisamahan ang 'asawa' mong may pagkasayad sa utak. LOL

Pag weekend naman halos magkakandakuba na ako kakalinis ng condo niya at maglaba ng mga damit namin! The nerve! Nung mag-isa pa nga lang siya dito, nag ha hire siya ng maglilinis ng bahay niya at maglalaba ng mga damit pero bakit ngayon wala na?

Sabi niya kasi, ngayong dito na ako nakatira, hindi niya na daw kailangan mag hire ng mga katulong dahil ako na daw ang gagawa ng mga household chores na iyon. Gawain daw iyon ng asawang babae.

Nakakainis talaga! Buti na lang at sanay ako sa mga gawaing bahay.

At gabi gabi, palagi akong nauuna matulog. I make sure na bago siya pumasok ng kwarto namin para matulog, dapat nakahiga na ako sa kama at tulog na tulog na.

Naalala ko kasi ang nangyari last time. Natakot ako na baka ulitin niya yung ginawa niya sa akin. Muntik na namang may mangyari.

[FLASHBACK]

"Ituloy natin yung naudlot nating honeymoon. Right here, right now"

No! Ayoko! Ayoko! Ayoko!

Nilalapit niya yung mukha niya sa akin. Diyos ko Lord! Alam kong lalaki pa rin siya at may pangangailangan pero hindi ko isusuko ang bataan ko sa kanya. Aba't sinuswerte siya.

Kaya ang ginawa ko bago pa man maaglapat ang mga labi namin..

 

"OUCH!"

Shoot. Mukhang napalakas pa yata.

Namumula na yung mukha niya. Naku! Hindi ko naman sinasadya. Kung tutuusin siya naman ang nagsimula ah.

Ganito kasi yung ginawa ko, gamit ang tuhod ko, tinamaan ko yung ano, yung junior niya.

"S-sorry" Napahiya yata ako dun sa ginawa ko. Naku! Magagalit na naman siya sa akin ng bonggang bongga.

"Euphy!" Tiningnan niya ako ng masama. Talagang galit siya tapos mukhang masakit pa rin yung pagkakatama sa kanya kasi hawak hawak pa rin niya ito.

"Sorry! Kung tutuusin kasalanan mo naman kaya ko nagawa iyon" Tapos dinilaan ko siya.

Umalis siya sa kama. Kinuha ko yung kumot ko at tinaklob ko sa buong katawan ko pati mukha. At natulog na ako.

Nakakaguilty yung ginawa ko but he deserves it! He's a pervert!

[END OF FLASHBACK]

Kaya after ng mga gawain ko sa bahay, agad akong natutulog. Natatakot kasi ako na baka maulit yung ginawa niya and this time baka may mangyari na. NOOOO!

Pero buti na lang after nun, hindi na naulit pa. Siguro naman aware siya na ayaw ko nung ginawa niya sakin.

Nandito ako ngayon sa office. Syempre, anu pa bang ginagawa ko eh di nagtatrabaho. Mukhang susob na naman ako maghapon nito sa trabaho dahil ang daming ginagawa.

Anyway nga pala, mukhang nabawasan ang problema ko. Masaya ako kasi wala nang Aika na aaway sa akin. She was fired last week sa trabaho niya kasi nahuli ni Charles na nakikipagtalik dun sa isa sa mga empleyado sa loob ng office mismo. Galit na galit nun si Charles kasi huwag daw nilang gawing motel ang opisina.

Naalala ko nung nagkwento sa akin si Kelly. Inaway daw ni Charles si Aika para ipagtanggol ako. Pero feeling ko nagjojoke lang siya. Kaso yung ibang empleyado, yun din ang sinabi. So ibig sabihin totoo?

Gusto ko nga sanang magthank you kay Charles kaso nahihiya ako. Baka sabihin nun ang corny ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang bumukas yung pinto ng opisina si Charles.

"Euphy, coffee please" At ayun, bumalik ulit sa office niya.

Yun lang naman pala ang iuutos niya bakit hindi na lang siya ang gumawa ng kape niya?

Lumabas ako ng opisina at pumunta ng canteen para bumili ng coffee. Dalawa na yung binili kong kape kasi balak ko na din uminom.

"Hi Euphy!" Bati sakin nung isang bading na katrabaho ko.

"Hi Nicole" Bati ko rin sa kanya.

"Ang ganda mo ngayon tas' blooming pa! Siguro gabi gabi kang pinaliligaya ni Sir Charles?" Napaubo ako sa sinabi niya.

Ano bang pumasok sa kokote ng lalaki este babaeng ito?

"Uy, joke lang" Tapos tawa siya ng tawa ng nakakaloka. Kung alam niya lang.

"Ikaw talaga, tumigil ka nga!" Suway ko sa kanya.

"Sorry na nga. Basta ha, pag nagkalaman yan.." Hinawakan niya yung tiyan ko, "ninang ako ha!" At umalis na siya.

Hay naku! Huwag na siyang mag expect. Ba't sila asa ng asa na may mabubuo kami ni Charles! Parang gusto kong ipamukha sa lahat na WALA! WALANG MABUBUO! Tss.

Pakabili ko ng kape, bumalik na ako sa office namin at binigay ko na kay Charles yung request niyang coffee. As usual, busy as a bee ang lalaking ito.

Ang dami ko pang gagawin buti na lang para akong nabuhayan nang makahigop ako ng mainit na kape.

Maya-maya biglang bumukas yung pinto at pumasok si Mr. Samonte. Ang vice-president ng kumpanyang ito. Kaedad niya lang ata si Charles.

"Hi Euphy, nandyan si Charles?" Tanong nito.

"Yes, nandyan po Mr. Samonte" Sabi ko sa kanya.

"Huwag mo na ako tawaging Mr. Samonte. Feeling ko ang tanda ko na, just call me by my name, Steve" Sabi niya.

"Ah ok po" He smiled at me at pumasok na sa office ni Charles.

Aaminin ko, gwapo si Mr. Samonte --este Steve at the same time gentleman pero mas gwapo pa rin ang asawa ko. Haha.

Actually, magkaibigan nga sila ni Charles.

CHARLES' POV

May inaasikaso akong paperworks nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok si Steve.

"What brought you here Steve?" Tanong ko sa kanya.

"Masama bang pumunta dito? Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa akin" Umupo siya sa table ko at hinigop yung kape na nakalagay sa mesa ko.

"Ano naman iyon?" Tanong ko habang ginagawa yung trabaho ko.

"Bakit hindi ko alam yung tungkol sa pagpapakasal niyo ni Euphy?"

 

"Bakit ko naman kailangang sabihin sa iyo?"

 

"Ito naman. Parang wala tayong pinagsamahan. Kaibigan naman kita ah" Nagpaparinig yata ang isang ito.

"Alam mo kung wala ka nang ibang sasabihin, umalis ka na. Busy ako oh" Sabay pakita ko sa kanya ng mga ginagawa ko.

"Ito naman. Masama lang yung loob ko na hindi mo sinabi sakin yung madalian mong pagpapakasal sa sekretarya mo. Kung sinabi mo sana napaghandaan kita ng stag party" Tuwang tuwa niyang sabi.

"Puro ka talaga kalokohan. Alis!" Sinigawan ko na siya para malaman niyang gusto ko na siyang umalis dito sa opisina ko.

"Chillax! Pero pare, seryoso, ang swerte mo kay Euphy. Siguro kung hindi mo pinakasalan, malamang liligawan ko siya"

"Anong sabi mo?" Narinig ko yung sinabi niya pero gusto ko lang marinig ulit.

"Joke lang. Selos ka naman" Tapos tawa siya ng tawa. Ano bang nangyayari sa lalaking ito?

Di ko alam pero gusto ko nang umalis ang lalaking ito. Minsan kasi pumupunta lang ito sa office para manggulo.

"Kamusta naman yung honeymoon niyo?" Iyan na nga ba ang sinasabi ko.

Tiningnan ko naman si Euphy. Glass wall lang ang namamagitan sa working area namin kaya nakikita ko siya.

Naalala ko yung gabing iyon na muntik ko nang magawa sa kanya iyon. Muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko. Natutukso lang talaga ako. Isa pa, mahigit isang buwan na akong tigang.

"Ok lang" Walang gana kong sagot. Pagsinabi ko ditong wala pang nangyayari sa amin, malamang pagtatawanan ako nito.

"Oh, bakit parang nakabusangot iyang mukha mo?" Nairita na ako sa kanya.

"Pwede ba umalis ka na! Wala ka bang trabaho?"

 

Tinaas niya yung dalawa niyang kamay.

"Sige na nga, aalis na ako kamahalan. Magkikipagkwentuhan lang naman sana ako" At lumabas na siya ng opisina.

Maging si Steven walang kaalam alam sa set-up namin ni Euphy. Walang pwedeng makaalam nun maliban kay Kelly.

Minsan hindi ko rin maiwasan na hindi maguilty sa ginawa ko sa kanya. Napilitan siyang magpakasal sa isang tulad ko.

Maya-maya, tumawag si Kelly. Sinabi niyang doon na kami magdinner ni Euphy sa bahay dahil nagluto si Mama.

EUPHY'S POV

 

Nandito ako ngayon sa kotse ni Kelly. Papunta kami ngayon sa bahay nila para magdinner. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi si Charles ang kasama ko yun ay dahil siya ay may aasikasuhin pang meeting at pinauna na niya kami ni Kelly.

Tunog ng tunog yung celphone ni Kelly pero hindi niya sinasagot.

"Kelly, hindi mo ba sasagutin?" Sabi ko sa kanya. Sunud-sunod kasi yung pagtawag, baka importante.

"Ah, hayaan mo yan. Mga walang magawa sa buhay iyan" Bitter niyang sabi.

"Bakit sino ba iyang tawag ng tawag sayo?" Tanong ko.

"Aba, ewan ko. Tawag ng tawag sa akin tapos tinatawag pa akong babes" Halatang naiinis siya.

"Baka admirer mo"

 

"Hindi no. Stalker ang tawag dun" Sabi niya.

Nakarating din kami sa bahay nila at tuwang tuwa naman si Mama at Papa na makita ako.

"Euphy, it's nice to see you again" Sabi ni Mama sabay yakap sa akin.

"Hi Mama! Hi Papa!" Bati ko sa kanila.

"Si Charles?" Tanong ni Papa.

"Susunod na lang daw siya. May meeting pa kasi siya dun sa mga investors" Sagot ni Kelly sa tanong ni Papa.

"Dapat hindi ka pinababayaan ni Charles lalo na't kasal na kayo. Pwede namang hindi siya ang kumausap dun" Sabi ni Mama.

Pumasok na kami dun sa bahay nila. Hihintayin namin si Charles para sabay sabay na kaming magdinner.

Nagstay na muna kami sa living room nila at pinakita sakin ni Mama yung mga picture ni Charles nung bata pa siya.

Wow! Di ko akalain na ang cute niya pala nung bata pa siya. Basta, ang cute cute niya!

Ang dami niyang picture! Ang cute! Mukhang masayahin siya nung bata pa siya, bakit nung pagtanda niya ang sungit na niya.

May picture din siya na bungi siya. I think 5 years old pa lang siya dito. Gindi ko mapigilan ang matawa.

Meron din siyang nude photo pero baby pa siya dun.

Siguro kung magkaka anak kami baka kamukha niya. Teka, ba't ko ba iniisip iyon?

Ang dami niyang picture,tapos may pinakita pa sa akin si Mama na picture ni Charles nung teenager pa siya especially nung high school siya. Nadun na din si Kelly. Ang gwapo at ang ganda nila. Siguro nung time na ito, nasa poder na nila Charles si Kelly.

Napansin ko naman yung isang picture na tuwang tuwa si Kelly habang katabi nito si Charles na nakasmirk at may kasama silang malaking aso?

"Ang cute naman nung dog" Sabi ko. Katabi ko ngayon si Mama at si Kelly naman ay nandun sa kwarto niya.

"Ah, iyan yung pet dog ni Charles at Kelly noong high school sila. Alam mo, mahal na mahal nila iyang alaga nila lalo na si Charles. Nung namatay nga iyan, umiyak pa sila" Kwento sakin ni Mama.

"Ganun ba? Eh ano po bang pangalan niya?" Hindi kaya siya si...

"Danica"

Huh? Akala ko si Danica ay...

Ibig sabihin hindi nagsisinungaling sakin si Charles. Mahal na mahal niya lang ata yung asong iyon.

************************************* 

Sorry if ever na waley siya.. Vote & Comment..pleeeease *puppy eyes*

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

5.7M 55.3K 48
Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang...hindi ito alam ni Jeff. Kaya naman ngayo...
Teach me Primo! Από CeVi

Ρομαντική

146K 1.6K 7
Title : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng...
192 77 12
SYNOPSIS: Na-engganyo si Eren na magbasa ng Zombie Apocalypse Novel, isa sa book collection ng kaniyang pinsan. Dala ng boredom pahapyaw...
6.9M 25K 44
"I love you James kahit paulit ulit mo akong pinapaiyak, kahit ang sakit sakit na." Steffie. Highest rank achieved #1 In Romance