Prince Of The Womanizers (Com...

By IHeartThisGuy

5.5M 129K 14.7K

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto... More

Prince Of The Womanizers
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Womanizer Series
Special Chapter #2 + Sequel

Special Chapter #1

87K 1.8K 170
By IHeartThisGuy

Malakas kong inilapag sa kaharap kong mesa ang hawak kong cellphone.  Iyang Aivan na iyan! Kung hindi niya pa naiwanan ang cellphone niya sa kwarto naming dalawa ay hindi ko pa malalaman ang kabulastugan niya!

Nakakagigil! Humanda sa akin si Aivan pag uwi niya at pag-uwi ko rin sa trabaho ko!

Si Pierce, ang anak naming dalawa ni Aivan ay nasa eskwelahan. Grade 1 na siya ngayong taon.

Pitong taon na ang nakalipas simula ng maikasal kami ni Aivan.

Kinuha ko ang bag ko para sana umalis na ng bahay nang marinig ko abg pamilyar na tunog ng sasakyan mula sa labas.

Napa-irap ako nang masilayan ko mula sa bintana si Aivan na nagmamadaling pumasok dito sa loob ng bahay.

Huminga ako ng malalim at saktong bumukas ang pintuan at nakita ako ang hinihingal na si Aivan.

"S—Sweetheart? Hehehe..."

Inis kong kinuha ang cellphone mula sa lamesa at saka lumapit sa kanya para ipakita ang mga nabasa kong conversation.

"Ah! Kaya pala ginagabi ka ng uwi dahil dito sa Janine na 'to ha?!" Malakas kong isinampal sa mukha niya ang cellphone niyang hawak ko.

Wala akong pakialam kung iPhone XXXX pa iyon!

"Kaya pala gustong-gusto mong hinahatid si Pierce sa school dahil pinopormahan mo pala ang teacher niya?!"

"H—Hindi..."

"Gago! Umalis ka dito sa bahay na 'to! Huwag kang magpapakita sa akin! Letse ka!"

"Sweetheart..." Napakamot siya sa ulo niya at tila natataranta pa, "Sweetheart.. Eh kasi..."

"Hindi ka ba aalis ha?!" Tinanggal ko ang high-heels ko at saka binato iyon sa kanya. Sapol tuloy siya sa mukha niya.

"Umalis ka dito! Letse ka! Alis!"

Mas lalo akong nanggigil at nanginig sa galit nang magsimula siyang maglakad sa palabas ng bahay.

"At talagang aalis ka ha?! Sige! Umalis ka! Pero bago iyon! Akin na ang sinahod mo! Letse ka! Hindi ako papayag na may pera kang dadalhin sa pag-alis mo! Bahala ka sa buhay mo!"

Muli siyang humarap sa akin. Ang mukha niya ay hindi maipinta, "Ayaw mo kasi akong pakinggan..."

"Ulol! Paano kita pakikinggan?! Wala na! Sa conversations pa lang na nabasa ko, malinaw na ang lahat! Babaero ka talaga!"

"Sweetheart naman... Huwag ka namang sumigaw.. Naririnig tayo ng nga kapitbahay."

Ibinigay ni Aivan sa akin ang wallet niya at sinigurado kong wala talaga siyang pera. Bahala siya sa buhay niya kung saan siya pupunta ngayon.

Siya nga itong gumawa ng problema. Hindi naman ako.

"Wala naman akong pupuntahan, sweerheart. Pwede bang sa sasakyan na lang ako? Para aircon? Mainit kasi." Sabi niya na mas lalo kong ikinainis.

"Alis!"

"Okay, Lodi!"

"Alis!"

Sumakit ang ulo ko sa labis na inis kaya naman napasandal ako sa pader. Huminga ako ng malalim at saka tumitig sa kawalan.

Ang lalaking iyon talaga! Simula ng maikasal kami ay babae na talaga ang issues niya!

Pangatlong babae na nga ang Janine na teacher ni Pierce! 'Yung dalawang babaeng nauna naman ay nahuli ko na kasama ni Aivan sa isang magandang restaurant. Kaya lang ay nang sumugod ako ay nalaman kong investor pala ang dalawang iyon sa company nila Aivan.

Paglabas ko ng bahay ay sumalubong agad sa akin ang nagpapa-awang si Aivan.

"Sweetheart.. Pwede bang hatid na kita sa trabaho mo? Para naman—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil sinapak ko na ang mukha niya.

"Alis sabi eh!"

"Aw! Huhuhuhuhu! Sweetheart naman eh! Drugs ka ba?" Nagpapa-awang tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

"Kasi ang lakas ng tama ko sa'yo eh.." Sabi niya sabay nakaw ng halik sa pisngi ko.

Napa-irap ako at siya naman ang tinanong, "Eh ikaw? Drugs ka ba?" Tanong ko sabay ngisi sa kanya.

Ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis, "Bakit? Ganoon ka rin ba sa akin? Huh, sweetheart?" Kinikilig na tanong niya sa akin.

"Hindi! Kasi sinira mo ang buhay ko! Letse! Alis nga! Papasok na ako sa trabaho ko!"

Napahawak sa dibdib si Aivan na tila ba nasasaktan. "Grabe! Ang sakit nun ah!"

Nasa may bandang gate na ako nang muli kong nilingon si Aivan na ngayon ay nakasimangot.

"Energy drink ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang sumigla sa itinanong ko, "Bakit? Ahm... Dahil ba punong-puno ako ng sigla sa pagmamahal ko sa'yo?"

Muli ko siyang inirapan, "Hindi! Mukha ka kasing cobra! Tse!"

Sumakay na ako ng taxi. Gusto ko sanang gamitin ang ginagamit kong sasakyan sa tuwing pumapasok ako sa trabaho, kaya lang ay baka magpumilit pa si Aivan na samahan pa ako sa trabaho ko.

Habang nasa trabaho ako ay panay ang vibrate ng cellphone ko. Hindi ko naman iyon binubuksan kaya ang ginawa ko ay pinatay ko na lamang ang cellphone ko.

Malamang, si Aivan iyon.. Nangungulit na naman.

"Avygail... Kanina pa pasulyap-sulyap dito ang asawa mo.. Nahihiya yatang pumasok." Sabi sa akin ng kaibigan kong si Ellie.

Tumingin ako sa may labas at nakita ko nga si Aivan na humihikab habang nakasandal sa pader. Nang mapansin niya na tinitignan ko siya ay kumaway siya at matamis na ngumiti.

"Grabe! Saan ka pa ba makakahanap ng ganyang ka-gwapong asawa?" Sabi ni Ellie na ikinatawa ko naman.

"Sus! Iyang asawa kong iyan, loko-loko iyan."

Hanggang sa matapos ang trabaho ko ay nakabantay pa rin si Aivan sa may labas. Naabutan ko pa nga siya na kausap ang mga guards. Mukhang nagkamabutihan na sila.

"Ah! Ayan na pala ang asawa ko mga pare... Sige! Sa susunod ulit ha?"

Wala na akong nagawa nang akbayan ako ni Aivan, palabas ng building.

"Swetheart... Sabay na nating sunduin si Pierce sa school." Sabi niya sa akin.

Wala akong imik habang siya naman ay pasipol-sipol habang nagmamaneho na tila ba walang ginawang kalokohan.

Nang makarating kami sa school ay agad kong nakita si Pierce na palabas ng classroom nila at halos mamilog ang mata ko sa pagkagulat nang makita ko si Eric na nakaluhod habang hawak akong kamay ni Teacher Janine.

Si Eric.. Siya ang isa sa kaibigan ni Aivan simula pa noong nasa elementary pa lamang siya.

Napatingin ako kay Aivan na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Tinutulungan ko lang si Eric kay Teacher Janine... Matagal nang humihingi ng pabor sa akin si Eric.. Kaya tinulungan ko na.. Hindi ko naman inaasahan na mamasamain mo ang pag-text ko kay Janine ng ISANG beses." Natatawang sabi niya sabay akbay muli sa akin.

"Ikaw sweetheart.. Payag ako na awayin mo ako, payag ako sa lahat.. Basta kailangan, hindi ka magsawa sa akin.. Sa mukhang ito! Basta mahal mo ako lagi.. Kasi ako, mahal na mahal kita. Sobra..."

Napangiti ako at sabay yakap sa kanya.

"Ikaw kasi! Akala ko nang bababae ka!" Natatawang sabi ko.

"Sweetheart. Simula nang maikasal tayong dalawa. Nangako ako kay God at pati sa sarili ko na kailangan ko ng baguhin ang lahat, kasal na ako at dapat ay nakapokus lang ako sa iisang babae. Ito ha... Tandaan mo. Ginagabi ako ng uwi dahil pinaghahandaan ko ang anniversary nating dalawa. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin pa dahil ginagawa ko iyon para sa anniversary natin. Hindi ako nakikipagkita sa kahit na sino pang babae. Sa'yo lang, at kay Mama.." Inilapit niya ang mukha niya sa akin bago muling nagsalita, "Kahit na anong mangyari, mahal kita.. Simula pa lang na magkaroon ako ng isip. Ikaw na agad ang itinibok ng puso ko. Ikaw na ang isinisigaw ng puso ko. Kaya sweetheart. Hindi ako magsasawang sabihan ka ng mahal kita, dahil mahal na mahal kita."

Tumawa ako sabay halik sa labi niya, "Mahal din kita, Aivan."

"Woah! Mama, Papa! Tapos na kayo?"

Mas lalo akong napatawa nang bumitaw sa pagkakadikit ng labi namin si Aivan at saka mabilis na niyakap si Pierce.

"Baby ko... Mahal ko kayo ni Mama."

******
Happy 1 Million Reads!

Continue Reading

You'll Also Like

199K 3.8K 21
Dice and Madisson
15.2M 292K 58
Kung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possi...
3.2M 73K 49
Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at t...
10.5K 482 26
Simple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad a...