Kabanata 50

90.6K 1.8K 198
                                    

"Sweetheart? Paki-kuha mo nga 'yung cellphone ko.. Baka kasi nag-text na si Mama." Utos ni Aivan sa akin.

Nasa tabi ko lang naman ang cellphone ni Aivan. Ngayon ay nasa biyahe kami patungo sa garden kung saan gaganapin ang kasal namin na dalawang linggo pa naman mula ngayon.

Halos tatlong buwan na ang nakalipas nang mangyari ang isang trahedya sa amin.

Trahedya na halos baguhin na ang buhay ko.

Ngayon; kahit iba na ang mata ko ay hindi pa rin naman nagbabago ang pagkatao ko. Mahal ko pa rin naman ang mga taong nasa paligid ko.

Mata lang naman ang nagbago sa akin, hindi ang puso.

Sabi ni Aivan sa akin. Maswerte daw ako dahil may nagdonate pa ng mata sa akin. Babae ang nagdonate ng mata, isang modelo ngunit namatay rin dahil sa kanyang sakit.

Ang daming nangyari sa buhay ko at sa sobrang dami ay halos hindi ko na kayang isa-isahin pa iyon ngayon.

Si Aivan, siya ang lakas ko kaya hindi ko kakayanin kung mawawala pa siya sa tabi ko.

"Nakakainis si Allen! Inasar akong supot eh tuli na nga ako!" Nilingon ko si Aivan na nagmamaktol habang nagmamaneho.

Napatawa naman ako sa ikinaiinis niya, "Sure ka bang tuli ka na?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo ni Aivan at saka ako binalingan ng tingin, "Pinagdududahan mo ba ang pagkalalaki ko? 'Yan nga! Ang laki na nga ng tiyan mo dahil binuntis kita, tapos di ka rin naniniwala na tuli ako?"

Mas lalo akong napatawa, "Parang hindi ko alam, sweetheart."

Tumango-tango naman siya, "Ah ganon." Sabi niya at itinigil niya ang sasakyan sa isang tabi.

Nagulat na lang ako nang ibaba niya ang zipper niya at saka aktong ibaba rin niya ang brief niya nang sumigaw ako.

"Letse ka, Aivan!" Sabi ko sa kanya habang nakapikit. "Joke lang!"

Siya na ngayon ang tumatawa. Paiba-iba talaga ng mood ang lalaking ito.

"Alam mo.. Hindi na talaga ako makapaghintay sa kasal nating dalawa." Sabi niya habang ipinagpatuloy naman ang pagmamaneho.

Tumango ako, "Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa araw na iyon. Huwag kang mambababae ha? Dahil magagalit kami ni Pierce sa'yo." Sabi ko pa sa kanya.

Nitong buwan lang namin nalaman na lalaki ang magiging anak namin ni Aivan kaya naman tuwang-tuwa siya. Marami daw kasi siyang ituturo sa anak namin.

Naisipan na nga rin naman ang ipapangalan namin sa anak namin. Pierce Marcus Gonzales. Pierce dahil iyon ang naisip ko, nagagandahan kasi ako sa pangalang iyon. Mabuti na nga lang at hindi na kumontra si Aivan dahil gusto rin niya ang Pierce.

Ang second name naman ng anak namin ay Marcus. Galing ang pangalan na iyon sa second name rin ni Aivan na Aivan Marcus Gonzales.

Excited na ako na isilang ang anak namin na sigurado naman ako na ganoon din si Aivan. Mas excited pa nga siya kaysa sa akin.

Walang araw na wala siya sa tabi ko. Mas lalo siyang naging doble ingat sa amin ng baby namin dahil syempre ay ayaw na naman niyang maulit ang nangyari sa akin at ako din naman, ayoko nang maulit ang nangyari noon.

Si Stacey ay matagal nang nailibing pero hindi naman kami pumunta sa lamay niya.

Ang Papa naman ni Stacey ay nahuli na ng mga pulis dahil malakas ang ebidensya nito sa maraming kasalanan.

Si Daddy Blake, CEO pa rin ng company nila. Habang si Tita Cassandra ay nananatiling doktor sa isang private hospital.

Si Allen, Grade 8 na sa darating na pasukan. Maloko na rin ang batang iyon katulad ng Kuya Aivan niya, pero sana ay huwag naman siyang magmana kay Aivan.

Si Papa ko naman ay Senior Manager na sa isang company at medyo nakaka-recover na siya sa pagkawala ni Mama.

Ako?

Gusto kong magtrabaho pero pinagbawalan ako ni Aivan. Sabi niya ay siya daw dapat ang nagtatrabaho sa aming dalawa dahil siya ang lalaki.

Katunayan nga ay siya ang President sa company ni Daddy Blake, habang si Daddy naman ang CEO.

Natutuwa nga ako kay Aivan dahil sa halos ilang buwan na niyang pagtatrabaho ay hindi siya sumablay sa pagbibigay ng kanyang sahod sa akin.

Ako kasi ang nagba-budget ng gastusin sa aming dalawa, habang siya lang ang nagtatrabaho. Wala eh, ayaw niya naman akong magtrabaho.

Magkasama na rin kaming dalawa ni Aivan sa iisang bahay. Iyon 'yung ipinagawa.niyang bahay na proud na proud pa siya dahil pinaghirapan niyang maipagawa iyon.

Kaya nga para sa akin, hindi man perpekto pero swabe. Masarap sa feeling na kasama ko si Aivan. Nakakagaan ng loob kapag kasama ko siya.

Iba talaga kapag ang taong mahal mo ang lagi mong kasama.

"Sweetheart... Gusto mo bang malaman kung kailan pa ako nainlove sa'yo?" Tanong sa akin ni Aivan bagamat sa kalsada siya nakatingin.

"Okay sige... Kailan ka naman nainlove sa akin?"

Ngumiti naman siya, "Hulaan mo po...."

"Uhm.... Noong college na tayo?"

"Nope."

Napa-isip ako, "High school?"

"Nope. Gusto kong malaman mo 'yung scenario. 'Yung araw na narealize ko na mahal pala talaga kita."

"Eh!" Napa-nguso naman ako, "Hindi naman ako manguhula ano?! Sabihin mo na lang!"

"Kunin mo nga 'yung cellphone ko sa kwarto ko!" Pabulyaw na utos sa akin ni Aivan kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

"Huh?! Baliw ka ba?! Kabibigay ko lang ng cellphone mo sa'yo ah?!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi mo na ako naririnig, Avygail huh?! Sinabi ko.... Kunin mo 'yung cellphone ko sa kwarto!" Sabi pa niya.

Sa inis ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya nabatukan ko na siya, "Isa, Aivan! Masasampal kita!"

Napakamot naman siya ng ulo niya at muling napabuntong hininga, "Ang hina ng I.Q mo sweetheart. Binibigyan na nga kita ng clue." Sabi niya na ikinatigil ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Napakagat siya sa labi niya bago nagsalita, "Simula pa noon, mahal na kita. Kahit na lagi kitang inaaway, mahal na kita. Ayaw naman talaga kitang awayin... Ang kaso... Hindi mo naman ako pinapansin, kaya gumagawa ako ng way para mapansin mo ako." Sabi pa niya sa akin.

"Ibig sabihin... Bata pa tayo, may mahal ka na?"

Proud siyang tumango. "Yep! Suwerte ka, ikaw ang babaeng iyon."

Napa-irap naman ako, "Punyeta ka! Araw-araw mo akong inaaway non tapos mahal mo naman pala ako!"

Natatawa na lang siya.

"Basta, gagawin ko ang lahat para maging perfect daddy sa baby natin at maging perfect hubby na rin sa'yo."

Napangiti ako, "Aasahan ko iyan.. Dahil ako, pipilitin kong maging perfect mommy para sa kay baby at perfect wifey naman para sa'yo."

Napansin ko ang pamumula ng tainga niya, tanda na kinikilig na naman siya. Kaya hinalikan ko ang pisngi niya kaya mas lalo pa iyong namula.

"I love you, Aivan.."

"Mahal na mahal din kita.. Sobra."

"Next POV, ikaw na ha?" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Yup. Marami din kasi akong ike-kwento. Kaya... Ako na sa next point of view."

"I love you ulit!"

"Walang katapusang, I love you!" Sagot niya na ikinatawa ko naman.

"I love you! Sobra pa sa sobra!"

"Tsk! Mas mahal sabi kita eh!"

✖️✖️✖️✖️✖️

Add me on facebook: Iheartthisguy WP

Twitter: @Iheartthisguy

Thank you!

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon