Kabanata 49

75K 1.8K 797
                                    

Hindi ako iniwanan ni Aivan, kahit na sa tingin ko ay nahihirapan na siya dahil hindi ako nakakakita ay wala pa rin siyang patid sa kakaasikaso sa akin.

Ngayon ay araw ng miyerkules. Kasama ko si Aivan ngayon at nasa bahay kami nila Daddy Blake.

May magandang balita sa akin si Aivan. Sabi niya ay hintayin ko lang siya na matapos maligo at pagkatapos ay saka niya sasabihin ang 'good news' na sasabihin niya.

"Sweetheart? Kakatapos ko lang na maligo. Ano pang gusto mo? Gutom ka ba ulit? Huwag kang papagutom kasi ayaw ko na magutom ka." Sabi niya sa akin.

Tumango naman ako, "Paulit-ulit ka naman, Aivan eh. Kanina pa ako kain ng kain. Nakainom na rin ako ng vitamins." Sabi ko pa sa kanya.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin, "Gusto mo na bang malaman ang good news?"

Muli akong tumango, "Sana good news nga iyang sasabihin mo." Sagot ko pa sa kanya.

"Nakahanap na kami ng magdodonate ng mga mata sa'yo." Sabi ni Aivan na halos ikatigil ng mundo ko. "Haaaayyyy... Salamat at makakakita na rin ang mahal ko." Buntong hininga ni Aivan sa tabi ko.

Hindi mapasidlan ang tuwa ko. Para bang nawala ang lahat ng problemang iniisip ko nang sabihin ni Aivan sa akin ang magandang balitang iyon.

"Teka? Eh, sino naman ang magdo-donate ng mata?" Kunot-noong tanong ko kay Aivan.

Biglang tumahimik ang paligid. Tanging tunog lamang ng aircon ang naririnig ko at wala nang iba ngunit saglit lamang iyon dahil muli na naman siyang nagsalita.

"Sa ngayon, huwag na lang muna nating alamin. Basta ang mahalaga, makakakita ka na."

Naramdaman kong muli ang pagyakap niya kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit, "Salamat, Aivan... At kung sino man ang magdodonate ng mga mata sa akin. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya."

"At kung sakali na naririnig ka nga ng magdodonate sa'yo ng mga mata. Tiyak ako na maiiyak iyon sa tuwa." Sabi pa ni Aivan sa akin.

"Maraming salamat at hindi ka sumuko, Aivan. Hindi mo ako sinukuan. Kaya mahal na mahal kita, walang magbabago."

"Kahit na hindi mo sabihin at kahit na hindi mo na itanong. Mahal kita. Iyon ang totoo. Walang halong biro."

Araw ng operasyon, Lunes.

Sobra ang kaba ko habang nasa operating room ako. Ngayon kasi ang araw ng operasyon ko, sobra ang kaba ko dahil wala naman si Aivan sa tabi ko.

Kahapon naman ay magkasama pa kami ni Aivan, ngunit iyon na ang huli. Hindi na siya sa akin nagpakita hanggang kanina.

Kaibigan ni Tita Cassandra ang tutulong sa akin,  matagal na niya akong kilala kaya hindi naman ako nahihiya.

"Tuturukan lang kita ng pampatulog, Avygail. Sa ngayon, mag-relax ka na lang muna." Tinurukan na niya ako ng pampatulog kaya iyon na lang ang huli kong naaalala.

Weeks after.......

Ito na ang araw kung saan aalis na ang mga gasa at benda na nasa mga mata ko. Sobra ang kaba sa puso ko, dahil hindi ko alam kung naging successful ba ang operasyon, pero nananalangin ako na sana ay successful nga para matapos na ang problemang ito.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Avygail?" Ang tanong sa akin ng doktor.

"Wala naman po akong ibang nararamdaman bukod sa kinakabahan ako. 'Yun lang naman po." Sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa ng Doktor, "'Wag ka masyadong kabahan, Avygail. Tiyak ako na matapos kong matanggal ang gasa at benda na nasa mata mo ay makakakita ka na ulit."

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon