Kabanata 7

121K 3.3K 720
                                    

Kinakabahan akong sumunod kay Daddy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinakabahan akong sumunod kay Daddy. For the nth time, ngayon ko lang ulit nakita na ganito siya kagalit. Nakakatakot siyang magalit, nakita ko na kasi siyang magalit noon kay Aivan, mayroon din namang pagkakataon na napapagalitan ako pero hindi naman ganitong katindi. Si Tita Cassandra naman ay naiwan sa labas habang kinakausap si Aivan.

Halos hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng mga narinig ko kanina. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na pupunta na palang Amerika si Aivan at doon na mag-aaral pati maninirahan.

Sa katunayan ay talagang lumuwag ang pakiramdam ko sa narinig ko kanina, sa tingin ko ay mas okay na talaga na malayo siya sa akin para mas maging matahimik ang buhay ko. Wala kasi akong naaalala na naging matahimik ang buhay ko sa araw-araw dahil lagi niya akong ginugulo.

Sa narinig ko kanina, gusto raw akong isama ni Aivan sa Amerika? Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. Hindi naman ako magpapauto sa kalokohan niya dahil alam ko na ang pakulo niyang iyon. Gusto lang niya akong isama sa Amerika dahil wala siyang mapagti-tripan sa tuwing siya ay bored.

"Nakikinig ka ba sa akin, Avy?"

Napabalik ako sa tamang katinuan namg marinig ko ang ma-awtoridad na boses ni Daddy na ngayon ay hawak ang laptop ni Aivan.

Nasa kusina kami, kaya naman ipinatong ni Daddy ang laptop ni Aivan sa dining table.

"Halika.... Tingnan mo ito." Sabi niya sa akin habang tila may pinipindot sa laptop ni Aivan, "Gawin mong bukas ang isipan mo para sa bagay na makikita mo, Avy... Ipapakita ko sa'yo ang mga ito, para maka-iwas ka. Naintindihan mo ba?" Sabi niya sa akin.

Tumango ako at lumapit sa kaniya.

Binalingan ko naman ng tingin ang laptop na ngayon ay may naka-play na video. Ang nakikita ko sa video ay kama, 'yon lang at wala nang iba... pero ilang sandali pa ay may humigang hubad na babae at sunod naman ay si Aivan, kaya nanlaki ang mata ko sa aking nakita at pagkatapos ay agad kong tinakpan ng palad ko ang aking mata.

"Tingnan mo nga naman ang kalokohan nang gagong 'yon! Gagawa-gawa ng video kasama ng iba't-ibang babae." Ani Daddy habang pailing-iling na nakatingin sa laptop.

Hindi ko na tinignan pa ang laptop at kay Daddy na ako tumingin. Hindi naman kasi ako mapalagay sa nakikita ko lalo na at may nakikita akong walang saplot na babe at lalaki.

"Anim na video ito, Avygail.... Anim na video kasama ng iba't-ibang babae." Sabi pa sa akin ni Daddy habang tila may pinipindot na naman ng kung ano sa laptop. "Sa dinarami-rami ng pwedeng manahin ng anak ko sa akin. Ang ugali at kalokohan ko pa! Nak nang pucha nga naman oh!"

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon