Kabanata 28

84.1K 2K 165
                                    

Napalalim ang tulog ko, hindi ko namalayan na alas-nuebe na pala ng umaga. Ngayon ay araw ng sabado kaya walang pasok. Nandito ako ngayon sa bahay, si Papa naman ay nasa hospital ngayon. Mamayamaya lang din naman ay pupunta na ako sa hospital para bantayan ang Mama ko at para naman makapagpahinga na rin muna si Papa.

Matapos kong magsipilyo ay bumaba na ako sa kusina para sana ihanda ang umagahan ko pero halos lumuwa ang mata ko nang makita ko si Aivan na kakamot-kamot sa ulo habang tinititigan ang isang pagkaing nakahanda na.

Pritong itlog lang ang nakita ko at sinangag. Hindi lang basta pritong itlog, kulay black na kasi iyon, at 'yung sinangag naman? Ah basta.

Gusto kong sigawan si Aivan kung bakit hanggang ngayon ay nandito siya. Oo nga pala, nakitulog nga pala si Aivan dito kagabi dahil inabutan siya ng malakas na ulan sa kalsada, na-flat din ang gulong ng sasakyan niya kaya no-choice, dito nga siya natulog kagabi.

Sobra-sobra pa ngang sermon ang ginawa ko sa kanya kagabi. Alam ko naman na tuwang-tuwa si Aivan na dito siya mago-overnight sa bahay namin. Matagal na niya kasing gustong mangyari iyon, kagabi lang natupad.

Sa kulit ni Aivan kagabi ay panay ang sermon ko sa kanya. Halos lahat na lang ng makita niya ay gusto niyang pakelaman, kaya hayon at pinagalitan ko na kagabi.

Dati, hinahayaan ko pa na matulog si Aivan sa tabi ko.. Pero ngayon, hindi na.. Sa sofa ko siya pinatulog kagabi dahil ayoko siyang makatabi sa Kama. Ang daldal kasi! Alam ko namang nanlalambing lang siya sa akin pero basta... Ayoko lang na makatabi siya sa kama.. Dahil kapag naiisip ko 'yung mga nakita kong nangyari noon saka ng mga babae niya na kasama niya.

"G—Good Morning.. Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Aivan nang makita niya ako.

Umiling ako, "Ano na namang ginawa mo?"

Itinuro naman niya ang mga nakahaing pagkain sa mesa.

"Naghanda ako ng almusal nating dalawa, Uhmm..... Sabay na tayong kumain."

Nang makalapit ako sa mga pinaggagawa niya sa Kusina ay napapikit na lang ako. Kaya pala medyo nakaka-amoy ako hanggang ngayon na tila may nasusunog, kasi nasunog din pati ang itlog na pinrito niya!

Ang kalat pati ng kusina, para tuloy iyon dinaanan ng malakas na bagyo. Hay nako... Kahit kailan talaga itong si Aivan. Magaling lang kapag sa babae! Pero pag sa gawaing bahay? Wala na.

"Ano na namang ginawa mo dito sa kusina? Ako paglilinisin mo niyan?" Rude mang pakinggan pero nakakainis na kasi. Hindi ko naman siya pinaglukuto, at isa pa hindi ko naman talaga sasabihin sa kanya na magluto siya dahil alam kong papalpak na naman iyon.

Nang mapadako ang tingin ko sa kanya ay nakita ko siyang nakayuko lang, "A—Ako naman maglilinis niyan, eh."

Umupo na ako sa silya at si Aivan naman ay umupo na rin sa silyang nasa harapan ko. Nang balingan ko ang pagkain ay napangiwi ako pero napatigil ako nang makita ko ang isang pulang rosas sa tabi ng plato at may nakita rin akong chocolate na toblerone pero.... Bakit bawas na?

Napatingin naman ako kay Aivan na ngayon ay ngingiti-ngiti habang ninanamnam ang pagkain na niluto niya.

Nakita ko sa tabi ng plato niya ang kalahati ng toblerone.

Kaya naman pala...

Ewan ko ba, pero pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, at sa pagkakataong ito. Siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon