Kabanata 8

124K 3.1K 1.5K
                                    

Magsasalita pa sana ako pero dahil narinig namin ang tunog ng katok mula sa pintuan ay napatigil kaming dalawa. Parehas kaming napatingin sa pinto.

"Avy?" Boses iyon ni Daddy!

Nagpalitan kami ng tingin ni Aivan na ngayon ay paulit-ulit na napapalunok.

"Avy?! Nandiyan ka ba? Si Aivan ay wala sa kwarto niya." Si Daddy ulit iyon, "Yaya Marina, Kunin mo ang spare key ng kwarto ni Avy!"

Agad kong binalingan si Aivan nang tingin, nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa kanya. Tumayo ako at agad na tinignan ang ilalim ng kama ko, nang masigurado kong walang laman iyon ay agad kong itinuro iyon kay Aivan.

"Dito ka sa ilalim.." Kinakabahang sabi ko sa kanya.

Mabilis rin naman niyang isinunod iyon, pumailalim siya sa kama habang ako naman ay bumalik sa pagkakahiga at nagpanggap na lamang na tulog.

Ipinikit ko ang mata ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto, "Avy?"

Pinilit kong magpanggap na tulog pero habang ginagawa ko iyon ay sobra ang kabang nararamdaman ko, dahil paano nalang kaya kung makita ni Daddy si Aivan sa ilalim ng kama ko? Tiyak na pagagalitan rin ako.

"Eh tulog naman pala si Avy, Sir..." Rinig kong sabi ni Yaya, "Si Aivan lang pala ang wala.... Naku! Ang batang iyon, saan naman kaya pumunta."

"Huwag na nating istorbohin si Avy dahil mukhang mahimbing naman ang pagkakatulog niya." Sabi ni Daddy.

Paglabas nila ng kwarto, sinigurado ko muna na wala na talaga sila bago ako tumayo mula sa pagkakahiga at tinignan si Aivan na ngayon ay tahimik na nakatago sa ilalim ng kama ko.

Paglabas niya mula sa kinatataguan ay napaupo siya sa kama ko, kinuha niya ang kumot ko at ipinunas iyon sa pawis niya.

Napailing na lamang ako sa ginawa niya.

Pagkatapos niyang magpunas ng pawis ay binalingan niya ako ng tingin na may tila pagpapaawa pa ang mukha niya, "Hindi ka ba talaga sasama sa akin? May pera naman ako, eh. Mag-aaral ka pa rin naman, lalayo lang tayo dito."

Agad akong umiling bilang sagot.

Pansin ko ang pagbagsak ng balikat niya sa pag-iling ko, "Okay sige.... Ganito na lang." Sabi niya at inihila ang kamay ko paupo sa tabi niya.

Napalunok ako sa ginawa niya, para bang awtomatiko akong naging sunud-sunuran sa ginawa niya. Nananatili pa ring nakahawak ang kamay niya sa kamay ko hanggang sa muli siya magsalita.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

Napalabi siya bago magsimula, para bang nahihiya siya na ewan... Siguro dahil mukhang napiilitan lang siya — Hindi ko alam. "I—Ito na lang kasi ang naiisip ko para manatili dito."

"Ano?" Tanong kong muli sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok niya at napakagat sa labi, "Bubuntisin kita, Kapalit non ay——" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil biglang may lumanding na kamao sa mukha ni Aivan.

Sobra ang gulat ko nang makita ko si Daddy na ngayon ay galit na galit na nasa harapan namin. "Gago ka talaga! Alam mo ba kung ano 'yang pinagsasasabi mo ha?! Hindi mo na naisip!"

Lumapit ako kay Daddy at inawat siya, "T—Tama na po...."

Tila nahimasmasan naman si Daddy sa ginawa niya kay Aivan. "Yaya, ihatid mo si Avy sa kwarto namin ni Cassandra." Sabi ni Daddy kay Yaya sabay baling ng tingin sa akin, "Avy... Sa kwarto ka namin matulog."

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon